"Xander, one of our business client will have an event in boracay this coming Saturday. Celine's dad and I can't go and attend because of our business meeting on Friday na aabutin hanggang Thursday next week. We want the two of you to be our representative on that event. Ipinagpaalam na din namin kayong dalawa sa school."
Isang event sa boracay at kaming dalawa ni Celine ang pupunta? I'm sure naman na mapaguusapan don ang business na wala naman ako kahit konting idea. At bakit kailangan pa nila kaming ipagpaalam sa skul.
"Dad,bakit po ipinagpaalam nyo pa po kami?" Naitanong ni Celine.
"Hanggang Tuesday kayo sa boracay at Wednesday morning pa kayo makakauwi kaya ipinagpaalam ko na kayo."
Apat na araw ang event? Anong klase bang event ang magaganap sa boracay!? At ganoon katagal kailangan naming ilagi doon. Pero naisip kong maganda na din yun. It's also a big chance to show more my love and loyalty to Celine. Magkakaron kami ng privacy.
"Xander, please take care of Celine habang nasa boracay kayo. I'll trust you!" Sabi sakin ng daddy nya.
"Opo, Tito.!" Sagot ko. Pero kahit hindi naman nya sabihin pa at ipaalala yun sakin ay yun din naman ang gagawin ko. Hindi ko hahayaan na masaktan at may mangyaring masama kay Celine.
Pagkatapos namin maghapunan ay inihatid na namin sila sa labas. Hindi na nagpahatid sakin si Celine dahil sa bahay nila naman daw sya uuwi kasama ang daddy nya. Naiwan kami ni daddy sa veranda. Si dad naninigarilyo habang ako hawak ang isang baso ng soda. Yes, soda! Hindi na alak. Nangako ako kay Celine na hindi na ako iinom pa ng alak kasabay ng pangako kong pagbabago.
"Xander, nakikita ko ang pagbabago sayo. At alam kong dahil yun kay Celine. Mahal mo na ba sya?"
I nodded. Yes, marami na talaga ang nagbabago sakin at alam kong marami pa akong dapat baguhin. Katulad na lamang ng pakikipagusap sa kanila.
"Yes dad. She thought me how to love. Sounds weird and oa but that's true.!"
"No son. I understands you. Pero sana anak, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mong pagbabago. Lalo na ngayon na malapit na kayong magtapos ni Celine and soon kayong dalawa ay magiging parte na ng ating negosyo."
Ilang buwan na nga lang pala ay gagraduate na kaming dalawa ni Celine.
"Lalo na ngayon na pinagkakatiwalaan ka na ng daddy nya. Sana ay patunayan mo pa sa kanila na totoo ka na. Na mahal mo talaga si Celine. Wag mo syang sasaktan anak. Mahal ka nya at alam kong alam mo yan. Kaya suklian mo rin sya ng pagmamahal. Maswerte ka sa kanya anak. Ingatan mo para hindi mawala.!"
Makabuluhan??? Oo, malalim ang ibig sabihin ni daddy pero isa lang ang kahulugan nito para sakin. Mahalin at ingatan si Celine. At yun ang gagawin ko.
Thursday pa lang naman ngayon at sabado pa ang punta namin ng boracay. Gusto kong sorpresahin si Celine kaya pumunta na ako sa condo nya. Alam kong nandon na sya dahil nagpahatid sya sa driver ng daddy nya kanina. Nag doorbell na ako at ilang sandali pa ay lumabas na din naman sya.
Inaya na nya akong pumasok pero pinigilan ko sya.
"Come with me. I have a surprise for you!" At isinara na nya yung unit nya. Bumaba kami sa 3rd floor dahil ang unit nya ay nasa 4th floor.
"Babe, anong gagawin natin dito sa 3rd floor?" Hindi ko sya sinagot sa halip ay huminto kami sa tapat ng isang unit.
"Babe, anong gagawin natin dito?" At sa halip sagutin ay ibinigay ko sa kanya ang isang susi na katulad ng susing hawak ko.
"Para san to?"
"It's your duplicate key on my unit.!" Sagot ko habang binubuksan ang pinto.
"Unit?? You mean????"
"Yeah. It's my own unit. Come in!" At hinila ko na sya papasok. Kasing laki at kasing lawak din ito ng unit nya. Pinakuha ko na ang unit na to a week ago para mas mapalapit ako kay Celine. Pakiramdam ko kasi ang hirap malayo sa kanya.
"I asked mom to get this unit para mas malapit ko sayo."
"Kailan mo pa nakuha ang unit na to!?" Nakangiting sabi nya habang nililibot ang buong unit.
"Last week. After kitang ihatid inaayos ko to at inililipat ang gamit ko." Nilapitan ko sya at niyakap mula sa likod.
"Celine i love you. I always miss you kaya kinuha ko na tong unit na to. Hindi kasi ako panatag na malayo ka sakin eh !" At iniharap ko sya sakin. Napakaganda talaga nya.
"Celine, alam kong dati nasasaktan kita. Binabalewala at kahit hindi mo aminin ay napapaiyak kita. Isa akong malaking g*go dahil sa ginawa ko sayo. Hindi ko pinahalagahan ang lahat ng ginagawa mo para sakin.! But one day I've realized how much you really mean to me. How much i love you." Oo, g*go talaga ako dahil tatlong taon ko syang ginagago at sinasaktan.
"Nang maging close ka kay Leo, honestly i got jealous and there i realized that i love you. Nakaramdam ako ng takot na mawala ka sakin at mabaling sa iba ang atensyon mo. Natakot akong mawala ka. Celine mahal kita. Mahal na mahal kita." At don ay hinalikan nya ako sa labi. Isang halik na ramdam mo ang pagmamahal nya. I kissed her back and that kissed become so passionate.
We never kiss each other like this simula ng maging ok na kami. Ito ang kauna-unahang beses. Matagal at puno ng pagmamahal na hindi namin namamalayan na dinala na pala kami nito sa kwarto ko. And now, we're on my own bed,kissing each other. Lalaki ako,at natural sakin ang makaramdam ng init pero sya ay si Celine. Ang babaeng mahal ko at nirerespeto ko. Ayokong gawin ang isang bagay na alam kong hindi sya handa. At hindi ko rin hihingin yun sa kanya. Panahon lang ang magsasabi. Huminto ako at tinitigan ko sya. Hindi ko inaasahan na sasabihin nyang
"Xander let's do it. I'm willing. Co'z i trust you."
Willing syang ibigay sakin ang isang bagay na alam kong iningatan nya. Ganito nya ako kamahal. Handang ibigay ang lahat para sakin. Bakit ang tanga ko na hindi ko nakita yun noon pa lang. Bakit hinayaan ko pa syang masaktan dahil sa kagaguhan ko.
"Celine you don't have to do it. I can wait and---"
She stopped me by a kiss. She kissed me and wrapped her hands around my neck. And there i kissed her back. Hindi ko inaasahan ang bagay na to. Na mangyayari ito. Ang gusto ko lang ay sorpresahin sya pero ako ang nasorpresa sa regalo nya. Ang araw na yun ang magiging pinaka memorable para sakin dahil ang araw na to ay ang araw na naging isa kami ni Celine. Naging isa dahil sa pagibig at hindi ng dahil sa gusto lang o ng dahil sa alak. Ngayon,mas lalong hindi ko kaya ang mawala pa sya sakin. Mahal na mahal ko ang babaeng ito. Sya na ang buhay ko.
"Celine, i love you so much!" Bulong ko sa kanya habang magkayakap kaming dalawa sa ilalim ng isang tela.