Chereads / I am a Rebound / Chapter 54 - NANAKAWAN

Chapter 54 - NANAKAWAN

Nagwawala si Lester nang malaman ang tungkol sa kasal. Hindi niya inakala na magagawa ni Trixie iyon sa kanya. Hinayaan niya ito sa mga bagay na gusto niya dahil mag aaway lamang sila. Kaya hindi na niya ito pinipigilang lumabas. Aminado siya sa sarli na nasasaktan niya ito subalit dahil yon sa labis na inis dahil sa magaspang na pag uugali nito. Dahil hindi ito naaawat sa kakagimik at pakikipag inuman gabi gabi. Matigas ang ulo nito at hindi nakikinig kahit pa sa nanay nito.

Nadalas ang pagkakasangkot niya sa basag ulo dahil dito. Madalas siya nitong tawagan at magsusumbong na nabastos ng kung sino. Siya namang malaking gago ay kakampihan ito. Susugurin niya ang nambastos daw dito at mauuwi na sa basag ulo.

Hindi niya alam kung anong ibinibintang sa kanya ng mga pulis. Ipinakita niya dito ang cellphone at call logs niya, maging ang mga huling text ni Trixie. Nakita ng mga pulis na nagpaalam ito na uuwi at bahat muna nila mamamalagi. Ngunit hindi ito sapat na katibayan na wala nga siyang kinalaman sa pagkawala nito.

Nadismaya pa si Lester nang malaman na nadamay pati si Yen. Kilala niya si Yen, hindi ito ang tipo na gagawa ng ganon. Nang-gigigil siya kay Trixie sa sobrang galit. Napakagaling nitong gumawa ng eksena at magpaikot ng tao. Ang nakakairita pa, ay hindi man lang niya natunugan na nakikipagkita ito sa dating nobyo. Wala man lang siyang alam na ikakasal pala ito.

Hindi mapakali si Jason. Kaya kahit walang imbitasyon ay nagtungo din siya sa pulisya para magsalita. Baka makatulong iyon para magpatunay na walang kinalaman si Yen sa pagkawala ni Trixie. Sinabi niya na ang buong kwento, mula nang mangyari ang paghihiwalay hanggang doon sa pagpapalayas niya kay Trixie at pagpapaalam nito na walang magaganap na kasal. Maging ang huling estado ni Trixie paglabas nito sa kanyang bahay.

Dahil doon ay nagsalita si Lester na hanapin si Trixie sa mga bar. Dahil batid niya na doon lamang ito tatakbo lalo pa at nasaktan. Madalas ito maglasing at sa loob ng tatlong taon ay ganoon ang nakasanayan nitong gawin. Lahat sila ay napaisip sa sinabi ni Lester. Marahil ay tama ito.

Ngunit wala pa rin silang sapat na patunay para mapawalang sala si Yen.

Habang namamayani ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo...si Yen, Lester at Jason... ay biglang tumunog ang cellphone ni Jason. Nakita niya ang bagong numero na tumatawag sa kanya na agad niya namang sinagot.

" baaaabe...." basag ang tinig ng nasa kabilang linya. Kahit na hindi nito sabihin ay batid niya na lango ito sa alak.

Halos kalahating oras ang itinakbo ng kotse ni Rico. Nasa harap siya ngayon ng bahay ni Miguel at malapad ang ngiti ng huli na sumalubong sa kanya. Pinaupo siya nito sa sala habang ang asawa ni Miguel ay naghahanda ng maiinom nila.

" anong ginawa mo?" tanong ni Rico.

" saan? anong ibig mong sabihin." maang na sagot ni Miguel.

" anong ginawa mo kay Yen?"

" anong ibig mong sabihin? " maang maangan pa rin nito.

" kilala kita Miguel. Ano bang kasalan ni Yen sayo at bakit ka ganyan."

" pagkakamali iyon brad... pero hayaan mo na nang matikman niya naman ang bunga ng panghihiya niya saken. Karma yan. Wala siyang modo. Hindi man lang siya nag alangan na bastusin ako. "

" baka nakakalimutan mo na ikaw ang nauna. At baka nakakalimutan mo din kung saan ka nang galing....bilog ang mundo Miguel. wag kang pakasisiguro."

Kumunot ang noo ni Rico.

" anong ibig mong sabihin?" tanong ni Miguel.

" alam mo kung anong sinasabi ko." sagot ni Rico

" walang kasalanan sayo ang bata. Bakit kailangan mo siya itratong ganyan. Ang pagiging katulong ay hindi niya din ginusto. Pero marangal pa rin itong trabaho. At walang anumang atraso saiyo ang tao." muling sabi ni Rico.

" alalahanin mo na ikaw ay nadampot ko lang din sa putikan."

" sinusumbatan mo ba akol? ha? Rico?"

" hindi kita sinusumbatan. Ang akin lang ipinapaalam ko lang saiyo na alaga ko si Yen. At sa oras na muli mong ulitin ito, sa oras na muli mong pakialaman si Yen, alam na alam mo kung saan ka pupulutin."

Hindi na nakapagsalita pa si Miguel nang basta na lamang siyang talikuran ni Rico. Hindi niya maintindihan kung bakit gayon na lamang ang pagmamalasakit nito kay Yen. Gayunpaman ay tama ito. Dati din siyang mahirap pa sa daga. Naging kaibigan niya lamang si Rico nang makilala ito sa sa pinapasukang unibersidad. At idinamay siya nito sa kanyang tagumpay. Binigyan siya nito ng share sa itinayo nitong kompanya at talaga naman naranasan niya ang ginhawa maging ang kanyang pamilya. Ginawa siya nitong kanang kamay at ibinigay ang pangalawang posisyon sa kanya. Walang kapalit. Kaya ganoon na lamang ang respeto niya dito.

Hindi na siya nakapagsalit at natigilan. Naisip niya kung ano ang ginawa ni Yen kay Rico para makuha ng husto ang loob nito. Kakaiba ang babaeng iyon. Maaring maging tinik ito sa kanyang pangarap.

Ang nais niya sana ay pumalit sa pwesto ni Rico sa oras na mag migrate na ito sa Amerika. Makumbinsi niya ito na walang ibang dapat pag iwanan ng negosyo, maliban sa kanya. Na kanang kamay nito. Siya....bilang presidente ng kompanya. At si william ang tatayo sa pwesto niya.

Kaya naman ang pagkakaroon ni Yen ng malaking shares ay malaking epekto sa kanyang mga plano.

Napukaw ang atensiyon ni Trixie nang marahan siyang tinapik ng crew sa bar na kanyang tinambayan sa lugar na hindi niya malaman kung saan. Inabot na siya ng madaling araw at talaga namang sonra ang kanyang kalasingan. Kinapa niya ang bag para bayaran sana ito. Ngunit hindi niya mahanap ang wallet niya. Maging ang cellphone niya ay nawawala din. Nanakawan siya. Marahil ay isa sa mga kalalakihang nakainuman niya kanina ang sumimpleng kumuha non sa bag niya. Wala siyang pambayad. Wala siya kahit na ano. Maliban sa suot na alahas.

Kulang pa itong pambayad.

Nakiusap siya dito na makikigamit ng telepono. Kahit nadidismaya ang crew ay pinagamit niya sa dalaga ang cellphone niya.

Nag isip si Trixie kung sino ang pwede niyang tawagan. Memoryado niya ang numero ni Jason. At dinial niya iyon. Ilang sandali lamang ay sumagot ito.

" baaaabe.." ni halos hindi na siya makapagsalita ng maayos sa sobrang kalasingan.

" nasaan ka?" niloud speaker ni Jason ang cellphone niya para marinig ng mga pulis na nagiimbestiga. Sinabi ni Trixie amg lokasyon niya at ang sitwasyon niya na nanakawan daw siya. At wala siyang pambayad sa mga nainom niyang alak at pulutan.

Napailing si Lester.

Dahil sa tawag ni Trixie ay naabswelto si Yen at pinayagang umuwi. Bago pa man sila makauwi ay dumating si Rico kasama ang dala nitong abogado. Ngunit tapos na ang kaso. Walang kinalaman si Yen sa nangyari. Nakahinga ng maluwag si Rico at inakay si Yen pasakay sa kotse at ihinatid nito pauwi.

Si Jason naman ay tumawag sa mga magulang ni Trixie at ipinaalam amg estado nito. Pagkatapos ay umibis para puntahan ang miserableng si Trixie.

Ilang oras ang kanyang ginugol para marating ang kinaroroonan ng dalaga. Hinananap niya ang kinaroroonan nitong bar. Pagpasok niya doon ay nakita niyang nakalupasay ito sa harap ng bar. Umiiyak at napaka mesirable ng itsura.

" baaaabe..."

Inalalayan niya itong tumayo ngunit hindi na halos nito magawang tumayo sa sobrang kalasingan.

Inayos niya ang buhok nitong sabog sabog na. Amg make up nito ay nagkalat na sa kanyang mukha. Anupa't kaawa-awa ang itsura nito. Amoy alak. amoy suka.

" baaaaaabe! " napahagulgol ito nang siya ay makita paulit ulit itong humihingi ng tawad sa kanya

" sssshhhhhh its ok." inalo niya ito at isinubsob sa dibdib niya. Awang awa siya dito. Binuhat niya ito at isinakay sa kanyang kotse.

Bago pa man siya pumwesto sa drivers seat ay dumating naman ang mga magulang nito.