Walang perpektong buhay. Palaging may kakulangan sa lahat ng bagay. Kahit pa ang pinakamayaman sa mundo ay may hinahanap na bagay na kokompleto sa kanila. Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Gaano mo man pagsumikapan na magkaroon ng perpektong buhay, gaano man kapositibo ang iyong pananaw, ay may negatibong pangyayari na hindi natin maiiwasan. Sadyang ganoon. Ika nga ng Siyensiya, " opposite attracts."
Ganoon din ang tao...kahit na gaano ka katalino ay maari ka ring magkamali. Sabi nila, pag maswerte sa career, hindi maswerte sa pag-ibig. Pag masewrte sa asawa, di daw swerte sa byanan... Palaging may kulang. At pag sinubukan mong punan, sakripisyo ang kailangan.
Pag isa ka nang ina, ang damdamin mo ay wala nang halaga. Dahil ang tanging hangad mo lang ay ang magandang buhay at kinabukasan ng iyong anak. Yon ang dahilan kung bakit nagagawang titiisin ng mga nanay ang hirap sa lahat ng bagay. Maging ang pagkukulang ng kani-kanilang kabiyak, ay pilit nilang tinatanggap. Yon ay dahil ang nais nila ay mamuhay ang anak nila na may buo, masaya, at kompletong pamilya.
Para kay Yen, saka na niya iisipin ang huli. Importante lang na mamulat ang kanyang anak na kompleto ang magulang. Kung anu ang mangyayari ay pwede niyang pagtitiisan basta pinapangako niya sa sarili na sa dulo ng hamong ito sa kanyang buhay ay panalo siya at hindi magiging talunan.
Buo ang kanyang loob na harapin ang magulang nito. Dahil una sa lahat, siya naman talaga ang naagrabyado. Ayaw na niya manisi. Dahil aminado siya na malaki din ang kasalanan niya sa nangyaring ito sa kanya. Kaya naman nagdesisyon na lamang na harapin ito ng buong tapang.
Lumabas siya ng kanyang silid at bumaba. Nagpaalam kay Manang na bakas ang pag-aalala sa mukha. Nginitian lamang ito ni Yen at inabotan ng sobre.
" sweldo mo nang..."
" salamat Yen....mag-iingat ka. Itext mo ako kung anong nangyari." pabulong na sabi nito na sapat lang para marinig ni Yen.
Sumakay siya sa kotse ni Jason. Talaga naman nasulasok siya sa amoy ng airfreshener nito. Apat na buwan na ang tiyan niya pero ang ilong niya ay masyado pa ring sensitibo.
Habang nasa byahe ay pareho silang tahimik. Pawang nakatingin lamang sa daan.
" nakapag desisyon ka na ba?" tanong ni Yen na bumasag ng katahimikan.
" saan? "
" dito...kung pananagutan mo ako o hindi."
" eto na nga diba?"
Napasimangot si Yen sa tono ni Jason. Minabuti nalang niyang tumahimik na lamang. Isinalpak niya ang headset sa tenga at pinatugtog ang kanta ni Juana. Nakatodo ang volume noon para wala na siyang ibang maririnig pa.
Napalingon naman sa kanya si Jason. Nahagip nito ang bahagyang umuumbok niyang tiyan at muling itinoon ang mata sa daan.
" ok ka lang? " tanong ni Jason kay Yen.
Hindi natinag ang dalaga. Dahil hindi naman niya narinig na nagsalita ito.
Dama ng isa't isa ang panlalamig. Wala ang dating malagkit na tingin. Ang malambing na tinig, para silang normal na magkakilala sa mga oras na yon. Bakas ang lungkot sa mata ni Yen. Kahit hindi ito nakasimangot ay kitang kita sa kanyang mukha na hindi talaga siya masaya.
Tutuloy pa ba siya?
PARA SA BATA.
Huminto ang sasakyan ni Jason sa tapat ng bahay nila Miguel. Yon ang bahay na unang pinagdalhan ni Jason sa kanya. Nakatapak siya ditong muli, sa pangalawang pagkakataon.
Malapad ang ngiti ni Rowena. Sinalubong sila nito ay Yen naman ay bumeso dito.
Inabot niya ang kamay ni Miguel. Nag-aalangan siyang mag mano dito. Awkward ang pakiramdam na iyon lalo pa at alam niya ang pagkadisgusto nito sa kanya. Nadidismaya pa rin siya sa sitwasyon. Imbes ito ang pumunta sa kanya ay ipinatawag siya nito. Pakiramdam niya ay siya pa ang mayroong atraso. Talagang naiinsulto siya sa ginawa nito subalit inisip na lamang niya na malaki na siya, at kaya niya nang itaguyod ang kanyang sarili. Isa siyang independent na babae na kayang humarap sa problema nang mag-isa at hindi kailangan ng magulang para sumigunda pa sa bawat desisyon niya. Di katulad ni Jason..... Isa pa, paraan ito para makuha ang tatay ng kanyang anak. Kakatwa lang isipin pero balang araw, makikita nila kung sino si Yen.
Kung inaakala ng mga taong ito na mapapaikot siya ng mga ito, nagkakamali sila. Walang sinuman ang pwedeng kumontrol sa kanya. Hindi niya papayagan iyon, kahit pa ama ng anak niya ang maging kapalit.
Sa isang banda ay kaya niya namang itaguyod ang kanyang anak mag-isa. Subalit gumagawa siya ng paraan at inilalaban niya ang pagkakaroon ng ama ng kanyang anak dahil ayaw niya magsisi balang araw. Ayaw niyang patalo nang hindi siya lumalaban. At least.... Masasabi niya sa kanyang anak na ginawa niya naman ang lahat.
" nagluto na ako ng gusto mo. kumain ka na habang mainit pa." maya-maya'y sabi ni Miguel.
Pumwesto siya sa mesa....Kaharap ang buong pamilya ni Jason. Kakaiba ang kanyang pakiramdam. Ramdam na ramdam niya na hindi siya kabilang doon.
Totoong kanina ay gusto niya ng hipon. Ngunit ngayon ay tila masusuka siya sa mapait na lasa nito. Binitawan niya ang kanyang kubyertos at humingi ng paumanhin. Tumakbo siya sa banyo at hinabol naman siya ni Jason. Naramdaman nalang niya ang palad nito na humahaplos sa kanyang likod.
Masarap sa pakiramdam. Na habang nagdududuwal ka ay nandiyan ang ama ng anak mo para pagaanin ang iyong pakiramdam. Hinayaan niya si Jason sa ginagawang paghaplos nito sa kanyang likuran.
Hinang hina siya pagkatapos niyang isuka ang kinain niya. Si Jason ang naglinis nito. Pinanood niya lamang ito habang naglilinis.
Kalmado si Yen habang nagsasalita si Miguel.
" Bata pa naman si Jason. Ang isip niyan ay hindi katulad ng saiyo. Bilang ikaw ang mas may kakayahan, ikaw na ang bahalangag adjust diyan. "
Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Yen.
" Ikaw ang magdesisyon. Kung gusto mong magpakasal, sabihin mo lang. "
Tinitigan ito ni Yen. Mag-ama nga sila. Naisip niya, pag iisipan niya muna ang kasal. Dahil sa nakikita niyang gawi ni Jason ay baka maisipan niyang hiwalayan din ito balang araw. Baka pagsisihan niya pa ito. Saka nalang siya magdedesisyon kapag nakita na niya ito kung papano maging ama.
Ang sabi nila, hindi mo lubos makikilala ang tao hangga't hindi mo ito nakasama sa iisang bubong. Doon mo daw makikita ang tunay na kulay nito. Naniniwala pa rin siya na may magandang bagay pa rin kay Jason. Kumpara sa iba. Ganoon nga yata katanga ang tao pag nagmamahal. Kahit nakikita mo na ang kapintasan nito ay patuloy mo lang ipagwawalang bahala. Dahil nangingibabaw ang pagmamahal? Ewan niya....sadyang ganoon nga yata ang buhay.
" mas mabuti na dumito ka nalang at sa bahay na ni Jason tumira. Para maranasan niya maging asawa at ama. Para makita niya ang paghihirap mo. At maalagaan ka niya. " sabat ni Rowena.
Medyo sang ayon siya sa panukala nito. May punto siya. Tiningnan niya si Jason. Tahimik lang ito at hindi man lang nagpahayag ng kanyang saloobin.
" Lumipat ka na muna diyan....para malapit la sa akin at mabilis lang tumakbo.. Kung sakaling may kailangan ka, pwede mo akong tawagan. O katukin dito sa bahay." muling wika ni Rowena. Inabot nito ang maliit na papel at nakasulat doon ang contact number niya.
Marahan siyang tumango at inabot ang papel na hawak nito. Kahit ramdam niya ang pagiging unwelcome sa bahay na iyon, ay nilunok niyang lahat ng pag aalinlangan. Ngayon lang ito....pero hindi ito magtatagal.