Chereads / Empire (The Avengers Series) / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Malamang ngayon ay patay na ang mga secretary, teachers at registrar dahil bad trip na naman si kuya.

*ting*

Lumabas na ako at... wait! Wala nga pala akong sasakyan ano? Aym so styuuuupid! Mabuti pa at mag-iikot muna ako dito sa square. Baka makahanap ako ng isang grocery store. Pero sa kasamaang palad ay wala talaga. Ang mga nandito lang ay mga restaurant, may ibang fastfood at iilang cafes. Bukod doon ay may mga bilihan rin ng sports chuchu at mas marami pa ang bars kaysa sa mga shop ng basic necessities ng isang tao. Siguro ay maganda rito kapag gabi. Pero damn! Hindi man lang ba naisip ni King na kailangan ng malapit na convenient store?

Naglakad ako papunta sa may sakayan ng taxi at luckily, nakasakay naman ako agad.

"Manong, doon po sa pinakamalapit na mall o grocery store." At umalis rin ito agad.

Hindi naman pala ganoon kalayo ang mall, siguro ay nasa kalahating kilometro lang ang layo nito. Tumigil ang sasakyan sa isang mall. Oh well. Sana meron na lang purely grocery store dito at hindi isang buong mall. The thing about me, going to malls, is that I'll always burn cash with nonsense.

"Magkano po?" tanong ko.

"Ah wala po ma'am. Paki-swipe na lang po 'yung card niyo sa Deimon Towers, ma'am." What? "Ayun po kasi ang patakaran dyaan sa Deimon ma'am. Icha-charge na lang sa inyo. Ang management din po kasi ang nagpapasweldo sa amin."

Napatango-tango na lang ako. That's a good system ah. Now, King's making a real good work with creating steady jobs. Well, aside from making a prostitute out of every girl in the Metro, may nagagawa rin pala syang matino. Iniswipe ko ang aking membership card sa machine ni manong.

Pagkababa ko ay naglakad na ako agad sa grocery part ng mall para hindi na ako ma-tempt bumili ng walang kwentang gamit. Kaso naman kasi, pagpasok ko nakakita na agad ako ng bookstore! I mean, seriously! Nakakainis pero syempre stick to the goal. Kaya tinanggal ko na lang iyon sa utak ko at sa wakas ay nakaabot ako sa mga grocery bago pa maubos ang pera ko. Bigla tuloy nag-echo ang boses ng bestfriend at pinsan kong si Alleina.

"Kaya ka nga binibigyan ng mga credit cards at ATM di ba? Para hindi ka na nauubusan ng pera!" I miss her.

Iyan ang lagi nyang linya sa akin kapag namimili ako dahil daw ang cold cash madaling maubos at paano daw kapag ganito, ganyan. Wag daw ako umasal na parang nagtitipid dahil di naman daw kailangan. Iyan din ang sabi nila kuya sa akin.

Pero kasi naman mas delikado sa akin ang credit card dahil baka ma-bankrupt kami ng di oras. Palibhasa ay kaya niyang kumita ng sandamakmak na pera sa isang upuan sa casino. Hindi ko naman kaya iyon.

Nag-umpisa akong mamili ng frozen food. Una akong kumuha ng sandamakmak na french fries, tapos sandamakmak na bacon rin. Kumuha rin ako ng mga hashbrown at iba pang potato products, pati na rin mismo patatas. Ito rin ang isa sa dahilan kaya inaasar nila akong Princess Sara.

I don't eat rice. I'm not fond of it. Kumuha na rin ako ng supply ng fresh milk, cereals, egg, flour at lahat ng kung ano-anong makita kong gusto ko. Well, ngayon ko lang naman gagamitin ang card ko e. Kumuha na rin ako ng mga pasta at iba pa.

"Fiesta yata?" narinig ko sa likod ko habang kumukuha ako ng lata ng fruit cocktail. Lumingon ako sa kanya.

Ito na naman iyong singkit na panggulo. At ang tangkad nya a? Inaabot nya iyong di ko maabot.

"Excuse me!" Pagtataray ko. Nakakainis kasi! Nakakainsecure iyong tangkad niya!

"Why? You don't want this anymore? Bilis naman ata magbago ng isip mo." Pang-aasar pa nito. Habang inaabot iyong lata.

Pero dahil gusto ko talaga iyon at kinuha ko na rin at nilagay sa cart. Inirapan ang nakangisi nyang mukha at umalis na.

"Suplada." Pang-aasar pa nito.

Medyo mahaba ang pila ngayon kaya mga ilang minuto pa akong naghintay. At nang ako na ay nasa likod ko na ang singkit na iyon na may hawak na dalawang case ng alak. Isa pala ito sa mga salot sa lipunan, huh!

"9,721.75 po lahat." Kinuha ko naman ang wallet ko. Pero nang buksan ko ito ay nakakawindang na puro dollars ang laman nito! Wala rin ang credit card ko! Fuck!

Nakangisi ang singkit. Nakakahiya naman o! Bullshit! Naghanap uli ako ng ibang wallet! Baka mali ang wallet na nadampot ko! Pero fuck! Shit wala talaga! Damn, what am I going to do?

"Miss? Pwede bang pakibilisan, marami pang nakapila e." sabi noong kahera habang nakatingin doon kay singkit. Aba't ang gagang ito! E si singkit na lang naman ang nakapila! Ang sabihin mo gusto mo lang maglandi! Punyetang babae 'to!

"Do you accept dollars?" Pagtataray ko kasi nakakainis na e. Akala naman wala akong pambayad. Inirapan lang ako at dinampot niya na ang isang telepono.

"Sir, meron po ritong hindi makapag---" BAYAD! Gaga 'tong babaeng ito! Sabi nang dollars ang pera ko e! Isampal ko pa sayo ang buong bangko namin e! NGAYON KO LANG NAAPPRECIATE ANG PAGIGING CARAVIEJO KO!

Pero biglang may lumapag na tag-iisang libo sa counter. "Pakisama na rin 'to, miss. At pakidalian." Ngumiwi ang kahera at nagpaliwanag doon sa katawagan na wala na daw problema. Tiningnan ko ng masama ang singkit na iyon.

"Sir, I received 11, 000 po. Eto na po ang sukli niyo, sir." At kada banggit nya ng sir e parang isang prostitute syang nang-aakit. Nakakairita. Sinadya nya pang hawakan ang kamay nitong singkit habang nagbibigay ng sukli. Malandi. Akala mo naman! Hoy ateng echosera, asyano 'tong lalaking ito! INTSIK PA! MALIIT ALAGA NIYAN! Wag mo nang pagnasaan! Punyetang mall! I kenaaaaat! IPAPATANGGAL KITA SA TRABAHONG BABAITA KA! I'll make sure you'll be fired! Fuck! Bilhin ko pa itong mall na ito para lang matanggal ka e!

Oh wait! What the actual fuck am I thinking? THIS IS IMPERIAL DISTRICT! Hindi ko na kailangang bilhin ito! Huh! You lose, bitch!

Nang bigla na lang akong nakaramdam ng mga brasong pumulupot sa akin tiyan at hininga sa tenga ko. I stiffened. Fuck. It smells like eucalyptus and it's too fucking manly! "Sabi naman kasi sayo, babe. Ako na ang magbabayad ng lahat. Ayan tuloy." Lumingon ako sa kanya at nagtama ang ilong namin. YES! GANYAN KALAPIT ANG INTSIK NA IYON! Napatingin ako sa gagang kahera at nakitang napawi ang landi nya kaya I smirked. Gaga ka kasi! "Let's go now, babe." Sabi noong singkit. Nakahawak pa rin sa baywang ko.

Papalabas na kami ng mall, nang tinanggal ko ang kamay nya. Well, syempre di ba? Pag nakita ng inggratitang iyon na wala naman kami nitong singkit na 'to, magsasaya 'yun ng bongga di ba?

"O? Ayaw mo na? Babe?" sinuntok ko ang braso nya. At tumawa sya. Ayan tuloy nawawalan na ng mata. And I'm so not gonna tell you how cute it is! Damn it!

"Babe mo mukha mo. Amin na nga iyan." Sabi ko at hinawakan iyong cart na may laman ng groceries ko.

"Maingay ata o sadyang ganyan ka lang talaga mag-thank you?" sabi nito. Kinuha ko iyong wallet ko at ibinigay sa kanya ang dalawang daang dolyar.

"Saksak mo sa baga mo!" I shoved it in his face. Pailing iling ka pa dyan!

Alam mo ba 'yun? 'Yung nakita mo pa lang mukha niya inis na inis ka na kahit wala naman syang ginagawa. Basta inis ka lang talaga sa kanya! SYA 'YUN!!!

Naglakad ako palabas at naghintay ng taxi. Noong may taxi naman na ay sumulpot na naman ang gagong singkit na iyon.

"Babe! Wag ka namang---" HOY Feeling nito!

"Wag mo nga akong ma-babe-babe dyan!" Pinandilatan ko sya. Nasa gitna kami ng front ng mall at sobrang daming tao!!!

"Babe! Wag ka nang magselos!" Nalaglag ang panga ko. "Pati ba naman 'yung cashier babe, pinagselosan mo pa? Ginagawa lang naman nya 'yung---" Nanlaki ang mata ko sa mga pinaggagagawa nyang kwento! Aba't daig pa nito si George R.R. Martin a!

"HOY HOY HOY Ang kapal ng mukha m—"

"Please babe, come back to me." Aba't ang walang hiya, lumuhod pa. Nakita ko ang ibang tao na nakatingin na sa amin. "Umuwi na tayo babe! Sorry na kasi!"

Aba't! Kung katulad lang ako ng iba dyan na matagal nang nilisan ng hiya sa katawan, ay hindi ko na ito pinatayo. NAKAKAINIS! Kaya hinila ko sya patayo at agad naman syang tumayo nang nakangisi.

"Patawarin niyo na si sir, ma'am." Sabi noong isa sa mga nakangising driver. OH MY GOD NAHA-HIGH BLOOD NA AKO SA LALAKING ITO! NAPAKAdaming kagaguhan!

Hinawakan pa talaga ang kamay ko. "Sorry na babe a. Bati na tayo." Ngiting ngiti pa ang kupal. Biglang pumarada iyong isang sasakyan na base sa logo ng isang trident. Bumaba ang isang lalaking mukhang valet.

"Sir." At inabot ang susi. "Buhatin ko na po ba?" Kumunot ang noo ko. Anong bubuhatin? Ako?

Pero gladly, iyong grocery naman pala. Ano ba itong mga naiisip ko! Nadi-disrupt ang brain activity ko! "Pasok na." sabi nito.

"Ano ka? Magtataxi nga sabi ako." He frowned.

Lumapit ito sa tenga ko at bumulong. "At sino ang magbabayad ng taxi mo?" Duh. Kumpara naman doon sa malanding kahera ay tumatanggap ang mga taxi driver ng dolyar no! "Pasok na sa loob, Miss Imperial." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Wow. I don't even know where to begin with." Sabi ni Doc. Nagulat ata sa sobrang kakapalan ng mukha noong lalaki.

"He is very arrogant. And full of himself." komento ko, na para bang hindi na ako nagulat. Well, he gets that a lot e. He's very maarte.

Pumasok sya sa driver's seat. Kaya sa high blood ko ay pumasok na rin ako at sinigawan sya! "STALKER KA NO?" Tumawa ito. Hinampas-hampas ko sya ng Prada ko. "STALKER! STALKER! STALKER!" Di pa ako nakuntento. "STALKER NA MANYAK PA! MANYAK! YUCK! CHAKA MO NA NGA MANYAK KA PA! UGH! KADIRI KA TALAGA!"

Hiningal ako at sya naman tatawa-tawa lang, "MAY PA-BABE-BABE KA PA DYAN! ANO AKO BABOY!!!!" Tawa sya ng tawa habang nagmamaneho pabalik sa square. Happy? Happy?

"Totoo naman. Baboy!" AT tumawa pa uli. Hayop 'to a! "Tingan mo nga lahat ng pinamili mo! Baboy! God! You must eat like a pig! Sa amin siguro isang buwan na 'yang supply!"

Uminit ang mukha ko nakakainis 'to! Kaya hinampas hampas at sinapak sapak ko uli ang braso niya! ALAM KO NAMAN NA MATABA AKO! NO NEED TO CALL ME THAT! Nakakainis!

"Don't distract the driver! Napaka-wild mo naman." Sabi nito nang lumingon sa akin at kumindat.

Nanlaki ang mata ko. NAKAKADIRI MAG-ISIP ANG LALAKING ITO! Hinampas-hampas ko uli sya hanggang makarating kami sa harap ng King's Tower. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at inilapit ang mukha nya sakin. Napaatras ako ng kaunti.

"Stop it. O hahalikan kita." Kumunot ang noo ko.

Is that even a threat?

"Kaya mo ba?" hamon ko. Although hindi pa anaman ako nahahalikan pero nababasa ko itong lalaki na ito at hindi niya iyon kaya.

Asar talo ito at nagmake face pa. Inilayo nya ang mukha nya at ginulo ang buhok. Napatawa ako saglit. Boys and their threats.