Chereads / Mahal Kita Walang Kukontra / Chapter 5 - Hike with Enzo

Chapter 5 - Hike with Enzo

"Oh, bakit hindi yata maipinta ang mukha mo? Nasa'n si Lisa?" Ang tanong ni Ayana sa kanya habang nagbabalat ng mangga nang matanaw na nakabusangot ang mukha niya. Tumabi siya ng upo rito at sumubo ng manggang naka-sliced na.

"Wala, may nakasalubong lang ako roon na isang kapre." Bikit-balikat niyang sagot saka pumaloob sa nakalatag na mat.

"Ate Ayana!" Magkasabay na napalingon sila sa tumatakbong si Lisa. Halos liparin nito ang direksyon nila. Nakahapo na tumigil ito habang habol-habol ang hininga.

"Totoong may kapre?" Dilat na tanong naman ni Nene sa papalapit na si Lisa.

"Ano ba, magsitigil nga kayong dalawa dyan. Ano bang nangyari?" Saway ni Ayana. Pati sina Winter at Chanth ay nagugulumihanang nagpalipat-lipat din ng mga tingin sa kanila.

"May…may…" napatingin ang lahat sa direksyon ng hintuturo ni Lisa. Halos malaglag ang mga panga nila kung sino ang naglalakad papalapit sa kanila. Tila kasi isang anghel na hulog ng langit ang bagong dumating. O kung hindi man ay isa itong modelo na nakita na nila sa isang magazine. Tila ay pa-slow motion pa ang paglalakad nito papunta sa direksyon nila at sinusuklay ang basang buhok gamit ang mga daliri.

"Aba, at ang gwapo naman ng kapreng iyan." Birong wika ni Arman.

Nilingon ni Georgia ang dalawang dalagita na halos ay magpupunitan na ng mga damit sa kakatili. Napangiwi siya.

"Hi, " buhat ng bagong dating sa kanila. Naka-puting sleeveless na rin ito at nakashort.

"Ah, ikaw pala 'yung kapreng sinasabi ni Georgia?" Wika ni Winter nang makalapit. Matalim na tiningnan naman ito ni Ayana upang sawayin.

Medyo nagulat pa si Enzo nang makita ang ang lalaking kasama noon ng dalaga sa supermarket. Mahinang tumikhim siya at sinubukang gawing pormal ang sarili.

"Bago ka lang dito?" Tanong ni Ayana sa panauhin.

"Yes, kahapon lang ako dumating." Tinuyo naman nito ang basang buhok gamit ang mga daliri. "Hindi ko alam na may tulay pala rito. Doon sa kabila kasi ako dumaan." Mahinang sagot nito. Napansin ni Georgia ang paglingon ng binata sa kanya. Nanatiling tahimik lang kasi siya.

"Miss Georgia, nahulog mo ang iyong panyo nang papaalis ka kanina. Tinawag kita, kaso humarurot ka naman ng alis." Inabot nito sa kanya ang puting panyo niya. Nag-aalangang tumayo naman siya at tinanggap iyon.

"Magkakilala kayo ni Georgia?" Sabat naman ng kanyang kuya Chanth. Nilingon siya ng kapatid at tila hinihintay nito ang kanyang sagot. Nag-aalangan man ay wala na siyang nagawa kundi ang magsalita.

"Yes po, kuya. Mukhang nag-away pa nga sila ni kuyang Wapu kanina, eh." Sabat ni Lisa. Napapikit ng mga mata si Georgia.

"George? " lingon Chanth sa kanya.

"Kuya, I just met him in Dumaguete. Malay ko ba naman na susundan niya ako rito. I didn't know anything about it." Kumbinsi niya sa kapatid. Napansin niya ang pag-iling-iling ng binatang nasa tabi. Nakita niya iyon sa kanyang peripheral view. Gusto niya tuloy itong hampasin.

"Wait, wait. Una sa lahat, totoo ang sinasabi niya na ilang beses din na nagkasalubong ang mga daan namin sa Dumaguete. Pangalawa, hindi po kita sinusundan dahil nandito po ako upang magbakasyon. Pangatlo, hindi po ako masamang tao. And to correct what you had said earlier, hindi ko po "sugar mommy" ang sumalubong sa akin kagabi. She's the land lady in that apartment." Nakangiting wika ni Enzo sa kanya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang lahat yata ng mga mata ay nakatuon sa kanya. Nababasa niya sa mga mata ng mga kasamahan ang pagpiligil ng tawa ng mga ito dahil sa mga sinabi ni Enzo. Dapat na ba siyang mahiya o magpakain sa lupa? O kaya naman ay tumalon nalang kaya siya sa ilog at magpakalunod? Sobrang kahihiyan yata ang inabot niya.

"Si Aling Tonia? Napagkamalan mong sugar mommy niya?" Halos bumuhakhak pa si Winter nang banggitin ang salitang sugar mommy. Matalim na tiningnan niya ito.

"Well, uhm, anyway, pasensya ka na. By the way, what is your name?" Lapit ni Ayana sa binatang kanina pa yata natutuwang pinagmamasdan ang halos namumula na mukha ni Georgia.

"I'm Enzo." Pagpapakilala nito kaagad.

"I am Ayana, ito naman ang pinsan kong si Winter. And this is Chanth, my boyfriend, kapatid ni Georgia. Bagong boarder ka pala ni Aling Tonia. Magkaharap lang tayo ng tinitirhan. Ganito nalang, upang makabawi kami…este…dahil sa nangyaring misunderstanding ninyo ni Georgia, you can join our dinner tonight if you want." Suhestyon ni Ayana sa binata. Nanlaki ang mga mata ni Georgia. No way! Hindi niya pwedeng maging kaibigan ang binata dahil una sa lahat ay hindi na naging maganda ang unang pagkikita nila. Dinilatan niya ng mga mata si Ayana ngunit hindi man lang niya ito nakumbinsi.

"Baka…baka busy siya. Hindi ba?" Tinirikan niya ng mga mata si Enzo. Ngunit sa palagay niya ay hindi man lang ito natablan. Ngumiti pa ito sa kanya.

"Hindi naman. I am very willing to accept that suggestion. Mabuti nga at nagkaroon kaagad ako ng mga kaibigan dito, eh." Nakangiting wika niya saka sinunggaban ng tingin ang dalaga. Nakahinga rin ng mabuti si Enzo. Sa palagay niya kasi ay wala namang relasyon si Georgia pati na ang binatang nagngangalang si Winter.

"Dalhin mo rin si Aling Tonia." Lalong natigilan silang lahat at napatitig sa dalaga. Natutop niya ang bibig. Ano ba ang sinasabi niya? Pati ang binata sa harap ay hindi niya mawari ang ekspresyon nito. Natatawa ba ito sa kanya o nagagalit? Natapos na tuloy ang buong maghapon niya na naiiwan ang isip sa pagkainis sa binata.

"George, halika na at maghahapunan na, " yaya ni Ayana sa kanya. Kanina pa siya nakahiga sa kama. Sa palagay niya ay iilang oras ding hindi niya naigalaw ang katawan. Naka-stock pa rin kasi ang utak niya sa nangyari. Talagang hindi pa siya nakaka-recover sa kahihiyang natamo kaninang umaga. Mabuti nalang at nauna nang umalis ang binata kanina dahil kung hindi ay talagang hindi siya gagalaw mula sa kanyang kinalalagyan.

Mabilis na hinawakan niya ang tiyan at nakalukot ang mukha na hinarap si Ayana.

"M…medyo masakit ang tiyan ko. Siguro hindi na ako maghahapunan." Pagkukunwari niya saka pinisil ang tiyan.

"May gamot ako ditong pampakalma, gusto mo? " Lingon ni Ayana sa kanya. Nag-arko ang mga kilay niya.

"Tiyan ko 'yung masakit. Hindi naman ako nin-nerbyus. Ugh, bakit ang sakit ng tiyan ko?" Kunwari pa ay namimilipit siya sa sakit. Nakita niya ang pag-ikot ng mga mata ni Ayana.

"Alam ko naman kasing umiiwas ka lang dahil makakasama natin ngayong gabi si Mr. May Sugar Mommy, kuno. Hindi ba at tama ako?" Napangiwi siya. Talagang hindi papasa ang acting niya pagdating sa kasintahan ng kapatid. Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Busog pa ako, eh." Rason niya ulit. Nilipat niya sa kabilang direksyon ang katawan.

"Halika ka na, George. Hindi uubra sa akin ang mga rason mo. Kailangan mong kumain dahil hindi ka nag-lunch kanina. Come on." Hila ni Ayana sa kanya. Wala na siyang nagawa pa kundi ang bumangon at sumunod pababa sa kusina. Nakabusangot ang mukha niya nang makita ang bisitang halos umabot na yata sa tainga ang ngiti nang makita siya. Inirapan niya ito nang magkasalubong ang mga paningin nila. Wala siyang pakialam kahit hindi siya nakapagsuklay o nakadamit pambahay lang siya.

"Okay, pwede na tayong magsimulang kumain. Enzo, please enjoy your food." Wika ni Aling Aly. Nilingon niya ang mga tao sa mesa. Wala si Winter, wala rin ang kuya niya.

Tahimik na kumakain siya nang basagin ni Ayana ang katahimikan.

"So…what do you do, Enzo?" Tanong ni Ayana sa bisitang kanina pa niya gustong tusukin ng tinidor. Papaano ba kasi siya makakakain nang mabuti kung nasa harapan niya ito at panakaw-nakaw na tumitingin sa kanya? Halos hindi na nga niya manguya nang mabuti ang kinakain. Sa palagay niya ay anumang oras ay mabubulunan siya o baka bukas ay magkakakabag siya.

"Actually bumalik lang talaga ako ng Pinas dahil may aayusin akong mga bagay. To be honest, hindi ko pa sinasabi sa family ko na nandito ako. Saka ko nalang siguro sasabihin kung tapos ko nang e-enjoy ang bakasyon ko. Nagtatrabaho kasi ako sa States. Kung papalaring makahanap ako rito ng mga magagandang bagay o rason upang manatili, maybe I could stay." Wika ng binata. Hindi pa rin siya nakikisali sa mga konbersasyon ng mga tao sa mesa. Parang gusto niyang umismid sa mga sinasabi nito. Pinaikot nalang niya ang dalawang mata saka tahimik na sumubo ng pagkain.

"Are you married?" Halos mabilaokan pa ang binata sa tanong ni Ayana. Agad namang inabot nito ang basong may lamang tubig. Napataas ang kilay ni Georgia. Wow, ha. Nagugulat pa siya sa tanong na iyon. Sa edad niyang iyan, eh. Bulong ni Georgia sa sarili.

Umiling-iling ito na sinundan pa ng tawa. "Nag…naghahanap pa nga ako ng magiging girlfriend, eh." Biro nito. Halos malaglag siya sa kanyang kinauupuan nang mapataas siya ng tingin ay nagkasalubong ang mga mata nila ng binata. Hindi niya alam kung gusto niyang sugurin ng sampal ang binata o gusto niyang tumakbo palayo sa mesa. Tila ay nang-aasar ang hinayupak. Gumaganti yata sa kanya. Tatadyakana na niya ito, eh.

Totoo ba ang nakikita niya o nagiging assumera lang siya?

"Is Georgia…"

"No!" Putol niya kaagad sa sasabihin ng binata. Napatigil ang lahat sa mesa nang mapatingin sa kanyang inasta at agad na naibagsak niya ang kutsara't tinidor na hawak.

"I'm sorry. Gusto ko lang sanang tanungin kung…"

"Hindi nga. Hindi kita papatulan." Irap niya ulit saka ininom ang isang basong tubig na halos ay mangalahati na nang tumigil siya. Pabagsak na nilapag niya iyon sa mesa.

"Kung taga rito ka rin ba?" Halos maibuga niya ang tubig. Ramdam na ramdam niya ang pang-init ng kanyang mukha at tainga. How could she just interrupt him without letting him finish? Nakita niyang tinirikan siya ng mga mata ni Ayana. Nakagat tuloy niya ang pang-ibabang labi.

"Excuse me." Wika ni Georgia saka dali-daling tumakas. Napa-ubo siya. Dumiretso na kaagad siya ng kusina. Sinampal-sampal niya ang magkabilang pisngi. Bakit ba parang nawawala siya sa sarili niya?

"George? " ilang sandali pa ay naabutan siya ni Ayana na nakatayo sa harapan ng faucet.

"Busog na ako." Wika niya.

"Remember our rules? We need to be friendly sa mga tao rito. Saka ano ka ba? Sa palagay ko naman ay mabait na tao iyong si Enzo. Hindi mo lang siguro nakikita dahil sa mga pinagdadaanan mo. Open your eyes, George. Magtatandang dalaga ka niyan. Hindi ako bias, ah. Saka pinsang buo ko rin si Winter. Pero kung sino mang lalaki ang mapupusuan mo, susuportaan kita." Nagulat siya sa mga sinasabi ni Ayana. May ibig sabihin ang mga salita ni Ayana ngunit tila naguguluhan siya. Nirereto ba siya nit okay Enzo? Bago ito bumalik sa mga kasamahan nila ay tinapik-tapik pa siya nito sa balikat at nginitian.

Sandaling napatitig siya sa kawalan. Tama ba na sundin niya si Ayana? Why don't she open her eyes and heart? Saka na siguro niya iisipin ang problema pagbalik niya ng Dumaguete. Anyway naman ay nandito siya para magrelax at makapagpahinga.

Lalabas na sana siya ng kusina nang makasalubong niya si Enzo malapit sa pinto.

Pareho silang napatigil. Nakaramdam tuloy siya ng pagkailang sa binata.

"I…I just want to wash my hands." Wika ng binata saka siya umiwas ng paningin. Tinanguan naman niya ito kaagad saka dumiretso na sa sala.

Hindi na siya nakisali pa sa usapan nina Ayana at Aling Aly saka ni Enzo. Nahihiya kasi siya sa inasta niya. Alam niyang nagmumukha siyang masungit kanina. Hindi nga niya lubos maisip kung bakit tila naiinis siya sa binata. Tanging pananahimik lamang ang ginawa niya hanggang sa mamaalam na ang binata at nagpasalamat sa imbitasyon.

Ilang beses na napabalikwas siya sa kama. Tatlong beses na iniling-iling niya ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Talagang hindi siya makapaniwala sa nangyari ngayong buong araw. Tinapik-tapik niya ang mukha at biglang napabangon. Mabuti nalang at hindi pa umaakyat si Ayana dahil kung nandito na iyon sa tabi niya ay talagang sisipain o kukulitin siya nito. Kasalanan ni Enzo ito, eh. Kung hindi lang sana dumating ang binata rito ay tahimik na tahimik sana ang buhay niya. Nandito siya para magbakasyon, hindi para magkatensyon. Talagang kasalanan niya. Ang singhal niya sa isip. Naiinis na tinukod niya ang kanang kamay sa mukha. Talagang ginugulo ng Enzo na iyon ang isip niya. Sandaling napatigil siya. Never pa siyang nagkaboyfriend kaya siguro siya ganoon sa binata.

Padabog na binagsak niya ulit ang sarili sa kama. Tama na nga! Ano bang kahibangan ang ginagawa niya at masyado siyang nagpapa-apekto sa binatang iyon? Dalawang magkasunod na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Mariing pinikit niya ang mga mata at pilit na tinatawag ang pagdalaw ng antok. Kailangan niyang makatulog kaagad.

"Good afternoon, neighbor." Sigaw ng isang boses na ikinagulat niya. Agad na napayakap siya sa sariling katawan nang makita ang kanina pa yata natutuwang nakatingin sa kanya na binata sa baba. May dala pa itong isang tasang kape. Ala-una na ng hapon nang magising siya at dumiretso kaagad siya sa terasa upang lumanghap ng hangin. Mula kasi roon ay nakikita niya ang mga bundok na kahit ala-una na ay natatabunan pa rin ng mga ambon.

"A…ano 'ng ginagawa mo dyan?" Pautal-utal na tanong ni Georgia. Inayos niya ang hindi pa nasusuklay na buhok. Naka-pajama pa at maluwag na t-shirt ang suot niya. Nagulat pa siya sa sarili kung bakit bigla ay na-concious siya sa suot niya samantalang kagabi ay wala siyang pakialam ano man ang itsura niyang nakaharap ito.

"Nagkakape." Kiming sagot nito saka humigop na tila ba sarap na sarap ito sa in-inom. Bahagyang nagulat pa siya nang itaas nito ang hawak na tasa. "Gusto mo?" Alok nito sa kanya. Mabilis na umiling-iling siya. Sinuway niya ang sarili dahil tila iilang sigundo ring natitigan niya ang binata nang wala sa sarili.

"B…balik na ako sa loob." Turo niya sa likod saka dahan-dahang ginalaw ang mga paa upang magmartsa papasok sa kwarto.

"Napapansin ko na itong si Enzo, ah." Wika kaagad ni Ayana nang makalabas ito mula sa banyo. Nakakunot ang noong nilingon niya ito. Kinuha niya ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto.

"What do you mean?" Nalilitong tanong niya saka hinablot mula sa bag ang dalang black jeggings at itim na blouse.

"Hindi kaya may gusto iyon sa 'yo? Ay mali. Bakit pa ba ako nagtatanong, eh, halata naman." Halos mabulonan si Georgia ng sariling laway. Ano ang sinasabi ni Ayana sa kanya? May gusto si Enzo sa kanya eh, hindi pa nga niya lubosang kilala ang binata. At isa pa, hindi ang tulad niya ang magugustuhan ng isang laki sa States na binata. Alam niyang gusto ng mga iyon ng naglalabas ng pusod na mga babae, nagsusuot ng mga maliliit na shorts at higit sa lahat iyong madaling kausap. Kung baga, easy to get. Ang sigaw niya sa kanyang isip.

"That is so impossible!" Sinundan niya iyon ng isang pagak na tawa saka dumiretso na sa banyo upang maligo.

"Bilisan mo, George, ah. Hihintayin ka namin sa baba. Magha-hiking na tayo." Rinig niyang sigaw ni Ayana matapos niyang e-lock ang pinto ng banyo saka agad na binuhusan ang sarili ng malamig na tubig. Iniling-iling niya ang ulo. Bakit ba palaging nag-f-flash-back sa utak niya ang paraan ng pag-inom ng kape ng binata? Tila ba kay sexy niyon tingnan. Mahinang tinampal niya ang pisngi saka sinaway ang sarili. Kailan pa siya natutong magpantasya sa mga kalalakihan?

"I am ready!" Nagulat nalang si Geoegia nang pagbaba niya ng hagdan ay nasa sala na ang binata. May dala itong malaking back pack. Magha-hiking din ba ito? Nakakunot ang noo na nilingon niya sa Ayana. Iginiya niya ang mga mata papunta sa direksyon ni Enzo.

"He's coming with us." Bulong ni Ayana.

"What?" Tanong niya. Kinilayan lang siya ni Ayana saka binuhat din nito ang dalang bag na may lamang mga pagkain. Agad na lumabas na sila ng sala nang bumosena ang sasakyan ni Winter. Kailangan pa kasi nilang bumyahe ng mga bente minutos bago makarating sa unang paanan ng Puncak. Iyon ang kadalasang pinupuntahan ng mga gustong mag-hike. Mga dalawang oras din iyong lalakarin bago makarating sa tuktok upang makita ang overview ng buong bayan pati na ang mga karatig bayan. Napagplanuhan din nilang doon na magpalipas ng gabi. May dala naman silang mga tent at pagkain.

Halos hindi siya gumagalaw sa loob ng kotse. Hindi kasi siya komportable sa paraan ng pagkakaayos nila. Nasa harap ang kanyang kuya Chanth. Si Winter naman ang nagmamaneho. Pinapagitnaan siya nina Ayana at Enzo. Tahimik lang siya sa loob ng sasakyan. Sa palagay niya ay magkaka-stiff neck siya mamaya. Ayaw naman kasi niyang lingunin ang katabi na kanina pa niya napapansing napapatingin sa kanya sa tuwing nagkakatama ang kanilang mga braso kapag lumiliko ang sasakyan.

"Bakit ang tahimik ni'yo dyan sa likod?" Basag ni Chanth sa katahimikang namumuo sa kanila.

"Masyado kasing tahimik itong mga katabi ko. Nahahawaan na yata ako." Biro ni Ayana habang nililingon siya. Hindi niya iyon pinansin.

"Enzo, magkwento ka naman." Lingon ni Ayana sa binata.

Magsasalita na sana si Enzo nang halos masubsob sila sa harapan nang biglang mag-brake si Winter. Mabuti nalang at nahawakan kaagad ni Enzo si Georgia. Kamuntik na kasing tumama ang ulo niya sa driver's seat.

"Winter, ano ba 'yan?" Mahinang sermon ni Ayana sa pinsan. Himas-himas nito ang noong tumama sa front seat.

Dahan-dahang nilingon ni Georgia si Enzo. Hindi niya alam kung iilang sigundo rin sila sa ganoong ayos. Nakayakap kasi ang dalawang braso ni Enzo sa kanya. Samantalang siya naman ay nakahawak sa braso ng binata. Sandaling napakurap-kurap siya.

Bumalik nalang ang mga malay nila nang buksan ni Chanth ang pinto upang ilabas si Ayana. Sandaling nahilo kasi ito. Siya man ay inakay ni Enzo upang makalabas din.

"George, are you okay?" Agad na lumapit si Winter sa kanya. Chen-check nito ang braso at noo niya pati na ang kanyang kamay at paa. Hindi siya nakapagsalita. Napapansin niya kasi ang pagtitig ni Enzo sa ginagawa ni Winter. Nalaman niya nalang ang sariling nalilito sa nakikita.

"Hey, are you okay?" Tanong ulit ni Winter. Natauhan tuloy siya.

"Ah…oo…oo." Pautal-utal niyang tugon. Naiiwan pa rin ang isipan niya sa binatang tahimik na nakatayo lamang at nakatingin sa kanila.

"I'm sorry. Hindi ko kasi napansing may kambing na dumaan." Hingi ng paumanhin ni Winter.

"Hindi naman masyadong seryoso ang nangyari. This can't be the reason upang hindi natin ituloy ang hiking. Let's go." Wika ni Ayana na siyang inaakay ni Chanth papasok ulit sa loob ng sasakyan.

"Thank you." Bago muling pumasok ay nilingon ni Georgia si Enzo. Bumikit-balikat lang din ang binata saka ngumiti.

Hindi alam ni Enzo kung ano ang isasagot sa dalaga. Tanging marahang pagtango at kiming ngiti lang yata ang itinugon niya nang lingunin siya nito. Lihim na nagpasalamat tuloy siya sa kambing na muntik nang masagasaan ni Winter dahilan upang nagkaroon siya ng pagkakataon na mahawakan ang dalagang kanina pa yata nakadilat na tulog. Hindi man lang kasi ito gumagalaw mula sa pagkaka-upo. Hindi niya alam ngunit parang totoo ang hinihinala niyang naiilang ito sa kanya. Napangiti tuloy siya at nilingon sa labas ang mga paningin upang hindi mahalata ng dalaga.

"George, okay ka rin lang ba? Muntik ka ring masubsob kanina, ah." Nilingon siya ng kapatid. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Kanina pa kasi niya pinapakiramdaman ang katabi. Sa palagay niya kasi ay parang kinakausap nito ang sarili at alam niyang hindi siya nagkakamaling napansing ngumiti ito at agad na iniwas ang mga paningin.

"Ha? Okay naman ako, kuya." Sa halip ay sagot niya. Hindi naman yata maaring dugtongan niya na niligtas kasi ako ni Enzo.

"Bro, how about you there?" Wika rin ni Chanth kay Enzo. Napansin niya ang marahang pagtawa ng binata.

"Okay lang ako. Pinagmamasdan ko lang nang mabuti ang mga dinadaanan natin." Sagot niya. Gusto pa niya sanang dugtongan ng, pati na ang magandang babaeng katabi ko." Ngunit pinigilan niya ang sarili. Magmumukha siyang bastos kapag ginawa niya iyon. Alam naman niyang may inis pa ang dalaga sa kanya, dadagdagan pa ba niya?