Chereads / I am a Rebound / Chapter 57 - Pregnancy Test Kits

Chapter 57 - Pregnancy Test Kits

Nagpatuloy si Yen sa kanyang buhay. Anupa't naging abala siya sa pagsasabay ng negosyo niya at ng trabaho sa pinapasukang kompanya. Halos ilang oras na lamang na naigugugol niya sa pahinga. Pero tila hindi niya ito alintana.

Para kay Yen, habang bata pa at kayang kumayod ay dapat sinasamantala. Dahil limitado ang lakas ng tao. Talaga namang kung nais mong umunlad ay kailangan mo talaga magpuyat at magpakapagod para makuha ang gusto mo.

Halos hindi na nga niya napansin na buong linggo nang hindi nagtitext at tumatawag si Jason. Nabalitaan niya kay Andrea na pinsan ni Jason na ito ang punong abala sa pag aalaga kay Trixie. Ayon kay Andrea ay hindi daw kumakain si Trixie kung hindi si Jason ang mag aasikaso dito. Pinakiusapan daw ito ni William na gawin iyon dahil ni isa sa kanila ay wala daw sinusunod si Trixie. Kaya daw napilitan si Jason na bisitahin ito araw araw.

Natatawa pa siya sa gigil na kwento ni Andrea. Halata niya dito ang pagkadisgusto kay Trixie. Napabuntong hininga siya at napailing. Si Trixie nga naman ay napakagaling. Parang pusang siyam ang buhay na kahit paulit ulit mong patayin ay hindi mamatay matay. Kahit na harapan na siyang sinabihan ni Jason na wala na silang pag-asa ay nakakagawa pa rin ito ng paraan para sila ay magkasama. Si Jason naman na tanga ay umaayon naman.

Napapagod na siya.

Naiinis na talaga.

Hindi niya maintindihan kung si Jason ba ay talagang seryoso sa kanya. Pagkatapos siyang ipatawag sa pulisya ay hindi na sila muling nagkita. Mag-iisang buwan na ngayon.

Nakakapagod palang magmahal.

Nakakapagod umintindi.

Nakakapagod maghintay.

Pero hindi pa siya suko at kaya niya pang magtiis. Hanggat hindi niya narardaman ang pag ayaw ay hindi siya bibitaw.

Naging mainitin amg ulo ni Yen nitong mga nagdaang araw. Iba talaga ang kanyang pakiramdam. Nadadalas ang kanyang pagkahilo at mabilis siyang mairita. Iniisip niya na pre-menstrual syndrome iyon.

Subalit araw araw ay tila may pagbabago sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay namumutla siya at nangangayayat. Naisip niyang mag pacheck-up sa doctor pero hindi niya naman ito mabigyan ng oras.

Marahil ay bunga ito ng sobrang pagod niya at puyat. Kaya naman nagdesisyon siya na sa off niya ay wala siyang ibang gagawin kundi magpahinga.

Tinamad na siyang maghugas ng katawan. Dumirecho si Yen sa higaan at basta nalang natulog. Nitong mga nagdaang araw ay napaka antukin niya. Tuwinang makakarating siya sa bahay ay laging kama niya ang hinahanap niya. Minsan sa kalagitnaan ng trabaho ay parang gusto na niyang umuwi. Para lang matulog.

Nagugustuhan ni Trixie ang mga nangyayari. Palaging si Jason ang pumapasok sa kwarto niya para pakainin siya at samahan kahit sandali. Naging parte na ng araw nito ang pagpunta sa kanila para dalawin siya. Kaya naman pinanindigan niya ang pag iinarte na hindi siya kakain hanggat wala si Jason.

Ramdam ni Trixie sa sarili na medyo umigi na ang kanyang pakiramdam. Malakas na siya at pwede na nga siya muling mag liwaliw sa mall. Gayunpaman ay tinitiis niyang huwag lumabas ng kwarto. Dahil baka pag nakita ng mga tao na ok na siya ay hindi na niya muling makita si Jason.

Pakiramdam niya ay nagbabalik na ang Jason na minahal niya noon. Mabait ito at maalaga. Hindi nga lang ito naglalambing pero ramdam niya na may pag asa na siyang muli nitong mahalin.

Naobliga si Jason sa kalagayan ni Trixie. Totoong naaawa siya dito. At dahil sa nadaramang guilt dahil sa pakiramdam niya na may ambag siya sa dinanas nitong depresyon ay ginawa niya ang hiling ni William na pansamantala itong alalayan hanggang sa lumakas ito.

Hindi na niya nabigyan ng panahon si Yen. Hindi na nga niya ito magawang tawagan dahil pagkagaling sa trabaho ay direcho na siya sa bahay nila Trixie dahil ang nais niya ay maagang maka-uwi at makapag pahinga.

Tatlong linggo na niyang ginagawa iyon. At tingin niya naman ay ok na ito. Subalit hindi pa rin ito kumakain kapag wala siya. Kailangan nito ng tamang nutrisyon para mabilis makarecover. Siguro ay sapat na ang isang buwang pag alalay at pagkatapos niyon ay hahayaan na niya ito.

Hilong hilo si Yen nang siya ay magmulat. Halos ayaw niya bumangon ngunit kailangan niyang pumasok sa trabaho. Inot inot siyang tumayo sa mula sa kanyang kama at nang maamoy niya ang ginigisang bawang at sibuyas ni Manang Doray ay talaga namang bumaliktad ang kanyang sikmura. Nataranta naman ang matanda nang makita siya nitong putlang putla.

Talagang masama ang kanyang pakiramdam. Hindi naman siya nilalagnat pero talagang wala siya sa mood lumabas. Hinang hina siya at pakiramdam niya ay gutom na gutom siya. Nagpabili si Yen ng nilagang mais kay Manang Doray. Agad namang tumalima ang matanda at naiwan si Yen na nag iisip. Ilang araw na niya napapansin ang kakaibang pakiramdam sa sarili. Kaya naman umakyat siyang muli sa kanyang silid at binuksan ang drawer na naroon sa kanyang tokador.

Ilang pirasong pregnancy test kit iyon na nabili niya sa iba-ibang drug store. Balak niyang subukan iyon lahat.

Ilang beses nang may nangyari sa kanila ni Jason. Kaya posibleng magdalan-tao siya. At malakas ang kanyang kutob na may pumipintig na buhay sa loob niya.

Binalot siya ng takot at nangamba siya na baka hindi siya panagutan ni Jason. Sa estado nito ngayon ay baka mabigla ito at hindi nito matanggap ang kanyang anak. Sa kabilang banda ay mainam na din siguro ito. Dahil bago pa man siya bumili ng bahay ay naisip na niyang mag ampon o magpabuntis nalang. Kung sakali man na hindi siya nito panagutan ay kakayanin niya itong palakihin mag isa. Ito ang katuparan ng pangarap niya. At least ay sigurado niyang galing ito sa kanya at mabuting tao tao ang ama, at ito nabuo dahil sa labis na pagmamahal.

Kabadong dinampot ni Yen ang isang kit sa drawer. Apat na piraso ito. Binuksan niya ang isa at binasa ang instructions. Pagkatapos ay sinunod ito. Pikit mata siya nang makita niya ang likidong ipinatak dito unti-unti ay pumula ang guhit nito.

Unang linya....

Pangalawa....

Malabo.

Inulit ni Yen gamit ang isa pang kit.

Una...

Pangalawa...

Dalawang linya.

Muling binasa ang papel na nakapaloob sa kit.

Positive.

Hindi alam ni Yen kung ano ang mararamdaman. Ewan niya kung masaya ba siya? Malungkot? pero alam niya sa sarili niya st sigurado na siya na buntis siya.

Nanglalata siyang umupo sa kanyang kama.

Tiningnan ang cellphone niya.

Tatawagan ko ba?

Binitawan niyang muli ang cellphone niya nang marinig ang mahihinang katok ni Manang.

" Andito na ang mais mo nak."

Lumabas siya ng kwarto. Tiningnan niya ang mais. Hinwakan niya iyon pagkatapos ay inilapag niya lamang muli sa mesa. Nagprito na lamang siya ng talong at itlog para kainin pagkatapos ay muling umakyat sa kwarto para matulog.

" ayaw ko ng mais nang. Malangsa."

Kumunot ang noo ng matanda at tinitigan ang mais. Inamoy niya ito at wala naman siyang naamoy na malangsa. Naisip niya na marahil ay talagang masama ang pakiramdam ng amo niya kaya inilagay na lamamg niya ang mais sa ref.

Naghanda na din siya ng makakain niya at nagligpit ng kusina. Pagkatapos ng trabaho ay sumilip siya sa kwarto ni Yen at nakita niyang natutulog na ito.

Marahil ay dahil ito sa kakulangan nito sa tulog. Binuhos nito ang oras at pagod sa trabaho at negosyo. Kaya naman minsan ay naaawa siya dito. Dalaga pa ito subalit akala mo ay isang batalyon ang binubuhay nito sa labis na sipag at tiyaga sa trabaho.