"Cashereen." Ngumiti ako.
Hindi dahil natutuwa akong makita sya kundi dahil natutuwa ako sa lambot ng sofa nya. Bago ito. Wala naman 'to dito last week e.
Remind me later to ask her where she bought this. "It's Monday."
Tinaasan ko sya ng kilay. "I am well aware, doctor. This is a therapy, not kindergarten. Or is it?"
Inirapan nya ako. "Very funny. We just had our session last Friday. This is very unusual." Tumigil sya at mukhang napaisip. "Did something happen? I heard from Ayi that you have some news."
"I have nothing better to do, so... Let's do this."
"You're keeping something in." She hummed. "Now this is called denial."
Bumuntong hininga ako. "I am sooo not denying anything." I insisted. "Denying means, like lying or somethin', right? So yeah. I am sooo not denying anything."
"Yes, you are. I heard you just gave Garreth a chance. Let's start with that." I sighed. She knows things. "Or..." And here she goes. "I can just call your cousins and tell them you stopped coming here."
Nanlaki ang mata ko. Di nya ito normal na ipinangtatakot sa akin. Mas malala sya ngayon. But. "You can't do that! They will know that I'm coming here. They have Jiro."
No shit.
Now she's just grinning like a mad scientist. "I've heard a lot of things about Jiro. I heard he's your bestfriend."
I scoffed. "Bestfriend. Right!" More like mortal nemesis.
"Tell me about Garreth."
I sighed. "Fine!" Humiga ako sa sofa nya. "He's a friend from high school. He's fine. Very hot and very handsome. Very successful, too." Panimula ko. "As you know, I had been in a relationship before. But now... I don't know. Maybe because I thought it would be different. Different but... Good. Like he's been there for me when I needed help. So, you know, why not?"
"How is it different?"
Napangiwi ako. "Different. In a sense that... You know, like I don't need to worry about him leaving me because he totally loves me. Sense of security. And like I don't need to give him everything. Like everything isn't such a risk."
Tumingin sya sakin na para bang may narealize sya sa sinabi ko. "So you're saying, that Garreth is a safe choice."
Natigilan ako. "You could say that." Medyo patanong iyon.
"Is that so different from your previous relationships?"
I cringed. "Relationship. Singular. I feel secure with Garreth."
Dr. Linda smiled. "Did you not feel that before?"
"I felt that before. It didn't last long. It just disappointed me."
Napabuntong hininga ang aking therapist. "I can't help you until you tell me."
"Bullshit. I tell you everything." No, I don't.
"I'll call Mr. Caraviejo if this continues. You have a lot of walls, Cashereen. After two years and we still got nothing." Ang sabihin mo, gusto mo lang makausap si kuya Claude. "You need to tell me or we should just stop. Because, I don't think I'm helping you. You just come here because of the deal."
Inirapan ko sya. "Fine. I'll tell you then."
Napakurap-kurap sya sa sinabi ko. "Oh-" Akala mo naman kasasabi ko lang na totoo ang mga martians o may gamot na ang cancer. "Okay. I'm all ears. I've waited two years for this!"
"I spent most of my years in America. I went back to the Philippines when I was eighteen."
It's too crowded in this airport. Nakakatakot na baka mamaya ay hindi ko na mahanap ang sundo ko dahil sa dami ng tao. At mukhang wala pa ring pinagbago ang Pilipinas. Mukhang hindi pa rin nairerenovate ang airport na ito. Medyo pangit pa rin kasi ang disenyo, kumpara doon sa mga ibang napuntahan ko. Medyo halata pa rin ang pagkaluma ng ibang bahagi lalo na kapag tumingala ka. Parang hindi pa rin pinagtuonan ng pansin.
Pero nanlaki ang mata ko nang hindi ko na pala kailangan matakot na hindi mahanap ang susundo sa akin dahil mukha silang isang batalyon ng MIB, Men in Black na may hawak-hawak na placard ng "Welcome home, Miss Cashereen Caraviejo!", pero ang mas nakakahiya ay ang pagkakaroon ng pink at girlish na design ng placard nila. Mapapasabi ka na lang ng "Real men wear pink."
Lumapit agad ako sa kanila.
"Welcome home, miss." pormal at sabay-sabay nilang pagbati sa akin. Para tuloy akong boss ng Yakuza dahil sa pagbati nila at pagyuko nila. Nakita kong pinagtitinginan kami.
Napatingin tuloy ang ibang tao sa amin. Sa tantya ko ay higit isang dosena silang nakaline up na sumundo sa akin.
I glared at him. "Why pink, Ellis?" I narrowed my gaze at him. Hindi nagbago ang itsura nya. Mukhang hindi lang sina tito Dallon at tito Manny ang immortal sa mundong ito. Mga lalaking hindi tumatanda. Tss.
"Paborito niyo po itong kulay, hindi ba?" Mukhang kinakabahan lahat ng kasama niya. Ano ba? Mukha ba akong mataray? Hindi naman ata!
Natapango ako pero kumunot uli ang noo. "Then why Caraviejo?" Tinaasan ko sila ng kilay. Bakit ba proud na proud ang mga kamag-anak ko sa apelyidong iyan? Sa mga apelyido nila? "I'm. An. Imperial." I always feel offended when people don't acknowledge me as an Imperial.
"U-utos po ni Sir Lord." See?
"And why do you feel offended at that?" pakikiepal ni Dr. Linda sa aking kwento.
"Uh, because I. Am. An. Imperial. My cousin just loves to remind me of what I am. And what I am is a female Caraviejo. The kind that tends to leave the man they believed they loved then marry someone else who's better, wealthier. My family has a very looooooong history about that one." Napairap ako.
"Interesting." At may ini-note sya sa notebook nya or something.
Tumango-tango na lang ako at naglakad na. Kinuha nila ang mga gamit ko at sumunod sa akin. Si Ellis ang nasa tabi ko at may dalawa sa magkabilang gilid namin, dalawa rin naman ang nasa harapan nila at ang iba ay nasa likuran na.
Ugh, ang init naman dito. It's the first week of July. Hindi ba dapat ay tag-ulan na dito?
"Uhm. Diretso na po ba sa bahay niyo?" tanong ng isang body guard.
Kumunot ang noo ko at tinaasan sila ng kilay. Siniko naman sya ng katabi niya.
"May condo unit na po akong nabili para sa inyo gaya ng inutos nyo. Pero hindi na po ba kayo bibisita sa bahay niyo?" agarang pagpapaliwanag ni Ellis.
"Wala naman sila dito e. Bakit pa ako pupunta doon? Wala naman akong mapapala. Pakidiretso na lang sa unit ko." tumango naman sila sa sinabi ko.
Sumakay kami sa isang itim na Lexus GS F, ako lang sa backseat at si Ellis ay nasa tabi ng driver. Mabilis namang pinaalis ng driver ang sasakyan. Medyo okay naman ang byahe pero sadyang matraffic pa rin pala talaga sa bansang ito. Nagtataka tuloy ako kung ilang bilyon ang nasasayang dahil sa traffic. My family would be much wealthier than they are now, kung hindi lang ganito.
"What about my car, Ellis? Have you found me one?" tanong ko. Dahil bago ako umuwi, siguro ay dalawang linggo na ang nakararaan, ay nanigurado na ako at inutusan ko sya na hanapin ang lahat ng kakailanganin ko. Total naman ay hindi kami ganoon kakapos sa pera ay nilubos-lubos ko na. Mababawi ko rin naman iyon e.
Tumikhim sya. "Uh, hindi pa po e." Nanginginig pa ang boses nya. Dapat lang.
"HUH? E DI BA---"
"Kasi po ang gusto niyo ay convertible, pero po kasi sobrang maiinit rito at minsan naman ay malakas ang ulan kaya po mas maganda kung pumili kayo ng ibang disenyo." Pagpapaliwanag niya.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Fine. Kung pipili ako ngayon gaano katagal bago ko makuha iyon?" Wala naman akong ibang maisip na mas magandang design bukod sa convertible. Mas gusto ko kasi iyong ramdam ko ang ihip ng hangin, at open, katulad ng mga nauna kong mga kotse noong nasa LA ako.
"Siguro po ay mabilis lang naman. Depende po sa kukunin niyong brand." Ang totoo ay wala naman akong alam sa mga kotse. Gusto ko lang ang mga design at madalas ay nasa Volkswagen, Maserati, Audi o Lamborghini ko nakikita ang mga napupusuan kong disenyo. May sasakyan ako noon sa LA, isa iyong Audi S5 Cabriolet. Maganda kasi ang view doon kaya iyon ang pinili ko.
Binuksan ko ang phone ko at nag-umpisang mag-google ng maaari kong ipabili na sasakyan habang malayo-layo pa ata ang byahe, or hindi malayo, sadyang traffic lang. Siguro ay hindi na lang Cabriolet and pipiliin ko. Okay na siguro ang Roadster o Coupe na lang. o kahit sedan na lang siguro. BASTA KOTSE NA MAGANDA ANG ITSURA! Tsaka syempre 'yung kaya ko ring idrive.
Nang nakita ko sa google ang mga pictures ay agad akong na-in love sa Bugatti Chiron.
Kaso mukhang hindi ko kaya i-drive ito. Kaskasero pa naman ako. Baka mamaya ay wala pang isang oras nasira ko na ito. Mukhang mabilis ito at hindi ako marunong maghandle ng ganoong klase ng sasakyan. Bukod doon ay nakita ko ring ilang milyong dolyar lang naman pala iyon. Oh well, afford naman pero mukhang mas malaki pa iyong gagastusin ko dito kesa sa bagong line at kompanya na sinisimulan ko e.
Kaya hanap tayo ng maganda pero mas mura. Magaling akong magtipid kapag walang pera pero magaling rin akong gumasta kapag maraming pera. Kaya napili kong isang Chevrolet Impala na lang. Nasa 30,000 dollars lang daw iyon e. Kaya ayun na lang. Sa susunod kapag naging successful na ang project ko, bibili ako ng Bugatti Chiron na iyan! At hindi ko pahahawakan kahit na sino sa mga pinsan ko. Manigas sila! Ha!
"I want a rose gold Chevrolet Impala as soon as possible. Kailangan sa unang araw ng pasukan ay meron na ako noon. Maliwanag ba?" Utos ko kay Ellis.
"Opo, Miss." Lumingon ako sa bintana at nakita ang apat na matataas na towers ng Deimon. Maganda ang istilo ng pagkakatayo. May apat rin na bridges na kumokonekta sa kada isang tower sa katabi nito, so basically if you're going to look from above it, magmumukha itong hugis square, dahilan para tawagin itong Deimon Square.
Nagpark ang driver malapit sa Deimon Park. Ugh! Lahat ng bagay rito pinangalanan nilang sa kanila! Oh that boy loves their ancestry so much! May carpark naman ata sa tower pero hindi rin naman kasi sila magtatagal e.
Ngumuso ako.
You're a Caraviejo, Cash. Act like one.
"And how does a Caraviejo act?" she asked. Again.
"Graceful. Elegant. Powerful. Intimidating, in a way, I guess." Like my cousins.