Chereads / Diary Of A Bad Boy / Chapter 27 - Chapter Twenty-Seven

Chapter 27 - Chapter Twenty-Seven

"Yes mom, malapit na po ako. Ok.!" I said while talking to mom on my phone. Nasa labas na ako ng hospital para palitan si mom sa pagbabantay kay dad. Isang linggo na din naka - confine si dad. Sa hapon hanggang umaga ay ako ang nagbabantay kay daddy at si mom naman ang sa umaga hanggang hapon. Ilan kaibigan at katrabaho na din ang dumalaw sa kanya mula ng maospital sya at lahat ay sinasabing magpagaling na si dad.

"Xander pwede ba tayong magusap?" Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Sa isang coffee shop kami nagpunta yun pinakamalapit lang sa hospital.

"I've heard about your dad. Is he fine now ?"

"Yes he is. Well iuuwi na namin sya bukas.!"

Magaling na din naman kasi si dad at yun din ang gusto nya. Pakiramdam daw nya kasi mas nanghihina sya sa loob ng kwarto.

"Kayo? Kamusta na kayo? By the way. I want to apologize for what I've done. Sa panggugulo ko sa inyo. But don't worry. It won't happen anymore.!"

I'm serious. Hindi ko na gagawin pa ang guluhin sila. Ang lahat ng ginawa ko. I've realized that they're right. I should've move on now. And that's what I'm doin now.

"It's ok. Let's forget about it.!"

"Yun anak nyo, is it a baby girl or boy?"

"Ah yun anak ko? It's- it's a girl. Babae ang namin."

Babae pala ang anak nila. Siguro ay kamukha sya ni Celine. Maganda at para din isang anghel.

"Pero hindi si Celine."

"Huh?" Hindi ko naintindihan ang sinabi nya.

"It's Zia. Zia and I daughter.!"

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nya. Ano bang ibig nyang sabihin? At bakit kasama si Zia?

"I- I don't understand."

"Anak namin ni Zia ang nakita mo."

"Te-teka ano bang ibig mong sabihin na anak nyo ni zia? Don't tell me na nagpakasal kayo ni Celine at nagkaanak kayo ni Zia."

Natawa lang sya pero sumeryoso din ang mukha nya.

"You have something to know. Celine and I. We're not really married. Zia is my wife and not Celine.!"

Natigilan ako sa sinabi nya. Naguluhan ako. Hindi ko sya maintindihan. Ano bang pinagsasabi nya!?

"Zia is my girlfriend since then. Before pa may mangyari sa inyo noon."

Zia's boyfriend?

"Nang may nangyari sa inyo ni Zia, girlfriend ko sya non. Kaya nang nalaman ko ang tungkol sa inyo, nagalit ako lalo ng sabihin nya sakin na ikaw talaga ang gusto nya.!"

He paused for a moment at uminom ng kape.

"Matagal ko ng kakilala si Celine. Sinadya kong maging malapit sa kanya not because i like her. But because i want you to get jealous and that you'd realized that you love her. At tama ako sa naging plano ko. "

"Pinagselos mo ko para maisip ko ang importance nya para sakin?"

"Yeah. But Zia found it out and she got mad at me. She broke up with me at don nya pinilit na agawin ka at takutin. Nang malaman nya na nagproposed ka kay Celine, mas lumala yun galit nya at pagkagustong makuha ka. I know she really don't like you and she's just insecure with Celine. Her sister."

Alam kong talagang naiinggit lang si zia kay Celine dahil nga sa lahat ng natatamasa nito na dati ay natatamasa nya.

"Remember the time na nagpunta sya sa unit mo?"

"Yeah."

"Sinundan ka nya non. Alam ko na may binabalak sya non!"

"Yeah. Pinainom nya ako ng drugs kaya nawala ako sa sarili--"

"At may nangyari sa inyo? Wala talagang nangyari sa inyo non ni zia."

"Panong wala? We have pictures at yun ang pinakita nya kay Celine kaya sya nagalit sakin at tumakbo palayo!!"

Naramdaman ko na naman ang galit ko.

"Kinuhanan lang nya yun. Ginawa lang nya yun para may pangblack mail sya sayo. Gustong gusto nyang saktan si Celine kaya nya ginawa yun.!"

"At nagtagumpay sya sa plano nya. Nasaktan nya si Celine at pati ang baby namin ay nadamay."

"Sorry Xander. Hindi ko sya napigilan that time. I tried to pero nahuli na ako. Nakarating ako sa event pero naibigay na nya kay Celine ang pictures!"

"Nawala ang baby namin ng dahil sa kanya!!"

"Zia didn't know about the baby. " pinagtatanggol ba nya si Zia!? Oh well asawa nga pala nya si Zia kaya natural lang na ipagtanggol nya to.

"Alam kong iniisip mong ipinagtatanggol ko sya pero Xander. Nang malaman ni Zia na namatay ang baby ni Celine nadepress sya ng sobra. Hindi nya akalain na hahantong yun don!"

"Nakiusap ako sa kanya na wag nyang gawin yun"

"Alam ko, kaya nga sya humarap sa dad ni Celine kahit alam nyang sasaktan sya nito. Inamin nya yun sa daddy ni Celine!"

Dapat lang naman nyang aminin ang kasalanan nya!! Sya ang pumatay sa baby namin ni Celine. Sya din ang dahilan kaya galit na galit sakin si Celine at nakipaghiwalay.

"Pero useless na kung paguusapan natin to. Xander, Celine still loves you. "

"Leo, hindi na ako mahal ni Celine. Nakita mo naman kung paano nya ako ipinagtabuyan! Nagawa pa nyang magsinungaling dahil sa pagkamuhi nya sakin!"

At dahil nga sa mga sinabi nya nun sakin sinira ko ang buhay ko dahilan ng muntik na pagkawala sakin ng daddy ko.

"Kahit ako hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin nya sayo. Ang akala ko ay kaya ka nya hinarap ay para makapagusap kayo ng ayos!"

"Pero pinagtabuyan nya ako. Sinira ko ang buhay ko dahil sa kanya!"

"Kaya nga sya sobrang nasaktan Xander. Nung umalis ka, umiyak lang sya ng umiyak. Si zia na nga ang pumunta at hindi namin sya maiwan dahil baka atakihin sya ng depression nya. Nung nawala kasi ang baby nyo, kaya sya nagpunta ng tagaytay ay dahil sa sobrang depression. May sarili pa syang nurse non dahil ilan beses din nyang pinagtangkaan na magpakamatay!"

Napatingin ako sa kanya. Nagtangkang magpakamatay si Celine? Pero bakit!?

"Xander, hindi nya gustong magsinungaling sayo tungkol sa pagpunta nya sa ibang bansa. Hindi lang talaga nya kayang tanggapin na nawala ang baby nyo.!"

Tumayo na ako. Ayoko ng pakinggan pa ang sasabihin nya. Tanggap ko na lahat. Tanggap ko ng wala na sya sakin.

"Xander, aalis sya!! Pupunta na sya ng States. This time, totoo na. Pupunta sya don para tanggapin ang proposal ng business partner ng dad nya. Magpapakasal sya don. Xander alam kong mahal mo pa sya. Ngayon mo patunayan na mahal mo sya at seryoso ka sa kanya. Wag mong hayaan mapunta sya sa iba lalo na kung alam mo nang mahal ka pa nya.!!"

Pagkatapos kong marinig lahat yun ay umalis na ako. Hindi ko na sya nilingon. Ayoko nang marinig pa ang tungkol kay Celine. Tanggap ko na.