Naging daily routine ko na ang sunduin si Celine sa condo nya at sabay pumasok. Ang sunduin sya sa breaktime at kumain kasabay si Carla. Mabait din pala si Carla at kwela pa. At after ng class ay susunduin ko ulit sya at ihahatid sa condo nya. Minsan nga ay don na din kami kumakain ng lunch at sya pa ang nagluluto. Katulad na lang ngayon, we're on our way now to grocery to buy some foods to stock on her fridge.
"Ang dami naman ng binibili mo" bulong ko sa kanya habang nagtutulak ng pushcart na halos mapuno na.
"Babe, para hindi na ako maggrocery pa ulit. Sayang sa gas pag pabalik balik tayo.!" Tinatawag na din nya akong babe sa tuwing naguusap kami. Actually, even in front of everyone,we used to call each other as babe and show them that we're really on a serious relationship now unlike before na balewala lang sya sakin.
"Babe say 'ah' " at may hawak syang isang stick ng hotdog na binili pala nya sa isang stall sa grocery. Ganyan na kami ngayon. Even in public, nagsusubuan ng food, nagseshare ng drinks or ng kahit na anong kinakain namin. But of course, hindi pa rin kami katulad ng iba na PDA. We didn't kissed each other on the lips in public but i used to kissed her on her forehead and hold her hands while walking and hug her tight. May naririnig na nga ako sa school na nagbabago na nga raw ako. Friends?? Well, marami na din akong naging kaibigan. Marunong na daw kasi akong bumati at makipagusap sa ibang tao. At kahit ang mga Prof namin ay natutuwa sa pagbabago ko. At ang pagbabago kong yun ay dahil kay Celine. Para kay Celine.
"Babe,look! Can we go there? Gusto kong magpapicture tayong dalawa.!" At nagpuppy eyes pa sya that makes me laugh. Nang matawa ako sa kanya nagpout naman sya ng lips nya at inirapan ako.
Iniharap ko sya sakin at kimurot ko ang pisngi nya at hinalikan ko sya sa ilong nya saka ko sya inakbayan papunta sa isang photo booth.
"Ayusin mo ha. 6 shots lang to.!" Alam kasi nyang hindi ako palangiti sa harap ng camera.
Sa unang shot ay pareho kaming naka-peace sign. Sunod naman ay nakaakbay ako sa kanya. Pangatlo ay pinagdikit namin ang mga kamay namin at hinugis na puso. Pangapat ay naka-back to back kami ng upo. Panglima ay tumayo sya sa likod ko at yumakap habang hawak ko naman ang mga kamay nya.
"Babe,last na to. Stolen naman tayo?" Nagnod lang ako sa kanya. Tumingin sya sa ceiling at bago pa magshot ang camera ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at iniharap sya sakin saka ko sya hinalikan sa labi nya. Kaya ang nakuhanan ay ang nakakiss ako sa lips nya. Habang hinihintay namin na maprint ang picture ay may tumawag sa kanya. Si mom. Kaya ako na lang ang naghintay dahil lumabas sya.
"Sir,eto na po yun picture nyo. Ang sweet nyo naman po. Bagay na bagay po kayong dalawa.' Sabi nung babae na nagprint ng picture namin. Napangiti na lang ako sa sinabi nya. Nang tingnan ko ang mga picture, oo tama sya. Sweet na sweet na nga kami. Ganito na kami ngayon. Ibang iba sa dati. Kinuha ko yung isa kung saan nakaakbay ako sa kanya at ang ulo nya ay nakahilig sa balikat ko. Nilagay ko yun sa wallet ko. Maya-maya pa ay bumalik na si Celine nang nakangiti.
"Nakuha mo na? Patingin ako!" Excited na sabi nya at kinuha nya na nga yung mga picture. Dalawang copy sa bawat shot kaya pwede kaming magtigisa sa bawat shot. Habang naglalakad ay halos hindi mawala ang ngiti nya at napakasaya kong makita syang nakangiti.
"Babe, anong sabi ni mommy?" Tanong ko sa kanya habang nasa kotse na kami papunta sa condo nya.
"Ah oo nga pala. Your mom invited me for dinner tonight sa inyo. So dadalhin lang natin to sa condo then punta na tayo sa inyo.!" Si mom,inimbita pala nya si Celine. Nang malaman nya na okay na talaga kaming dalawa ni Celine, halos gabi-gabi nyang iniimbita si Celine for dinner. Kaya laging late na nakakauwi sa condo si Celine. Pero syempre hinahatid ko sya dahil ayokong magisa lang syang uuwi.
Pagdating namin sa condo nya ay nagpalit lang sya ng damit saka kami umalis. Sinalubong agad kaming dalawa ni mommy sa pinto pagbabang-pagbaba namin ng kotse.
"C'mon,your dad is here too. Let's go!" Nandito ang daddy ni Celine? Nakaramdam ako ng kaba ng marinig ko yun. Ito ang unang beses na haharap ako sa dad nya na magkaayos na kaming dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin at dapat kong maramdaman. Kinakabahan ako na naeexcite.
Sa hapagkainan nakaupo na sina daddy at ang dad ni Celine. Pareho silang nakatingin samin dalawa ni Celine lalo na sakin. I don't know what to say. D*mn it! Paano ba ako babati sa daddy nya!!
"Good evening Sir" wala na akong ibang masabi kundi yun na lang. Lumapit si Celine sa daddy nya at saka humalik sa pisngi. Hindi sumagot ang dad nya pero nagnod naman sya sakin. Pinaupo na kami ni Celine. Si dad ang nasa upuan nya syempre. Yung sa gitna na inuupuan ng mga padre de pamilya. Sa left side nya ay ang daddy nya at sya. Sa right naman ay si mom at ako. Magkatapat kaming dalawa ni Celine. Celine smiled at me that seems like she's comforting me. Sa una,ang usapan lang ay ang tungkol sa business nila ni dad. Pero ang sumunod ay.......