Naramdaman ni Yen ang mainit na pagtanggap ng bago niyang mundo. Maliban sa isa.
Madilim ang mukha ni Miguel at matalim ito timingin sa kanya. Nakapagkit pa rin ang ngiti niya at nagkunwang hindi ito nakikita.
Inalalayan siya ni Rico pabalik sa kanilang pwesto at pagkatapos niya iayos ang pagkaka upo ay agad niyang narinig ang tinig ni Miguel.
" talaga palang entertainer ka." may bahid pa ring pang iinsulto ang tinig nito.
Tumingin si Yen dito at matamis na ngumiti.
" Yes... All around ako. lahat kaya ko. maging organista, drummer, gitarista, dancer? ayaw ko saken ng dancing. Pwede din akong maging masahista, labandera, serbidora, cook, driver, magsasaka, at marami pang iba. Marami akong kayang ibang gawin. Hindi katulad ng iba diyan na ang alam lang maghanap ng kasiraan ng iba." mahabang litanyan ni Yen.
" matapang ka ha? " ani Miguel na nakahawak sa baba. Tila ba may nabubuong plano sa isip.
" laking squatter ako at magaling din makipag riot." tila ba nabasa ni Yen ang banta sa mukha nito.
Pero hindi yon totoo. Never pa siyang nasabak sa tipikal na away. At hindi pa siya nakakadanas ng panganib na banta sa kanyang buhay. Hindi kaya iniisip nitong ipabugbog o ipa-rape siya? hmmmm hindi naman siguro. Pero kung nakikita siya nito bilang banta sa kinabukasan maaring gumawa ito ng maduming paraan para lang idispatsa siya. Hindi kaya??
Wag kang masyadong nanonood ng pelikula Yen. Sa movie lang mangyayari ang gayon. Sabi ng kanyang konsensiya.
Bahagya namang nangiti si Rico. Natutuwa siya sa inaasal ni Yen. Isa itong babae pero marunong itong makipag usap sa mga taong katulad ni Miguel. Napansin niya din na mabilis nitong nakuha ang loob ng karamihan. Ang karakter nito ay malakas. At ang bilis nito mag isip ay dagdag na sa puntos.
Napansin niya ang huling linyang tinuran nito kay Miguel. Alam niya na hindi ito nasangkot sa anumang gulo. Pero nagawa niyang magbitiw ng ganong salita nang maramdaman at maisip na may banta sa sa tono ni Miguel.
Ang babaeng ito ay hindi basta basta mabu-bully. Konting training lamang ang kailangan nito. At hindi siya nagkaroon ng kahit konting pagdududa na kaya nitong magmanage ng kompanya. Muling napagkit ang ngiti sa labi ni Rico. Ang kailangan niya nalang gawin ay makumbinsi eto na lumipat na lamang sa Villaflor Corp.
Kinakain ng inis si Miguel. Sa una ay naisip niya na baka sumiping ito kay Rico o may ginawa itong hindi maganda para makuha ang ganoon kalaking shares na mas malaki pa kesa sa kanya. Subalit nang makita at makasagutan niya ito ay aminado siya na iba ang angkin nitong talino. Totoong medyo bumilib siya sa paraan nito makipag-usap at makibagay. Kung saan ay bihira mong makikita sa mga kabataan ngayon na nasa ganoong edad.
Ang pagsagot nito sa kanya ay hindi niya nakitang pambabastos. Senyales lamang iyon na hindi mo siya basta basta matitinag ng salita. Magaling...Matapang...Kaya naman naisip niyang bumuo sana ng plano para takutin lamang ito. Subalit agad nitong tinabla nang sabihin nitong magaling din siya makipag riot. Tila ba nababasa nito ang kanyang isipan. Umismid siya at muli itong tiningnan ng matalim. Hindi niya alam kung saan nang gagaling ang inis niya. Basta talagang hindi niya gusto ang babawng iyon. Ewan nalang kung makakangiti pa ito pag nalaman nang ikakasal na si Jason.
Napansin ni Yen ang babaeng kanina ay kausap niya. Lumapit ito sa kanila at muli siyang binati nito.
" I really like you iha... your voice is just wow!!" Masiglang sabi ni Olivia.
" Thank you.." nakangiting wika ni Yen.
" Pwede siguro kitang imbitahan sa party ko next week? I think my son would love to jam with you."
Ngiti lamang ang itinugon ni Yen. Masyado siyang abala at may negosyo at trabaho din siyang inaasikaso kaya kahit na gusto niyang paunlakan ito ay hindi siya makasagot dito.
" You know Lester? "
Muling naisatinig nito. Tiningnan ito ni Yen. Hindi ito ang nanay ni Lester. Ang nanay ni Lester ay na-meet niya na ilang taon na ang nakalipas kaya sigurado siya na hindi ito ang ina ng binata.
" Adrian and Lester is a good friend. Nag organize sila ng banda na medyo nakikilala na ngayon. May babae din silang vocalist na hindi ko pa nakikilala dahil matumal naman daw magpractice. Pero baka pwede ka muna pumalit just for my day." kwento nito.
Si Adrian ang anak nito. Sinong mag aakala na ang binabanggit nitong banda ay bandang kinabibilangan niya? At ang sinasabi nitong bokalistang babae na matumal magpractice ay walang iba kundi siya? Sa tingin niya ay maganda nga naman na maki-jam paminsan minsan. Bahagya siyang nangiti at tumango. Tinanong niya ito sa lokasyon at petsa.
Muli nanamang umismid si Miguel sa narinig. Muli nanaman siyang nakadama ng inis. Pero ang nakatawag sa kanyang pansin ay ang pangalang Lester. Iyon ang binabanggit ni na pangalan ni Jason na kinakasama daw ni Trixie. Kilala kaya ito ni Yen? Kung sakali mang magkakilala sila, at totoong may affair si Trixie sa Lester na iyon, hindi kaya minanipula ni Yen yon? Hindi kaya binayaran niya si Lester para akitin si Trixie para mapasakanya si Jason?
Nahulog siya malalim na pag-iisip. Pinaiimbestigahan niya nga pala si Trixie. Mamaya ay tatawagan niya ang kanyang inutusan para isagawa ito.
Naisip ni Yen, wala namang problema kung pauunlakan niya si Olivia. Subalit Ang idea na magkakasama sila ni Lester ay parang hindi maganda sa pakiramdam niya. Hindi niya bibigyan ng pagkakataon si Miguel na mahanapan siya ng butas. Dapat talaga ay kasama siya sa pagpeperform doon. Nabanggit na iyong ni Adrian nong nagperform sila sa baybayin. Pumayag siya dahil natapat naman ito sa araw ng kanyang pahinga. Ngunit sa tingin niya ay maaring maging mitsa ito para maikabit ni Miguel ang pangalan niya sa kalokohan ni Trixie. Na totoong wala naman siyang kinalaman.
" susubukan ko po Ma'am" sagot ni Yen kay Olivia.
" tita Olive iha."
" Tita Olive..." pag-uulit ng dalaga.
" Tatawag po ako sainyo, 3 days before the event po kung makakapunta po ako"
" Ay sana makapunta ka. Gusto kong makilala ka ni Adrian at Lester baka sakaling i-consider ka nila as vocalist." nakangiti pa rin ang babae.
Hindi naman pala sila magkakilala. Naisip ni Miguel. Pero kailangan niya pa rin alamin kung totoo ang sinasabi ng anak. Hindi naman yon sa hindi siya naniniwala dito, naisip niya lang na sa kagustuhan nitong makasama si Yen ay gumagawa na lamang ito ng kwento. Alam niya na si Jason ay medyo mahina at mabilis mamanipula dahil mabilis itong maniwala at magtiwala. Kaya naman siguradong sigurado siya na hindi siya nito susuwayin.
" Di na po kaya ng oras ko ang pagbabanda Tita."
" Ganon ba? pero aasahan ko pa rin ang tawag mo iha. Balitaan mo ako." kasunod niyon ay nagpaalam ito.
Sunod sunod ang reports na inilatag ng mga executives sa malaking projector. Nakita ni Yen kung papano bumababa at tumataas ang profit nito. Hindi naman masasabing talo, pero parang seasonal ang trend ng chart. May mga buwan na malakas at may mga buwan namang bumababa. At paulit-ulit ang ganon sa tatlong magkakasunod na taon. Nilingon niya si Rico na nakatutol din sa nagsasalita. Si Yen naman ay nagpasya na lamang na makinig hanggang matapos ang lahat.