Chereads / Diary Of A Bad Boy / Chapter 13 - Chapter Thirteen

Chapter 13 - Chapter Thirteen

"Babe tapos ka na ba? Nailagay ko na lahat ng gamit natin sa kotse.!" Sabi ko habang naghahanda ng breakfast namin dito sa condo nya. Ngayon na kasi ang punta namin sa boracay para sa event ng kaibigan nila daddy.

"I'm done. How about you??" Tanong nya habang nakayakap sakin mula sa likod.

"Yap tapos na din. C'mon my Queen let's have our breakfast now.!" At umupo na sya habang pinaghahain ko sya ng pagkain. Parang maid lang nya ako sa ginagawa ko. Pero ganito din naman sya sakin sa tuwing sya ang nasa unit ko o kaya naman kahit dito basta sya ang magluluto. Hindi naman ako marunong magluto pero tinuruan nya ako ng ilang madadaling lutuin.

"Nice. Perfect na sya ngayon babe.!" Natatawang sabi nya habang tinitikman ang fried rice at sunny side up egg. Noong una kasi ay halos wala makain sa itlog na niluto ko dahil sobrang sunog at ang fried rice naman ay sobrang alat.

"Co'z i have the best tutor. Kumain ka na. Aalis na tayo after this.!"

After namin kumain ay umalis na nga kami. Pinahatid kami ni mommy sa airport papunta ng bora. Hapon na din kami nakarating dahil tanghali na din kami nakaalis. Pagdating namin don ay may sumundo samin na sasakyan at dinala kami sa isang mamahaling hotel.

"Sir ma'am dito po ang kwarto nyo." Isang kwarto lang kami ni Celine. Malaki pero may isa pang kwarto sa loob nito. Kung tutuusin ay para na din syang isang unit. Meron isang kama sa labas at meron pa din sa loob ng isang kwarto. Siguro ay sinadyang ganito ang ipakuha nila daddy para samin dalawa para walang mangyari. If they only knew, minsan ng may nangyari samin.

"Look babe!! Ang ganda ng view oh!!" Sabi nya habang nakatayo sa balcony. Pumunta ako at tiningnan ko din at tama sya. Napakaganda ng view. Makikita mo ang malawak na dagat at makakaamoy ka ng sariwang hangin. Relaxing kumbaga ang lugar na to. From her back, i wrapped my arms around her waist at ipinatong ko ang baba ko sa balikat nya. Sandali din kaming nasa ganoong sitwasyon,tinitingnan ang ganda ng dagat at nilalasap ang sariwang hangin.

6pm may dumating na letter mula sa kaibigan nila daddy. Nakasulat doon ang lugar at ang oras ng event sa gabing yun. Nakalagay doon ang bawat oras ng event hanggang martes ng gabi. At ngayon nga ay nakabihis na kami at papunta na sa event hall ng hotel.

Pagdating namin sa hall may isang matandang lalaki ang lumapit sa amin ni Celine.

"Are you son of Mr Nilson?"

I nodded.

"Oh let's go. It's good to see you here." At inaya nya kami sa isang table.

"Hi hija!!" bati ng isang babae na nasa mid40 kay Celine.

"Hi Tita!!" At nagbeso beso silang dalawa.

"Is he Xander Nilson?" tanong nya kay Celine at tumango si Celine.

"Hi Xander, it's nice to finally meet Celine's boyfriend. I'm Amanda Sandoval. Celine's aunt." And she offer her hand for shake hands. At bilang paggalang ay nakipagkamay ako sa kanya. Tita pala sya ni Celine kaya pala pareho sila ng mata. Siguro ay kapatid o pinsan ito ng mommy nya.

Umupo na kami ni Celine sa tabi ni Tita Amanda at ilang sandali pa nga ay nagsimula na ang event. Anong klaseng event?? Birthday event. Birthday pala ngayon ng nagiisang anak ni Mr Morales na si Wolsey na mas kilala bilang Sey Morales na isang sikat na model sa new York. At ang dahilan kaya kami aabutin ng hanggang Tuesday night dito ay dahil sa Monday na ang ribbon cutting ng itinayong business ni Sey at sa Tuesday naman ay ang kanyang kasal. Tatlong sunod na masayang araw para sa kanya. Inabot din ng hanggang 1am ang event na iyon. Napakadaming mga modelo ang nagpunta. At ang iba sa kanila ay kilala si Celine. Pinakilala pa nga nya ako sa mga yon. Nakakapagod kaya pagbalik namin ni Celine sa kwarto ay pareho na din kaming natulog agad. Magkatabi? Hindi. Don ko sya pinatulog sa kwarto at ako ang nasa labas. Ang gusto nga nya ay tumabi na lang pero ang sabi ko ay don na lang sya matulog para makapagpahinga talaga sya. At sabi ko ay maingay ako matulog kapag pagod pero ang totoo, iniiwas ko lang ang sarili ko sa tukso. Kahit na may nangyari na samin dalawa ay hindi ko pa din inaalis ang respeto ko para sa kanya dahil ganon ko sya kamahal.