Chereads / Diary Of A Bad Boy / Chapter 28 - Chapter Twenty-Eight

Chapter 28 - Chapter Twenty-Eight

Naiuwi na namin si dad sa bahay. Lumalakas na ulit sya katulad ng dati. Hindi na din namin napaguusapan pa ang nangyari. Humingi ako ng tawad kay daddy at ang sinasagot lang nya sakin ay kalimutan na lang ang nangyari na yun. Ang mahalaga ay nagising na ko sa kabaliwan ko at nakikita naman nya na bumalik na ako sa dating ako na binago ko para kay Celine. Celine. Nabanggit ko na naman ang pangalan nya. Ang sabi ko sa sarili ko ay hinding hindi ko na babanggitin pa ang pangalan nya pero heto ako at binabanggit na naman sya. Ang masama pa,sya na naman ang naiisip ko. Masisisi nyo ba ako? Sya lang ang minahal ko. Sya ang nagiisang babae na minahal ko at gusto kong makasama. Pero napakasakit ng lahat ng nangyari. At aaminin ko na hanggang ngayon mahal ko pa din sya. Mahal na mahal at sya pa din ang gusto kong makasama.

"Anak, sya pa din ba ang iniisip mo?" Tanong sakin ni dad nang lapitan nya ako sa veranda. Kung dati ay alak ang hawak ko at naging soda at bumalik sa alak. Ngayon, soda na ulit ang hawak ko.

"You can't deny son. Forgetting her isn't that too easy. Alam kong mahal na mahal mo pa din sya"

"Dad. We're not for each other. She don't love me at all. Magpapakasal na sya sa iba. Dapat ay maging masaya na din ako!"

"Son, you know you can't be happy kapag wala sya. Remember, sya ang dahilan ng pagbabago mo before at sya din ang naging dahilan ng sakit na naramdaman mo. Pero aminin na natin na sa kabila ng lahat ay sya pa din ang mahal mo at nais mong makasama"

Hindi ko magawang sumagot dahil tama naman si daddy. Sya pa din ang mahal ko.

"Dad yes. I'd still love her. Will always love her. But she don't love me now." Yan ang pilit kong isinisiksik sa isip ko para mas madali akong makamove on sa kanya kahit hindi ko alam ang totoo

"I don't think so. Hindi naman sya pupunta dito kung hindi ka na nya mahal."

Napatingin ako kay daddy. Nagpunta dito si Celine?

"She's here earlier talking to your mom. Nagpaalam sya sa mommy mo dahil aalis na daw sya. She also apologized for what she did to you. And for what had happened to me."

Nagpunta sya para humingi ng tawad. May iba akong naramdaman sa dibdib ko. Kirot at sakit. Pero may konting saya na malaman kong nagpunta sya dito.

Pero nagdesisyon na ako na hayaan na sya at kalimutan ang samin.

Tumalikod na ako kay daddy para iwasan na ang usapan kay Celine.

"Wag mong hayaan na mawala ang kaligayahan mo anak. Mahal ka nya at alam kong mahal mo sya. Ngayon na ang alis nya papunta sa America."

Naglakad na ako papasok sa kwarto ko. Habang nakaupo sa kama ko ay parang may sariling buhay ang mga paa at kamay ko. Nasa harap ako ngayon ng cabinet ko kung saan nakatago ang isang kahon ng alaala namin dalawa. Nang buksan ko ito ay nakita ko ang singsing na una kong ibinigay sa kanya.

"Will you marry me Celine?"

Ang katagang binitawan ko sa kanya na sinangayunan nya.

Nandon din ang necklace na binigay ko sa kanya na may pendant na 'x'

At ang wrist watch na binigay nya sakin.

"Ito kasi ang araw na nalaman ko sa sarili kong mahalaga ka sakin. Na narealize kong mahal kita"

" Wag mong hayaan na mawala ang kaligayahan mo anak. Mahal ka nya at alam kong mahal mo sya. Ngayon na ang alis nya papunta sa America."

"Mahal ko sya???? Oo mahal ko sya" bulong ko sa sarili ko.

Isinuot ko ang wrist watch na ibinigay nya sakin at hawak ko ngayon ang singsing na binigay ko sa kanya dati pati na din ang necklace at ang singsing na ibinigay sakin ni mom. Ang singsing na dapat ay isusuot ko sa kanya noon.

" I don't think so. Hindi naman sya pupunta dito kung hindi ka na nya mahal."

" Wag mong hayaan na mawala ang kaligayahan mo anak. Mahal ka nya at alam kong mahal mo sya. Ngayon na ang alis nya papunta sa America."

Ngayon na ang alis nya papuntang America. Kailangan ko syang abutan. Tama si dad. Hindi ko dapat hayaan mawala ang tanging nagpapasaya sakin. Ang tanging magpapasaya sakin.

"Son, where are you goin!?"

Tanong sakin ni mom ng makita nya akong mabilis na bumababa sa hagdan

"Sa airport. Hindi pwedeng umalis si Celine mom. I have to stopped her !"

Yun lang ang nasabi ko at saka ako sumakay sa kotse. Hindi ko na ginamit ang motor ko dahil ayoko ng maulit pa ang nakaraan. Kailangan ko syang maabutan. Kailangan kong abutan ang tanging buhay ko.