Nadatnan ni Georgia ang kapatid saka ang nobya nito na nag-uusap sa sala. Agad na ibinagsak niya ang sarili sa sofa saka kinuha ang aklat na binili sa mall kanina lang. Tatapusin niya ang pagbabasa mamaya.
"O, saan ka nanggaling at nakabusangot ang mukha mo?" Tanong sa kanya ni Ayana. Itinigil niya ang paghahanap sa pahina kung saan siya nahinto kanina.
"Wala. Lumabas lang ako at nag-isip-isip. Napag-isipan kong dapat na siguro akong maging matapang. Na tama na ang pagiging mahina ko. Na minsan ay kailangan ko ring ipaglaban ang sarili ko. Dininig naman ng Panginoon ang hiling ko. 'Ayun nakasalubong kaagad ako ng mga taong katulad din ni Mr. Buenta. Hindi naman siguro mali na paminsan-minsan ay kailangan kong maging matapang hindi ba, kuya Chanth? Ako yata si Georgia Rivera. At ilalabas ko ang katapangang nananalaytay sa ating dugo." Nilingon niya ang kapatid saka pinaglipat-lipat ang tingin sa magkasintahan. "Ano? " tanong niya. Napansin niyang nagulat at nanibago ang dalawa sa kanyang inasta.
"W…well, hindi naman mali ang ipagtanggol mo ang sarili mo. Pero sa totoo lang bunso, masaya ako at narinig ko iyan mismo sa 'yo. Na nagiging matapang ka na. Minsan kasi, kailangan din nating maging matatag at matapang upang hindi tayo api-apihin ng mga tao sa paligid natin." Pilit na ngumiti siya sa sinabi ng kanyang kuya Chanth. After the case against Mr. Buenta, lalayo na muna siguro siya sa bayan nila. Kailangan niyang makapagsimula ulit. Kailangan niyang makapagpahinga man lang sa kabila ng mga nangyari sa kanyang buhay.
"So…now, kailan ba mangyayari 'yung bakasyon natin? Excited na ako. Ano ba ang dapat dalhin dahil ako na mismo ang mamimili." Tumayo na kaagad siya saka malapad ang mga ngiting tinanong ang dalawa. Napagdesisyunan kasi nilang magbakasyon sa bayan nina Ayana, sa Bayawan City na tatlong oras din ang byahe mula sa Dumaguete.
"Ah…eh…maybe next week. Kailangan pa kasing mag-file ng leave ng kuya mo. Saka tatawagan ko na rin si Winter. Pati sina mama na-inform ko na rin na pupunta tayo ng Bayawan para magbakasyon." Ang wika naman ni Ayana na ang ibig sabihin ay ang pinsan nito. Tumango lang siya bilang tugon. Bukas na bukas din ay maghahanda na siya para sa kanilang mahaba-habang bakasyon bago sila muli sasalang sa ikalawang pagdidinig.
Bago muling pinaandar ni Enzo ang sasakyan ay nilingon at tiningala muna niya ang isang mataas na gusali. Napabuntong-hininga siya bago pinatakbo ang nirentahang sasakyan.
"Enzo, sana pagbigyan mo naman kami na maging maayos na ang lahat sa pagitan ng iniwan ng iyong ama at ng aking asawa. Kung wala kang pakialam sa kompanya, you should at least respect the things na iniwan at inalagaan ng iyong ama buong buhay niya. We are just concern about the company and also you." Naalala niyang wika ng kanyang tiyahin, ang asawa ng kapatid ng kanyang ama.
Labing-isang taon bago siya naka-recover sa pagkamatay ng kanyang ama. At bilang nag-iisang anak, alam niyang siya ang magmamana ng share ng kanyang ama sa kanilang kompanya. Alam niya kung bakit pilit siyang pinapauwi ng Pilipinas ng kanyang tiyahin. Iyon ay upang kunin na niya ang kanyang share at pumirma ng waiver na hindi na siya mangingialam sa kompanya. Wala naman siyang pakialam sa kompanya, eh. May sarili na rin siyang buhay sa States. Kinupkop kasi siya ng kanyang ina doon na may sarili ng pamilya. Simula nang maghiwalay ang kanyang ina at ama ay nasa pangangalaga siya ng ama. At nang mamatay naman ang kanyang ama dahil sa pagkakasakit nito ng kanser ay kinuha siya ng ina at dinala sa States. Gusto na nga niyang mapirmahan ang waiver na iyon upang hindi na siya kulit-kulitin ng tiyahin at maging tahimik na ang kanyang buhay. He has all he wants anyway.
Nang maihinto niya ang kotse sa parking area ng ground floor ng mall ay dinukot muna niya sa kanyang bag ang isang kwaderno.
"Surfing, diving, go to Apo Island, hiking, etc, " isa-isang binasa niya ang mga nakasulat doon. Kahit mangalahati lang siya sa mga bucket list niya ay ayos lang sa kanya. Binalik niya iyon saka tuloyan nang bumaba ng sasakyan. Mamimili na muna siya ng mga kakailanganin. Bukas kasi ay pupunta siya ng Apo Island at babalik din naman kaagad. Mag-surfing lang siya roon. Balita niya kasi ay maraming pawikan at magagandang isda sa islang iyon. Next week ay pupunta rin siya sa mga bagong resorts.
Palabas na sana siya ng ground floor nang mapansin ang isang pamilyar na mukha. Naka-side view ito, may hawak na cellphone at tila may vin-video-an. Nakatago pa ito sa likod ng isang itim na Montero. Hindi na sana niya ito papansin ngunit nang lingunin niya ay isang babaeng tila may inaayos sa motorsiklo ang kinukuhaan nito ng video. Nakapants naman ang isang babae ngunit tila pinagpapantasyahan ito ng Amerikanong bastos na ito.
Mas lalo pang uminit ang dugo niya nang makilala ang isang dayuhan. Iyon lang naman ang nakasalubong at nakaaway niya noon sa isang mall. Ang kalbong-bastos.
Ilang sandali pa ay nilapitan niya ito at kinalabit. Tumikhim pa siya nang makalapit.
"What are you doing?" Wika niya. Naka-krus ang kanyang dalawang braso nang humarap ang dayuhan sa kanya.
"Your face again? Why don't you make yourself disappear here?" Singhal nito. Tumawa siya ng pagak. At ito pa ang may ganang mambulyaw sa kanya?
"Well, I really should disappear right now and go directly to the police station and report this thing you are doing." Turo ni Enzo sa cellphone na hawak ng kano.
"Oh, men. Please, don't do it. I'm sorry." Halos matawa pa siya sa pakikiusap ng kano sa kanya. Takot naman pala ito sa pulis.
"No, you are making a big trouble to that girl over there..." nang mapansin ni Enzo ay nagulat nalang siya nang papalapit na pala sa kanila ang dalaga. Halos manlaki ang mga mata niya. Naniningkit kasi ang mga mata ng isang dalagang papalapit sa kanila at tila anumang oras ay hahampasin sila ng dala nitong bag. It is her! Ang halos isigaw ng kanyang utak.
"Excuse me? Are you talking about me? " Turo ni Georgia sa sarili. Mas lalo pa siyang nagalit nang makilala ang dalawa. Sinasabi na nga ba niya at magkasabwat ang dalawang ito. "Kayong dalawa na naman? Sinasabi ko na nga ba, eh. Kung ano'ng uri ng budol-budol ito, sa polisya na kayo magpaliwanag." Wika ni Georgia saka dinukot ang cellphone sa bulsa. Nagdial na kaagad siya ng numero ng pulis.
"I'm calling the police." Matapang na wika ng dalaga. Sa palagay niya ay inipon niya ang lahat ng lakas ng loob at nagkukunwaring nagtatapang-tapangan upang hindi mahalatang sa loob niya ay magkahalong inis at panginginig ang kanyang nararamdaman.
"No, please. You know what, please just forgive me and you won't be seeing my face anymore." Nagulat nalang si Georgia nang mahigpit na niyakap ng Amerikano ang makisig na binata. Ano na naman bang palabas ang ginagawa nitong dalawa? Saka bakit humihingi ng pasensya ang kano na ito sa binata at hindi sa kanya? Halos masuka siya sa nakikita. Gusto niyang sumigaw ng eww, kaya agad na napatay niya ang cellphone.
"Get lost!" Singhal ni Enzo sa dayuhan kaya agad-agad naman itong kumaripas ng takbo hanggang sa mawala sa paningin nilang dalawa.
Halos malaglag ang dalawang balikat ni Georgia. Mga immoral! Nagulat pa siya nang titigan siya ng binata. Kung medyo maarte man sa pananamit ang kanyang kapatid at palagi itong malinis tingnan papaano nalang ang binatang nasa harap niya? Hindi kaya ay bakla ito? Masyado kasi itong malinis at tila wala kang makikitang kahit anong gusot sa suot nitong collared cream t-shirt at black maong short. Mahihiya ang plantsa nito sa kanya. Napangiwi siya nang humakbang ito palapit sa kanya.
"This is so unbelievable. I…I cancelled it already." Utal na wika ni Georgia. Aakmang tatalikod na sana siya nang tawagin siya nito. Tinapunan niya kaagad ito ng tingin.
"Excuse me. May I…may I know your name?" Tanong nito. Nag-arko ang mga kilay niya. Double blade! Gusto niyang isigaw ulit ngunit pinigilan niya ang sarili.
Tanging bikit-balikat lamang ang kanyang isinagot saka patuloy na naglakad. Wala siyang balak makipagkilala sa lalaking may dalawang mukha. Halos matawa pa siya sa naiisip.
"I'm Enzo. And for your information hindi kami magkakilala ng Amerikanong iyon? Oy, miss. Ano sa palagay mo ang iniisip mo? Sa gwapo kong ito tingin mo lalaki rin ang gusto ko?" Pahabol na sigaw ng binata habang minamasdan ang nagmamadaling naglalakad na dalaga.
Mas lalong halos matawa pa siya sa narinig mula sa binata. Bakit ang defensive mo? Nagtatanong ba ako? Bulong niya sa sarili.
"I'm a girl. I'm a Filipina. I have a short hair." Iyon lang ang sinabi niya saka deretsong naglakad. "Hindi ako Amerikano, hindi ako kalbo, saka hindi ako lalaki. Diyos ko naman, ano ba ang nangyayari sa mundo ngayon at ang daming gwapong lalaki ngunit lalaki rin naman ang gusto. Sayang ang makisig at kagwap…"
"I heard you." Halos madapa siya nang marinig na sumusunod pala ito sa kanya. Ilang sigundo ring napahinto siya at nang mapansing papalapit na ito sa kanya ay humarurot siya ng takbo papunta sa kanyang scooter. Pinaandar niya kaagad iyon at pinaharurot ng takbo.
Goodbye Mr. Neat Guy! Wika ng kanyang isipan habang papaalis.