Chereads / Empire (The Avengers Series) / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

Pumayag na rin sya sa gusto ko at tinulungan ko sya sa iilang office matters. Yeah. I know stuffs of that sort. Ito na rin ang paraan ng pagsipsip ko sa kanya para mapondohan na ang first project ko na tinututulan ng halos buong board dahil out of the company's forte daw! TAKE RISK, PEOPLE!

"How 'bout dinner after this?" tanong niya na ikinatuwa ko naman. Honestly, I don't like eating alone. I feel all teary eye and depressed kaya madalas noon ay nag-iinvite ako ng iilang kaklase sa bahay para kumain, at madalas rin kapag hindi ako nagluluto ay sa restaurant na maraming tao ako kumakain. Kahit na mag-isa lang ako sa table, I still like listening to their chats. It makes me feel a little less depressed slash homesick.

So sabay na kaming bumaba at yumukod sila Ellis at ang driver slash bodyguard nang makita kami.

"He'll take me home after dinner. You can go now." Utos ko nang papasok na ako sa kotse ni kuya.

"Yes, miss." At umalis rin sila agad.

Nang nakapasok na ang pinsan ko sa kotse ay kunot-noo itong tumingin sa akin. "What?"

Umiling-iling ito. "Tsk, tsk, tsk. You talk like a boss already."

"What? I am their boss." He's just being ridiculous.

"What I mean is, ugaling CEO ka na kahit wala ka pang napapatunayan. Yeah sure boss ka nga nila kasi ikaw ang nagpapasweldo sa kanila, pero still..." Inistart nya ang kotse. "Dapat be a little nice to them." Yes! Saka na kapag nai-apply mo na iyan sa sarili mo at wala nang mga janitor at empleyado na umiiyak dahil napagalitan ni Lord Caraviejo!

Sa tingin ko ay dumadaloy sa dugo ng mga babaeng Caraviejo ang pagiging baluktot sa mga ganoong aspeto. Example, my mom! And si tita! Duh!

"Yeah. Sure. Anyway, saan tayo kakain? I heard marami nang bagong restaurants dito a?"

He nodded while focusing on the road. "Yeah. Depende sa cuisine na gusto mo."

Ngumuso ako. What do I feel like eating nga ba?

"I feel like eating pasta." Pero ngumuso sya sa suhestyon ko.

"I feel like eating Chinese food, sweetie." E punyeta, tinanong mo pa? "May bagong bukas kasi dyaan." Kumulo agad ang tenga ko nang narinig ang CHINESE. Umirap ako sa kawalan. "It's my friend's at opening noon ngayon kaya please?" Nagpacute naman sya nang hinarap ako. I mean, dude! You have to be a robot to not get persuaded by him! Baka nga pati ang robot, sumabog kapag si kuya na ang nagpacute.

Dumating kami sa isang restaurant malapit sa LAA, may mga bakas pa ng mga lalaking nag-dragon dance ata at mga paputok. May mga traditional lanterns din na dekorasyon kaya mas nagliwanag ang paligid. Tradisyunal na kulay ng mga tsino ang red at gold kaya ito rin ang theme ng restaurant. Sa tingin ko'y authentic Chinese food din ang isini-serve dito.

Kinuha ni kuya Claude ang kamay ko at inilagay iyon sa braso niya. "Please smile, there's paparazzi around. Opening ito ng isa sa subsidiaries natin." Kumunot ang noo ko. "It's a venture by both Wei and Santiago companies."

I know Santiagos are into food industry. Ang Wei naman ay? "You mean like Wei? 'Yung sa Triad?" Mga druglord? Natawa sya sa sinabi ko.

"Hindi naman malakas ang ebidensya tungkol sa bagay na 'yan pero, it's the most popular misconception." Tumango na lang ako.

Marami nang tao sa loob. At tama ako't authentic oriental food nga ang narito. Jesus Christ! Wala akong maintindihan sa paligid kung hindi Chinese! Pakiramdam ko ay tinatraydor ko na ang bayan ko dahil sa pagpasok ko rito. Baka ma-death penalty pa ako sa ginagawa ko.

Damn it. Narinig ko ang isang pamilyar na NAKAKA-BULLSHIT na boses.

"Ni hao, lao sher! Bukeqi!" Baka naman minumura na kami ng hayop na 'to! Tumayo si kuya Claude at kinamayan ang demonyo. Umirap lang ako.

"Ni hao, Jiro." Tumawa ito. You're a genius pero naman NI HAO lang di mo pa mabanggit ng maayos. Edi ikaw na ang may ingglesherong accent. "I must say, the opening was a success."

"Success? You weren't even here to cut the ribbon." Ang halakhak ng demonyo. Seryoso! Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. My god! Hindi ba pwedeng sapat na 'yung panggugulo niya sa araw ko kanina at kailangan hanggang gabi e nanggugulo pa talaga sya!

"At least ako ang nag-cut sa main branch niyo." Bawi naman ni kuya. Napapansin kong parang may nakatingin sa akin kaya halos takpan o burahin ko na ang mukha ko ngayon. PLEASE LANG LORD PAKITIGIL-TIGILAN NIYO NA PO AKO! Parang biglang ang LIIT-LIIT ng mundo para makita ko sya kung saan-saan.

STALKER ATA TALAGA ANG ISANG 'TO! Mabuti na lang at pinalampas nya na ako nang hindi man lang ako ipinakilala ni kuya Claude. Eto na naman ang overprotective side niya. Well at least di ba?

"So what do you want to eat, sweetie?" tanong nya habang tinitingnan ang menu samantalang ako naman ay naliligaw ang mata kung saan saan na nagbabaka sakali na namang mahanap ang prince charming ko! "Cash? I know you're not fond of Chinese food, pero you really need to eat. And after this, sa bahay ka na muna mag-stay, okay?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Really?"

"Yeah. At least may peace of mind ako kapag nandoon ka at para na rin matulungan mo man lang ako sa mga papeles. Alam mo namang walang kwenta ang pamangkin ko sa mga ganung bagay."

Tumango na lang ako at umorder ng di ko malaman kung pansit ba o chapchae, na maanghang. Marami naman akong nakain, kasi masarap din iyong mga noodles nila at mga soup pati na rin seafood.

"Excuse lang, kuya." Sabi ko pagkatapos kumain.

Damn! Parang binitin patiwarik ang bituka ko at ito na naman ako, tumtakbo papuntang CR at dumiretso sa isang cubicle at inilabas lahat ng kinain. Don't get me wrong, please. Isinuka ko po. I-si-nu-ka. Not on the other hole.

Hindi ko na ibibigay ang details ng itsura at baka ibato mo ang kung ano mang hawak mo ngayon. Iflinush ko na rin agad iyon dahil sa itsura ay parang masusuka uli ako. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako at parang naubusan na rin ako ng dugo. I can still taste the after shit of vomiting. It's horrible. Pero hindi ako pinatawad ng punyeta kong bituka at humingi pa ng isang round kaya, ayan! Pakiramdam ko pati mga laman loob ko ay ilalabas ko na.

Actually gusto ko na ring ilabas ang mga laman loob ko para naman matahimik na ang buhay ko!

Binuksan ko ang pintuan at halos mas masuka ako ON-SITE nang nakitang umiihi ang demonyo! FUCK!

Natulala ako. Iniwan na ata ako ng buong lakas ko. Pakiramdam ko kanina inilabas ko na buong bituka ko. I heard him zip up his pants.

I have seen something I cannot unsee.

"Just some clarifications... Did you fire the girl on the supermarket?" she asked. Again.

"Yes, I did. And on a perfectly good reason." Ngumisi ako.

Ngumiti sya sa akin. "Jealousy is a good reason, I guess."

"I wasn't jealous. I'm just so fucking annoyed. I felt disrespected. Embarassed." Pagtatanggol ko sa sarili.

"Hmm. And how would you describe the... you know...."

I frowned. "No, I don't. What the hell are you talking about?"

"The thing you saw on the CR? The Chinese guy's..."

Tinitigan ko sya. "I don't really remember."

She smirked. "See? Denial..."

Sometimes, I just want to stab her.

Pagkauwi ko ay inalis ko muna sa utak ko ang mga kababalaghang sinabi ni Doc na nagdideny lang ako. Psh. Like I care.

Nakatulog agad si Zeke. Napagod siguro ng sobra sa pakikipagkulitan at pakikipaglaro kay Oliver.

Ngayon ay nasa rooftop kami ng building namin dito sa West Village. Ako na lang naman ang nandito sa America. Lahat sila ay nagsesettle down na sa Pilipinas.

"Ma'am, ito na po." Dumating ang katulong na may dalang wine na ibinigay ni Alleina para sa birthday ko last year. Akala nya naman may balak akong uminom.

Binuksan ni Ayi ang wine at sinalinan silang dalawa. Ako naman ay iced tea lang.

"How's the dress coming up?" tanong ni Oliver sa akin. It's unusual for a guy to ask that but, whatever.

Tumango ako. "Highly-prioritized. I have all my girls working on it kaya siguro ay isang linggo lang matatapos na iyon." sagot ko.

Tumawa si Ayi. "'Wag mong madaliin, Cash."

Umiling lang ako. "Paanong hindi, dalawang buwan na lang ay kasal nya na at wala pa syang napipiling theme." sabi ko, tinutukoy ang bestfriend kong si Sav.

Ngumiwi si Oliver. "Church wedding naman kasi. Di naman kailangan ng masyadong preparasyon."

Inirapan ko sya. "Paano kasi at ang inyo, secret wedding. Parang di pinag-isipan."

Humalakhak sila. "Kung ipinadaan ko pa ang babaeng 'to sa stress ng pagpaplano, baka naisipan niya pang magback out. So no, thanks. Ang mahalaga, kasal kami!" pagtatanggol ni Oliver sa sarili.

"Kailan daw ba sya pupunta para sa dress hunting niya?" tanong naman ni Ayi.

Napainom ako ng iced tea ko bigla. "Next week. Wednesday ang appointment. So I needed all hands on deck for her dress. Pero kasi pwede namang hindi pa sakto talaga, dahil may alteration pa iyon sa mismong gusto ni Sav."

Tumango si Ayi. "She's so indecisive."

Tumawa ako. "Ultimo simbahan na ilang kanto lang ang pagitan, di pa sya makapili e." si Oliver.

"Pareho rin naman kasing maganda ang Manila Cathedral at San Agustin." sabi ko.

Hindi ako nakapunta sa appointment ko kay Dr. Linda dahil sa pagiging busy ko sa mga gowns. Dahil nga karamihan ng mga mananahi ko ay nakatutok sa pagpapanilis ng kay Sav, nakahold ang sa iba. Kaya ako ang umaayos noon, sa ngayon.

"Don't worry. We'll find you the right one." sabi ng nag-aassist kay Sav na si Lily.

Stressed na stressed na si Sav dahil nakakalimang damit na sya at wala pa rin syang nagugustuhan. Nakadocument din ang dress hunting nya dahil ififeature ito sa isang TV show tungkol sa paghahanap ng perpektong wedding dress. Nalaman nila na bestfriend ko si Sav kaya gusto nila syang isali sa episode nila.

"You'll find a dress, girl! Don't you worry!" pagchicheer ni Keen sa kanya. Isa rin ito sa bestfriends namin.

"'Wag mong i-pressure, bakla!" sabi naman ni Candy na naka-video chat lang sa amin ngayon sa iPad. Nasa Singapore pa kasi sya pero uuwi naman daw sya sa linggo kasal.

Naibulong ko na sa assistant nya na surpresa ang ginawa kong gown para kay Sav. At...

"OHMYGOSH!!!"

Halos sabay-sabay kami sa reaksyong iyan nang makita si Sav na suot-suot ang gown na aking dinisenyo. Halos maiyak kami dahil nakikita namin kung gaano sya kasaya at kakomportable sa suot nya. Lalo pa nang humarap sa salamin.

I made her gown as funky as possible in the most Catholic way. Isipin mo kung gaano kahirap iyon!

The whole of it is made of tulle. Layers and layers of tulle on the bottom and a silver ribbon on her waist. Maganda ang ball gown nya. At ang itaas naman nito ay tube-type na natatakpan ng mga nagshu-shoot out na tulle din. It's funky and still reserved and totally legal to be walked down the aisle. Nagdagdag lang din ako ng ilang Swarovski crystals sa ribbon nyang belt.

Nasa harap ng isang malaking salamin si Sav, nakatungtong sa flatform. Kami rin ay nakatayo na at excited na sa kung anong sasabihin nya.

Pero sa unang pag-ikot nya palang sa salamin ay naiyak na agad sya at alam ko na sa segundong iyon, ang gown na ginawa ko ang pipiliin nya. Agad akong ipinapunta ni Randy sa gilid nya.

"This gown," napalingon si Sav kay Randy, "is a very, very limited edition. There's only one of this in the whole world."

Mas lalo atang naiyak si Sav. "I-is it... above t-the budget?" tanong niya. Natawa ako.

Nandoon kasi ang mama ng mapapangasawa nya kaya nahihiya sya na humigit sa budget. Alam ko kasing minsan na rin 'yang naging issue kaya naharangan ang relasyon nila noong college.

"We don't give a fudge about the budget, Savanna!" sigaw ni keen sa kanya. Si Zeke naman ay humagikgik sa sinabi ng ninang nya. Sinimangutan ni Sav si Keen. "I'll pay for it and all the bridesmaid dresses!"

Nanlaki ang mata ni Sav at niyakap agad si Keen. Hindi naman kailangan magbayad ni Sav para sa damit na iyan. Iyon na lang sigurong para sa mga bridesmaid. Kinukuha na ni Keen ang spotlight.

Siniko ko si Randy para sa intro. Ngumisi sya. "This dress, will be the grand finale of the Empire by Caraviejo on the New York fashion week! Named as Savanna. And the designer will give it to her bestfriend for free."

Nanlaki ang mata ni Sav nang narinig iyon. Hindi ko alam kung nanlaki ba ang mata nya sa pagpapangalan ng gown sa kanya o dahil ako ang nagdesign o dahil ibibigay ko iyon ng libre. Honestly, I think it was the last.

Niyakap ko ang bestfriend ko habang paulit-ulit syang nagsasabi ng thank you.

Para makumpleto ang kanyang look ay nilagyan namin sya ng veil. Nagkatinginan kami ni Randy at sabay na sumigaw kay Sav ng "Are you saying yes to the dress?"

Ngumisi si sya at sinagot kami ng, "YES! I'm saying yes to your dress!"

Kahit si Candy na nakavideo chat lang ay naluha para sa kanya.

Napangiti ako sa sarili ko.

Sinong mag-aakalang, para pala sa iba, kahit gaano karaming paghaharang ang gawin ng mga tao, sila pa rin ang magkakatuluyan. Kahit may pagkamakulit at isip bata ang mapapangasawa, hindi naman iyon natigil magmahal sa kanya.