nagising ako pagkatapos balikan ang nakaraan hindi ko alam kung bakit napapadalas na naman ang mga ganoong panaginip ko. Napatingin ako sa orasan gusto ko malaman kung anong oras na ba.
2:00 am
hindi ko alam kung gusto ko pa bang matulog o hindi na baka bumalik na naman kasi ang mga panaginip. Magiisip na lang ako ng pwedeng gawin.
Magluluto na lang ako.
pero hindi ko alam kung anong lulutuin ko.
ano kaya paborito niyang pagkain?
naisipan ko na lang magluto ng adobo kung hindi niya magustuhan ako na lang kakain magisa. pagkatapos kong magluto at kumain ng kaunti naisipan kong maligo na para makapasok ako ng maaga.
pero nagulat ako pagbaba ko nasa baba na siya.
"good morning!" masayang bati niya.
"morning" bati ko pabalik.
"kumain ka na?" tanong niya.
"oo kumain na ako" i answered.
"tara pasok na tayo" sabi niya saka binuksan ang sasakyan niya.
"okay." yun lang ang nasagot ko at pumasok sa sasakyan niya.
parehas kaming tahimik habang papunta sa school hindi rin naman talaga ako masalita kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"ahm.." sabay naming sabi.
"you first" sabi niya.
ngumiti ako bago magsalita. "may niluto akong pagkain. kumakain ka ba ng adobo?"
bigla naman siya napangiti ng malaki. "yeah oo kumakain ako. Lunch?"
tumango ako. "pasasalamat ko na din"
napahawak naman siya sa batok niya. "ano ka ba wala yun"
tumahimik na ulit ako hindi ko alam kung anong sasabihin ko alam ko naman sa sarili ko na malaki talaga ang natulong niya sakin. Pero alam ko naman kung bakit niya ito ginagawa kasi dahil may gusto siya sakin dapat ko bang hayaan ang sarili ko.
"we're here!" sabi niya.
"salamat" sabi ko.
ngumiti lang siya bago kami bumaba agad naman niya akong sinalubong pagkababa niya.
"lib?" pagcompirma niya.
"oo" maiksi kong sagot.
"okay!" nakangiti niyang sabi.
pagkadating namin sa lib hindi muna siya umalis kaagad tinulungan niya muna ako sa mga gagawin ko pero nung time na para sa practice nila ay umalis na siya magkita na lang daw kami sa lunch. hindi naman gaanong maraming estudyante sa lib kaya hindi masyado maraming libro ang kailangan kong ibalik pero parang ang bilis ng oras dahil isang oras na lang ay lunch na.
sana tama talaga itong desisyun ko na payagan siyang lumapit sakin.
"hey!" bati niya sakin.
"saan tayo?" tanong ko.
"jan na lang sa gilid ng lib tutal may food na tayo. bumili na din ako ng drinks" nakangiti niyang sabi.
"okay" sabi ko sa kanya saka pumunta sa gilid ng lib habang dala ko yung plastic container.
"sana magustuhan mo" binuksan ko yung lagayan ng adobo saka kanin.
"wow! ang bango naman bigla akong nagutom" masayang sabi niya bago sumubo.
"masarap ba?" nagaalinlangan kong tanong.
"oo naman! sobrang sarap nga eh" excited niyang sabi.
hindi ko namamalayan napapangiti na pala ako. "buti naman at nagustuhan mo"
"siyempre pinagluto mo ako saka ito ang unang niluto mo para sakin. bukas ulit ah!" masaya niyang sabi.
"pero..." napatingin siya sakin.
"please....." pangpapacute niya.
"sige na nga" pagsuko ko hindi ko kasi matanggihan.
"thank you!" sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
naestatwa ako sa ginawan niya. "B-Bakit mo ginawa y-yun?"
napakamot siya ng batok. "sorry sobrang naexcite ako pero gusto ko yung ginawa ko"
"k-kumain ka na nga jan" natatarantang sabi ko.
"ikaw kumain ka na din oh" sabi niya habang nakalahad sakin ang kutsara na ginagamit niya.
napatitig ako sa kanya. "oh dali na baka mahulog"
binuka ko na lang ang bibig ko at tinanggap ang binigay niya. "sarap diba?"
ngumiti na lang ako saka nginuya ang pagkain pero hindi mawala sa isip ko ang ginawa niya pati na rin ang paghalik niya sakin kanina.
"grabe! sobrang busog ako yare ako nito kay coach hahahahaha" masaya niyang sabi.
"mahilig ka ba sa gulay?" tanong ko.
"vegetables? not really pero baka kapag niluto mo mapakain ako" natatawang sagot niya.
"okay sige lulutuan kita ng gulay" sabi ko.
"what?! but i think i prefer pork na lang" nakangiwi niyang sabi.
"mas makakabuti ang gulay para sayo" sagot ko.
"baby please i'm not a fan of vegetable" pagmamakaawa niya.
tiningnan ko siya. "damn! fine i'll eat gulay"
lihim akong napangiti pero biglang bumalik sakin yung tawag niya
"anong sabi mo kanina pala?" kinakabahan kong tanong.
"what?" nagtatakang tanong niya.
"yung tinawag mo sakin?" hindi ako makatingin sa kanya.
"look at me first" sabi niya sakin.
nilingon ko siya. "i call you baby"
"b-bakit?" nauutal kong sabi.
"because...i like you" nakangiti niyang sabi.
"g-ganun ba yun?" matapang na sagot ko.
"yeap! i'll wait until you like me back" determinadong sabi niya.
"okay" maiksi kong sagot.
naging maayos naman ang lahat ng buong araw hanggang sa mga class ko pero tinext ako ulit ni tita para ipaalala sakin na kailangan ko na umalis sa lib at siya na raw ang bahala sa mga iba ko pang gastusin.
bukas na lang ako magsasabi sa head librarian kahit gusto ko man ituloy ang pagtatrabaho kaso ayaw na talaga ni tita.
"let's go?" masayang sabi niya.
mukhang kanina niya pa ako hinihintay.
"kanina ka pa?" nagaalalang tanong ko.
"nope" nakangiti niya sabi.
"sigurado ka?" tanong ko ulit.
"hindi nga kakarating ko lang" sagot niya.
"okay" lumapit na ako sa kanya.
nagsimula na kaming maglakad papuntang parking lot pero hindi ko alam kung bakit pero laging nagkakabanggan ang mga kamay namin. para akong nakukuryente sa tuwing magtatama sila.
"i can't take it anymore. sorry but i will hold your hand" without second thought hinawakan niya ang kamay ko.
pero bigla akong napatigil. "why?"
napatitig ako sa kanya. "w-wala"
ngumiti siya. "then let's go"
naglakad na kami ulit pero parang may mga nagwawala saking tiyan at hindi ko rin mapigilan makaramdam ng saya.
"where do you want to eat?" tanong niya pagkapasok sa sasakyan niya.
"kahit saan" sagot ko.
"how about we cook?" suggestion niya.
"marunong ka bang magluto?" tanong ko.
napakamot naman siyang ulo niya. "nope"
"eh bakit gusto mo magluto hindi ka naman pala marunong magluto" nakatitig kong sabi sa kanya.
"tutulungan lang kita...gusto ko kasi ulit kasing matikman yung luto mo" nahihiyang sabi niya.
"masarap ba talaga?" paninigurado ko.
"oo! sobrang sarap promise" tinaas pa niya yung kamay niya para maniwala ako.
"kailangan natin bumili ng mga ingredients" sabi ko.
nanlaki mga mata niya. "talaga? ipagluluto mo ulit ako?"
"oo sabi mo kasi masarap" nakangiti kong sabi.
tumango siya habang nakangiti ng makasakay na kami sa sasakyan niya pumunta kami sa grocery na lapit lang sa bahay kinuha na namin yung mga iba pang kailangan bilhin kumuha na rin ako ng iba pang mga kakailanganin ko para sa bahay tutal nasa grocery naman na ako.
"iha?" tawag sakin.
bigla akong kinabahan.
pinagpawisan ako.
dahan dahan akong lumingon.