Chereads / Empire (The Avengers Series) / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Nang nakauwi kami sa building ko kung saan din mananatili ang marami sa kaibigan namin nila Sav at Keen. Nagkatuwaan muna kami sa kwentuhan, catch up. Mga nagtatanong tungkol sa bago kong boyfriend na bukas pa lang uuwi, kay Zeke. Nakakatuwa. Kaso nagdala pala sila ng history lessons. Nagsimula nang nagthrowback sila.

Bigla kasing nagplay ang isang kanta ni Kyla sa KTV room namin kung nasaan kami ngayon. Bigla na lang silang nagyayaang magsayawan. At lumabas ang alam kong kanina pa nilang pinipigilang mapag-usapan.

"Hindi ka naman mang-iindian sa wedding ko, Cash, dahil lang sa isang lalaki." Paglalambing ni Sav. Tinanguan naman iyon ni Keen.

Tumawa si Ryan. "Kung buhay pa 'yun." Nanliit ang mga mata ko sa kanya. He shrugged. "E hindi sumasagot ng tawag. Hindi nagbubukas ng pinto 'pag pinuntahan. Di nagpaparamdam sa opisina nya at hinayaan si Deus sa pamamahala. Wala namang may alam kung anong ginagawa pa rin nun."

Ngumiwi ako. Anong klaseng mga kaibigan 'to! Baka mamaya inaamag o inuuod na ang katawan noon! Baka nasalvage pala! Dios mio!

"The last time he was seen was just yesterday, Cash. Via drones. You can breathe now." Kumalma ako sa sinabi ni Cedrick. Sila naman ay nagtawanan.

Ngumisi naman si Oliver. Minsan hindi ko na talaga alam kung kaninong side talaga sya. "Knowing him, nagmumukmok 'yun. At syempre, nagpaplano." Silence filled us for a minute there. "His best weapon is his plans." And traps. "If you got plan B, he has up to plan Z, Cash." Para namang hindi ko alam.

"Up to plan AA to infinity, I guess. His limit is when he gives up." sabi naman ng asawa ni Ced.

"He'll be there." Kinilabutan ako sa sinabi ni Oliver.

I knew immediately what to do.

Hinihingal pa ako nang makaabot ako sa free time ng therapist ko. Agad nya akong pinapasok at ipinainom ng tubig. Nang kumalma ako ay agad kong sinabi sa kanya ang pakay ko.

"I need to know how to not be affected by his presence."

Mukhang nagulat sya doon. "I'm sorry. Whose presence?"

Inirapan ko sya. "You know who."

"Well... You need to continue the story. I need to know, in order to help you."

Ni hindi na ako nag-isip. "No problem."

Where were we?

Nagising ako nang maaga nang bulabugin ako ng alarm ng phone ko. Ngayon kasi ang unang araw ko sa school.

At masaya sana ang araw na ito kung hindi lang ako kagagaling lang sa isang matinding bangungot courtesy of the chinese prick!

"Sino nang manyak ngayon?"

Jesus! I can't forget his smug face! Ang sarap burahin ng mukha niya!

"Sino nang manyak ngayon?" Pagkasabi niya noon ay nagwalk out na ako. Seryoso, parang isang zombie akong naglalakad at agad akong nadala nang may humila sa akin.

"Ano na babe? Buntis ka na ba?" Panunuya nito! Hindi naman ako si Mama Mary para mabuntis ng virgin no! Bobo 'to! At babe daw! Di na ba sya nagsawa! Kasi ako sawa na ako! BABE? BABOY? FUCK! Fuck that word!

Inirapan ko na lang. Wala na akong lakas para makipagtalo pa. Nanuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko namumula na nag ilong ko. SHIT! Isinandal nya ako sa pader. MANYAK! Kaso di ako makasigaw. Feeling ko kapag nagsalita ako, anytime masusuka na naman ako. O hahagulgol na ako.

"Himala? Tahimik ka, babe?" Kinagat nya ang labi nya, like EW.

"I'm tired already. Haven't you had enough kanina? Sa pangungulit sa akin?" Umirap uli ako. Mukha na ata akong kinukumbulsyon kakairap ko sa kanya.

Inangat nya ang baba ko gamit ang hintuturo niya.

"I hate you, you know that?" seryoso kong sinabi,

"Don't worry. I hate you more."

At ayun, sinapak-sapak ko na nga iyong unan! "FUCK YOU NAKAKAINIS KA! FUCK CHINA AAAAAARRRRRRGGGGGGGHHHHH!!!!" Nabulabog ko ata ang buong bahay kaya kinatok ako ni kuya Collin, bestie ni kuya Claude na nakatira dito sa bahay nya. Sinabi ko na lang na ayos lang ako kahit hindi.

Napadalas ang pagtutoothbrush ko dahil sa nangyari. CRAP!

Madaming pagkain sa hapag nang bumaba ako, I like breakfasts even though I don't usually have this meal. Madalas ay brunch lang. Kaso I don't feel like eating.

"Ikuha mo nga ako ng isang baso ng low-fat na fresh milk. 'Yung hindi mainit, hindi rin malamig a?" Napansin ko na naman ang titig ni kuya Claude. Natarayan ko na naman kasi ang maid nya.

"Your skirt is too short." puna nya.

"Hindi naman ako madre, kuya. Okay lang 'yan." sabi ko habang hinihipo ang baso ng gatas kung tama lang ba ang temperatura. Natawa sila kuya Collin at Jade sa sinabi ko. "Haven't you heard of fashion? Jeez."

"Still, Cash. Hindi tama 'yan. Hindi naman sa pagiging madre 'yan o ano---"

"Saan ba ako makakakuha ng holy water?" Nagsilaglagan ang mga kubyertos nila at ang mga panga rin nila sa tanong ko.

"Sa simbahan. Syempre." Tawa ni kuya Col.

Pakiramdam ko kailangan ko nang maligo at magmumog ng holy water. Bukod sa nahawakan ako ng demonyo, di pa nakuntento, MUNTIK PA KO HALIKAN! I feel so filthy! Lord, pakibuhusan po ako ng holy water o di kaya magsiswimming na lang ako sa dagat ng holy water! Please ayoko na uli makita ang intsik na 'yun!

Makapagsimba nga mamaya.

"Ihahatid na kita sa loob." Ito lang ang sinabi ni kuya Claude nang dumating kami sa parking lot ng Isengard Integrated School. Di na ako nakipagtalo dahil masyado akong pre-occupied sa pag-iisip kung nasaan ang simbahan at magkukumpisal na rin ako. AT ipagdadasal ko na rin kay Lord na kunin niya na ang lalaking iyon.

Although His lordship isn't actually a hired killer, so, definitely no.

Biglang bumalik ang ulirat ko nang makapasok na kami sa campus. I mean, wow! It literally screams, SPANIARDS OWN US! Like seriously, sa itsura ng eskwelahan ay parang mga Dominikanong pari ang namamahala. Ang naisip ko pa ay sana hindi ako maabutan ng gabi rito dahil sa lawak nito, tingin ko mawawala ako at baka may sumulpot na lang biglang pugot-ulo sa kung saan.

Marami akong nakitang mga nag-kukumpulang mga estudyante, baka old students na magbabarkada na. I felt envious. Growing up, palipat-lipat ako ng school and I don't have actual friends-for-keeps, laging mga kaibigang santa lang. IsaSANTAbi rin pagkalipat ko sa iba. Iyong tipong nakipagkaibigan lang ako kasi it's a matter of survival. Iyong nakipagkaibigan lang ako kasi kailangan may makasama ako, may makausap ako kahit papaano.

That's one of the things I want to change paglipat ko dito.

I was fascinated nang napadaan kami sa isang magara at modern-looking building na may glass dome sa itaas. Sana doon ang room ko.

I observed my surroundings, karamihan ng babae ay nagtitilian at nagbabangayan habang hawak ang kanilang mga phones at tablets, mukhang may ipinapakita sa isa't isa. May isa pa nga akong nakitang umiiyak. Ang mga lalaki naman ay nagtatawanan at naghaharutan. Madalas silang mapatingin sa banda ko pero hindi ko magawang mangitian.

I don't know, maybe that's my nature. I'm not really friendly siguro, at madali akong mainis at sa terminolohiya ng iba, suplada. It's not like I care though. I know my feelings anyway. Minsan kahit gusto ko talagang maging friendly, bigla na lang lumalabas iyong defensive side ko. It's like an animalistic instinct to put up a front and that I shouldn't let just about anybody in, kasi kapag hinayaan ko, OH NICE.

Nabigla ako sa disenyo sa loob ng admin building. Gold at white ang tema, kaya medyo nagmukhang hotel or some luxurious vacation house ito. Nakadagdag rin ng appeal ang mga decoration dito na classy at ang intricate designs embossed sa parte ng mga dingding.

Umabot kami sa isang opisinang may nakalagay na:

Randall Milano, PhD

High school principal

Kumatok ng tatlong beses si kuya Claude at pumasok na rin kami. Nakaupo sa kanyang upuan ang isang medyo napapanot na na lalaki. Ang kanyang buhok ay halos mamuti na ng tuluyan at ang kanyang salamin ay mahuhulog na sa kanyang ilong.

"Dr. Caraviejo!" Bati ng lalaki, I mean, principal pala. How rude of me.

"Dr. Milano." Bati naman ng pinsan ko pabalik. "This is my cousin," bumaling sya sa akin, "Cashereen Imperial. Cashereen Caraviejo-Imperial." The principal chuckled.

"Emphasis on the Caraviejo." Sabi nito.

Inakbayan ako ni kuya. Ang awkward ng feeling ko. It's like he's bragging again. Not that it is unusual pero, "She may be an Imperial but the she's still of this country's wealthiest bloodline! And I want her, treated well."

"No worries, Claude. She'll be treated well here. "

"Oh I mean, I want her to be on the best section and---"

"We don't do that here, Dr. Caraviejo. I'm sure you know that." Napatingin ito sa akin. "Afterall, hindi naman kailangan ng kapangyarihan sa bagay na ito. Her grades are impressive, considering na nag-aral sa sa America. She attended Trinity School in New York." sabi nya at tumango. "Harvard-Westlake School?"

Napangiti ako. The thing about not having friends is that you will tend to focus more on your studies.

"Here's your schedule, Miss Imperial. Nandyan na rin ang school map, school calendar at ang iyong Wizard Notes." And by wizard notes, hindi katulad ng sa Harry Potter. Wizards lang kasi ang mascot ng eskwelahan.

"Anong section mo?" tanong ni kuya.

"3-A1?" Weird. A1?

Claude's brows met. I don't like where this is going.

"Hati ang first section namin kaya ganyan." Tumango-tango na lang ako at nakitang malapit nang mag-seven.

"Tara na---"

"We still have things to discuss, Dr. Caraviejo. I trust she also wants to explore the campus a little bit more. This is very urgent and it needs your immediate action." Sabi noong principal.

I kissed my cousin on his cheek. His facial hair is growing already. He kissed my forehead in return and said, "Just remember the rules on dating alright." I chuckled.

Pasukan pa lang pero iyan na ang iniisip niya?

Naglakad ako palabas ng admin building at papunta sa North building na para sa mga high school. Nakalagay sa aking sched na nasa N311 ang room ko kaya I suppose it's North building, third floor and room eleven.

Eyes were drawn to me. Ganoon na siguro ako kaganda. Kahit di katangkaran ay maganda pa rin. You cannot have it all nga di ba? Pero at least ang kapandakan, may remedy naman, kaya naka four-inch black pumps ako ngayon, not minding if I don't wear their usual knee-high socks.

Stand straight, Cash. Breast out. Chin up. And let your hair flow.

'Yan ang ginawa ko nang nakaabot ako ng third floor. Tiis ganda kahit hingal na hingal na ako. THAT GODDAMN STAIRCASE! Siguro dapat pondohan na namin ang pagpapagawa ng mga elevators.

Keep your head up while walking and FUCK!

"OUCH! Are you blind or are you just motherfucking dumb?" sabi ko habang itinatayo ang sarili. "You must me dumb! Boba! Tatanga-tanga! Inutil! Walang---"

Nagulat ako nang isinarado ng demonyo ang distansya sa pagitan namin. At oo! ANG DEMONYO NA NAMAN! I wonder if there's a damn time where I won't need to deal with this dimwitted jerk!

"Babe." bulong nito sa akin. His eyes are bloodshot and his eye bags were as if they would fall.

"Call me that again, or I'll knock your balls off." sabi ko habang itinituro ang sapatos ko.

He smiled creepily. "Sure you'll regret that, babe. Although as far as I'm concerned, Jiro Wei's balls were un-KNOCK-able."

Sinubukan ko nang sipain ang pagkalalaki niya pero nahuli nya ang binti ko at nang binitiwan ito ay lumapit na sya sa akin. Ako naman, syempre, instincts na umatras kaso wala na akong maatrasan. SHIT! Dami pang nakatingin a! Inilagay nya ang magkabilang kamay nya sa magkabilang gilid ng tenga ko. Namungay ang mga mata nyang singkit. Pero hindi naman katulad noong singkit na parang nakapikit na. Mukha itong pang Korean drama actor o Kpop idol. Goddamn it! Di ko talaga matandaan 'yung kamukha niya!

"Sabi naman, sa'yo e." at umamba syang papaalis. Namumula na ako sa pinaggagagawa niya. Akyat baba ang dibdib ko dahil sa inis sa lalaking iyon.

"Fuck you, Drug lord! What a thug! Paano naman kasi! TRIAD! Go to he---"

And like a flaming asshole, he held my cheeks violently. "Say that again and I'll rip your tongue out of you, bitch!" Nagpumiglas ako.

"Triad! Triad! Triad! Salot sa lipunan! Drug lord!" Lalong humigpit ang hawak nya. At kahit kinakalmot ko na ang braso at palapulsuhan niya ay di pa rin sya natinag. Pakiramdam ko e iyong kuko ko pa ang mababali dahil sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kalmot ko at nakitang nagdudugo na ito.

I do not like seeing blood. Nahihilo ako kapag nakakakita noon. I do not like people with vices, might it be alcohol or cigarettes, especially drugs. Binitawan ko sya.

His eyes were full of hatred. They were bloodshot and teary. I felt immediate conscience on what I said. I pity him.

CASH! YOU DON'T PITY FILTH!!!

Sigaw ng sistema ko. Somehow I maintained eye contact with him. Conceal it, don't feel it. Don't let it show. Isa pa sa sinasabi ng sistema ko. Disregarding the fact na naadik na ako sa animated movies and series. Naaawa man ako, it must not show. His grip on me felt numb. The pain was numbing. Ang tanging naramdaman ko ay awa sa kanya. Di ko rin alam kung bakit ko kailangan makonsensya, ganung iyon rin naman ang sinasabi ng mga tao sa paligid ng pamilya nya.

The Weis are part of Chinese Triad. Drug lords. People I hate the most.

Kaya siguro mabigat ang loob ko sa kanya?