Chereads / I am a Rebound / Chapter 60 - RESPONSIBILIDAD

Chapter 60 - RESPONSIBILIDAD

Hindi handa si Jason sa pagiging ama. Sino ba ang handa sa kanila? Maging si Yen ay hindi niya ito inaasahan. Ganunpaman ay matapang niya itong hinarap.

Ilang araw nang tulala si Jason. Wala ito sa sarili at parang napakalayo ng kanyang iniisip. Wala sa hinagap niya na mabubuntis niya si Yen. Hindi niya inasahan na mabubuntis ito agad. Marami pa siyang gustong gawin. Marami pa siyang pangarap.

Oo...noong sila ni pa ni Trixie ay totoong gusto na niya lumagay sa tahimik. Gusto na niyang magkapamilya. Subalit nasira iyon nang magloko si Trixie. Simula noon ay naisip niyang bigyan muna ng panahon na mahalin din ang sarili. Mahal niya si Yen. Sigurado siya. Pero ang responsibilidad na naka-atang ngayon sa harapan niya ay parang hindi niya pa kaya. Hindi siya handa. Gayunpaman, wala na siyang magagawa. Lalaki siya at kailangan niyang magpakalalaki. Kailangan niyang panindigan iyon.

Hindi niya lang alam kung papano magsasabi sa magulang. Hindi niya din alam kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang ama. Alam niya na ayaw nito kay Yen. Hindi niya alam kung ang sitwasyon ngayon ay makakaya ba nitong tanggapin. Magagalit ba ito? Mag aaway ba sila?

Nakatanaw si Rowena, nanay ni Jason sa may binatana ng kanyang silid. Nakita niya si Jason na nakatulala sa kubo na nakapwesto sa likod bahay na tanaw na tanaw sa kanyang bintana.

" may problema ang anak mo." wika niya kay Miguel na nakahiga sa kama at nanood ng balita.Dapit hapon na yon at lahat sila ay nakauwi na ng bahay. Subalit so Jason ay ilang araw nang tulala at tila ba wala sa sarili nito.

Higit kanino man ay ang ina niya ang nakakaunawa sa kanilang mga kinikilos. Kaya naman malakas ang kutob nito na may tinatago ito sa kanila.

" baka si Trixie yan. Hindi natuloy ang kasal nila pero ipinipilit ni William na alalayan niya pa ang anak." sagot ni Miguel.

" natuklasan ko na ang ginawa ni Trixie. Kaya hindi na ako nag-ungkat ng tungkol sa kasal dahil nalaman ko na ang kanyang ginawa. Buntis pa pala siya. Kung sakali pala ay ibinulid ko ang anak ko sa papangutang hindi naman sa kanya."

" bakit mo naman kase ipinilit na ipakasal ang dalawa?"

" yon ay dahil hindi ko alam na nagkaproblema sila. At ayaw ko doon sa girlfriend niya ngayon."

" eh papano nga kung iyon ang gusto ng anak mo? hindi naman ikaw amg makikisama. Siya naman. "

" hindi naman iyon pipisan sa atin dahil may sarili nang bahay ang mga yan " dugtong pa ni Rowena.

Tama si Rowena. Ngayong alam na niya ang karakas ni Trixie ay hindi hamak na mas mainam kung si Yen ang piliin nito. Independent ang babaeng iyon at aminado siyang matalino. Pero sadyang mabigat talaga ang loob niya dito. Gayunpaman, kung sakali man na ito nga ang pipiliin ni Jason, wala na siyang magagawa doon. Hindi na niya panghihimasukan pa ang desisyon nito. Pero hindi ibig sabihin non ay gusto na niya ito. Pero bahala na si Jason pumili ng gusto niya.

SA BAHAY NI YEN

Nasa pangatlong buwan na siya ng kanyang pagbubuntis. Hindi pa rin halata ang kanyang tiyan pero mas lalo siyang nahirapan sa mga nagdaang araw. Dahil sa fully loaded ang trabaho niya ay napagod siya ng husto at nagkaroon ng spotting. Ang sabi ng doctor ay stress daw yon bunga ng labis na pagod at pag-iisip.

Inadvice ng doctor na manatili muna siya ng bahay at magpahinga sa loob ng dalawang linggo. Hindi daw siya pwedeng magkikilos dahil baka malagay sa peligro ang bata. Niresetahan siya nito ng pampakapit at ilang vitamins kaya naman nasa loob lamang siya ng kanyang silid at nagpapahinga.

Dahil sa sobrang bagot ay nagbukas siyang muli ng social media account. Napakarami niyang friend request. Isa dito si Joseph de Chavez?? kapatid ni Jason. Agad naman niya itong inaccept pero bago iyon ay nagpost muna siya picture niya na kita ang tiyan hindi iyon kalakihan pero halatang maumbok naman. Isinabay niya din ang prescription ng doctor.

Sa nature ng kanyang trabaho ang issue na pang kalusugan ay dapat pinapublic. Hindi para magpasikat kundi para sa mga tsismosang katrabaho na laging nagtatanong kung bakit ka wala. At para maipaabot din ito sa boss nila. Yon ay para sa proof na may sakit ka nga.

Wala naman siyang sakit. Dinudugo lang naman siya.

Ang hirap ng buntis. Para kang may sakit araw araw.

At naiconfirm na nga ni Yen ang kapatid ni Jason. Pagkatapos na pagkatapos niya itong maconfirm ay nakita niya na naglike ito sa kanyang naipost na status. Napangiti si Yen. Alam niya na hirap si Jason magtapat sa mga magulang nito. At sigurado siya na sa pamamagitan ni Joseph ay makakaabot ito sa magulang. Bistado ni Yen ang kadaldalan nito.

Maya-maya lang ay sunod sunod na ang messages niya sa messenger. Mga tsismosang katrabaho. Naisip ni Yen. Isa sa messages ay Joseph. Nangungumusta ito. At nag confirm kung buntis nga ba siya.

Agad niya itong sinagot pero hindi niya binaggit na si Jason ang ama.

Nagyon ay napagtanto na Joseph kung bakit balisa ang kapatid. Buntis si Yen at malamang si Jason ang nakabuntis dito. Hindi imposible iyon dahil alam niya na nagkikita ang mga ito.

Pinuntahan niya si Jason para kausapin.

Nag iinom ito mag isa sa kubo at hindi pa umuuwi.

" congrats boy...tatay ka na pala?"

Napamaang si Jason sa sinabi ng kapatid. Hindi nito alam kung papano nito nasagap ang balita. Bilib na bilib din talaga siya galing nito sumagap ng balita.

" oo ee...hindi ko alam kung papano ko sasabihin kay Papa. Ayaw niya kay Yen. Saka parang di pa ko ready."

" ogags ka pala ee. Binuntis mo tapos di ka ready? Huwag ganon boy... panagutan mo yon. Anak mo yon. Baby yon...blessing yon."

Nagpakawala si Jason ng malalim na buntong hininga. Totoo...wala siyang magagawa kundi harapin ito. Reponsibilidad niya na pangutan si Yen kahit na hindi pa siya handa. Andito na ito kaya anu pa ba ang gagawin niya? Hindi naman niya gustong matawag na walang bayag at ang bata naman ay kaawa-awa kung lalaking kulang ang magulang. Tinungga niya ang natitirang alak sa bote.

Bukas ay kakausapin niya na ang kanyang ama. Ngunit bago pa man dumating ang bukas ay nasabi ng tsismoso niyang kapatid ang kaso ni Yen sa mga magulang. Ibang klase si Joseph. Hindi talaga ito pwede pagkatiwalaan ng sekreto. Kahit kailan ay hindi ito maawat sa kadaldalan.