NAITAPON ni Shivane ang kanyang cellphone sa kama sa sobrang inis.
'Kahit saang anggulo tignan, emoticons lang sya na may weird sequence.'
Sabi ng dalaga sa kanyang sarili.
'Hindi ko nalang kaya sasagutin? Tutal d naman niya alam eh haha. Impossibleng nakikita nya talaga ako.'
Dahil nga hindi kumbensido, hindi na sya nag-isip kung ano ang sagot. Kinuha nya ang kanyang cellphone saka clinose ang webnovel at nilagay ito sa ibabaw ng kanyang tokador.
Pumunta ang dalaga sa banyo para maligo kasi may pasok pa siya mamayang alas nuebe ng umaga. Nakaugalian na niyang magbasa muna ng romance novels pagka gising niya sa umaga para maging maganda ang mood niya.
Habang naliligo, tumunog ang kanyang waterproof smart watch nangangahulugang may bagong notification ang kanyang cellphone. Ang smart watch na suot nya ay naka connect sa cellphone niya para kahit nasa banyo siya o malayo ang cellphone niya, may access pa din siya.
May clinick ang dalaga sa gilid ng relo niya at napasigaw siya sa nakita.
"What the fuck is this?!"
"Shi! Anak? Anong nangyare? Ok ka lang ba?" Tanong ng Mama niya mula sa ibaba. Narinig kasi neto ang pagsigaw ng kanyang anak.
"O-oo ma! M-may nakita lang hehe!" sagot naman niya habang tinitignan ang picture na naka display sa relo niya.
"Don't cuss okay? Saka dalian mo jan at 7:23 na!" Pasigaw na sabi ng kanyang Mama.
"Opo!"
'I can't believe this! Ano to? P-panong may picture ako habang naliligo?!'
Tumunog ulet ang kanyang relo at may nakita naman siyang bagong notification. A text message.
From: Unknown +639123456789
[Naniniwala kana? Nakikita kita.]
Ng mabasa nya ang text; nagulat, natakot, nahihiwagaan at naiinis ang pumuno sa damdamin ng dalaga kaya hinawi niya ang shower curtain ng bahagya at nilabas ang ulo saka sumilip.
"Shit. What a fucking pervert." Bulong niya sarili ng tumunog ulet ang kanyang relo.
From: Unknown +639123456789
[I'm not.]
'Damn! Narinig niya yun? Baka andito siya at nagtatago! Pero impossible yun san siya dumaan? Naka lock ang pinto saka may harang ang bintana, pag binuksan tumutunog.' Hindi na komportable si Shivane kaya kinuha nya ang kanyang towel at tinapis sa kanyang katawan.
Nilibot nya ang tingin sa bawat sulok ng kanyang banyo ng mapako ang tingin niya sa picture frame niya na nasa may pinto.
Meron ba to dito noon? D ko matandaan haha. Baka nilagay ni Mama. Pero infairness ang ganda ko diyan.
Lumabas ang dalaga ng banyo at sinuri ang kanyang kwarto kung may butas o may kakaibang nagulo pero wala naman. Nang may sumagi sa kanyang isip at dali daling bumaba.
"Ma! Diba may censor ang bahay naten? May CCTV din ba?"
"Oo nak, may censor ang bahay lahat ng nakakapasok dito, may authorization. Cctv? Hmmm sa pagkakaalam ko nasa labas lang. Sa loob wala. Bakit?" Sagot ng Mama niya habang naghahanda ng baon niya.
"Ah wala naman natanong lang haha" palusot ng dalaga
"Good Morning to you too flat. Kung balak mong mag fashion show dito sa bahay, please lang itigil mo na ang sakit sa mata yang Coke in Can mong katawan!" Sabat ng kuya Shirou niya habang prenteng nakaupo sa mesa nagkakape at nagbabasa ng news paper.
'Flat? Cup C kaya ako! Saka ang sexy sexy ko kaya. May sira ata to sa mata o hindi kaya--- insecure siya?! Haha'
Ngayon niya lang napansin na naka towel pa pala siya. Inirapan niya ang kuya niya at sa inis, dumampot siya ng plastic at pinalobo ito saka binato sa kuya niyang nakangisi.
"SUPOT!" Sigaw niya dito saka nagmamadaling umakyat at pumasok sa kwarto. Tumunog na naman ang kanyang relo.
"ABAT! HOY!"
From: Unknown +639123456789
[Hinahanap moko? Sad to say, ni anino ko hindi mo makikita.]
From: Unknown +639123456789
[and one more thing, I'm a hacker not a pervert.]
"Kung hindi ka pervert, bat may picture ka na naliligo ako sa CR?!" Sagot ni Shivane sa kawalan kasi alam niyang pinapanood siya neto. Kung nakikita siya ng kuya niya ngayon, sasabihin nitong para siyang tanga na kumakausap sa hangin.
From: Unknown +639123456789
[I can access any camera in your house.]
'Wait!! saan siya magbibihis? Oh god! pano kung kinukunan siya ng picture netong hacker nato tapos ibebenta sa labas tapos mapagkamalan akong porn star tapos malalaman nila ni mama tapos masisira buhay ko tapos walang ng paraan para mabuhay siya tapos ibebenta niya nalang ang kanyang WAAAAAAAAAAHHHHHHHHH NOOOOO!!!'
Tila nabasa naman ng misteryosong hacker ang kanyang isip at tumunog na naman ang kanyang relo.
From: Unknown +639123456789
[Don't worry, your walk-in-closet is safe.]
Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga at nagsalita ulet.
"Pano mo nakuha yung picture na yun aber. Walang CCTV sa bahay." kausapniya sa hangin. Habang busy sya sa kakausap netong stranger slash hacker na to,pumunta siya sa walk-in-closet niya para magbihis.
From: Unknown +639123456789
[It's for me to know, and you to find out.]
From: Unknown +639123456789
[I'll give you a clue later but--- for now, you have only 15 minutes before the bell rings.]
"OH SHOOT!" Dali daling nagbihis ang dalaga at kinuha ang bag niya saka phone. Patakbong bumaba ng hagdan saka dali daling kumain. Halos mabulunan na siya sa kakamadali. Inabot naman ng Mama niya ang baon niya.
"Thanks Ma! Bye I love you!" Lumabas na siya ng bahay at pinuntahan si Yue. Ang big motor bike niya saka pinaharurot ng mabilis.
~~*~~
"Okay. That's all for today Goodbye Class." Tinignan ni Shivane ang relo niya, 11:35am. Hindi pa din mawala sa isipan niya yung misteryosong hacker. Teka, may hinding misteryoso ba na hacker? Napaisip siya dun.
"HOY! Himala at na late ang isang Shivane Mauve Pecson haha" Kinurot pa siya ng bestfriend niyang si Claudette Imperial at umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi niya.
"Hindi naman ako na late ah! Wala si Ma'am nung dumating ako." irap niya dito.
"May kinuha lang kaya siya dun sa kabilang room haha. So ano? kwento na." pangungulit pa neto.
"Napasarap sa pagbabasa eh hindi ko na namalayan ang oras"
"Talaga?" sabi pa neto na parang hindi naniniwala.
"oo nga ang kulet haha"
"Okay cge maniniwala ako kahit hindi hahahaha" sabi pa neto na humalakhak na parang bruha. Ang lakas talaga ng sapak ng babaeng to. Tumingin ito sa relo at bumaling sa kanya.
"Tara kain na tayo" yaya nito.
"Cge gutom na din ako eh" kinuha na niya ang baon niya mula sa bag. Hinawakan ni Dette ang braso niya.
"Sa cafeteria na tayo wala akong baong pagkain ngayon."
"Okay cge. Bibili din naman ako ng juice dun." Tumayo na silang dalawa at naglakad patungo sa pinto ng may marining silang tilian.
"OMG! bat ang hot niya paren kahit parang inaantok siya lagi?" narinig niyang sabi ng babae sa hallway
"I know right! saka balita ko, 250 daw ang IQ niya!"
"Ano kayang name niya?"
"Bat kaya nag transfer siya dito?"
Yan yung mga naririnig nila malapit sa pinto kasi ang ingay ng iba parang nakakita ng artista.
Sinasamba na parang santo tsk tsk tsk tao din naman sila ah umutot at tumatae.
"Excuse me! Excuse me padaan!" sigaw ng bestfriend niya.
Sa dami ng mga babaeng nasa hallway, halos hindi na kami makadaan leche.
Na be-beastmode na ang dalaga ng tumunog ang kanyang relo. Ngayon lang ulet nag text yung hacker mula nung sinabihan siyang malalate na siya.
From: Unknown +639123456789
[Someone's watching you at exactly 4.35369 meters]