Chereads / Diary Of A Bad Boy / Chapter 24 - Chapter Twenty-Four

Chapter 24 - Chapter Twenty-Four

Masakit. Masakit ang ulo ko,ang braso ko, at halos ang buo kong katawan. Nagmulat ako at nasa isang kwarto na ako. Sinubukan kong tumayo pero bumagsak lang ulit ako sa kama.

"Anak thank God you're awake!!" Narinig kong sabi ni mom. She was crying at my side. Ano ba ang nangyari? Ang naaalala ko lang ay papunta na ako sa airport para kay Celine.

"Celine? Mom si Celine. Kailangan ko syang habulin mom." At sinubukan ko ulit tumayo pero pinigilan ako ni mom habang umiiyak.

"Anak Celine is in New York now. Please hayaan mo na sya."

"Mom!! Kailangan ko syang makausap! Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat."

Nagsisimula ng tumulo ang luha ko.

"Mom please."

Wala na si Celine. Hindi ko sya naabutan. Nang makalabas ako ng hospital nagdecide ako na pupunta ako ng New York para sundan sya kahit hindi ko alam kung makikita ko sya don.

Araw araw ko syang hinahanap don pero napakalaki ng New York. Isang linggo,buwan hanggang umabot na ko ng isang taon dito. Hindi pa din ako sumusuko. Ayokong sumuko sa paghahanap sa kanya dahil parang sumuko na din ako sa pagmamahal ko sa kanya at sa relasyon na pilit kong sinasagip. Pero sa tagal ko na dito, nakakapagod na din. Kahit isang bakas ni Celine ay wala akong makita. Bumalik ako ng pinas ng walang dalang magandang balita para sa sarili ko.

Sa condo ko,halos gabi-gabi akong nakatambay. Hawak ang bote ng alak habang isa isang binabalikan ang alaala namin dalawa sa bawat sulok ng unit ko. Sa sala kung saan kami nanonood, sa kusina kung saan madalas syang nagluluto at sabay kumakain. Sa kwarto kung saan namin malayang pinaparamdam ang pagmamahal. Ang sakit. Ramdam ko ang kirot sa puso ko. Nakaupo ako ngayon sa kusina kung saan huli kaming magkasamang kumain. Kung saan sinabi nya sakin na magkakaanak na kami. Ang anak ko na hindi ko pa man nasilayan ay binawi na sakin ng isang kasalanan ko. Isang kasalanan na hindi ko ginusto. Hindi ko na kaya pang tiisin ang sakit na to. Lumabas ako at naglakad lakad. Sa tapat ng isang coffee shop ay nakasalubong ko ang taong sumira ng buhay ko. Ang babaeng sumira ng lahat. Galit kong hinila ang kamay nya at dinala sya papunta sa unit ko. Nang makapasok na kami ay saka ko sya hinalikan. Hindi sya kumikibo pero dinig ko ang paghikbi nya. Napahinto ako at tinitigan ko sya.

"Bakit ka umiiyak? Diba ito naman ang gusto mo?! Ang maangkin mo ko!!!? Diba!!? Kaya bakit ka umiiyak!!" Galit kong sigaw sa kanya pero umiiyak lang sya.

"Ano Zia? Masaya ka na!? Masaya ka na ba na nangyari na ang gusto mo!? Ang paghiwalayin kami ng kapatid mo!!?" Hindi ko na napigil ang umiyak sa galit.

"Ng dahil sayo nawala ang anak ko!!!! Nawala ang babaeng pinakamamahal ko!!! Ano masaya ka na!!? Zia sinira mo ang buhay ko!! Sinira mo! "

"Xander I'm sorry. I'm sorry!"

"Sorry!!!???? Mababago ba ng sorry mo ang lahat!? Mabubuhay ba ng sorry mo ang dapat ay bata na ngayon!!? Maibabalik ba ng sorry mo ang babaeng bumuo ng pagkatao ko!? Hindi Zia!! Hindi mababago ng sorry mo ang lahat!!!"

Napaupo na ako sa sahig sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pagod na ako. Nawalan na ako ng pagasa.

" Xander alam kong hindi mo ko mapapatawad" umpisa nya. Oo hinding hindi ko sya mapapatawad kahit pa mamatay sya sa harapan ko.

"Napakalaki ng kasalanan ko sayo at kay Celine. At hindi sapat ang sorry para makabawi ako. Pero naglakas na ako ng loob na humarap sayo at sa kanya para humingi ng tawad. Gusto kong makabawi. Xander. I'm so sorry. Hindi ko sinadyang idamay ang bata"

"Nakiusap ako sayo na wag mo ng gawin ang plano mo pero itinuloy mo pa din. Ang sakit Zia!! Ni hindi ko pa nahahawakan ang batang pinatay ng kasakiman mo at inggit mo!!"

"Sorry Xander. Kaya nga hindi ko din mapatawad ang sarili ko eh."

"Umalis ka na Zia. Umalis ka na!!!"

"Sana naman Xander mapatawad mo ko katulad ni Celine. Nagsisi na ako sa lahat."

Napatawad sya ni Celine? Paano?

"Napatawad ka nya?"

Tumango sya.

"Nagusap na kayo?"

"Oo, nagkita kami kahapon at ipinaliwanag ko ang lahat".

"Nandito sya?"

"Oo, nandito sya. Hindi naman sya umalis Xander."

"Anong hindi umalis!?"

Nagulat ako sa sinabi ni Zia.

"Oo, hindi sya umalis ng bansa. Umalis sya ng bahay pero hindi ng bansa. She stayed in tagaytay for a year at last week lang sya bumalik. Kahapon naglakas na ako ng loob na humarap at kausapin sya"

Hindi umalis ng bansa si Celine? Pero ang sabi sakin ay nagpunta sya ng New York.

"Pero nagpunta sya ng New York Zia at sinundan ko pa sya don!"

"Alam ko. Ang akala ko din ay nandon sya pero ng pilitin ko si Carla na sabihin sakin ang totoo don ko nalaman na nandito lang pala sya sa bansa. Sinubukan kitang tawagan pero hindi kita macontact!"

All this time nandito lang pala sya sa Pilipinas!? All this time nagaakala akong nasa New York sya. Kaya pala kahit isang taon na akong nandon ay wala akong nakitang Celine!!? Pinagtaguan nya ako. Ganito ba kalaki ang galit nya sakin.? Paano nya nagawa yun sakin? Paano nya nakayang tiisin ako ng ganito? Paano!!?