Chereads / My Millionaire Stalker [Taglish] / Chapter 3 - Invading Access: 2%

Chapter 3 - Invading Access: 2%

BAHAGYANG nagulat ang dalaga sa nabasang text message.

'4.35369 Meters, eh round off na naten to 5 meters. Sino kaya nagmamasid saken? Sana pogi hihihi'

Iginala ni Shivane ang kanyang tingin sa hallway. Pero dahil 5' lang ang height niya, hindi niya masyadong makita ang mga tao kasi may mga giants na nasa harapan niya.

"LECHE! sabing padaan!" pagalit na sigaw ni Dette.

Lahat ng tao sa hallway biglang natahimik at bumaling sa babaeng sumigaw. Pero walang pakialam si Shivane sa mga mapanuring tingin ng tao. Naka focus ang kanyang atensyon sa isang matang kasing lamig ng ice, kasing lalim ng dagat at kasing ganda ng araw. Parang nag slow motion ang lahat ng bagay sa paligid niya.

"Honey Caramel." mahinang sabi niya pero tila narinig ito ng bagong transferee na kanina pa nakikipag titigan sa kanya na parang magnet.

Bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi ng lalaki. Ang ganda ng mata neto. Kulay brown nga pero pag natamaan ng ilaw o sun rays, nagiging golden brown. Hindi alam ng dalaga kung bakit nakita niya ang pag-iba ng kulay ng mata ng lalaki eh ang layo niya sa kinaroroonan neto.

'Ang gwapo.' Sabi ng dalaga sa sarili ng ngumiti ito sa kanya. Kung ang mga NERDS na nasa mga novels na nababasa niya ay panget, naka braces, baduy kung manamit, may malaking salamin sa mata, nabubulol pag may kasausap na iba, introvert, mahina ang physical stamina pero sobrang talino. Nabubully lagi at kung ano-ano pa.

Pero itong nerd na nasa 4.35369 Meters away mula sa dalaga ay sobrang gwapo. Marunong din itong magdala ng damit. Yung glasses niya, nakadagdag sa appeal niya. Wala nga lang siyang brace kasi pantay pantay na ang mapuputi at kompletong ngipin. Hindi din ito takot makisalamuha sa ibang tao at idagdag pa ang masculine netong katawan.

'May abs kaya siya? Sana meron hihihi.'

Naputol ang titigan portion nilang dalawa ng hilahin siya ng bestfriend niya para maka alis sa hallway at pumunta sa cafeteria. Dadaan muna siya sa gilid ng lalaki, kinakabahan siya na hindi malaman ang gagawin at bago pa siya makalagpas, narinig niyang nagsalita ito.

"Nice to meet you Shivane." mahina lang yun pero umabot sa pandinig niya. Parang sa kanya lang talaga pinaparinig kasi nung lingunin niya eto, masaya itong nakikipag usap sa ibang estudyante.

'Did I heard it right o guni guni ko lang yun? Pero pano naman niya nalaman ang name ko? Hindi kaya siya si Mysterious Hacker? Nu bayan ang daming nangyare sa umaga ko. Kaloka.'

~~*~~

Tanghali pa pero nakauwi na ng bahay si Shivane. Pagkatapos nilang kumain ni Dette ay nag announce ang kanilang Dean na half day lang sila kasi may emergency meeting ang lahat ng faculty members.

"I'm home!" Walang sumagot sa kanya. Tumunog na naman ang relo niya.

From: Unknown +639123455789

[Welcome home.]

Napairap ang dalaga sa kawalan ng mabasa ano ang mensahe neto. Siguradong napapanood na naman siya neto.

From: Unknown +639123455789

[Yung mom mo umalis may note dun sa ref. Si Shirou naman pumasok na sa work pero umuwi yun kanina may kinuha. Yung katulong niyo naman nasa maid's quarter nagpapahinga.]

Napatawa sa sarili ang dalaga. Parang reporter kasi ito kung maka asta at for the first time mahaba ang text neto.

"Thanks for the info MH, dipa tayo tapos ha." Kausap niya sa hangin ng biglang nag ring ang phone niya. May tumatawag.

Unknown +639123455789 Calling....

Nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin o hindi. Nacucurious siya kung babae o lalaki itong trespasser sa privacy niya. Kinuha niya ang wireless earpiece at nilagay ito sa tenga niya. Napagdesisyonan niyang sagutin nalang ang tawag para hindi na siya mapagkamalang baliw kinakausap ang hangin.

"Hello?" sabi niya habang paakyat papunta sa kwarto niya.

"You room is a mess. Hurry and check it." ng marinig niya ang boses neto, halatang gumamit ito ng voice changer. Parang robot kasi na cyborg na di niya maitindihan.

Dali daling binuksan ni Shivane ang kanyang kwarto at tumambad sa kanya ang magulong higaan, nagkalat ang kanyang damit sa naka bukas na closet. Yung computer niya naka on at naiwang bukas.

"WHAT THE?!" bulaslas ng dalaga sa galit, inis at pagka-irita.

"Someone's in your room 35 minutes and 16 seconds ago." report pa ni MH sa kanya.

"Tell me who the fuck is it!" isa isang pinulot ng dalaga ang ang kanyang mga damit na nagkalat at pumunta sa naka wang wang na closet niya.

"I won't. This is your problem not mine." tahimik na napamura ang nangingitngit na dalaga sa narinig niya kay MH. Hindi siya tutulungan neto.

"But i will give you a hint. There's a camera installed in your room. 4 cameras to be exact" sabi pa neto.

"WHAT?! pano nagkaroon ng camera sa room ko? Packing Tape! saan saan ang mga ito? sabihin mo na MH pa thrill ka pa eh tsk"

"Chillax haha. Solve this riddle para magka idea ka kung nasan ang mga camera."

Wow tumawa siya. Himala. Pero riddle na naman haysss. Ang hilig niya sa riddle ah ayaw sabihin ng diretso.

"Open your computer now. Andun yung question. You have 5 minutes to answer that. Kapag hindi mo nasagot, ipo-pose ko sa lahat social media mo yung picture. Goodluck"

'Mapapasabak na naman utak ko neto haysss.' Sabi ng dalaga sa sarili at pumunta na siya sa harap ng computer niya at nakita ito.

Sabi ng dalaga sa sarili at pumunta na siya sa harap ng computer niya at nakita ito

Binasa niya ang nakasulat.

TIMER: 5:00

If K = 16, D = 23, AND Q = 10, WHAT IS...

11, 18, 24, 7, 6, 9,22

21, 9, 26, 14, 22

"Hala! ang hirap naman neto MH, wala bang madali? huhu RIP brain." sabi niya pero wala siyang nakuhang sagot.

'Sa dinami dami ng riddles, MATH pa talaga?! eh Mental Abuse To Human to eh. Wala akong alam sa MATH'

Huminga ng malalim ang dalaga, kinalma ang sarili at saka pumikit. Nag-iisip ito ng malalim at hinahayaan niyang tangayin siya ng kanyang utak. Iba't ibang uri ng codes at symbols ang umaagos sa kanyang ulo.

Dumilat si Shivane at kumuha ng papel at ballpen saka umupo sa harap ng computer.

"Binary Code? NO" kausap niya sa sarili.

4:05 minutes remaining...

"Morse Code? hmmm tignan naten yung K sa morse code."

dash dot dash. It doesn't make sense. So hindi din ito ang code, wait parang ito yung unang riddle na puro emoticons hahaha bat d ko napansin yun? tanga ko talaga. Pero mamaya ko na iisipin yun ito muna.

"Cipher Code? hmmm pwede ma try nga." Nagsimula ng magsulat sa papel ang dalaga para sa Cipher Code at ito ang naging kalabasan.

Plain: ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ

Cipher: XYZABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVW

"Ay tanga! wala pala tong numbers hala ka. Eh kung Braile kaya? Haysss 4 na dots pala yun"

3:20 minutes remaining...

"pano ba i solve to?!" sinabunutan niya ang kanyang buhok sa inis at pagka irita.

2:48 minutes remaining...

1:04 minutes remaining...

"Ilan nga letters sa alphabet? A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W Y Z" sabi ng dalaga habang nag kinukwenta ang daliri.

40 seconds remaining...

"26 lahat letters ng alphabet." binalikan niya ng tingin ang computer para basahin ulet ang riddle. Ng may mapansin siya.

20 seconds remaining...

"TAMA! ang simple lang pala ng sagot d ko pa makuha shet waahh saglit lang MH!" nagmamadaling sumulat ang dalaga sa papel para ma-justify ang kanyang hinala.

A 26, B 25, C 24, D 23, E 22, F 21, G 20, H 19, I 18, J 17, K 16, L 15, M 14, N 13, O 12, P 11, Q 10, R 09, S 08, T 07, U 06, V 05, W 04, X 03, Y 02, Z 01

5 seconds remaining...

4 seconds remaining...

3 seconds remaining...

2 seconds remaining...

"Picture Frame!" sigaw ni Shivane bigla.