Chereads / Empire (The Avengers Series) / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

"JIRO!" And just like a damsel in distress, my prince charming came. His appearance was enlightening. My savior.

"Let go of her!" At itinulak ng aking savior ang kontrabida. Nakita kong umiling ito at umalis. Natabunan ng liwanag ng prinsipe ang villain. The prince examined me. "Okay ka lang?"

"A-okay." sagot ko. God! How can this man make my heart flutter like this. Nang napansin kong kanina pa ako nakatitig sa kanya, nagising ako sa katotohanan kasabay ng pagtunog ng bell, hudyat ng umpisa ng klase. "Thank you nga pala."

"Walang anuman, Cashereen Imperial." Oh? He knows my name? Ommo!!

"I still have questions but I must say, malelate na ako." ngiti ko. "See you around, anyway. " Half running, I left, but something told me to look back. "Thank you uli."

At dumiretso na ako sa room namin. Pinagtitinginan ako rito. Siguro dahil sa nangyari kanina. Wala akong makitang uupuan maliban doon sa upuan sa likod. Higit na mas marami ang estudyante na nandito kesa sa inaasahan ko. I expected that we'll just be at least thirty pero nasa sixty ang nasa nandito. Umupo ako doon sa nakita kong bakante.

May mga nakita aong mga lalaking mukhang nakikipagtalo pa sa konsensya nila kung makikipag-usap sa akin o ano. Nakita ko ring mukhang asar ang ibang babae. Ang iba naman ay nakikitaan ko ng humor sa pagtingin sa akin.

"Hey!" Bati ng isang lalaking medyo may lamya sa boses. I can sense na hindi ito straight. Although, a shame, kasi ang gwapo nya pa naman sana. He's a bit bulky sa bandang braso.

Nginitian ko sya at binati na rin. "Hey. I'm---"

"Cashereen Imperial." Umupo ito sa tabi ko. "Syempre naman kilala kita!" Nakakatuwa naman iyon. "I'm Keen Jake Salazar. Keen na lang for short." Naglahad ito ng kamay na agad ko ring tinanggap.

"Uhm." Nahihiya akong magtanong! Parang nakakatuwa na may nag-approach agad sa akin. "Bakit parang ang daming estudyante?"

"Ah oo nga pala. Bago ka kasi. Ganito na kasi ngayon e. Kapag ang nakalagay sa sched mo ay 3-A1, dito ka mapupunta pero hindi pa sigurado kung A1 ka ba talaga. Ayun ang sabi ng mga tsismis. Ngayon pa lang ata i-aannounce. Mga eight pa siguro. Marami kasing binagong sistema rito. Marami na rin kasi ang nagrereklamo sa pagpapatakbo, kesyo hindi raw fair." He's exceptionally talkative, huh. I like that.

"I have nothing against it pero ano bang issue ang inirereklamo?" tanong ko. Curious ako syempre. Dahil isa ito sa investments ng aming pamilya. Siguro ito ang pinag-usapan nila kuya.

"Ah. Mga bias raw na pagpapatakbo dahil may mga kaklase tayong mga businessman. Ikaw rin, di ba?" tumango ako. "E ayun, bias raw. Dahil stockholders o may share sila sa kompanya, tine-threaten nila ang school na magwi-withdraw ng shares nila kapag ibinagsak. Naku! Lalo na 'yang mga Avengers na asungot!" Nanliit ang mata ko.

"Sino ba 'yung Avengers? Ang alam ko nasa LAA sila a? Grupo nila King at Drei? Tama ba?"

"OO! Si King! Pinsan din 'yun nung si Lord Caraviejo di ba? Ang gwapo nun! Dito may natira ring apat. Sila Oliver Finn, iyong kaninang nakita naming nagligtas sayo." Oh, so nanunuod pala sila? "Tapos iyong aroganteng intsik na si Jiro Wei. Kasama pa ang dalawang kupal. Sila Ryan Castillo at si Cedrick Santiago."

May lumapit sa aming dalawang babaeng hingal pa. Ang isa ay mukhang americana ang itsura dahil sa maputi nitong kulay, matangos na ilong at kulay asul na mata. Tipikal. At ang isa naman ay may pagka-chinita.

"Uy! Nakita mo na ba?!?!?" hysterical noong chinita. Inilapag noong mukhanga americana ang isang iPad na may news.

LOOK: Jiro Wei already on his knees?!!?

Naisip ko tuloy na napaka-impormal naman ng pagkakasulat sa balita na ito pero dahil showbiz news naman ay siguro okay lang. Nagulat ako nang nakita ko ang isang litrato ng intsik na demonyong nakaluhod sa aking harapan! JESUS CHRIST! Mabuti na lang at hindi nakita ang mukha ko.

Last Monday, the Prince of Deimon Square, youngest of the Avengers and founder & CEO of Z. Wei Corporation, Jiro Wei bent a knee in front of his rumored 'girlfriend' at Imperial District.

According to witnesses, Wei went shopping with his girlfriend and along the way, they argued causing the prince to beg for forgiveness while on his knees. They were also caught PDA-ing.

The use of slang in a news is just so UGH! MAY NAKALAGAY PA NA PICTURE NOONG NASA LOOB KAMI NANG MALL. Nakatalikod kami doon at nakaakbay sya sa akin.

On other accounts, they were caught going in to Deimon Tower IV, the King's Tower, together. But the staff and management of the establishment refused to give any information.

Jiro Wei is known to be one of the notorious bad boy group, the Avengers. And in the past years, he had been a famous heartbreaker, but not a player. Has it been because he is actually in love?

"Oh my god! OMG!" Namula ako sa sigaw ni Keen. Sana naman di ako mamukhaan dyan. Although di naman kita ang mukha pero baka mapansin nila sa katawan ko! KAINIS! Ang demonyong 'yun! Now I'm back on hating him! "Ay oo nga pala, Cashereen--"

"Cash na lang." I smiled.

"This is Sav." turo niya doon sa americana. "And this is Candy." Nginitian nila ako pero itong si Candy ay hindi ata makangiti.

Nag-alala naman ako sa reaksyon niya. Baka namukhaan niya ako o ano. Mukha kasi syang galit at naiiyak na. Kaya naman tinanong ko na rin. "Okay ka lang ba?"

Tinapik ako ni Keen sa balikat kaya napatingin ako sa kanya. "Hay naku! Hayaan mo 'yan. Broken lang 'yan dahil crush na crush niya si Jiro!" Nalaglag ang panga ko. "I know right!" Eksaheradang sigaw nito. "Sa dami ng mga lalaking magugustuhan, si Jiro pa!"

"Come on. It's just the way he is. Hayaan mo na si Can, kung si Jiro man ang magustuhan nya." sabi naman ni Sav at nginitian ako. Umupo ito sa kabilang gilid ko.

"Buti pa itong si Sav! Si Ryan---" Hinampas na sya ni Sav. Natawa ako, at agad ko ring tinakpan ang kamay ko ang bibig ko. Napatingin tuloy sila sa akin. Kinagat ko ang labi ko. Pakiramdam ko masyado na akong feeling close sa kanila. Biglang napukaw ko ang atensyon ni Candy na ngayon ay puno ng mangha ang mga mata. Napakurap-kurap ako at nagtaka kung ano ba ang tinitignan nila.

Nakadirekta ang mga tingin nila sa kamay ko, partikular sa kuko ko. "WOW!" pagkamangha ni Sav. "Pwede?" At nakuha ko namang gusto nyang makita ng mas malapitana ang mga daliri ko. Nang tumango ako ay naki-usyoso na rin sila Keen at Candy. "Sweet fucking Christ!" Tinapik ito ni Candy. "Sorry... Jeez. Totoong...?"

Naguluhan ako noong una pero na-gets ko rin ang gusto niyang iparating. Nang tumango ako, nagsalita si Candy. "Grabe pala talaga ang yaman niyo 'no?" Manghang-mangha pa rin sila.

"Saan mo nabili?" Tanong ni Sav na tinawanan naman ni Keen.

"Well, actually bigay sa akin ito ni Drei?" napa-ah sila sa sinabi ko. "Kilala niyo naman sya di ba?"

"Grabe pala magregalo 'yun?" inosenteng tanong ni Candy. Oo. Grabe talaga. Ni wala ngang okasyon nang binigyan niya ako niyan. And don't even get started on what else he gave me. Sa akin nya ibinubuhos ang kayamanan na hindi niya nagagastos sa mga date-date dahil baog naman iyon! But guess what? He's just second best to King. Like hell!

"Asus, akala mo naman makakabili ka! Sabihin mo na lang kasi kay Ryan---" Napangiti ako nang hinampas na naman sya ni Sav.

"Sabihin sa akin na ano?" nakangising tanong ng isang lalaking naka-unipormeng pang-lalaki (Oh well kasi nga Cash, LALAKI SYA!) na may kasamang isa pang kasing tangkad niyang lalaki na may pagkakahawig sa isang Brazilian model. Maamo ang mukha nilang dalawa lalo na noong kasama noong Ryan.

Sav immediately looked away. Kaya lalong mas ngumisi ito, siniko pa si Mr. Harry Potter Double, na inirapan lang naman sya. "Eto kasi si Sav!" Keen smirked. "Gusto daw makipagbalikan--" Tawa ako nang tawa nang sinapak ni Sav ang braso niya. "I mean, gusto rin ng gold na nail polish!" sagot naman nitong si Keen. Napatawa na rin si Candy na mukhang nalimutan saglit ang tungkol sa demonyong intsik. "Gold na may mga durog na Swarovski!"

Kumunot ang noo ni Ryan, "Kaya nya naman bilhin 'yun a?" hindi ko matantya kung ganyan ba talaga sya magsalita, kasi parang napakasarcastic naman ata ng tono niya.

"Magpapabili na lang ako sa boyfriend ko." Sagot ni Sav nang sinuri pang muli ang kuko ko. May boyfriend sya? I thought--- Oh well... Gets ko na. I smirked. Ngumuso naman si Sav sa akin. Di naman ako ganoon ka-tanga sa socialization no! My skills may be rusty pero ganoon pa rin ako ka-observant. Tiningnan ko si Ryan na mukhang wala lang namang epekto sa kanya at hinila nito ang upuan niya at inilagay sa pwesto namin. Mukha na tuloy kaming may group study rito dahil nakapabilog ang mga upuan namin.

"Hey! I know you." Sabi noong si Mr. Brazil. Nakatingin sya sa akin pero hindi ko naman alam kung nakita ko na ba sya. Kumunot ang noo ko. "Sa resto? Kasama mo si Claude?" Nanliit ang mata ko at lumaki uli! Damn! Inerase ko na sa memorya ko ang gabing 'yun e! Tumango-tango na lang ako. "Cedrick Santiago." Naglahad sya ng kamay na tinaggap ko rin naman agad. I'm not that rude naman, even if I look like a snob. "You really look pret---"

"Oh please, Ced." Inirap ni Keen. Ngumuso ako. I sense something different. Ngumiti na lang ako.

"Ano bang meron sa gold na kuko? Thai ka ba?" Napanganga ako sa sinabi ni Ryan. Tawa na ng tawa sila Keen at Sav, binatukan naman sya ni Cedrick. "Bakit ba?" Holy shit? Natawa na rin ako. Ngumuso si Ryan. KYA! Mukha syang baby! Ang cuuuuuteeee!

"Bobo ka talaga!" Sabi ni Sav. Umirap pa ito.

"Ako bobo? Ikaw kaya 'tong tatanga-tanga dyan." Ngumuso sya uli. Grabe parang gusto ko na lang lapirutin 'yung pagmumukha nya!

"Ako tanga?!?!?" sigaw pabalik ni Sav. I can sense tension nang sumagot sya. Natigil rin kami sa pagtawa.

"Oo! Ikaw! Ikaw! Nasayo na nga lahat-lahat, iniwanan mo pa!" Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Ryan. Pero nakarecover ito agad at bumaling ng tingin sa akin. "Saan mo ba nabili 'yung gold na nail polish?" At parang walang heated conversation kanina. Oh, okay.

"At kailan ka pa naging interesado sa nail polish, huh, Ry?" halos malaglag ang mata ko nang sumulpot si Prince Charming koooo! Nginitian nya ako at halos lumayas na ang puso ko para pumunta sa kanya at i-offer ang sarili! Like seriously, how can a man be this FUCKING HANDSOME!??!?!!! Sa mga panahong madalas kong makita sila Drei at kuya Claude, hindi pa rin talaga ako nasanay sa mga gwapo. Hindi ata talaga ako nasanay sa makalaglag pantying kagwapuhan ni King Deimon. And he is SO handsome already!

"Tinatanong ko lang naman! Baka sakaling ideal pala na iregalo sa susunod kong girlfriend. O baka magustuhan 'yan ng pinaka-vain mong bestfriend para sa birthday niya." At tumawa sila.

"This is Oliver Finn." Sabi ni Keen. Nanlaki ang mata ko.

"Why? Something's wrong?" maagap na tanong ni Oliver.

Umiling agad ako. Para akong pinagpawisan ng malamig. "A-ano. I kind of overheard kuya Claude's phonecall one time." Tumaas ang kilay nilang lahat. Ako naman ay napalunok ng marahas. "T-the one where he uhm... cursed you?" Too many times.

Tumawa sya at namula sa sinabi ko.

"Inireklamo din ni Kuya Claude 'yan sakin. Sabi niya kinukulit daw siya ni Oliver tungkol sa ano 'yun?" tumingin si Ryan kay Oliver, "sabi mo daw kasi nahanap mo na 'yung forever mo?"

"Lahat naman ng nakikilala niyan, forever nya na e." tawa ni Sav.

"'Yung pinakamagandang pinsan daw ni kuya Claude e. Ewan ko. Ang gaganda kasi ng mga kalahi nun e." ngumuso sya. ANG SARAP LAMUTAKIN NG MUKHA NIYA! Mukha syang baby! Mukhang bata!

"Nakakahiya ka talaga!" Bigla syang hinila ni Oliver palayo.

"Huh?" God he's cute and so clueless. Pero napakagwapo talaga ni Oliver. Just... Mukha syang prince charming e. Na medyo mukhang bad boy na basta ang gwapo!

Sumunod si Cedrick sa kanila. Ilang sandali pa ay dumating na ang demonyo at sumama sa kanila. May patingin-tingin pa dito sa amin na nalalaman.