Chereads / Diary Of A Bad Boy / Chapter 20 - Chapter Twenty

Chapter 20 - Chapter Twenty

"What are you doin here!?" Tanong ko sa kanya at tiningnan ko sya ng masama. Lumapit sya sakin ng nakangiti.

"Well,I'm invited that's why I'm here. Bakit masama bang pumunta sa engagement party nyo??" Hinawakan nya ako sa suit ko at parang inaayos ang necktie ko.

"Zia umalis ka na. Wag kang manggulo dito. Umalis ka na!"

"Oh bakit naman pinapaalis mo kaagad ako?? Gusto ko pang makita ang gagawin mong pakikipaghiwalay sa kanya eh.!" She trace my whole face using her index finger.

"I won't break up on her Zia. Hinding hindi ako makikipaghiwalay sa kanya kaya umalis ka na!"

"Ano na kaya ang ginagawa ni Celine habang tinitingnan ang mga pictures natin?'

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ibinigay nya kay Celine ang mga pictures?? Hinawakan ko sya sa braso ng mahigpit

"Binigay mo kay Celine????" I asked then she nodded while smiling.

"Hayop ka!! Bakit mo ibinigay? Hindi mo ba ako titigilan???!"mas humigpit pa ang hawak ko na halos baliin ko na ang braso nya dahilan para masaktan sya.

"Kahit saktan mo ako ngayon, hindi ka papakasalan ni Celine! Dahil ibinigay ko na sa kanya ang lahat ng pictures!!'

"Hayop ka talaga Zia!!"

"Binalaan na kita. Bakit ba hindi mo pa sya iwanan, hindi kayo bagay ng babaeng yun!!" Pagkasabi nya non ay mariin nya akong hinalikan. Hindi agad ako nakapalag dahil niyakap agad nya ako sa leeg ko. She was kissing me nang mapatingin ako sa likod ni Zia. Agad kong itinulak si zia.

"Celine!" Umiiyak sya habang nakatingin samin ni Zia at hawak ang mga pictures. Nilapitan ko sya at hinawakan sya sa kamay pero nagpumiglas sya.

"Celine let me explaine. Please, makinig ka muna sakin."

Oh sh*t umiiyak sya. Hindi ko sya kayang makita ng ganito!!

"Celine hindi totoo ang nasa pictures. Please hayaan mo muna ako magpaliwanag!"

"Niloko mo ko! Bakit Xander? Bakit?"

"Celine hindi kita niloko. Hayaan mo muna ako magpaliwanag.!"

Pero sunod-sunod ang pagiling nya sakin habang patuloy na pumapatak ang luha nya.

Agad kong kinuha ang mga pictures na hawak nya at pinagpupunit yun.

"Celine this is a blackmail. Bina-blackmail nya ako. She's asking me to break up with you pero hindi ako pumayag--"

"What you saw on those photos is real. Meron talagang nangyari samin ni Xander and that was few days ago.!" Sabat ni Zia. Nilapitan ko sya at hinila ng pabigla

"Shut up!!!!! Tumigil ka na Zia!! Tigilan mo na ako!! Celine don't believe her she's lying!! "

"I'm not lying Celine. Nakita mo naman sa pictures right!? We made love!!!!! We made love Celine!! He was cheating on you!!!" Dahil sa ginawa nyang yun nasampal ko sya ng malakas. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

"Tumigil ka na zia!!!!!"

Mas lumakas ang pagiyak ni Celine kaya nilapitan ko na sya.

"Celine please let me explain. I can explain all this to you just let me please."

Umiling ulit sya sakin.

"Nakita ko na lahat Xander, nakita ko na lahat sa pictures--"

"Pero Celine blinackmail nya lang ako. Fine aaminin ko may nangyari talaga pero pinainom nya ako ng drugs!!"

Nanghihina na ang loob ko pero kailangan kong ipaliwanag sa kanya to.

"Celine, aaminin ko. May nangyari samin before ni Zia but that was the time na hindi pa tayo nagkakaayos. She's obsessed on me. Pilit nya kong sinasabihan na iwan ko pero hindi ako pumayag. Please Celine maniwala ka sakin!"

Patuloy pa din sya sa pagiling..

"Niloko mo ko! Xander niloko mo ko!" Pabulong nyang sabi sakin at saka sya tumakbo palayo. Hinabol ko sya at alam kong kasunod ko pa din si Zia pero wala akong pakialam kailangan kong maabutan si Celine.

"Celine please!!"

Hindi ko na alam pa ang gagawin ko patuloy lang sya sa pagtakbo. Napahinto ako sandali at binalingan ko si Zia.

"Hayop ka Zia!! Kapag may nangyaring-----" naputol ang sinabi ko ng may marinig akong malakas na pagpreno ng isang kotse. Napalingon ako sa kalsada at biglang para kong isang kandila na naupos. Agad akong tumakbo papunta sa kalsada.

"Celine!!!" Nakita ko ang babaeng mahal ko na nakahandusay sa kalsada at puro dugo. Parang gumunaw ang mundo ko nang mahawakan ko sya na walang malay.

"Celine wake up!! Tumawag kayo ng ambulansya!!!! Celine! Celine!! Ano bang ginagawa nyo!!"sigaw ko sa mga taong nakakita. Dahil nasa kalsada na nga kami ay may ilang mga tao ang nandon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanginginig na ako habang hawak ko sya. Anong gagawin ko!? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Diyos ko paano kapag may nangyari sa kanila ng anak ko!!! Paano kapag may nangyaring masama sa kanya.

Ilng sandali pa ay dumating na ang ambulansya at isinakay na sya. Bago ako sumakay ay nakita ko si Zia na natulala.

Nilapitan ko sya at mariing hinawakan sa braso.

"Kapag may nangyari kay Celine at sa anak ko, mapapatay kita!" Nanlaki ang mga mata nya ng marinig nya nang sabihin ko ang salitang anak. Umalis na ako at sumakay sa ambulance. Habang papunta ng hospital ay hawak ko ang kamay nya at nagmamakaawa ako sa mga medic na nandon. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sila sakin. Hindi.

Pagdating namin sa hospital ay isinugod na sya sa ER at naiwan ako. Tinawagan ko na sina mommy. At ilang sandali pa ay nasa hospital na sila kasama si Carla.

"What happen anak!" Bungad sakin ni mom

"Anong nangyari sa anak ko!!??" Sigaw sakin ng dad nya. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin pero kailangan kong magtapat.

"Tu-tumakbo po kasi----"

"Kapag may nangyaring masama sa anak ko, hindi kita mapapalampas Xander!!" Galit na sabi ng dad nya. Kahit ako hindi ko din mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila ng anak ko.

Umalis ako para pumunta ng chapel.

Hindi ko na napigilan pa ang umiyak.

'Lord parang awa mo na. Iligtas mo ang magina ko. Nagmamakaawa ako sayo. Hindi ko kayang mawala silang pareho sakin. Nagmamakaawa ako. Marami akong nagawang kasalanan sa kanya pero wag naman po sila ang hingin nyong kabayaran. Parang awa nyo na po. '

Ilang minuto din ang inilagi ko sa chapel bago ako bumalik. Saktong pagbalik ko ay ang paglabas ng doctor. Lahat kami ay nakatayo na at nagaabang sa balita.

"Doc anong nangyari sa anak ko?"

Tanong ng dad nya.

"Sir, masyadong malakas ang pagkakabagok ng ulo nya kaya nagkaroon ng spot bleeding sa ulo nya. And I'm so sorry, she's in comatose now and the baby didn't survived. I'm so sorry" nang sabihin ng doctor na comatose si Celine ay nanghina ako lalo na nang sabihin nyang hindi nakaligtas ang bata.

"What do you mean baby!?" Tanong ng dad ulit nya

"Celine was 5weeks pregnant. But the baby didn't survived. Masyadong malakas ang pagkakabangga nya.I'm so sorry sir.!" At umalis na yun doctor. Nanlulumo na ako at marahan napaupo sa upuan. Hindi nakaligtas ang bata at ngayon ay comatose pa ang babaeng mahal ko. Bakit sila pa!? Bakit sila pa ang napahamak!? Bakit hindi na lang ako!? Dahil sa kagaguhan ko nawala ang anak ko at ngayon ay walang malay ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin ang pader at mapaiyak. Bakit? Bakit sila pa!? Bakit hindi na lang ako!? Ako naman ang may kasalanan pero bakit sila ang pinagbayad!? Bakit!????