"Matagal ko nang nararamdaman na may gusto na 'yang si Jiro sa iba. Sabi naman sayo e." sabi ni Sav kay Candy.
Ngumuso ako. "E sino naman?" sabi ni Keen. "Sa pagkakaalam ko, ikino-close nya ang mga nagugustuhan niya. Tignan mo si Empress Caraviejo, na pinsan nito." Inakbayan nya ako. Okay? "Tapos si Angela Yang..."
"Na balita ko ay kababalik lang galing Shanghai." umirap si Candy. Fan girl ng demonyo?
"E since wala naman syang ka-close na babae, maliban kay Empress," Ehem. I'm right here tapos pinag-uusapan niyo ang pinsan ko? "Ikaw, Sav... Si Ayi, na MIA... Alleina, MIA din." Isa pang pinsan ko, duh. "Si Kyria, na MIA din." I don't know kung considered sya na kamag-anak ko pero close din kami. And their talking about them, when I'm here? Wait? Big deal?
"Si RJ, na imposible. Dahil Troy's property iyon. Literal na ipinaangkin nya na ang sarili nya sa lalaking iyon." Nag-iisip pa si Keen. "Si IVI!" excited na sinabi ni Keen. Nakita ko ang pagtingin sa amin ni Cedrick. He looked down. "Kaso nowhere to be found din."
"She's already dead." sabi ni Sav.
"Ay oo nga pala." Ngumuso si Keen. "Wala naman nang iba e." Bumaling sya sa akin. "Baka ikaw?" Nanlaki ang mata ko pero binawi niya rin iyon at sinabing biro lang naman daw.
Akala ko...
Napabuntong hininga na lang ko.
"Speak of the bitch once and she'll show up like Beetlejuice." umirap si Candy. Biglang kumulo ang tiyan ko kaya tinakpan ko ang bibig ko at tumakbo palabas. Nang nabunggo ko ang isang maputing babae na chinita. She looked like she'll raise hell from its depths pero nilagpasan ko lang.
Caraviejo ako. Kahit anong gawin mo, mas may magagawa ako.
Oh my God! I'm sounding more like them! Halos isang linggo na tumira ako kanila kuya at nayakap ko na ng tuluyan ang pagiging Caraviejo ko!
Naramdaman ko ang pait sa aking lalamunan. Literal. Kaya nang nasa sink na ako ay nagmumog agad ako. At hinugasan ang mukha ko. Namumula kasi ang mga mata ko dahil hirap na hirap akong sumuka kanina. Napabuntong hininga ako nang naglakad ako pabalik sa classroom namin.
May teacher na doon at may nakapila nang mga estudyante. Kasama sa mga nakapila ang mga Avengers at ang grupo ni Keen. Nandoon rin ang babaeng nabunggo ko kanina at nakikipag-usap kay Jiro nang chinese. I know Chinese. I can perfectly distinguish Chinese from Korean and Japanese, no! One of my useful skills.
"Name?" tinatarayan pa ako nitong teacher. Mukhang Miss Tapia, bata pa at mukhang nasa 20s lang pero mukha nang gurang, samahan mo pa ng tight bun at nerdy glasses.
Tinaasan ko sya ng kilay at ngumisi. "Caraviejo."
Narinig ko ang mga bulungan. Parang mga tutubi. "Caraviejo-Imperial." This idiot!
Kuya Claude taught me perfectly that I'm a Caraviejo. Pero si Drei ang nagturo sa akin na kapag pakiramdam ko ay minamaliit ako ng ibang tao, ipanlaban ko ang pagiging Caraviejo ko. As he was a Quincy, he can always use that as well. I already pictured King and him smirking if they found out I'm using what they taught me.
"Sumama ka sa pila." ngumuso sya at mukhang nahiya sa sarili niya. Mabuti lang! Ako ang nagpapasweldo sayo! Pwede kitang sibakin kahit kailan ko gusto kaya mag-ingat ka! Biatch!
Naglakad ako para makapila doon. Syempre dahil may natitira pang humility sa katawan ko ay sa dulo ako pupwesto. Not because, my crush is at the end of the line, but because I'm REALLY humble. Pero habang naglalakad ako papunta doon ay natapilok ako dahil sa pagpatid ng babaeng nabunggo ko kanina.
Tumawa pa ito. "Oops. Didn't mean to." I stood up straight and looked at her. I smirked.
Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa pero nagtawanan pa sila muli ng dalawa niyang kampon na babaeng masarap tirisin. "What are you looking at?" pagtataray nito sa akin.
Oh no, you don't talk to me like that. Agad umulo ang dugo ko. "Oh. I'm looking at nothing. Nothing, really. And literally, nothing." I smirked at her.
Sarkastiko ang tawa niya. "Huh! My family's rich---"
"As rich as mine?" Himalukipkip ako. "I bet not. 'Coz the last time I checked we're still the most influential and wealthiest family in this country." I gave her my shiteating grin.
"Huh! Ang yabang mo rin e 'no? Hindi naman ikaw ang mayaman, pamilya mo. Hindi ka rin naman totoong Caraviejo." Mas lalo niya lang pinapainit ang dugo ko. Di bale, magsusumbong na lang ako mamaya kay Drei. He always got my back.
Oh wait. I don't have his number. Kay Kuya Claude na lang.
"Oh. You bet your ass, I am." nagkunyari akong lalakad palayo at humarap uli sa kanya na kunyari ay may nakaligtaan. "Oh wait. You don't have an ass." I looked at her skirt. "Yeah. That's DEFINITELY not an ass." I lightly slapped my own ass and winked at her.
Tawa ng tawa ang mga kaklase namin sa ginawa ko. "Solid burn." sabi ni Cedrick.
"Burn, biatch!" sabi naman ni Keen.
Pagkatapos noon ay umalis na kami sa room na iyon. Naglakad kami papunta sa building na may dome. Ilang sandali pa nang napansin kong natigilan si Cedrick. Papasok na kami sa entrance ng building.
I don't want to be like feeling close masyado. Pero napapansin ko kasi. Sa third floor kami nitong building at patayan sa hagdan na naman. The steps were to steep for someone like me who has these teeny tiny legs.
Nang nakaabot kami sa third floor ay tumambad ang mga salaming dingding ng mga classrooms at ang mga mas modernong upuan di tulad ng nandoon sa kanina naming pinasukan na room. Tahimik ang mga kaklase naminn. Nang pumasok kami sa room naming, mismo ay napansin ko ang patterns ng floor na parang puro square.
Sa isang gilid naman ay may shelf na puno ng mga Rubiks cube. May mga assymetrical at kakaibang hugis na cube doon. Actually, hindi nga cube e. May pyramid pa nga. Pero sa gitna noon ay isang mukhang trophy ng karate at sa magkabilang gilid noon ay trophy na may disenyong Rubiks cube rin.
Nilapitan iyon ng intsik at ngumisi. Kami naman ay umupo na sa mga gusto naming upuan. Itinabi ako ni Keen sa kanya pero biglang kinuha ni Oliver ang bag ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Dito ka na lang sa tabi ko." Ngumiti sya. Tumango ako at doon sa tabi ng upuan niya umupo.
Choosy pa ba ako? Crush ko na nga ang nag-alok, aayaw pa ako? Ang ganda ko naman?
Ang kaliwa ko ay bakante at sa kasunod na upuan noon ay si Ryan na ngayon ay nakikipagkwentuhan sa iba naming kaklaseng babae. Sa kabila ay si Cedrick na mukhang hindi mapakali.
Ngumuso ako at di ko na mapigilan ang curiosity ko. "Uhm, Cedrick? You okay?" He smiled at me. Pero may hint iyon ng kalungkutan.
"The last time I here, I was facing death." Natawa pa sya sa sinabi niya. "Sana ako na lang e."
Inirapan sya ni Keen. "Pero hindi ikaw di ba? I won't let you make it sound that my ex-girlfriend died in vain." Nanlaki ang mata ko. Namatay? EX? Bakla 'to a? "'Coz mind you, she didn't."
"May ex ka?" tanong ko na agad naman tinawanan nila Sav at pati ni Oliver.
"Oo, ateng! Bago ako magladlad!" Natawa ako.
"Isn't this nice?" biglang lumapit sa amin si Jiro Wei. "They did the design with respect for Ivi." He smirked at umupo sa tabi ko.
"Oo nga. Rubiks pa lang e." sabi ni Sav.
"Ivo, must really miss her." Sabi ni Oliver. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Cedrick. "I heard from Jade na siya raw ang nagrequest nito."
"Hindi lang naman si Ivo ang nakakamiss sa kanya." Jiro smiled. "I miss wrapping her around my arms." kunot ang noo ko nang tiningnan ko sya. He looked happy with this subject, huh?
Ni hindi ko nga alam ang pinag-uusapan nila e. O kung sino sya. Ang alam ko lang ay namatay sya at maraming nagmamahal pa rin sa kanya ngayon. She's a lucky girl. Pero kinuha ng maaga.
"I'd trade Cedrick to get her back." Tumawa pa sya.
"What?" tumawa si Sav. "Para may makasapakan ka lang uli? E talong-talo ka nga kay Ivi e."
"Nandito ako, Jiro. Tayo ang magsasapakan." Seryoso si Cedrick.
Tinawanan lang siya ni Jiro. "Chill, bruh. Stop being a jealous dick."
Inirapan ko. Bumulong ako kay Oliver dahil hindi ko na masundan ang kwento. Hindi dahil gusto ko lang lumapit sa kanya, okay? Hindi talaga. Insert kilig emoji.
"Who are they talking about?" Kinagat ko ang labi ko. Ang bango nya. Parang amoy dark chocolate na amoy body spray.
"Ah. It's Ivi. Aldehade." Napa-ah na lang ako. I know the Aldehades. I know Ivo. Bestfriend iyon ni Drei at madalas naikukwento ni Kyria kapag lasing na sya. Ngumuso ako.
Naisip ko tuloy kung lahat ba ng kaibigan nitong mga ito ay puro fuckboys. Fuckboy kaya itong prince charming ko? I bet not. He's really nice and such a gentleman. So sa tingin ko, hindi talaga. Besides, hindi naman lahat sila ay fuckboy, di ba?
Biglang may pumasok na isang lalaking kasing tangkad ni kuya Claude, kasing kulay at kapareho niya rin ng hairstyle. Hindi sya naka-school uniform. Siguro ay college student na magbabantay sa amin ngayon?
"Not again." Narinig ko na bulong ni Ryan.
"Don't tell me hindi ka pa nagsasawa sa pagmumukha namin?" sabi ni Jiro sa kanya. Bastos na bata 'to!
Humarap ang lalaking nakasuot ng polo na kulay itim at itim na pantalon. Nakashades ito pero tinanggal niya na ngayon. Masasabi kong hawig sila ni kuya Claude pero mas light ang mata nitong lalaki sa harapan. Mukhang grey ata ang mata e.
"No. Really no, Jiro." He smirked. Ooh. So gwapo. "Hindi ako nagsasawang panuorin ang mga pagbabago sa inyo." Napatingin ito kay Cedrick na ngayon ay blanko ang expression ng mukha.
Tumingin ito muli kay Jiro. "Especially, you, actually." He smirked at umupos a teacher's table. "I never expected that you," itinuro nya si Jiro na ngayon ay nakataas lang ang kilay, "of all people, will actually have a girlfriend."
Nakalahad ang kamay nito para ituro si Jiro. "Let's give a round of applause, everyone." Nag-slow clap ito. "Akala ko, ang the one ni Jiro Wei ay isang hoax."
Jiro smirked. "Where did you get the info?" Halos mapa-face palm ako sa sinabi niya. Wala man lang bang ganang itanggi ang kasinungalingan na iyon?
"News have wings. And people have mouths that just won't shut up." Tumang-tango ito at tumayo. "So guys, I'll be your class adviser and, oh wait? We have a new student, right? Aside from the returning Angela?"
Umoo lang ang klase sa kanya. "Then let's have him introduce himself then!"
"It's actually a her." Sabi ni Cedrick.
Kaya tumayo ako. He smiled. I also smiled. Nakakahawa ang pag-ngiti. "Introduce yourself, dove."
"I'm Cashereen," nakita ko ang nakakainis na pagmumukha noong babaeng pumatid sa akin kanina. "Caraviejo-Imperial." The teacher's face lit up.
"So you're related to Lord, then?" tumango ako.
"He's my cousin."
"And tell us more. Where you came from, why are you here? Why did you choose Isengard and your hobbies?"
I inhaled. "Uhm. I transferred from LA, Harvard-Westlake School because, I needed to do some business stuff. I got a new project proposal and it won't be done without me, coming here. And because Isengard specializes business-related courses, I chose to study here." Napalunok ako nang napansing marami na ang nagbubulong-bulungan.
"Your hobbies?" He was looking at the shelf when he asked that.
"I... I love, uhm, sketching things, designing dresses and helping out with the family business." I smiled. Bumalik na sa akin ang tingin nya.
"Well, welcome to Isengard, Cashereen."
"You can just call me Cash." I smiled.
"Even your name screams arrogance." Sabi noong kaninang babaeng intsik.
"Shut up, bitch." Sabi ni Candy sa kanya.
Umupo na ako bago pa magsimula uli iyong class adviser naming.
"Anyway. I'm Alliser Sigrid." Halos lumuwa ang mata ko nang narinig ko iyon pero hindi ko pwedeng ipahalata. "I'll also be your teacher in English." Tumingin sya sa relo nya bago nagsalita uli. "So, by ten o'clock, you should go to the gym. You know how it goes. The goddamn orientation and stuffs. Then they'll tell you how you shouldn't date or have sex with a teacher but then you will." Nanlaki ang mata ko.
"Then they will all look at me when they say that because I have a long history of hooking up with my students, unintentionally. I mean, really? I'm drunk, I didn't know they're students. My students. Then if I reject them they would accuse me of rape?"
What. The. Hell?
"Dude shut up!" sabi ni Ryan sa kanya.
He laughed. "Why? Does the story sounds so familiar?"
Now, I'm just really clueless. Sa tingin ko ay kailangan kong itanong lahat ng ito kanila Keen para naman hindi ako out of place masyado. Nakaka-curious kasi e.
Sa pagkakaalam ko ay kakilala ito ni kuya Claude. Naikwento nya na rin kasi ito. Ikinukwento nya ang love life nya sa amin kapag lasing sya. Parang si Kyria. Napag-alaman ko na simula noong naging sila noong ex nya, may naging karibal sya sa lahat ng bagay. Iyon nga si Alliser.
Pero bakit sya dito nagtatrabaho kung ganoon?
Matapos ng speech niya tungkol sa pakikipagsex sa teacher ay pinalabas niya na kami dahil daw kailangan naming pumunta sa orientation.
Dumiretso kami sa CR. Kasama ko sina Sav, Candy at Keen, na hindi man lang pinapansin ng mga babae kahit doon sya nagsiCR.
Tawa ako ng tawa dahil doon. "Akala ko talaga lalaki 'yang isang 'yan e." sabi ni Sav. "Paano ba naman kasi, naging girlfriend nya si Ivi tapos nagbreak. E 'yun naman pala bakla!"
"Sino ba naman ang hindi magco-confess agad! Gustong ipahalik ni Daddy sa akin noon si Ivi! Bukod sa bubugbogin ako ng significant other ni ateng, at ng kuya niya, e nakakadiri no!" Irap ni Keen habang nagpa-powder kami ng mukha namin.
Tumawa ako. "Dapat pala mas maaga akong nagtransfer dito para nakilala ko sya. At nakita ko ang pagiging lalaki mo!" sabi ni Candy.
"Oo nga. Ako din. Gusto ko makita 'yun." Sabi ko.
"Ay naku! Mga ineng! Ikaw, Candy, hindi mo magugustuhan ang mga panahong 'yon kasi magseselos ka lang!" sabi ni Keen.
"Oo nga. Laging magkasama sina Jiro at Ivi noon e. Besties sila." Dagdag ni Sav.
"Sobrang magulo ang buong Isengard kapag nagsama-sama ang sampung lalaking iyon! Hay naku! Lalo na 'yang Drei na 'yan!" sabi ni Keen.
Tumawa ako lalo nang ikinuwento nya kung paanong naging crush niya si Drei noon at madalas syang makisama sa kanila. Noong nagpapanggap pa syang lalaki. Niyaya daw sya ni Drei na maging Avenger bago malaman na bakla sya. Naglalaro pa nga daw sya ng basketball noon.
"Naku, Cash! He was naked! Tapos nagshower kami ng sabay! Grabe! ANG LAKI!" Tinakpan ko ang tenga ko sa naririnig ko dahil lumalabas na sa utak ko ang itsura ni Drei na walang suot katulad ng sinasabi ni Keen.
They don't walk around our house shirtless, 'coz kuya made it clear to them that they shouldn't. Pero fuck the imagery!
"Bakla ka!" sabi nila Sav at Candy na naaalibadbaran na rin sa kwento niya. Si Keen naman ay tawa ng tawa.
"Manunuod kami ng sine nila King sa Saturday e. Susumbong kita kay Drei." Biro ko.
Actually, hindi pa nila alam na nakauwi na ako. Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa umaabot ang balita sa kanila. Baka dahil sinosolo pa ako ni kuya Claude. He always sees King as a rival when it comes to us, especially with his little sister.
"Dalian mo!" sabi noong isang babaeng kalalabas lang ng cubicle. Napansin ko rin na marami ang nagtatakbuhan sa labas.
Biglang hinawakan ni Keen ang braso ng babae. "Anong meron?"
"Si Jiro, nasa The Tower. Dahil sa article." Nanlaki ang mata ni Keen.
Hinila agad ako ni Keen at sumunod sila Sav sa amin. "This is exciting." Pumasok kami sa room malapit sa CR na pinanggalingan naming malapit sa gymnasium.