Chereads / I am a Rebound / Chapter 62 - ANONG GUSTO MONG KAININ?

Chapter 62 - ANONG GUSTO MONG KAININ?

Totoong masakit para kay Yen ang mga nangyayari. Malapit na mag apat na buwan ang tiyan niya. Pero tila walang balak si Jason na pangatawan at damayan siya bilang ama ng kanyang anak.Masyado nang mahaba ang binigay niyang panahon. Kung talagang seryoso ito sana ay nasa tabi na niya ito ngayon.

Nangarap siyang magiging masaya siya sa piling ni Jason pero hindi niya inasahang ang idudulot pala nito ay pawang sakit lamang ng damdamin. Quota na siya sa sama ng loob. Na kung patuloy niyang bibigyang pansin ay manghihina siya. Mauubos siya. Hindi siya dapat magpadala sa emosyon niya.

Kahit anuman ang mangyari ay kailangan niyang magputuloy. Anuman ang kahinatnan nito, kailangan niyang bumangon at harapin ang bagong hamon ng buhay.

May kasalanan siya. Oo... ito ang bunga ng pagiging marupok. Ito ang bunga ng pag asam na balang araw ay makakatagpo ka ng lalaking mamahalin mo at mamahalin ka pabalik. Yung makakaramay mo hanggang sa huling hininga. Yong makakapalitan mo ng " I Do" at mangangakong sasamahan ka sa hirap at ginhawa. Hindi si Jason yon.

Nagkamali siya ng taong pinili. Nagkamali siya ng taong minahal... ngunit paano mo ba masasabing ang taong minamahal mo ay tamang tao na? Paano mo ba malalaman na ito nga ang taong nakatadhana? Eto ang taong mabuti para saiyo? Kung si Jason nga ay hindi niya matukoy sa kanila ni Trixie ang tamang tao siya pa ba? Na sinunod lamang ang damdamin sa pag asang may happy ending sila.?

Ngunit hindi pa rin siya tumitigil mag asam. Maghihintay siya hanggang makapagdesisyon ito. Malapit nang matapos ang isang linggo. Lalo siyang nalulungkot pag naiisip na wala pa rin siyang naririnig na kahit ano dito. May bahaging kumikirot sa puso niya tuwinang maiisip niya ang posibleng pagtalikod nito sa kanilang mag ina. Subalit hinahanda niya ang kanyang sarili kung papano haharapin iyon.

Palagi siyang inaalo ni Manang Doray. Ang sabi nito ay kaya naman nilang itaguyod ang bata. Sabi pa nito ay handa siyang alagaan ang kanyang anak hanggang sa siya ay tumanda. Wala naman na siyang pamilya kaya hindi siya dapat mag alala. Isa pa may pamilya siya na handa siyang damayan anumang oras.

Batid niya iyon. Pero si Jason lang ang magpupuno sa lahat ng kakulangang nadarama niya ngayon. Si Jason lang ang kokompleto ng buhay niya. Dahil ito ang ama ng dinadala niya.

Naisip niya palang na habang lumalaki ay magtatanong ang kanyang anak tungkol sa ama niya, ay nahihirapan na siya kung papano niya ipapaliwanag. Na ang kanyang ama ay duwag sa responsibilidad. Puron lamang salita. Pero walang gawa.

Naalala niya ang paraan nitong humarap sa problema. Noong nalaman nito na ikakasal siya kay Trixie ay nagtangka itong lumayo at takasan ang problema. Marahil ay ganoon din ang gagawin nito ngayon.

Unti unti habang lumilipas ang araw ay nawawalan na siya ng pag-asa dito. Napapagod na siyang maghintay at napapagod na rin mag isip. Kahit nasa bahay ay nagpatuloy siya sa pagmomonitor ng kanyang negosyo. Panay panay din ang tawag sa kanya ni Rico at may mga project na ipinapagawa ito. Ang sabi ni Rico ay kung sakali daw na umalis siya sa pinapasukan niyang kompanya ay maaari daw siyang lumipat sa Villaflor Corp.

Doon daw ay hindi kailangang pumasok araw-araw. Kahit sa bahay lang siya magtrabaho at magrereport nalang isa o dalawang beses sa isang linggo. Napaisip si Yen doon. Isa pa ay mas malaki ang offer sa Villaflor Corp. kaysa sa kinikita niya ngayon.

Napangiti si Yen. Si Rico ay talagang hindi nagpapabaya sa kanya. Maging ang asawa nito ay hindi nakakalimot na kumustahin siya. Minsan ay binibisita siya nito at dinadalhan ng kung ano ang gusto niyang kainin. Nakakataba ng puso ang pagmamahal ng mag asawa sa kanya. Tila ba ito ang kanyang pangalawang mga magulang. Ramdam niya na talagang mahal siya ng mga ito.

Nakatulala si Yen sa kisame. Ilang araw nang nakalapat ang kanyang likod sa kanyang kama. Wala na siyang ginawa kundi humiga. Nanakit na ang kanyang likod. Gusto niya sanang dumapa ngunit hindi na siya makadapa. Laging tagilid at tihaya lamang ang kanyang nagagawa. Pakiramdam niya ay bumigat na siya. Normal lamang iyon dahil halata na ang umbok sa kanyang tiyan.

Tinitingnan niya ang kanyang sarili sa salamin. Minasdang mabuti ang mga hindi na maikakailang pagbabago sa kanyang katawan, mula sa kanyang mata, sa kanyang paghinga, sa boses niya, sa hugis ng katawan...Umikot ikot siya at

May tumatawag.

Hinanap niya ang kanyang cellphone at dinampot iyon.

" hello?"

" kumusta ka na mahal? " tila napawi nanaman ang lahat ng kanyang agam agam. Sa tuwinang maririnig niya ang boses ni Jason ay naglalaho lahat ang kanyang hinanakit. Ganon yata katindi ang pagmamahal niya dito.

" m-mabuti naman."

" anong gusto mong kainin?"

" p-pinya...."

" ok"

" at apples... yung green" dagdag ni Yen

" saka hipon...sinigang na hipon na malalaki."

Tumawa si Jason sa kabilang linya. Wala na itong sinabi at nagpaalam agad.

Naiwan naman si Yen na may kaunting ngiti sa labi. Wala pang isang linggo. Tumawag na ito at tila papunta ito sa kanya. Nakadama nanaman siya ng tuwa.

" Makikita natin ang papa mo baby" wika niya habang hinihimas ang kanyang tiyan.

Ilang sandali ang lumipas ay dumating si Jason. Dala nito ang lahat ng gusto niya maliban sa hipon. Lumapit ito sa kanya at yumakap.

" magbihis ka na, gusto kang makausap ni Papa. Pinatatawag ka niya. Nagluto na din siya ng sinigang na hipon mo." nakangiting sabi ni Jason.

Nagsalubong ang kilay ni Yen.

Pinatatawag siya? Parang may mali. Sa pagkaka alam niya ay sila dapat ang pumunta sa kanya. Siya ang naagrabyado at kahit man lang pabalat bunga ay sana ipakita man lang nito na sinsero sila sa kanilang pagtanggap. Gayunpaman iba ang kanyang kinalakhan sa kinalakhan nilang mundo. Hindi na siya magtataka kung bakit ganon si Jason dahil ang tatay nito mismo ay may problema din sa attitude.

Bumuntong hininga si Yen at nagpaalam kay Jason para gumayak. Matagal naman na siyang nakapahinga at hindi naman siguro masama umalis at sumakay ng kotse. Hindi naman siya ang magda-drive.

Para kay Yen...

Kung hindi lang dahil sa batang nasa sinapupunan ay titigilan na niyang umasa pa sa lalaking ito. Pakiramdam niya ay nabuntis siya ng bata... Batang isip na walang sariling disposisyon sa buhay. Hindi makapagdesisyon ng mag-isa. Siya pa yata ang magtutuwid dito kung sakaling ito nga ang mapangasawa niya. Sa relasyon nila si Yen ang lumalabas na matured. Napailing si Yen.

Sumama na lamang siya. Iniisip niya nanaman ang hindi magandang resulta nito. Maaaring magkasagutan sila ng ama ng binata. Kilala niya iyon. Ayaw non sa kanya. Gayunpaman, ay kailangan niya itong harapin.

Related Books

Popular novel hashtag