Chereads / Diary Of A Bad Boy / Chapter 14 - Chapter Fourteen

Chapter 14 - Chapter Fourteen

Pagkagising ko ay nakaupo sa tabi ko si Celine, nakatingin habang pinipindot-pindot ang ilong ko. Well, sa ginagawa nyang yun talaga ako nagising. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog ko pero bigla nya akong hinalikan sa pisngi kaya nawala ang antok ko.

"Breakfast is ready.!" Sabi nya habang hinihila ako patayo sa kama. I looked at my wrist watch at 8am na pala. Nang makarating kami sa pinakakitchen ng room namin nakahain na ang sangkaterbang pagkain. As in madami. May bread, carbonara, desserts at soup na may kasama pang juice. Dinala yun ng hotel crew sa room namin. Umupo na kami ni Celine pagkatapos kong magtoothbrush at maghilamos ng mukha. Sabay kaming kumain. Pagkatapos naman ay naligo na sya habang ako ay nanood lang ng sports.

"Babe I'm done. Ikaw na. Dalian mo. I wanna go out today!" She said while brushing her long blonde hair. Dahil wala naman din event tonight, napagkasunduan namin dalawa ni Celine na mamasyal na lang buong maghapon. Sa beach at sa kung saan saan pa dito sa bora.

Nagpunta kami sa mismong beach ng bora at nagpahenna tattoo kami. Pagkatapos naman ay pinanood ko syang magpaayos ng buhok sa isang dalaga na taga bora. Sunod naman ay kumain kami sa ilang mga restaurant don. Syempre hindi magiging masaya kung hindi kami lulusong sa mismong dagat. Nag- scuba diving kami,sumakay sa banana boat, jet ski at dahil napagod kami sa buong maghapon,nandito na kami ngayon sa isang bar na nagooffer din ng mga foods na nasa restaurant. Marami ang turista,karamihan ay mga foreigners at ilang mga artista. At dahil nga nasa isang bar kami,marami ang nakapaligid na alak. Pero dahil sa iniiwasan ko yun, nung lumapit ang isang waiter ay soda lang ang hiningi ko.

"No,ah give us two boracay Rhum.!" Celine said to that waiter. I tried to stop her but she just smile at me and hold my hands as if she was saying it's fine. Hanggang sa dumating na nga ang inorder nyang alak.

"Babe, hindi ka naman umiinom diba?"

"Yeah, but i wanna try. At saka alam ko naman na namiss mo na yung taste of alcohol.!" she said and give me sarcastic smile.

"Babe I've promised you na hindi na ako iinom--"

"And you did it. That's why i trust you. Alam kong kaya mo naman ng kontrolin ang pagiging alcoholic so let's not talk about it. Let's just enjoy those drinks. Hindi enjoy ang bora kapag hindi natin natikman ang best offers nila.!" at don na nya tinikman ang Rhum. Una ay halos pikit mata nyang ininom yun tapos ay masukasuka. Pero halata sa kanya na nageenjoy sya kaya nakatatlong bote na sya. Sa Pangapat na bote namin ay alam kong lasing na sya kaya inaya ko na syang bumalik sa hotel. Halos hindi na sya makalakad kaya binuhat ko na sya. I mean pinasan ko na sya hanggang sa makarating kami sa hotel. Pagpasok namin sa kwarto nya ay saka ko sya inihiga. Akala ko ay tulog na sya pero hindi pala. She glance at me and suddenly kissed me. We kissed again the way we kissed at the first time na naging sakin sya. At katulad nung una, ang halik na yun ay naging mas mapusok hanggang sa di namin mamalayan na nagiging isa na naman kami. And this, this is our 2nd time. Pagkatapos noon ay magkatabi na kaming natulog sa kwarto nya. Nakahiga sya sa braso ko habang nakayakap kami sa isa't isa. Happy??? Yes I am. Not because of what had happened but because I'm with the woman I love. Will love for the rest of my life.

Maaga akong nagising at mas nauna pa ako kay Celine. Alam kong may hangover sya kaya kailangan nya ng magpapatanggal nun. Hindi naman ako marunong magluto kaya nagorder ako ng soup at ilan pang pagkain. Nang dumating na ang inorder ko ay inihanda ko na yun at dinala sa kwarto kung saan ay natutulog pa din si Celine.

"Babe, babe wake up na. " sabi ko habang hinihimas ang buhok nya. Dahan-dahan nyang iminulat ang kanyang mata. Nang makita nya ako saka sya nagsmile pero bigla syang napahawak sa ulo nya.

"Ang sakit ng ulo ko."

"That's a hangover babe.!" Then i smiled at her habang hinahawi ko ang buhok nya na humarang na sa mukha nya.

"C'mon, kumain ka na. Para mawala yan sakit ng ulo mo then inimon mo to.!" At sinubuan ko na sya ng soup. After kumain?? Ayon,humiling na matutulog daw sya ulit kaya iniwan ko muna sya sa kwarto at hinayaan na makapagpahinga. I feel bored alone kaya nagdecide ako na lumabas para maglibot libot.

Marami akong nadaanang mga souvenir store at mabuti na lang ay may dala akong pera kaya nakapamili ako ng souvenir para samin dalawa ni Celine. Napahinto ako sa isang jewelry shop at tumingin ako ng ilang alahas. Gusto kong regaluhan din sya katulad ng ginagawa nya noon hanggang ngayon sakin. Sa pagikot ng paningin ko sa loob ng shop isang bagay ang pumasok sa isip ko ng makita ko ang isang alahas na pumukaw ng atensyon ko. Agad kong binili yun. Hindi ko alam kung paano ko ibibigay ito sa kanya pero sana ay matuwa sya. Pagkatapos kong bilhin ang alahas na iyon ay nagpareserve naman ako ng isang table sa isang restaurant na malapit sa hotel. Hindi naman kasi ganoon katagal ang event mamayang hapon dahil ribbon cutting lang naman iyon. Pagbalik ko sa hotel ay naabutan ko si Celine na nakaupo sa sala habang nanonood.

"Bakit hindi mo ko isinama??" Sabi nya sakin habang nakapout ang lips. Ibinaba ko lang ang pinamili ko saka ako lumapit at umupo sa tabi nya. Niyakap ko sya at hinalikan sa noo.

"I don't want to disturb you babe. And i know you have headache and that you really need some rest."

"Babe, kaya ko naman--"

"Babe, c'mon. Wag ka na magtampo sakin. Babawi ako sayo mamayang gabi.!" Then she hug me back and kissed me on my lips. She's coming to be so sweet everyday. And i really love it.

At exactly 4pm ay pareho na kaming nakahanda para sa ribbon cutting ng business ni Wolsey.

"Babe, ok lang ba kung ito ang isusuot ko??" sabi nya habang nakatayo sa harap ng salamin at tinitingnan ang sarili. Nilapitan ko sya at iniharap sakin.

"Celine, no matter what dress or gowns you wear. You'll always be the most beautiful girl for me. Hindi mo kailangan magpaganda pa dahil para sakin walang kapantay ang ganda mo.!" At kinurot nya ako sa ilong.

"Bolero!! Kung maganda ako para sayo sana noon pa lang napansin mo na ako. Hmp. But anyway, ganon ka din sakin. Ikaw na ang most handsome guy in the whole wide world!!" Then she gave me a very sweet warm hug. Nakasabay namin papunta sa event ang tita nya na nakasuot ng isang casual gown. At katulad ko,pinuri din nya ang ganda ni Celine. If you can really see her, I'm sure you'll be amazed too with her unique beauty. Marami din sa kakilala ng dad nya ang naroon at binati kami at lahat sila ay pinuri si Celine sa ganda. Kung tutuusin parang sya na nga ang may event that time. Pero syempre hindi lang sya ang pinuri at napansin. Pati ako ay napapansin. May ilang magagandang babae at modelo din ang lumapit at nagpakilala sakin. Dahilan para magselos si Celine.

"Babe c'mon don't be jealous. Wala kang dapat ipagselos sa kanila ok? They know about you. They know that you're my girlfriend and I'm already taken by you. So please wag ka ng magselos??" Pangaamo ko sa kanya habang naglalakad na kami palabas ng event. Hindi nya ako kinakausap. Ganito pala syang magselos. Magmumuka akong tanga kakahabol but it's ok. Kahit pa magmuka akong siraulo e wala akong pakialam. Basta mapasaya ko lang ang babaeng mahal ko.