Chereads / Mahal Kita Walang Kukontra / Chapter 3 - DB as in Daring Boyfriend or Double Blade?

Chapter 3 - DB as in Daring Boyfriend or Double Blade?

"Good morning, attorney. Pasok po kayo." Salubong ni Chanth sa kanilang abogado na si Mr. Ulado. Agad namang pumasok ito at magkasabay na pumunta sa sala nila kung saan naghihintay ang kapatid na si Georgia.

"Last week of next month ang kasunod na hearing Mr. Rivera. I'm sorry kung medyo mahina ang pag-usad ng kaso. That man named Leon lang ang tanging susi upang maipanalo natin ang kaso. I had also investigated the CCTV footage on that certain resto bar. Pero siguro tama kayo at baka binayaran ni Mr. Buenta ang may-ari niyon. We can file a case against him and I already talked to the manager but unfortunately ang sabi ng manager ng resto bar, nagbakasyon daw ang may-ari. At hindi raw nila ito ma-contact." Ang pagpapaliwanag ng abogado nila. May kinuha itong mga papeles sa suitcase na dala saka nilapag sa mesa. "Tulad ng pinangako ko, this is the copy of all the investigations. Mabuti sana if he has leaved bruises kahit sa braso mo lang. We can use it against him. Kaso wala. Ngunit huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil mabibigyan din ng katarungan ang nangyari sa iyo, Ms. Georgia. He will pay all he has done on you." Pagpapaliwanag ni Attorney Ulado. Napatitig na lamang ang dalaga sa mga dokumentong nakalatag sa mesa. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Naramdaman niya ang pagpisil sa braso niya ng kanyang kuya Chanth. Hindi man nito sinasabi pero alam niya ang ibig sabihin niyon. Lalaban sila dahil sila ang nasa tama.

Isang Kalikasan boat ang sinakyan ni Enzo kasama ang siyam na turista at isang driver ng pumpboat papunta sa isla ng mga pagong, ang Apo Island. Hindi kasi kalakihang sakayan ang nasakyan niya at sampo lamang ang kakasya rito. Rash guard lamang ang suot niya at isang zip lock bag lamang ang kanyang bitbit. Pareho silang lahat na may mga suot na green bracelet sapagkat kulay berde ang coding ng mga turista sa araw ng Miyerkules. Bawat araw kasi ay may kanya-kanyang color coding ang mga turista. For the safety of everyone raw kasi at upang malaman ng mga bantay-dagat at mga tourist guide na dumaan na sila sa screening kung ano ang mga do's and don't's sa loob ng isla.

Nilanghap ni Enzo ang malamig na hangin. Nasa gitna na sila ng laot at medyo malaki na ang mga alon. Mga fifteen minutes lang naman ang papunta roon at nakikita na ng kanyang mga mata ang maliit na isla at ang bato na pumo-pormang pagong.

Ilang sandali pa ay napangiti siya nang malapit nang dumaong ang sakayan.

"Ma'am, sir, nandito na po tayo. Dahan-dahan lang po sa pagbaba. And please, don't take off your bracelets para hindi po kayo magkakaroon ng additional fees or charges kung nagkataon." Ang nakangiting babala sa kanila ng may edad na boatman matapos ang ilang minuto.

Nakapaa na naglakad siya. Hindi man kasing puti ng mga buhangin sa Boracay ang nasa Apo ngunit mas malinis naman ang paligid nito. Kinunan naman niya kaagad ng litrato ang malaking bato na sumisimbolo ng Apo Island.

Dumiretso na kaagad siya sa mga naka-umpok na ibang turista upang doon magrenta ng mga googles at life vest jacket. He wants to go snorkeling. Hindi pa kasi siya nakapunta ng Apo Island noon and he loves to watch turtles.

"Magkano po ba ang renta, kuya?" Tanong niya sa lalaking sa palagay niya ay mas matanda lang sa kanya ng dalawang taon. Nakakulay neon green ang suot nito gaya ng ibang mga snorkeling guides.

"Two hundred po, sir. Please write your full name here and I will be your photographer and guide." Wika nito. Medyo nagulat pa si Enzo. Ang fluent kasing mag-English nito. Hindi bagay rito ang maging tour guide lang. Mas bagay dito ang mag-steward ng eroplano. Inabot nito sa kanya ang logbook at ballpen. Matapos makapagsulat ay binigay naman nito kaagad ang kanyang google at life vest saka kinuha ang notebook.

Napansin niya ang sandaling pagtitig nito sa kanya.

Mayamaya pa ay may kinausap itong isang binatilyo na kasamahan din nito saka lumapit iyon sa kanya.

"Uhm, sir, pasensya na po kayo. May emergency po si kuya, eh. Ako nalang daw po muna ang magiging snorkeling guide ninyo, if it's… okay with you?" Wika ng binatilyo sa kanya na sa palagay niya ay nahihirapang bigkasin ang mga salitang Inglis. Nakangiting tumango naman siya kaagad dito.

"Sure, walang problema. Manager ni'yo ba 'yun?" Tanong niya habang inaayos ang strap ng jacket.

"Hindi po, sir. Katulad ko po, baguhan lang din dito."

"Ano'ng pangalan niya? Mukha kasing hindi bagay sa kanya ang maging guide. I think he's a well educated person." Wika ni Enzo. Napakamot naman sa ulo ang guide habang inaayos din nito ang sinusuot na gear.

"Le…ah… Noel po, sir. Tara na po, sir pogi. Paki-alala nalang po na bawal po hipuin ang mga pawikan. Salamat, po." Nakatangong sinundan nalang niya ang binatilyong tour guide.

"Paano kung accidentally mahipo ko siya?" Pahabol na tanong niya rito. Napatigil naman ito sa paglalakad saka nakangiting nilingon siya.

"Ihanda nalang po ninyo ang inyong limang libo, sir." Napakamot tuloy siya sa ulo sa sinabi ng binatilyo saka napailing. Ilang sandali pa suot ang google at sa tulong ng tour guide ay malalaking pawikan nga ang kanyang nakikita at gamit ang kanyang Go Pro ay marami-rami ring litrato ang kanyang nakuhanan.

Nag-arko ang mga kilay ni Georgia. Napansin niya kasi na kanina pa siya tinititigan ng isang babae na sa palagay niya ay kasing-edad niya lang din. Mas payat lang ito sa kanya ng kaunti, maputla ngunit bakas sa mukha nito ang tila ay kay lalim ng iniiisip. Medyo tinatakpan pa ng mataas at itim na buhok nito ang kahalati ng mukha nito. Kasalukuyang nasa Don Roberto's kasi siya nagmemerienda. Hinihintay niya si Winter dahil sasamahan siya nitong mamili ng mga kakailanganin nila sa bakasyon. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Para bang may gusto itong sabihin sa kanya o gusto siya nitong lapitan. Napagdesisyunan niyang tumayo upang lapitan ang babae ngunit mabilis din itong tumayo at naunang lumabas ng pintuan ng food court. Hahabulin pa sana niya ito ngunit napatigil siya nang mag-ring ang kanyang cellphone.

Si Winter.

"Winter?" aniya.

"George, andyan ka pa ba? Papunta na kasi ako." Nakahingal na wika nito. Siguro ay nagmamadali itong naglalakad papunta sa lokasyon niya.

"Yes, yes, andito pa ako." Tugon niya saka palingon-lingon na hinanap ang babae ngunit hindi na niya ito makita. Hindi naman niya masasabing pulubi iyon dahil maayos naman ang suot niyon.

Ilang saglit pa ay nakita na niyang paparating na si Winter. Magkasabay na dumiretso sila sa mall na nasa kabilang kanto lang.

"George? " Tawag-pansin ni Winter sa kanya nang kumukuha siya ng cashew nuts. Nilingon lamang niya ito. "Nakakatawa, ano? Alam kong hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko ito pero apat na taon na akong nagpaparamdam sa iyo. Wala pa rin ba akong pag-usad dyan sa puso mo?" Napatigil si Georgia. Oo, apat na taon nang nanliligaw si Winter sa kanya. Minsan nalalaman niyang nagkakasintahan naman ito at sinubukan nitong kalimutan ang nararamdaman nito para sa kanya ngunit hindi naman tumatagal ang relasyon nito sa ibang babae. Talagang gusto siya nito at hindi niyon itinigil ang pagpaparamdam sa kanya kahit minsan ay pabiro lang para sa kanya. Ngunit ngayon, parang iba yata ang timpla ng pananalita nito. Mukhang napakaseryoso.

"W…Winter, alam mong na-appreciate ko nang sobra ang kabaitan mo. Ang pagiging makulit mo minsan at nakakahawang tawa. Ang pagiging napakagentle man mo, pero sabi mo nga, hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan iyan, hindi ba? Napakataas pa ng panahon natin, Winter. Naniniwala naman ako sa kasabihang, kung kayo talaga ang inilaan para sa isa't isa, then malalaman natin iyan sa tamang panahon." Nakangiting wika niya sa binata. Alam naman niyang naiintindihan siya nito. He admires this man beside her dahil simula pa noon ay palagi itong nasa tabi niya. Pero simula nang kamuntik na siyang magalaw ni Mr. Buenta, sa palagay niya ay nagkaroon ng bakod ang kanyang buhay. Hindi niya alam kung natatakot lang ba siya o baka hindi pa talaga dumadating ang tamang taong magpapatibok ng kanyang puso.

"I understand, George. Sabi ko nga, hindi ba? Palaging nandito lang ako sa tabi mo no matter what will happen." Wika nito sa saka tinungo ang kabilang shelf na may mga nakalagay na inumin. Napabuntong-hininga siya habang tinutulak ang cart at kumuha ng mga tsitsiria.

Isa…dalawa… tatlo. Tatlong beses yatang kinurap-kurap ni Enzo ang mga mata. No way! Iyang babaeng nasa kabilang banda ay ang babaeng kamakailan lang ay napagbintangan siyang bakla. Natatawang iniling-iling niya ang ulo saka binalikan ng tingin ang dalaga. Slimmed-curved body. Hanggang balikat ang maitim at tuwid na buhok. Hugis puso ang maliit na mukha. Hindi naman masyadong matangos ang ilong na pinarisan ng mapupungay na mga mata. Hmm, she's not his type pero maganda naman ito. Bulong niya sa sarili. Kaso sobra yata kung magalit.

"Why are people so judgmental? Kaya hindi lumalago ang bansa natin, eh. Kung lalapit sa babae, sasabihang manyak. Kung nakikitang may kasamang lalaki, sasabihang bakla? Sa palagay ko we should not judge someone through surfaces. Kasi the more you judge the person, when you realize that it is the opposite of what you have known, baka ma-fall ka pa." Nag-aabot ang mga kilay na napalingon si Georgia sa binatang naka-white sleeveless at Hawaiian short. Naka-side view ito at tila binabasa ang content ng chippy. Medyo nagulat pa siya nang magkasalubong ang mga tingin nila. Mr. Neat Guys is here! What a coincidence!

"Hi, "bati ni Enzo sa dalaga. Napansin niya ang pagtaas ng isang kilay nito. "Chippy, you want? It will make you friendly." Nakangiting wika niya sa dalagang nag-aabot ang mga kilay nang tingnan siya.

"Wow, what a coincidence! Ang lakas mo ring maka-ninja moves, ano? At ano po ang ginagawa mo rito?" Dahil may ibang taong dumadaan ay medyo hininaan ni Georgia ang boses.

"Isn't it obvious? Syempre namimili po ng makakain. May tiyan din kaya ako at kumakain rin ako. Hindi naman kasi ako machine." Sinundan pa nito ng ngiti ang mga sinabi. Napansin niya ang pagngiwi ng dalaga.

"Okay, wala akong pakialam. I gotta go. Pakisabi doon sa jowa mong maputi na huwag na siyang magpapakita ulit sa akin. Alam kong nagseselos ka." Napalis ang mga ngiti sa mukha ng binata. Hindi niya akalain na marunong din palang mang-asar ang dalagang nasa harap.

"Ops, lalaki po ako. Baka kapag naging boyfriend mo ako ay mas ikaw pa ang magseselos nang bongga." Sinundan niya iyon nang nakakapang-inis na ngisi na siya namang pagbusangot ng dalaga.

"Who cares? Wala akong balak makipag-relasyon sa isang DB." Sabat ni Georgia saka dinampot ang Chippy at inihagis sa cart.

"DB? As in Daring Boyfriend?" Pang-iinis ni Enzo rito. Kinilayan niya ang dalaga na sa palagay niya ay namumuo na ang inis sa kanya.

"Wow, lakas din ng appeal natin, pre. Oo, daring ka nga. Kita mo pati lalaki pinapatulan mo. Dyan ka na nga. Nasisira ang araw ko sa 'yo." Agad na itinulak naman ng dalaga ang cart palayo sa binatang walang ibang ginawa kundi ang pangiti-ngiting umiiling. Bago lumiko ay sinunggaban naman niya ito ng tingin na siya namang kumindat pa sa kanya. Sinuklian nalang niya ito sa pamamagitan ng pagtaas ng kaliwang kilay.