Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 7 - Isabel

Chapter 7 - Isabel

Sweet kasing ngumiti si Issay. Pag ngumingiti ito, ngumingiti din ang mga mata nya bagay na masarap pagmasdan.

At maraming nagsasabing nakakagayuma sya kung ngumiti.

Si Isabel ay nagmula sa maliit na bayan ng San Roque sa probinsya ng Laroza sa timog silangan ng Pilipinas.

Dahil sa may edad na ng magpakasal ang mga magulang, kaya nagiisa lang syang anak ng mga ito.

"ISSAY" kung tawagin sya ng kanyang mga magulang.

Mas gusto nyang tawagin syang Issay, lalo na pag nilalambing sya ng mga magulang nya.

Payak ang pamumuhay ng maganak ngunit bawat sandali ay puno naman ng saya at pagmamahalan.

Isang kartero ang kanyang ama at maybahay naman ang ina.

Nakatira sila sa lupain na minana ng ina sa mga magulang nya.

First year high school sya ng namatay ang kanyang ama, inatake ito sa puso at dahil may edad na at sa kakulangan din ng pera, kaya hindi na naipagamot.

Dahil sa pagkamatay ng padre de pamilya, napilitang maghanap ng pagkakakitaan ang kanyang ina.

Naging tindera ito ng gulay.

Naglalako ito buong maghapon. Sa palengke, sa kalye at minsan sa bahay bahay. Pinipilit maubos ang tindang gulay na dala bago makauwi.

Sa awa in Issay sa ina, naisip nyang tumigil na lang sa pag aaral para tulungan ang nanay nya.

Matanda na ang kanyang ina, nasa sixty five na ito, hindi na madali para rito ang ganung klaseng hanap buhay.

Kaya naisipan nyang huminto na lang sa pagaaral bagay na hindi nagustuhan at ikinagalit ng ina.

"Hindi! Hindi ka titigil ng pagaaral! Kahit anong mangyari, hindi ako papayag na hindi ka makatapos ng pagaaral!"

Galit na sabi sa kanya ng Nanang nya.

Kagaya ng ibang mga magulang, hinangad din ng mag asawa na bigyan ng magandang buhay ang kanilang anak. Kaya pinangako ng magasawa na gagawin ang lahat para makatapos ng pagaaral si Issay.

Matalino pa man din si Issay, sayang kung hihinto sya sa pagaaral.

Ito ang unang beses na nakita ni Issay na galit na galit ang ina sa kanya. Kaya walang syang nagawa kung hindi sundin ang ina.

Nagpatuloy sya sa pagaaral.

Mahal na mahal nya ang kanyang mga magulang kaya ayaw nyang biguin ang mga ito sa kahilingan nila. Pero hindi ibig sabihin na tatahimik na lang sya.

Nagisip si Issay ng ibang paraan para at least mabawasan ang paghihirap ng ina. Nagdurugo ang puso nya sa tuwing umuuwi ang ina na hapong hapo sa buong maghapong paglalako.

Kung kaya pag wala itong pasok, tinutulungan nya ang ina sa paglalako ng gulay.

Nagiisip din sya ng ibang paninda gaya ng bico, banana cue turon at kamote cue na tinitinda nya sa school para hindi na sya hihingi ng pambaon sa ina araw araw.

Nakakita rin sya ng sideline bilang taga deliver ng dyaryo sa umaga.

(Uso pa ang dyaryo ng panahong iyon)

Matalino si Issay, masipag at maabilidad, kaya madami syang extra income.

Sumasideline din sya sa pag gawa ng projects at assignments ng mga estudyante sa school at nag tututor din sya sa mga bata.

Wala itong kapaguran sa pagiisip ng pagkakakitaan dahil gusto nyang bigyan ng magandang buhay ang ina.

Matanda na kasi ito kaya dapat ay hindi na masyadong nagtatrabaho, saka, wala na ang Tatang nya, ang Nanang nya na lang ang meron sya kaya gagawin nya ang lahat para sumaya ito.

Minsan, isinama sya ng guro upang sumali sa isang youth program. Ang layunin ng programang ito ay para mahikayat ang mga kabataan mailabas ang talento nila sa sining at para mailayo sila sa masasamang bisyo.

Sumama si Issay, magandang opportunity kasi ito para magkaron ng ibang kakilala at ng madagdagan ang sideline nya.

At dito nya nakilala si Luis.

Mabait ito, malambing at maasikaso sa kanya.

Lagi syang kinukulit nito lalo na pagnananahimik sya.

Si Luis ang tumulong sa kanya para mailabas ang galing nya sa pagsayaw.

Sila ang laging magkapareha sa tuwing may laban ang grupo nila. Hiling ito ni Luis.

Matangkad si Luis. Nasa 5'10 ang taas nito, gwapo at maamo ang mukha. Maganda ang tindig at magandang manamit. Parang isang modelo kung pumorma. Bilugan ang mga mata nito at mahahaba ang pilikmata.

May dimple ito pero laging nakatago dahil hindi palangiti.

Parang bawal sa kanyang ngumiti.

Maraming babae ang nagpapapansin sa kanya pero....

maliban kay Issay, balewala lang sila sa mata ni Luis at hindi nila alam kung bakit.

Minsan napapaisip sila,

"baka hindi babae ang gusto nya!"

Pero mula ng dumating si Issay nagbago na si Luis. Nagawa kasi ni Issay palabasin ang mga dimples ni Luis, lalo tuloy syang gumwapo.

Hindi rin naman mawawala ang mga lalaking humahanga sa ganda at cuteness ni Issay.

Kahit na may kaliitan ito sa height nyang 5'2", maganda pa rin ang postura nya, balingkinitan, parang isang ballerina.

Para syang isang kupido na bumaba sa lupa. Napaka inosente ng mukha. Simple kung manamit, mahinhin kumilos pero puno ng buhay ang aura nya.

Masayahin kasi ito at puno ng sigla na sadyang nakakahawa.

Lagi itong nakangiti. At ang mga ngiti nito'y kay tamis at kay sarap pagmasdan.

At sa tuwing ngumingiti sya ay ngumingiti din ang maliit nyang mga mata. Parang inosenteng bata kung pagmamasdan.

Pagmagkasama sila ni Luis lagi na lang silang tampulan ng tuksuhan.

Pilit silang pinaamin kung 'SILA NA', pero paulit ulit nilang tugon na magkapatid lang ang turingan nilang dalawa.

Pero kahit anong paliwanag nila, walang naniniwala sa kanila kaya hinahayaan na lang ng dalawa kung ano ang gustong isipin nila.

"Nakakapagod ng magpaliwanag!"

Nang mamatay ang ina ni Issay sa isang aksidente, 1st year college na sya.

Lubos nya itong dinamdam dahil hindi nya matanggap ang pagkawala ng ina.

Kaya pagkalibing, umalis agad ito at mula noon ay hindi na muling bumalik sa bayan ng San Roque.

*****

Pagkatapos basahin ni Edmund ang folder na naglalaman ng lahat ng impormasyon kay Isabel, binuksan nya ang isang drawer at inilabas ang huling sulat ng ama sa kanya.

"Seyoso ka ba Papa? Gusto mong suyuin ko si Isabel?!"

"Bakit? Bakit ko po kailangan gawin yun?"

Parang itong batang nagmamaktol dahil inutusan ng magulang pero ayaw sumunod.