Chereads / I am a Rebound / Chapter 51 - WALANG KASAL!!

Chapter 51 - WALANG KASAL!!

Napagod si Jason sa maghapong trabaho. Gaya ng dati ay gabi nanaman siyang nakauwi. Pagpasok niya sa gate ay kumunot ang kanyang noo.

" bukas??" sabi ni Jason sa sarili.

Bukas din ang mga ilaw sa loob ng bahay. Iniisip niya kung naiwan ba niya itong gayon bago siya umalis ng bahay. Pero hindi. Nagtatakang pumasok si Jason sa loob ng bahay. Inikot ang kanyang paningin. Walang tao.

Pinatay niya muna ang iba pang ilaw na nakabukas. Dahil pagod ay dumirecho siya sa kwarto para lang magulat sa babaeng nakaupo sa kanyang kama.

" babe..." tumayo ito at patakbong lumapit sa kanya. Akmang aangkla ito sa kanyang leeg nang tinulak niya ito papalayo.

" wala ka na ba talagang natitirang hiya sa katawan?" galit na wika ni Jason.

" saan ka ba nakakabili ng kapal ng mukha baka pwede mo naman ako timbrehan."

" babe...ikakasal na tayo. "

" anu bang ginagawa mo dito.?"

Kapagdaka'y namuo ang luha sa mga mata nito.

" si Yen, pinagbantaan niya ako kanina..." sabi nito.

" guhuluhin niya daw ang kasal natin." dugtong pa ni Trixie.

May kung anong kumislap sa mata ni Jason. Ewan niya kung bakit tila ba nakadama siya ng tuwa sa sainabi nito. Pero pakiramdam niya ay nagsisinungaling si Trixie at nagbabadyang gumawa ng kwento.

" akin na ang susi."

" babe anong susi?"

" yung susi ng bahay ko. dapat ay matagal mo na ibinalik saken yan. pero wala ka yatang balak ibalik. Ayoko na may ibang tao ditong sisira ng katahimikan ko...akin na! "

" babe magiging bahay ko na din ito....eto naman na ang plano natin diba.?"

Napamura si Jason sa sinabi ng babae. Matagal na niya iyong gustong gawin. Pero palagi lamang siyang nagpipigil.

" ibigay mo saken ang susi ko!! " halos pasigaw na sabi ni Jason.

" pero babe...."

Gumuhit na ang galit sa mga mata ng binata. Sa tanang buhay ni Trixie ay ngayon lamang niya iyon nakita. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang bag at dinikot amg susi doon. Inabot niya ito kay Jason.

" alis na..."

Parang tuta si Trixie na itinaboy ni Jason palabas.

" bilis!!! "

Nataranta naman ang babae at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Pagbukas niya ng gate niyon ay muling nagsalita si Jason.

" ayoko nang makikita ka pa. Simula ngayon, hindi na tayo magkakilala. Kasal???" mapait itong tumawa.

" WALANG KASAL!!"

" Pero baaaabe..."

" Tigilan mo ang katatawag saken ng babe. Matagal na tayong tapos. Kung nagagawa mong magmartsa dito at magpabalik balik sa harapan ko yon ay dahil may natitira pa akong respeto sayo. Pero ngayon, wala na.... kahit konti Miss Trixie....wala na."

Tila dinurog ang puso ni Trixie sa mga sinabi nito. Nagtuloy tuloy ang daloy ng luha sa kanyang mga mata. Sa tagal ng panahon na magkakilala sila, ngayon lang niya narinig si Jason magsalita ng ganon kabigat. Ang sakit pala. T.T Halos manlabo ang kanyang paningin sa masaganang pagbukal ng luha sa mata niya.

" tama na... Nasaktan mo na ako minsan. Tama na yon. Tigilan mo na ako please lang."

" pero yong kasal?"

" walang kasal!! kung ayaw mo isadsad ang sarili mo sa kahihiyan tumigil ka nalang. walang Jason na sisipot sa kasal mo. Kung gusto mo pakasalan mo ang tatay ko." sabi ng binata.

" gusto niyo ang isa't isa diba?" nang uuyam ang mga ngiti nito.

" larga na...ireport mo na. Na pinagbantaan ka ni Yen, at pinalayas kita. pero sinasabi ko sayo, wala kang mapapala saken."

Hindi halos makapag salita si Trixie. Hindi niya inaasahan na magiging ganon si Jason. Kasalanan niya. Dahil masyado siyang makasarili. Kasalanan niya. Dahil marupok siya at nasilaw sa pansamantalang kaligayahan. Kasalanan niya kung bakit siya tinataboy ng lalaking walang ginawa kundi mahalin siya. T.T

Kahit paulit ulit pa siya magsisi ay huli na. T.T

Wala na si Jason.

Ang puso nito na dating kanya ay pag-aari na ng iba. Halos maglupasay siya sa labas ng bahay ni Jason. Pinilit siya nitong umalis. Halos ipagtulakan siya nito. Hindi niya ramdam ang sakit ng pagkakabangga ng kanyang katawan sa bakal na gate. Ang ramdam niya lang ay ang sakit....sobrang sakit sa dibdib.

" Jasooooon!!! nagsisigaw siya sa labas. I'm sorry!! patawarin mo ako baaaaabeee!!!!" desperada siya. Totoong gusto niya na balikan si Jason. Ang dating sila. Ang mga pangarap nila. Pero huli na.

Naalala niya ang mga araw na si Jason ang ganon. Halos magmakaawa ito sa kanya. Kahit siya na ang gumawa ng mali ay panay ang sorry nito. Nakikiusap na balikan siya. Pero hindi niya ito pinakinggan.

Ngayon siya naman. At kahit mamaos siya kakasigaw, hindi ito lalabas. Napadausdos si Trixie sa gate ni Jason. Nawala ang natitira niyang pag-asa. Kahit pa magsumbong siya sa ama nito ay wala na ring kwenta. Kahit pa mapilit niya itong pakasal sa kanya ay ramdam niya.

HINDI NA SIYA NITO MAHAL!!

Narinig ni Jason ang sunod sunod na sigaw ni Trixie sa labas. Narinig niya ang paulit ulit na paghingi nito ng tawad. Noon ay tila napakatigas nito at never niya itong narinig mag sorry. Pero kahit katiting na awa ay wala na talaga siyang maramdaman. Ang tanging gusto niya lamang ay mawala na ito sa kanyang paningin ng tuluyan.

Ngayon lang nakadama ng kapayapaan ang isip niya. Tama si Yen, Minsan ay kailangan mong magsabi ng totoo para makamit mo ang kapayapaan mo. Tama si Yen doon sa halimbawang ginamit nito. Bahagya siyang nangiti nang maalala ang langaw at lamok na ginamit nito sa pag gawa ng scenario. Ngunit dahil doon, ay nagkaroon siya ng sapat na lakas ng loob para harapin ito.

Maraming pagkakataon na nalagay siya sa magulong estado ng pag-iisip. Si Yen ang nagsisilbing tagapayo at gabay niya sa mga bagay na kinakaharap. Si Yen na palaging nasa positibong side. Na kahit gaano kabigat ang pinagdadaanan ay nagagawa nitong harapin ng buong tapang. Kinuha ni Jason ang cellphone niya at nag text.

[ I'm free...:)]

Sumagot lamang ito ng smiley.

Nangiti si Jason at alam niya na masaya si Yen para sa kanya. Kung iisipin ay talagang mas maraming alam ang dalaga kesa sa kanya. Minsan nga ay naiintimidate na siya dito. Pero wala....sadyang iba si Yen.

Kasalukuyang nagmi-make up si Yen para sa pupuntahang event, nang tumunog ang cellphone niya.

[I'm free :)]

Napangiti si Yen. Sa wakas, nagawa niya din. Sinendan niya ito ng smiley. Pagkatapos ay muling nagbalik sa pag aayos.

Ngayon gaganapin ang meeting ng mga shareholders ng Villaflor Corp. Ngayon din siya ipapakilala ni Rico sa mga business partners nito.

Grabe ang nadarama niyang kaba. First time niya yon. At hindi niya sanay pumunta sa mga ganoong klase ng events. Pawang mga olds ang naroon at baka siya lamang ang pinakabata. Gayunpaman ay isa itong bagong karanasan. Bagong mundo... bagong kaalaman na tutulong sa kanyang paglago.

Palaging game si Yen sa mga bagong kaalaman. Ang rason niya ay hindi ka dapat manatili at makontento na lamang sa iyong kinalalagyan. Bagong mundo, bagong mga tao, bagong paligid, at bagong pagsubok, bagong uportunidad, at bagong tagumpay.

Oo... laging nakatingin si Yen sa dulo. At ang goal palagi ay manalo. Kung ano ang kahihinatnan nito, pananagutan niya ito, sa kanyang sarili.

Narinig niya ang busina sa labas.

Dumating na si Rico.

Si Rico ang escort niya sa event. Dahil si Rico din ang magpapakilala sa kanya sa mga stockholders. Kabang kaba pa rin siya ngunit pilit niyang inayos ang kanyang sarili.

" napaka ganda mo anak." bati ni Rico kay Yen

Suot ang puting pencil cut dress na si Rico mismo ang pumili. Tenernohan ito ng puti ding high heels, anupa't all white siya pero talaga namang elgante at mukha siyang tao sa suot niya.

Sanay naman siya magsuot ng matataas ang takong. Dahil madalas ay ganoon ang suot niya kapag nagpeperform. At gustong gusto niya iyon dahil nakakadagdag ito ng confidence.

PARTY

Sari saring sasakyan ang nakaparada sa harap ng hotel na kanilang pinuntahan. Tila nagpapaligsahan ang mga tao doon kung sino ang may pinakamagarang sasakyan. Ramdam pa din ni Yen ang kaba. Subalit nong nasa loob na siya at panay na ang bati ng mga taong nakakakita sa kanya ay bahagya itong nawala.

Napakaraming pagkain ang nakalatag sa mga lamesa. Pero kahit napakarami noon ay hindi Yen nakaramdam ng gutom. Lumapit sa kanila ang isang di pa naman katandaang babae.

" hi" bati nito kay Rico at bumaling sa kanya.

" this is Yen, Yen Morales Reyes. the second biggest shareholder of villaflor corp." pakilala ni Rico.

" bumeso ang babae kay Yen. Saglit silang nag usap nagpaalam itong umalis."

Pakiramdam ni Yen ay maa-out of place siya. Wala talaga siyang kakilala maliban sa tito Rico niya.

Naupos sila sa isang mesa. May mga bakanteng upuan doon. May nag offer kay Yen ng maiinom at magalang naman siyang kumuha at nagkunwang uminom pero inilapag lamang ito sa mesa pagkatapos. Takot siya uminom ng kahit ano doon. Baka may maglagay ng lason sa baso niya at mamatay na lang siya at bumula ang bibig. Talagang maingat siya at tuso. Kahit pa kilalang kilala niya ang kasama niya dito.

Maya maya pa ay may pamilyar na mukha na lumapit sa kanila. Alam ni Yen na tatay iyon ni Jason at ang tatay ni Trixie na William. Ang William ang mukhang bata pa. Mga nasa late 30's lang ang itsura nito. Gwapo ito at kamukha ni Trixie.

Ang pagtitipong iyon ay idinaan sa party. Doon ilalahad ang reports ng progress ng company sa buong anim na buwan.

" Pareng Rico, ipakilala mo naman kame sa kasama mo." sabi ni William

" Pare, meet our second biggest shareholder, Yen."

Biglang umasim ang mukha ni Miguel at tumawa ito nang nakakainsulto.

" second biggest shareholder pala ah? ilang gabi ba ang kapalit ng shares bro.?" pang iinsulto ni Miguel.

Matalim ang tingin na binato ni Rico kay Miguel. Ngunit si Yen ay walang reaksiyon at tila ba hindi apektado sa sinabi nito. Nakatingin lamang siya dito at walang ekspesyon na mababasa sa mukha nito.

Inaasahan na niya ang mga gabong klaseng salita sa tatay ni Jason. Pero hindi siya nagbigay ng reaksiyon. Wala siyang pakealam sa sasabihin nito at kahit gumamit pa ito ng megaphone para hiyain siya ay hindi siya apektado.

Dahil alam niya.

Alam niya sa sarili niya na anuman ang meron siya ngayon, ay bunga iyon ng kanyang talino, pawis at dugo. Hahayaan lamang niya itong mang galaiti sa inis hanggang sa ito na ang makatuklas ng sarili nitong mali.

Humanga naman si Rico sa pinakita ni Yen. Kung iba-iba ay baka lumuha na at naglupasay na dahil sa hindi magandang salita na galing sa ibang kasama. Subalit ito ay nanatiling kalmado at tila hindi apektado sa sinabi ng kaharap. Na nagtulak naman kay Miguel para mang galaiti.

" aba... taas noo ka pa ah. Pag taga squatters talaga makakapal ang balat. "

Bago pa makapag salita si Rico, ay nakita niya ang matamis na ngiti ni Yen. Elegante nitong inangat ang baso ng wine at pasimpleng sumimsim. Minasdan na lamang ito ni Rico. Isa pa ay nagpipigil din siyang patulan si Miguel.

Tinitigan ni Yen si Miguel sa kanyang mga mata. Bahagya naman itong natigilan. Hindi niya inaasahan ang na ganoon kagaling magdala ng emosyon ang dalaga. At kahit siya ay namangha sa ugali nitong ipinakita.

" hindi ko naman ikinakaila na galing ako sa squatter. pero sa mga oras na ito, pansinin mo kung sino sa atin ang bastos at umaastang ugaling squatter. " nakangit pa rin si Yen. Ngiti na hindi abot sa mata. Ngiting nang iinis. Na nagpatahimik kay Miguel.

Matalim ang tingin ni Miguel kay Yen. Bahagya siyang napahiya sa tinuran nito. Ang ikinainis niya pa ay hindi man lang ito natinag sa kanyang mga sinabi.

Ilang sandali lamang ay pormal na ipinakilala si Yen ni Rico sa buong grupo. Bilang pinakabago at pinakabunso ay nag request si Rico na alayan ni Yen ng isang awitin ang kanyang mga senyores. Na pinaunlakan namam ng dalaga.

Sa harap ng malaking piano ay umupo si Yen.

Nakangiti siya at eleganteng pumwesto doon. Maya maya ay nag umpisa itong tumugtog. Sa kanyang bibig ay may nakatapat na microphone.

Kahali-halina ang musikang pumapailanlang. At dahil karamihan ay middle aged ang naroon ay pinili ni Yen kantahin ang kanta ng carpenters nalang.

Yesterday Once More

Namayani ang katahimikan at lahat ay matamang nakinig sa awiting tila tumatagos sa kaluluwa. Napakalamig ng tinig nito at talaga namang ang iba ay napanganga pa. Napangiti si Rico sa nakikitang kakayahan ni Yen na makibagay sa mga tao. Kahit anong edad ay kaya nitong pakisamahan at maging ang may mga hindi magandang attitude ay nagagawa nitong pakiharapan.

Pares ni Miguel.

Hindi pa niya mapipilit si Yen na mamalagi sa kompanya. Ngunit ang mga bakanteng oras nito ay hiningi niya para magkaroon siya ng pagkakataong turuan ito. Alam niya na malaki ang potential ng dalaga at naniniwala siya na magiging mabuting leader ito.