"Mister, isayaw mo naman ako. Sayang naman ang kagwapuhan mo kung hindi mo ako isasayaw. Ako yata ang binibining Tabuan ngayong taon." Napatigil siya at napalingon sa kabilang mesa nang halos ay idiin na ng lasing na dalaga ang dibdib nito sa dibdib ng binatang naka-itim. Hawak-hawak pa nito ang mukha ng binata kahit hindi niya maaninag kung sino iyon. Medyo madilim kasi ang paligid at kapwa mga disco lights lamang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Hindi na kasi nila naabutan ang programa. Sayawan na ang nadatnan nila kaya napagdesisyunan nalang nila ang tumambay sa plaza at mag-inuman. Napataas ang kabilang sulok ng kanyang labi. Ang landi mo, ate girl! Gusto niyang isigaw ngunit napa-upo nalang siya.
"Mister pogi, sige na." Rinig niyang pamimilit ulit ng babae. Kinawit na naman nito ang mga braso sa leeg ng binata at ang hudyo, parang hindi naman nagpo-protesta. Nakakunot ang noong nilingon niya ulit iyon. Laking gulat nalang niya nang magkatagpo ang mga tingin nila ng binata. Muntik na siyang malaglag sa kanyang kinauupang silya. Si Enzo ba iyon? Mahinang tinakwil nito ang mga kamay ng lasing na dalaga. Ito man ay napansin niyang nagulat rin nang makita siya. Halos hindi maipinta ang mukha niya sa nakikita. Gusto tuloy niyang sugurin ng kamao ang dalawa. Nang-iinis yata, eh.
"Sorry talaga, miss. Kanina pa kasi kita tinatanggihan. Hindi ba't sinabi ko na sa 'yong magagalit ang girlfriend ko kapag nakita niyang may kasayaw ako?" Kunwari pang tanggi nito ngunit ang mga mata ay nakatuon sa kanya. Rinig na rinig niya ang tila pagsigaw ng binata.
"Sige nga, nasaan ang girlfriend mo? Baka nagsisinungaling ka lang, eh." Wika ulit ng dalaga. Nakaramdam siya ng inis sa dalagang lasing. Sasabunutan na niya talaga iyon, eh. Nanatiling nakatingin pa rin siya sa dalawa.
"Ayu'n, oh." Nandilat ang mga mata niya nang ituro siya ni Enzo. Ngunit nabasa niya sa mukha nito ang panghihingi ng saklolo. Sinenyasan pa siya nito na makisabay sa kanya. Kumaway-kaway pa ito.
Nakita niyang lumingon ang babae sa kanya. Agad na iniba niya ang reaksyon sa mukha. Galit daw siya. Naniningkit daw ang mga mata niya. Pinagkrus pa niya ang dalawang braso upang madagdagan ang pagpapanggap niya raw. Pero sa kabilang banda ay iyon naman talaga ang nararamdaman niya kaya hindi na siya nahihirapang magpanggap.
"Babe, " kaway ni Enzo sa kanya. Sumukli rin siya ng kaway rito. Nakabusangot ang mukha ng lasing na dalaga nang iniwan ito ni Enzo sa mesa at lumipat sa kanya. Ngunit nagulat pa rin siya nang sumunod ang babae.
"Sino siya?" Kunwari raw ay pagtataas niya ng dalawang kilay kay Enzo.
"Ikaw ba ang girlfriend niya?" Wika ng babae na sinundan pa ng bahaw na tawa.
"Oo, bakit? Gusto mong isabit kita sa mga ilaw na iyan?" Turo niya sa poste." O baka naman gusto mong e-head-spin kita?" Tumayo pa siya upang galitin ang babaeng kaharap. Di bali nang naka-short, t-shirt at tsinelas lang siya at ang babaeng nasa harap ay halos magmumukhang turon na dahil sa higpit na higpit na dress na suot nito. Halos matawa pa siya nang nakayukom ang mga palad at naiinis na tumalikod ang babae. Sabay na nagkatawanan pa silang dalawa nang makaalis na ang dalaga.
"Ang galing ng acting mo, ah. Babe, bakit mag-isa ka rito? Ikaw lang?" Wika nito saka umupo sa katapat niyang silya.
"Tigilan mo na nga ako sa kaka-babe mo. Wala na 'yung linta na dikit nang dikit sa 'yo. Huwag ka nang magdrama dyan." Sita niya sa binata. Ngunit ang totoo niyan ay parang gusto niya ang ginagawa nito. Para bang kaysarap pakinggan niyon sa pandinig niya. Parang gustong lumukso ng puso niya at kiligin. Lihim na sinaway niya ang sarili. Ano na naman ba ang nangyayari sa kanya? Mahinang tumikhim siya at nilipat ang mga paningin sa ibang direksyon. Mabuti nalang at nakita niyang paparating na sina Ayana at Winter. Iniwan kasi siya ng dalawa dahil bumili ito ng mga inumin at titserya.
"Nasaan na ba ang mga kasama mo, babe?" Tukso ulit nito sa kanya. Ngunit nagpapanggap nalang siyang walang narinig.
"Ayu'n, oh." Turo niya sa dalawang naglalakad papunta sa kanila.
"Salamat at nakita kita. Grabe, hindi ko akalain na matatakot sa 'yo ang dalagang iyon. Kanina pa kasi ako kinukulit no'n." Wika nito saka umiling-iling. "Alam mo, naalala ko tuloy 'yung kano na nakikipag-tsansing sa 'yo noon sa Cang's Mall. Kuu, sarap kalmutin ng bungo niyon. Biruin mo, napagkamalan mo pa kaming mag-dyowa. Pati nga 'yung landlady, napagkamalan mong sugar-mommy ko. Grabe ka talaga." Natatawa pang wika nito. Nakaramdam tuloy siya nang kaunting hiya. Hanggang sa nahawaan nalang siya ng tawa nito.
"Enzo, " wika ni Ayana nang makarating bitbit ang supot na may lamang toccino. Parang gusto tuloy niyang pagalitan si Ayana. Bad timing kasi ito.
"Pare, " tango naman ni Winter dito.
"Sino'ng kasama mo? Mabuti naman at nakapasyal ka sa plaza. Akala kasi namin bumalik ka na ng Dumaguete." Umupo si Ayana katabi ng binata. Si Winter naman at Georgia ang magkatabi.
"Ah, kaninang umaga kasi naimungkahi sa akin Ma'am Tonia na may kasiyahan daw ngayon sa plaza. Nagbakasali rin ako at baka makikita ko kayo. Hindi kasi ako nakalabas ng apartment buong maghapon dahil may ginagawa ako." Wika nito. Inabot naman ni Winter isa-isa sa kanila ang mga bote ng beer na nakabukas na.
"Mag-isa ka kasing pumunta rito. Ayan tuloy pinagkaguluhan ka. Akala nila artista. Saka may linta pang dikit nang dikit sa 'yo. Gusto siyang isayaw. Maganda naman. Pakipot ka pa. Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking tinanggihan ang magandang babae." Pailing-iling pang biro ni Georgia pagkatapos niyon ay dinala sa kanyang baba ang bote ng beer at nilagok iyon. Napasinghot pa siya dahil sa lamig ng beer.
"Aba'y kung ikaw pa 'yung nagyaya sa akin ay hinding-hindi ako tatanggi." Halos mabilaokan pa ang dalaga sa mahinang bulong ng binata na siyang rinig na rinig naman nilang tatlo. Nagulat pa siya sa malakas na pagbagsak ng beer ni Winter.
"George, let's have a dance." Yaya ni Winter sa kanya. Sandaling napatigil siya. Nalipat ang mga tingin niya kay Enzo. Mabilis na inubos niyon ang nangangalahating bote ng beer saka nagbukas ulit ng isa. Iniwas nito ang mga tingin sa kanya. "George?" Sambit ulit ni Winter.
Wala na siyang nagawa pa kundi abutin ang mga kamay ni Winter at makipagsayaw sa kanya ng sweet sa gitna. Ngunit sandali lamang iyon dahil nagreklamo na siyang sumasakit pa rin ang paa niya. Pagbalik niya ng mesa ay wala na doon si Enzo. Napalingon-lingon siya sa paligid. Naningkit nalang ang mga mata niya nang makita ang binatang nakikipagsayaw na sa kani-kanina lang ay halos tumakbo mula sa dalagang lasing. Gusto niyang hampasin ito ng boteng hawak niya. Paano nito nagawang makipagsayaw kung kanina lang ay nakipagdramahan pa siya rito makaiwas lang sa dalagang dikit nang dikit dito?
Nagulat pa siya nang magkatagpo ang kanilang mga tingin. Umiwas kaagad siya. Ang hudyo, ang sarap pa ng tawa. Tila ay tuwang-tuwa sa ginagawa. Nilagok nalang niya ang beer. Tango nang tango nalang siya sa pakikipag-usap kina Ayana at Winter.
"Alam mo, that Enzo is weird. Matinik din pala sa babae. Akala ko ba ayaw makipagsayaw? Tingnan mo, oh, magkaka-ugat na yata sila sa mga paa nila ay hindi pa tumitigil sa pakikipagsayaw." Wika ni Winter. "Sayaw pa tayo, George." Yaya ni Winter sa kanya.
"Winter, you're drunk. Baka mamaya niyan uuwi ka na namang nakabreak-dance. Ilalaglag talaga kita sa balon." Saway ni Ayana rito. Napansin niya na medyo lasing na nga ang kaharap. Ang bilis kasi nitong uminom. Halos hindi na yata humihinga. Kanina pa ito pabalik-balik sa tindahan upang dagdagan ang iniinom nila. Mabuti nalang at hindi naman siya nalasing. Nakakadalawang bote pa naman kasi siya.
"No, I want to dance with George. Please Georgia, dance with me." Tumayo si Winter. Medyo nagulat siya. Hindi naman ganito si Winter sa tuwing nalalasing ito. Bakit parang nagtransform yata itong bigla?
"Winter, I will dance with you kung hindi ka lasing. But you're drunk now." Ngunit hindi nakinig sa kanya ang binata. Lumapit ito sa kanya at hinablot ang kanang kamay niya. Nanlaban siya rito upang makawala ngunit malakas ang binata. Nagpumiglas siya hanggang sa naitulak niya ang binata at bumagsak siya sa silya.
"Winter, stop it." Saway ni Ayana rito. Nanginginig si Georgia. Hindi niya alam kung papaano nangyari ngunit nakita niya sa mukha ni Winter ang mukha ni Mr. Buenta. Agad na namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"George, are you okay?" Lapit ni Ayana sa kanya.
"What happened?" Buhat ng bagong dating. Hindi siya umimik. Habol-habol niya ang hininga at pilit na pinipigilan ang mga luhang nakaantabay sa dulo ng kanyang mga mata.
"I'm sorry…I'm sorry, George. L…lasing lang ako. Hindi ko sinasadya." Hingi ng paumanhin sa kanya ni Winter at kinuha nito ang mga kamay niya ngunit binawi niya kaagad iyon.
"Winter, mauna na tayo sa bahay. Enzo, please take care of Georgia. Sumunod kayo kaagad. George, pasensya ka na." Agad na hinila ni Ayana ang pinsang himas-himas ang ulo at hinihilamos ang mukha gamit ang sariling mga kamay. Parang nagulat din ito sa ginawa.
"George, are you okay?" Tanong niya sa dalaga. Naaninagan niyang umiiyak na ito. Nang makita niya kanina ang nangyari ay muntik pa niyang naitulak ang kasayaw upang lapitan kaagad ang dalaga. "George, " hinawakan niya ang braso nito. Naramdaman niya ang panginginig ng dalaga at tila tulala ito.
Ilang sandali pa ay nagulat nalang siya nang yakapin siya ng dalaga. Tanging pag-iyak lamang nito ang naririnig niya. Hinayaan nalang niya itong basain ang likod ng kanyang t-shirt at umiyak nang umiyak. Galit. Galit ang naramdaman niya sa binatang gusto niyang habulin at sapakin. Ngunit hindi niya kayang iwan ang dalagang nasa mga bisig niya ngayon. Gusto man niya itong suklian ng yakap, himasin ang mukha at patuyuin ang mga luha gamit ang kanyang mga kamay ngunit pinilit niyang pigilan ang sarili. Nalilito siya sa kanyang damdamin. Hindi niya maintindihan kung naawa lang ba siya sa dalaga o may namumuo na talaga siyang totoong damdamin dito. Tila sa mga nagdaang gabi ay palagi na yata itong sumasagi sa isipan niya. Kahit sobrang masungit ito minsan at kay bilis magalit ay hindi pa rin nababawasan ang paghanga niya rito. Sa palagay niya kasi ay may pinagdadaanan ito.
"It's okay. Andito lang ako. Tama na, tama na." Hinagod niya ang dalaga sa likod at tinulongan itong maka-upo nang maayos.
"I…I am sorry kung…kung nabasa ko 'yung damit mo." Pasinghot-singhot pa nitong wika.
"No, it's okay. Pwede ka ring mag-blow sa damit ko kung gusto mo." Biro pa niya sa dalaga. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito na sinundan pa nang mahinang pagtampal sa kanyang balikat. Tinitigan niya ito. Ngunit namalayan nalang niya ang sariling tinutuyo ang luha ng dalaga gamit ang kanyang kamay. Pareho silang natigilan sa kanyang ginawa. Kaagad na binawi ng binata ang kamay.
"Mas…mas mabuti pang iuuwi na kita." Yaya niya sa dalaga. Tumango-tango naman ito bilang tugon. Tinulongan pa niya itong makatayo. Napansin niya ang sandaling pagtitig nito sa kamay niya bago nito abutin iyon.
"Ano ba talaga ang nangyari? Kanina ay okay naman kayo ni Winter, ah." Basag niya sa katahimikang sandaling namuo sa kanila nang papasok na sila ng kotse at binabaybay ang daan pauwi.
"Hindi ko nga rin alam, eh. Masyadong mabilis ang mga pangyayari." Sagot niya sa binata. Nakatuon lang sa daan ang kanyang mga paningin. Ramdam niyang naiilang siya sa binata o kaya ay nababalisa sa tuwing panakaw-nakaw ito ng tingin sa kanya.
"By the way, if you mind me asking but what's the score between you and that guy Winter?" Nagulat si Georgia sa tanong nito. Narinig pa niya ang medyo pagdiin nito ng pangalan ni Winter. Nabulonan siya ng sariling laway.
"Uhm…matagal na kaming magkakilala simula nang maging magkasintahan si kuya at si Ayana. Syempre, pinsan siya ni Ayana kaya napapadalas din ang pagdalaw niya sa bahay." Sagot niya sa binata. Nagkaroon pa siya ng pagkakataong malingon ito. Kaagad na iniwas niya ang mga tingin nang lingunin siya nito.
"Nililigawan ka ba niya?" Nagulat ulit siya sa tanong nito. Bumikit-balikat siya.
"Oo, " wika niya.
"So, hindi pa pala kayo,eh. Nanliligaw pa pala siya, eh. So, pwede akong manligaw sa 'yo?" Isa…dalawa…tatlo. Umabot yata sa limang sigundo bago siya nakahinga at bago niya naigalaw ang katawan. Ramdam niya ang pag-atras ng kanyang dila. Nilingon niya ang binata. Nakatitig ito sa kanya habang hinihintay ang kanyang sagot. Seryoso ang mukha nito.
"I'm sorry kung nag-take advantage ako. Hindi ko nga rin alam kung bakit ito ang biglang lumabas sa bibig ko, eh. Noong lagi mo akong tinatarayan, natutuwa ako sa 'yo. Hindi ko nga lubos maisip na sumasagi ka sa isipan ko at bigla nalang akong napapangiti kapag naaalala kita." EDSA! EDSA kahaba at ka-traffic ang utak niya. Hindi siya makasagot. Tanging ang mabilis na pagpintig ng kanyang dibdib lamang ang pinapakinggan niya pagkatapos ng mahabang paliwanag ng binata. Sa unang beses, pinakaunang beses na naging ganito kabilis ang pagtibok ng kanyang puso hindi dahil sa jogging na isang beses pa niyang ginawa kundi dahil sa mga salitang naririnig niya ngayon sa isang binatang gusto siyang ligawan.
"Si…siguro dahil nakainom ka lang." Nabubulol na wika niya. Mas lalo pang hininaan ng binata ang pagmamaneho ng sasakyan. Kalahating kilometro nalang ay bababa na siya at hindi na sila makakapag-usap. I think she will hate it. Parang gusto niyang sabihan ang binata na itigil nalang kaya nito ang sasakyan at mag-usap sila nang masinsinan. Mahigpit na kinuyom niya ang dalawang palad. Ano ba ang kalituhang nangyayari sa kanya? She thinks there is this something forcing her to nod.
"G…George, " tawag sa kanya ng binata. Natauhan tuloy siya at mabilis na inayos ang sarili saka palihim na hinakawan ang dibdib na kumakabog. "Did I startled you? Dahil ba sa mga sinabi ko? I'm really sorry pero isa akong uri ng tao na sinasabi ang totoo kong nararamdaman bago pa maging huli ang lahat. At least I said it. At least I tried." Narinig niya ang isang malalim na buntong-hininga ng binata saka itinuon ulit ang mga mata sa kalsada. Biglang na-panic ang nararamdaman niya. Papaano ba siya o-oo sa binata?
"Yes, " pumikit siya at ramdam na ramdam niya kasabay ng pagtigil ng kanyang hininga ay ang mabilis na kumakabog niyang puso. Hindi niya alam kung ilang beses na sumisigaw kanina pa ang utak niya na tumango na at sumigaw ng 'Oo, pumayag ka nang ligawan ni Enzo.' Ngunit wala siyang lakas ng loob. Ngunit ngayon, hindi niya alam kung papaano siya humugot ng lakas at kung saan nanggaling iyon.
Halos masubsob pa siya nang mabilis na inapakan ni Enzo ang brake at dilat ang mga matang lumingon sa kanya.
"Yes?" Paniniguradong tanong nito sa kanya.
Nakangiting tumango si Georgia. "Oo, pumapayag na akong ligawan mo ako."