Pagkalabas ko ay nakita ko syang nagtawag ng mga staff para buhatin iyong mga pinamili ko. Sya naman ay may hawak-hawak rin na bag. "Tara na babe!" sabi nito sa akin pagkatapos ibigay sa valet ang susi niya. HINAYUPAK TALAGA!
Nilapitan ko sya at sinabayan sa paglalakad. "Ikaw lalaki ka! Wag mo nga sabi akong matawag-tawag na babe e!" at kinurot ko sa tagiliran. Sya naman tumatawa lang. Adik ata ang isang ito!
"Warren, pakidala na lang nyang cases ng beer sa penthouse." sabi nito nang pumasok kami sa elevator.
Wait... Weh? Penthouse? Yaman a? I mean, dude, this is King's Tower. Each unit is at least four times higher than the first tower. At penthouse pa? That's saying something, man.
Nasa apat ang nagbubuhat ng mga groceries ko at nagkukwentuhan sila habang nasa elevator.
"Naku sir! Ikaw a! Di mo naman sinabi na may gelpren ka na pala!" Hoy! Girlfriend ka dyan! Ang ganda ko naman para maging girlfriend nito!
"Bagay na bagay kayo sir!" Tawa naman ng isa. HOY TAO AKO! TAO! Di bagay!
"Edi dapat sir, bawal na mga chicks sa penthouse! Baka magselos si ma'am!" tumawa naman ang singkit doon. AT di pa nakuntento, inakbayan pa ako!
"Madali pa naman magselos 'to!" Nagtawanan sila samantalang ako, namumula na. OO NAMUMULA AKO. Hindi sa kilig or whatsoever, kundi sa INIS.
Nang tumunog ang elevator ay lumabas na rin kami. Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin. Feeling masyado. Oh well, ayoko na lang magsalita. Baka dumire-diretso na naman ang bibig ko e. Binuksan ko ang pinto ko at pinapasok sila.
"Pakilagay na lang po doon sa counter." at sumunod naman sila. Samantalang ang singkit na iyon ay ibinagsak ang isang bag doon sa may dining table at sumalampak sa sofa ko. ABA'T ANG KAPAL KAPAL TALAGA. Nakataas pa ang mga paa.
Napasinghap ako. "Hoy, alisin mo nga 'yang--- AAAAAHHH!" bigla nya akong hinila at ayun! Napaupo tuloy ako sa hita niya! YUCK! EWW!!! Tinulak ko sya pero tumatawa lang sya. NAKAKAINIS! MANYAK PA ATA ITOOOOOOOOO!
"Ayiiiiiieeeeeee!!!" sabi naman ng mga nagbuhat. Nakakainis! Kumuha ako ng pera sa wallet. Binigyan ko sila ng tag-titen dollars.
"Ayon! Ang laki mag-tip ni ma'am." sabi noong isa.
"Oo nga! Dollars pa! Sosyal!" Mga Pilipino talaga.
"Oo nga! Di tulad ng iba dyaaan." Sabi nila at napatingin kay singkit na ngayon naman ay nakikiinom na ng tubig. KAPAL KAPAL! "Sige ma'am! Sa uulitin."
Umalis na rin sila. Lumingon ako doon sa singkit. Pinapakielaman niya naman ngayon ang mga gamit ko sa kusina! "HOY PAKIELAMERONG SINGKIT! LAYAS!" sabi ko at itinuro ang pinto.
"Di ka talaga marunong magpasalamat 'no?" sabi nito at lumapit sa akin.
"Magpasalamat? 'Yun lang ba? O EDI THANK YOU!" sigaw ko.
"Napakasungit mo! Di ganyan mag-thank you!" sabi nito habang ngumunguso.
"Ano pa bang gusto mo? Binayaran naman kita! Nag-thank you na ako! LUMAYAS KA NA!"
"Ang sama mo! Grabe ka!"
"E kasi panira ka ng araw e!"
"We? Ang gwapo ko naman palang panira!" ENEDEW! Although, oo siguro sa iba. Iba-iba naman tayo ng preference e. He actually looks like someone familiar to me. Di ko lang matandaan e. Signs of aging.
"Gwapo? My god! Saan banda? Alin ang gwapo dyan? 'Yang mahaba mong baba? Pati 'yang malaki mong labi?"
"HOY! Di mahaba ng baba ko at hindi malaki ang labi ko! Plump lips yan! Kissable lips 'yan! Masarap 'yan halikan try mo pa e!" KAPAL!
"Kissable mo mukha mo! ALAM MO?!!? 'YANG BABA MO MAS MATULIS PA SA SAMURAI SWORD! Unting hawak lang siguro dyan dudugo na ang kamay. TSAKA 'WAG KANG YUYUKO! Suicide 'yun!" asar ko pabalik. The levelheaded, mature Cashereen just went out of the window. This is so fucking annoying!
"Samurai sword? E ikaw miss tingting! Yang katawan mong walang kalaman-laman, parang mas manipis pa sa samurai sword! At 'yang dibdib mo na parang likod! FLAT!" Napatingin ako sa sarili kong katawan at namula. MANYAAAAAK! Excuse me no! hindi naman flat a!
"What the fuck? Why can't you just leave huh? Siguro gusto mo ako 'no?" sabi ko. Ni hindi ko rin mapagtanto kung saan ko nakuha iyong linya na 'yun. Namula ako sa kahihiyan pagkasabi ko noon.
Tumawa sya. Halakhak pala. Grabe 'tong lalaking ito! Iilang minuto lang kasama sya ay sirang sira na ang araw ko, na sa tingin ko aabot ang inis ko sa buong linggo.
"Know what?" Tinaasan ko lang sya ng kilay. "Ngayon pinapaalis mo ako. Pero I assure you, the next time I will leave, ikaw pa mismo ang magmamakaawang manatili ako. Kakainin mo 'yang mga salita mo, baboy!" Hahambalusin ko pa sana sya ng unan kaso tumakbo na sya palabas.
"FUCK YOU! JUST FUCK YOU MUTHAFUCKA!" Nakakainis!
Tinawagan ko na lang si Ellis para mapadalhan ako ng kotse papunta kay kuya Claude at baka sakaling kumalma ako kapag nagkausap kami.
"HELLO?" Napataas ang boses ko.
"H-hello, miss?" Kinabahan ata.
"I need a car." I demanded.
"S-sa L-lunes pa po makakara---"
"THEN SEND ME A CAR NOW. Dito sa condo ko. I want it here as soon as possible!"
"Yes, Miss Cashereen."
Ang dami tuloy nadadamay sa pagkakahigh blood ko sa lalaking iyon.
Di nagtagal ay dumating na rin ang sasakyan. Mukhang natakot talaga ata. High blood kasi ako masyado ngayon! NAKU! Ang sarap kalbuhin ng lalaking iyon!
"Miss, okay lang po ba kayo?" salubong ni Ellis.
"Okay lang!" At pumasok ako agad sa sasakyan. Dalawa silang nandito ngayon. Si Ellis at ang isa pang driver slash bodyguard.
"Saan po tayo?" Tanong ng tanong! Naiirita talaga ako. Nagrereplay sa utak ko ang boses ng hinayupak na samurai sword na 'yun! Ang sarap tirisin! "Miss?"
"MIT. Pakibilis." Di na lang ako masyadong magsasalita para di na sila masigawan. HAY! Parang gusto ko tuloy maligo! Para kumalma ko. O maligo ng holy water para mawala ang masamang espirito sa akin! Para mawala lahat ng traces ng unggoy na 'yun sa akin! Kainis! Paakbay-akbay, payakap-yakap pa! WHY SO TOUCHY! Manyak talaga siguro 'yun Cash! Kainis! Baka mamaya ako na ang subject of his session! EW KAKAINIS NAMAN 'TONG UTAK NA 'TO! Masyadong UGH!
"Uh, Miss, kanina pa po kayo mukhang naiinis at umuusok ang tenga? Okay lang po ba talaga kayo?" Naman Ellis o!
"Tell me Ellis. Anong ibig sabihin kapag ang isang lalaki ay bigla na lang nagpapansin sayo at mukha syang stalker? Maiinis ka, di ba?"
Mukhang naguluhan. "Uh. Edi baka po may gusto sa inyo?" Tinaasan ko ng kilay. "Maganda po kasi kayo, miss kaya di naman imposibleng ganoon. Pero mag-iingat po kayo sa mga ganun." sabi naman noong driver. Tama sya kaya tumango na lang ako. Mukha naman kasing manyak iyon e. "Baka ma-kidnap din po kayo katulad noong bata pa si Mr. Wei. Naku," I don't know half the fuck he was talking about but it filled the car. Mas kumalma ako dahil doon. Wala naman akong paki kung sino 'yang Mr. Wei.
Alam ko naman na mainit ang ulo ni Kuya ngayon. Malamang, magkasing-init ang ulo namin.
Ilang sandali pa ay nasa MIT na kami. "Okay na po ba kayo, miss? Maghihintay na lang po kami dito." tumango na lang ako sa sinabi ni Ellis.
Dala ang peace offering ko ata ang paborito niyang kape, na dinaanan namin kanina papunta rito, at paperbag ay pumunta na ako sa Admin building ng school na 'to.
Binuksan ko ang pintuan ni kuya at nakita syang busy sa telepono.
"Goddamn it! OLIVER! PAPATAYIN NA KITA!" Kumatok ako nang nakapasok ako. Ang abnormal ko talaga!
Napatingin sya sa akin. "Kuya?"
"Goddamn it! Fuck you Oliver! I've had enough Avenger boyfriend problems! Wag mo nang dagdagan! At umasa ka namang magugustuhan ka niya!... NEVER!" Napapikit ako sa sigaw niya.
Umupo ako sa upuan sa harap ng table niya.
Kuya Claude is one, if not the the most eligible bachelor in the country or even in Asie for that matter. His hair was disheveled, dahil na rin sa panggugulo nya rito dahil sa inis nya. His golden sunkissed skin makes him look like a well-tanned model from some magazine, GQ or some designer brands. And right now, he just looks like the hottest teacher in the whole world, wearing a suit, minus the jacket. His eyes brown and deep and hooded, the kind that will make you melt when he looks at you. And he's rocking this beard he has now. He's gwapo even without it but damn! My kuya sure looks fine with that on, more handsome even. Now I'm just being creepy, aren't I? He's my cousin for fuck's sake, and I'm ogling him right now like we're not related! Ugh!
May sinipa syang cabinet bago humarap sa akin. Natauhan ako ng di oras. Binagsak niya na rin ang telepono. Nawala ang high blood ko sa takot. Napakurap-kurap ako. Collect yourself, Cashereen. Goddamn.
"Coffee?" I smiled awkwardly. Nakakunot pa rin ang noo niya. Hinablot nya lang yon sa kamay ko at tinungga. "O-okay.... Peace offering?" hinablot nya lang din iyong hawak kong paper bag. Naman o!
Marahas nya iyong binuksan. "What's this?" Nalaglag ang panga ko.
"Duh. Necktie." Umirap ako. Sa di malamang dahilan ay tumawa sya. Tinaasan ko sya ng kilay. Nababaliw na ata sa dami ng trabaho niya? O dahil sa sobrang talino rin?
"Hoo!" sabi niya nang natapos syang tumawa. Natuluyan na ata itong pinsan ko a? "That! That attitude should always be with you!"
"The fuck are you talking about?" Napawi ang ngiti niya.
"Language, young lady." tumikhim sya. "I just want you to always have that attitude, okay? And thank you for this." sabi nya at hinalikan ang noo ko. "And oo nga pala, please wag ka munang mag-boboyfriend."
Natawa ako. Paano 'yan edi di pala kami magiging kami nung cutie dun sa may elevator.
"Harsh. Don't worry ipapakilala ko sayo bago ko sagutin." Tumaas ang kilay niya.
"Anyway, saan mo balak mag-aral? Pasukan na next week. At dahil transferee ka, marami pang papeles na aasikasuhin."
Umirap ako. Wala naman ako sa mood mag-aral. O pumasok sa school, on a usual basis. Pero, maybe it will be different this time. "Yeah whatever."
"Ako na ang aayos ng enrollment mo. No worries. Saan mo gusto mag-aral?"
Ngumuso ako at napaisip. "Well, there are only, FOUR high schools I can go to." Inenumerate ko na sila. "LAA, belongs to Lei's mom. At dahil may issue doon, so... No." Kung ipaghihiganti ko ang pang-bubully nila kay Lei ay baka iyon na ang pinili ko. But I'm not a vengeful type of person e. I mean, she's got a plan for that anyway. "Mama owns Casteria. So I don't want to be judged in a bias way... Then..."
"Kahit alin sa mga school na babanggitin mo, pagmamay-ari natin iyon." Sabi nito at hinawakan ang sentido. Ngumuso ako.
"You own this MIT, at engineering ang forte niyo e. You know my interests are leaning on taking business ad. So I think... I'll go to I---"
"NO! Just not there." Okay? But no. Seriously, it's like the best school for my interest.
"Seriously, let's take it this way." Napalunok ako. It's like explaining to a person with short term memory loss. "Kapag dito ako nag-aral, you will be bothered by anything, everything I would actually do. Kung sa Casteria naman ako," napairap ako. "COME ON! It's like locking me up on some mountain. It's like isolating me. Seriously. It's like the worst school in the Metro."
"At least doon di ako maba-bother sa mga manliligaw sayo kasi nga hiwalay ang boys at girls!"
"It's a CONVENT for fuck's sake! And you expect that I'll be safe there. Duh! Sa ganda kong 'to, malamang maraming mag-aakyat bahay sa akin para lang ligawan ako! And it's a dorm school! For all we know, baka ano pang mangyari doon. Oh well, unless there's a really hot---"
"ALRIGHT! Kyria went there at hindi naman ganoon ang nangyari!" Not any that you know of. "You're even tougher than her." Umirap din sya. SO GAY!
"Baka naman kasi merong nangyari pero di mo lang alam." Tumawa ako. He's so uptight kaya natatakot silang sabihin sa kanya ang mga problema nila. Kyria's literally fucked up in that convent! "Seriously, if anything happens, ako na mismo ang magvovolunteer na doon lumipat. I can transfer whenever I want naman a!" Tumayo ako at hinilot ang balikat niya. Syempre kapag humihingi ng pabor dapat mang-uuto muna! "I'll be closer to my dream if I go there." Yeah, closer to my dream guy. Oh my god! Nag-flash na naman sa utak ko 'yung itsura niya! "Don't worry, hindi ako tutulad kay Alleina, o kay Duchess na middle school pa lang ay may love life na... O kay Kyria. Seriously, I'll be just like JADE." Humarap sya sa akin, kunot ang noo.
"Jade?"
"Yeah. Father Jade! Nahawaan mo ata ng pagkabanal! Hanggang ngayon walang nililigawan, walang balak sa lovelife. Duh. There's always more to life than just love."
He smiled. He knows I know my limit.