"Ughhhhh shit!" MAHINANG mura ng lalaki kasi bitin siya. May narinig siyang mga yapak ng sapatos papunta sa kinaroroonan nila. Tinignan niya ang oras at nakita niyang alas otso na pala.
'Ilang minuto ko bang tinignan ang babaeng ito? Damn! Bitin na bitin ako.'
Dahil wala ng oras, nagmamadaling pumunta ang lalaki sa secret pathway ng classroom nila. Oo mayroong ganun pero konting estudyante lang ang nakaka-alam.
Bigla nalang pumasok ang mga classmates ng dalaga sa loob ng classroom nila. Minulat ni Shivane ang kanyang mga mata. Sa katunayan, alam niya ang nangyari kanina. Gusto niya sanang bugbugin ang lalaki pero sabi ni MH, wag nalang daw. Makipag go in the flow muna daw ako habang hinahack niya ang information neto.
Yung kanang braso ni Shivane ang ginawa niyang unan. Ang kaliwang kamay niyang walang ginagawa ang ginamit niyang pang text kay MH.
"Good Morning Shi! bat parang antok na antok ka? wag mong sabihin na...." bati ni Dette sa kanya saka umupo sa tabi niya after ilagay ang bag neto. Hindi sila magkatabi ni Dette nasa medyo gitna kasi ito samantalang siya ay nasa medyo huli at malapit sa bintana.
"Shut up Dette. Ang aga-aga eh." irap niya dito.
"Hahaha! parang ang bigat kasi ng bagahe mo. Ilang kilo ba yan?" asar neto.
"Manahimik ka. Anjan na si Sir Villa." pumasok si Sir Lloyd Jasper Villa kasama yung transferee kahapon. Napaayos ng upo si Shivane ng magtama ulet ang kanilang mata.
"Good Morning Class. Seems like alam niyo na may bago tayong alien dito sa room. Mr. Devera, kindly state which planet you came from." biro ng kanilang binatang guro. Gustong gusto siya ng mga estudyante dahil sa palatawa niya. Hindi daw boring ang klase kapag ito ang nagtuturo, mas lalong naging bibo ang mga mag-aaral.
Sir Lloyd Jasper Villa, o mas kilala bilang Sir Gwapo ang homeroom teacher ng BSIT-1A sa Snow International School or S.I.S pronounced as Es Ay Es. Alumni nila ito at after neto grumaduate sa paaralan nila, inoffer ng school na maging instructor nalang si Mr. Villa. Matalino kasi ito at Summa Cum Laude pa.
Maraming trabaho ang nag offer kay Mr. Villa pero pinili niyang maging instructor ng kanyang Alma Mater. Sabi pa ng ilan, may memories daw sa school na to na very precious sa kanya. Hindi daw niya ito maiwan.
"Duyi Rikito Zhang. 18 years old. A handsome Alien from China." sabi neto saka bahagyang tumawa. Tumawa din ang mga estudyante sa pakikisakay neto.
"Nice to meet you all." at nag bow ang binata ng baghagya.
"Okay thank you Mr. Alien from China haha. Kindly take your seat beside Ms. Pecson. Yung babaeng kulot ang dulo ng buhok at busy sa kakasilip sa labas ng bintana. Naghahanap ata ng gwapo, andito naman ako." litanya nito sabay fake sad face. Napalingon si Shivane sa harapan at nakita niyang nag wink sa kanya si Sir Gwapo. Pero wala siyang maramdaman na kakaiba. Hindi tulad nung...
"Ang korny mo sir! haha. Umpisahan mo na nga ang klase." sabi ni Shivane dito. Naramdaman din ng dalaga ang pag upo ng bagong transferee sa katabing upuan niya. Halos lahat ng systems niya sa buong katawan ay nag overheat. Hindi siya mapakali.
"Opo Ma'am Shivane haha." biro ulet nito at nagtawanan na naman ang buong klase. Nagsimula ng magturo si Sir Gwapo.
"Hi. Nalapitan din kita sa wakas Shivane." sabi pa neto at naramdaman niya ang hininga neto sa kanyang tenga. Ng dahil sa ginawa nito, tuluyan ng nag shut down ang buong sistema ng dalaga.
~~*~~
"Ms. Pecson panahon na para pag usapan ang magiging misyon mo." biglang sabi ni MH habang nagbibihis ang dalaga. Muntik na niyang makalimutan iyon.
"Anong mission ko MH?" takang tanong niya dito at humiga sa kama.
"Nakalimutan mo na bang hindi ka makakawala saken pag hindi mo nagawa yung naka saad dun sa unang pahina?" sabi na neto.
'Oo nga pala. Kailangan ko palang MAGING ISA SA KANILA. huhu pano kung leader pala ito ng isang KULTO? tapos gagawin akong alay? NO WAY! OVER MY DEAD SEXY HEALTHY BODY '
"Hehe oo nga. A-anong organization ba ang sasalihan ko? baka naman ILLUMINATI yan ha! NO WAY TALAGA!" hysterical na sabi ng dalaga at bumangon saka naglakad ng pabalik balik.
"Hey chill ka lang. There's no way na Illuminati kami. We're good people haha. Okay sasabihin ko sayo pero kailangan mo munang isara bintana mo at pinto. This is so confidential." sagot neto na may authority ang boses. Walang nagawa ang dalaga at sumunod nalang. Pagkatapos niyang maisara ang lahat ng maisara, pumunta na siya sa kama niya at nagsalita.
"So? ano na?" may halong excitement ang tono ng dalaga. Mahilig ito sa pag a-adventure at thrills sa buhay.
"Pumunta ka pala sa may bintana at buksan mo ito. May kakatatok sa bintana mo." ang gulo din neto eh. Pinapasara at pina bubuksan din pala. Kinakabahan man, sumunod parin siya. At ilang segundo pa, may kumatok nga.
Binuksan ni Shivane ang bintana at tumambad sa kanya ang isang robot witch na nakasakay sa walis at may dalang malaking box.
"WOW! ang cute naman." sabi niya saka tuwang tuwa na pagmasdan ang robot ng magsalita ito.
"Hi! I'm Kiki at your service Miss Shivane. Here's a delivery for you. Please take it now because it's so heavy for me to carry."
"Ang cute pa ng boses!" kinuha niya ang kahon saka pinagmasdan ng malapitan ang robot.
"Hi Kiki! pano mo nalaman ang name ko?" kausap niya dito.
"I'm your personal messenger slash assistant miss. Master created me to guide you during your mission. Please press your finger here on my hat so I can officially call you my new master." sabi neto at nag smile pa kay Shivane. Sinunod niya ang sabi neto saka biglang umilaw yung oval na gem sa may hat neto. Biglang may isang hologram siyang nakita with matching boses pa.
CONGRATULATIONS!
KIKI: The Witch Messenger Pet Activated!
HP: 897/1000
MP: 990/1000
INTELLIGENCE: 848/1000
PET TYPE: Magical
Bag Capacity: Unlimited
Attack: 40% /100%
Defence: 85%/100%
"Wow! Parang nasa game lang ako haha ang saya naman neto. MH! ano to?" hinawakan niya ang wireless earpiece niya habang nakangiti.
"It's time for you to be one of us. Kiki, just SLEEP for now. Ms. Pecson paki sara ulet ang bintana." sabi ni MH pero hindi sa earpiece nanggaling. Kundi nasa box na dala ni Kiki.
"Yes Master." sabi ni Kiki at bigla nalang itong naging kwentas ni Shivane.
"Whoaaahh ang galing haha. Ikaw ba gumawa nun MH?" tuwang tuwa si Shivane sa mga nangyayare.
"Yup. The one and only haha now let's go back to business. We call ourselves THE PEACEKEEPERS. Open your box and kunin mo yung libro."
Binuksan naman ni Shivane ang box pero ayaw talaga itong mabuksan.
"AHHH ARGGHH naman eh! MH! Ayaw eh pano to?" Pinagpapawisan na ang dalaga pero hindi pa din mabuksan ang naturang box.
"Wag tanga. May nakalagay na "PRESS HERE" jan oh." sabi pa ni MH. Naiimagine ng dalaga ang itsura netong naka pokerface.
"HAHAHA! meron pala sorry naman." Pinindot ito ni Shivane at nagulat siya sa nakita.
"WHOAAAA ANO TO?!"