Chereads / Empire (The Avengers Series) / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

"Sa tower IV po kayo. The King's tower po ang tawag doon." Isa pa! Sa susunod na magkita kami ng lalaking iyon ay sasabunutan ko silang magpipinsan dahil sa pagpapangalan ng lahat ng bagay sa kanila! "Twenty-third floor po." at ibinigay ang susi sa akin bago ako pumasok sa elevator.

2301.

Mag-isa ako sa loob ng elevator. Papasara na sana ito nang may isang kamay na pumigil. And everything was like, slow motion. Dammit!

His eyes screamed hotness and that he's somewhat foreign. His built is just oh my god! Mukhang nahulog si Adonis dito sa elevator. Fuck! Sa suot nyang v-neck shirt, bakat ang pecs niya! Mukhang yummy at kung titingin ka naman pababa ay mukhang may mga pandesal na nagtatago roon! Nakakaakit rin ang mga braso niya na mukhang ang sarap-sarap tuloy magpayakap sa kanya! God! If his arms can crush me, I will be happily crushed.

Sana kapitbahay ko sya or what.

Oh my god! Kung magiging kapitbahay ko sya? Oh my god! He's like God's gift to mankind! And fuck! Alam kong this is inappropriate and certainly out of line and well, 18+ kind of stuff but goddamn! Just imagine those scenes you see on NSFW videos where a guy next door knocks or something and then it just goes wild? Damn it! Namamanyak na naman ang utak ko! Ugh!

Hindi naman sa hayok ako sa gwapo pero sa para sa kanya, you can say that. Oh well. Hindi ako normal na ganito. Yes? Mahilig ako mag-boy hunt but it always go to waste. Mga fuckboys lang pala. Gwapo pero walang substance. Sanay ako makakita ng gwapo dahil madalas sumulpot sa America ang mga kupal kong kamag-anak. Ang may-ari ng buong Deimon Square at ang pinakamayamang bachelor sa bansa ay dinadayo pa ako sa LA. Ganun ako kaganda!

Ting!

Napatingin ako sa floor.

Hoo! Nine pa lang. May isa namang sumakay rin. Talagang sa gitna pa namin ni Kuyang Yummy huh! Nakakainis! Laki laki ng space e dun pa niya napiling pumwesto!

Sinulyapan ko si Kuyang Yummy sa pag-asang makikita ko sya pero sumalubong na agad sa akin ang ngisi noong lalaking kasing tangkad niya. He's smiling but something's off. Ugh! Nevermind! Nakakainis talaga kaya nag-iwas na lang ako ng tingin pagkatapos ko syang irapan.

The guy muttered something Chinese, I guess. "Hanggang sa elevator nakakaakit ka parin ng babae?" Aba't nagpaparinig ang gago!

"Huh! How would you describe this Chinese guy?" Tinaasan ko ng kilay ang therapist ko.

"Do you want me to finish or not? More storytelling, less questions. How 'bout that?" Pagtataray ko sa kanya. Umoo lang naman sya.

"Kahit saan naman ako mapunta, bruh. Minsan sinuswerte lang talaga na maganda ang naakit ko." Humalakhak sya saglit. Uminit ng sobra sobra ang pisngi ko. "Welcome to the King's tower, miss?" He turned to me as if he's asking my name.

Ting!

FLOOR KO NA! Sasagutin ko ba o aalis na ako? Pasara na ata ito e. KAINIS NAMAN.

My thoughts were blocked. Ugh!

Kaya ayun, umalis na lang ako.

Gaga mo naman talaga Cash!!! Gwapo na naging bato pa!

2301.

Binuksan ko na ang pinto ko sa pag-iisip kung gaano ako ka-gaga. Nakakainis ka naman, self! Dammit! I mean, seriously? He's too beautiful, even my thoughts were blocked!

But still, hindi ba good move din naman iyon? I mean, magtatakha sya kung anong pangalan ko di ba? Magiging curious sya lalo sa akin di ba? Jesus Christ! Who am I kidding!?!?!?!!!

Pagpasok ko sa bahay ko ay nakita ko namang sinunod ang gusto kong design. Pastel colors ang theme na inutos ko at mukhang light na light at cozy ang bahay ko ngayon. Somehow it feels like a coffee shop, you know. Mahilig kasi ako sa mga ganoong lugar at mas malakas ang drive ko para magsketch sa ganitong environment. Ang dami kong nakikitang light pink, light blue at mint green. Ang saya ko tuloy. Nang pumasok naman ako sa unang kwarto ay nakita ko ang chic pastel pink bedroom ko! Ang ganda ganda!!!

Ang unan ko ay baby pink tapos ang vanity ko naman ay napakacute na mostly white na may touches ng baby blue, pink at mint green at lime green. Tumakbo ako sa work room ko at nakakatuwang makita na ang lahat ng bagay ay maayos at nakalagay sa bawat lalagyan nila! Pero ang mas ikinatuwa ko ay ang bathroom ko na mukhang pang-doll house!!! Sa study room slash library ko ay nagmukha na talagang coffee shop! OH MY GOD! Tapos kumpleto pa ng mga paborito kong libro! Maybe I should give Ellis a bonus. Lalo na at may isa pang dagdag na room na mukhang studio. Dance studio. He badly deserves a bonus! And well, a life. Sa sobrang walang lovelife ni Ellis ay puro ang mga kailangan ng mga Caraviejo ang inaatupag niya.

I mean, Ellis is gwapo pero he's got this aura na parang ayaw mo na lang syang lapitan. But it's pretty hot at the same time, you know. 'Yung tipong para syang 'dominant' or something like that. BDSM and kinky shits?

May dalawa pang guest room dito. So basically, anim ang lahat ng rooms. Ang master's bath ay nasa loob ng kwarto ko, iyong mukhang pang doll house. Pero merong isa pang common bathroom na cute rin naman pero hindi kasing cute ng sa akin. Ang sa unang guest room ay mainly green at blue ang theme samantalang ang kabila ay pink at yellow naman. Samantalang mukhang pambata at mukhang laruan naman ang mga kagamitan ko sa kusina! SOBRANG CUTE NG BAHAY KO!

Basically, my house is like a legit dollhouse and I'm the doll. Kidding! (Not kidding!)

Jet lag ang tumulong sa paghila sa akin ng antok. Nakakapagod bumyahe ng ganoon kalayo.

Mukhang sa sobrang cute ng bahay ko ay nakalimutan ko ang lalaking nakasabay ko kanina sa elevator. Sana taga-rito rin sya para malapit lang kami sa isa't isa.

Nagising ako kinabukasan at nang tumingin ako sa orasan ay ala una imedya na. Isang buong araw akong tulog. Kinusot ko ang mata ko at binuksan ang veranda.

What a beautiful life! I thought to myself. Kitang kita kasi ang view ng Deimon Square Park at ang mga bata na nag-ba-bike at naglalaro o nagsisistakbuhan. Makulimlim naman ngayon at hindi gaanong tirik ang araw kaya siguro ay okay lang na maglaro sila. Malakas rin ang ihip ng hangin, hatid na rin siguro ni Habagat. Nakakarelax pagmasdan ang berdeng damuhan sa baba at ang mga punong nakapaligid dito. Maybe I should give King some credit for this one, afterall, sa kanya naman ang buong estate na ito. Siguro hindi na ako masyadong makikipagtalo sa kanya kung sino ang mas matalino sa aming dalawa.

Naligo ako at nag-ayos. Nakita ko kasing wala pala akong stock ng pagkain kaya mag-gogrocery muna ako. I just hope na makasalubong ko uli 'yung cutie kahapon. Sana talaga dito sya nakatira. Para magkita kami uli. At sa pagkakataong iyon ay wala nang singkit na eepal at makakapag-usap kami. Malay mo iyon na pala ang forever ko! Although I don't believe in such pero malay mo naman di ba! Nothing is ever certain.

And with that hope in my heart, nagbihis ako ng maganda. Mabuti na lang at may malaking salamin na nilagay sa kabilang kwarto kaya doon ako tumingin kung okay na ba ang suot ko. Siguro dapat ko itong ilipat sa kwarto ko kaso masyadong mabigat e. Di naman ako amazona no! I'm wearing a short denim dress with sleeves rolled up to my elbows and gladiator-like sandals. Inayos ko ang buhok kong naka-messy bun. Looking at my pale white complexion and my dark colored hair and thick eyebrow, I look like some goth walking around. Hindi mapagkakaila ang foreign ancestry ko dahil sa itsura kong ito. Sa side ng nanay ko ay Spanish at sa tatay ko naman ay... well, I'm not really sure. Basta alam ko na ang mga Caraviejo ay mga espanyol, katulad ng mga pinsan ko na nagtatangusan ang ilong at ang tatangkad! Samantalang ako, sa kasamaang palad ay hindi man lang umabot sa 5'3, pero at least naman di ba! Nakaabot ako sa 5! I'm only 5'1. My poor little legs.

Naglakad ako palabas ng unit ko dala ang isang dark blue Prada hand bag. Although I'm not fond of brands, madalas naman na ang mga inireregalo o ipinang-susuhol sa akin ay mga mamahaling gamit tulad ng bag na ito na ibinigay ni Drei. Palibhasa'y mga bilyonaryo ang pamilya kaya ganito. Wala kasing girlfriend kaya ako ang napagbubuhusan ng luho na dapat ay para sa nililigawan nya o girlfriend. He's allergic to those kind of things. Or at least maybe protecting his own heart. Who knows?

Nang nasa elevator na ako ay bigla namang nag-ring ang phone ko. At nakitang nakaflash sa screen ang pangalan ni Kuya Claude, isa sa mga pinsan ko. Ang pinakamayaman, pinakagwapo at pinaka-matalinong bachelor sa mundo. LOL! Hindi naman nya naririnig 'yan Cash. Wag mo na purihin. Wala kang mapapala.

"Hello, Cash?" panimula nito,

"Kuya? Napatawag ka?" sabi ko. I'm using all the enthusiasm I can muster. Damn it! I'm good as dead. Fuck!

"Hindi ka man lang dumaan dito sa bahay? Ni hindi ka rin tumawag na nakauwi ka na pala." Oh shit! Consider me dead.

"Oo nga pala. Sorry, kuya nakalimutan ko lang naman e. If you're not busy today, gusto mo puntahan kita?" Nakalimutan kong tawagan sya. He cares for me a lot, at ganoon rin sya sa lahat ng kamag-anakan namin. Especially kaming dalawa ni Alleina ay hindi man lang napagtutuonan ng pansin ng mga magulang namin.

"Hindi na. Okay lang naman. I just called to make sure you're okay." Naku naman! Nagtampo na. "Hindi para mangonsensya." Hindi raw e sa tono niya parang iyon nga ang ginagawa niya.

"Oh. Okay. Bye then." sabi ko. Pero mamaya i-susurprise ko sya!