Nang sabihin ni Celine na tapos na kami, ayokong maniwala. Alam kong galit lang sya sakin. Pero masakit. Sobrang sakit na para bang binasag ang puso ko. Pakiramdam ko ay nawasak ang mundo ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin kung pati sya ay mawala sakin. Umuwi ako ng bahay hawak ang singsing at kwintas na isinole nya sakin.
Celine, alam kong galit ka at nasaktan kita ng lubusan pero bakit kailangan saktan mo ko ng ganito. Bakit kailangan mong magdesisyon ng ganito. Hindi pa din ako papayag. Kailangan kong magpahinga para bukas. Kakausapin ko ulit sya. Alam kong mapapatawad nya ako. Alam kong mahal nya ako.
Nasa harapan ako ngayon ng bahay nila Celine at inaabangan syang lumabas ng bahay pero hindi pa din sya lumalabas.
"Ikaw na naman!? Hindi ka ba nagsasawa!? " sabi ng isang guard sakin.
"Papasukin mo ko"
"Kahit papasukin kita dito ngayon hindi mo naman makakausap si ma'am Celine eh. Wala na sya!!" Natatawang sabi nya sakin. Pero anong wala na si Celine. Anong ibig nyang sabihin?
"Anong wala na sya!?"
"Umalis na si ma'am Celine papuntang new york. Don na sya titira. Kaya wala ka ng pupuntahan pa dito! Kaya umalis ka na!"
New York? Bakit hindi nya sinabi sakin? Bakit walang nagsabi sakin.
"Kailan pa sya umalis?"
Kahit hindi ko alam kung sasagutin ako ng guard na ito ay tinanong ko pa din sya.
"Kanina pang umaga. Baka ngayon ay paalis na yun!"
Agad akong sumakay sa motor ko at pinatakbo ito ng matulin. Kailangan ko syang maabutan. Hindi sya pwedeng umalis ng ganito kami. Konti na lang at malapit na ako. Celine please wag ka muna umalis!
*car screeching *
"Ahhhh!!!"sigaw ng isang babae. Yun lang ang narinig ko. Yun lang.