Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 11 - Ang Una Kong Minahal

Chapter 11 - Ang Una Kong Minahal

Sa isang CR na pambabae.

Madidinig sa loob ng isa sa mga cubicle ang impit na tinig ng isang babae.

Tila may umiiyak sa loob ng cubicle na ito.

Bawat makarinig ay ramdam ang pighating dala ng impit na tinig ng babaeng iyon.

May gustong tumulong ngunit...

ramdam nilang mas gusto ng tinig na mapagisa.

"Kawawa naman sya! Bakit kaya sya umiiyak?"

"Ewan ko pati ako na de depress sa nadidinig kong pag iyak nya!"

"Ano kayang nangyari sa babaeng iyon, bakit wala syang tigil sa pagiyak? Kanina pa sya dyan e. Nadatnan ko na."

"Baka nagbreak sila ng jowa nya?"

"Baka nga!"

"Haaay, kawawa naman!"

Ito ang mga usapan ng mga babaeng nanggaling mula sa CR na nakarinig sa pagiyak ng babae sa loob ng cubicle.

Nakikidalamhati sila sa kalungkutan ng babaeng umiiyak sa dulong cublicle.

Naroon sa loob ng cubicle na iyon si Issay, nakaupo ito sa toilet bowl, umiiyak ng umiiyak. Nakataas ang mga paa at akap akap ang sarili habang tinatakpan ang kanyang bibig, sinusubukang pigilan na mapalakas ang pagiyak nya.

Nakakahiya nasa public comfort room pa naman sya.

Pero anong magagawa nya kung hindi ayaw tumigil ng sarili nya sa pagiyak.

Kanina pa nya pilit na pinakakalma ang sarili pero ayaw makisama ang nagpupuyos nyang damdamin.

Bawat hikbi nya ay dinadala ang kanyang kamalayan sa kanyang masalimuot na nakaraan.

Akala nya malakas na sya ....Hindi pala.

Akala nya nakalimutan na nya ...Hindi pa rin pala.

Akala nya kaya na nyang harapin ang kanyang masaya at puno ng sakit na nakaraan sa kanya .... Akala lang pala nya ang lahat.

Subalit....

Patuloy pa rin sa pag agos at pagpatak ang mga luha nyang ayaw magpaawat.

Naiinis na sya.

Wala syang magawa!

Hindi nya ito kayang pigilan kaya hinayaan na lang nya. 

At ang emosyon ng kahapong nagdaan na matagal na nyang sinusupil sa kanyang isipan ay unti unting nagbabalik, kasabay ng mga aalala ng kanilang matamis na nakaraan.

Kasabay ng mga luhang parang walang katapusan.

Bumalik sa alaala nya nung una silang magkita .....

"Ms. Ganda, pwede bang makipagkilala?"

"Ms. Ganda ka dyan! Bolero!"

Bumalik din sa alaala nya nung umakyat ang lalaking ito ng ligaw na hindi alam ng kanyang ina...

"For you Ms. Ganda! Mga magagandang bulaklak, na kasing ganda mo!"

"Hmp, binobola mo na naman ako!"

At yung araw na ipagkaloob na nya ang matamis nyang 'OO' .....

"Pangako Irog kong mahal, hinding hindi kita paiiyakin. Mamahalin kita habang ako'y nabubuhay!"

"Pangako yan ha, Irog ko?"

"Oo, pangako! Cross my heart!"

Naalala nya rin nung unang beses sya nitong hinalikan .....

Yung una nilang sayaw....

Yung yakap nya na puno ng init...

Naalala pa rin nya ang amoy nito na parang nasa ilong pa rin nya magpa hangang ngayon.

At yung araw na masaya nilang pinagsaluhan ang pagibig nila at ibinigay nya ng buo ang pagkababae nya sa kanya.

'Sya ang una kong minahal'

'....at sya rin ang una kong kabiguan!'

'Ibinigay ko sa kanya ang lahat lahat pero ....'

Gusto nyang bumalik sa labas.

Gusto nya sya muling makita.

Gusto nyang sabihin sa kanyang 'ako 'to si Issay, ang irog mong mahal, naalala mo ba ako kahit minsan?'

Gusto nyang itanong kung bakit.

'Bakit mo ako iniwan?'

'Bakit hindi nya ko hinarap ng personal?'

'Bakit sa sulat lang sya nagpaalam?'

'BAKIT???!!!!!'

Nagsusumigaw ang damdamin ni Issay.

Gusto nyang malaman kung bakit pero wala syang lakas ng loob na lumabas at harapin ang lalaking ito.

Dahil hindi nya kaya. Nanghihina ang kalooban nya na humarap kay Miguel.

Hindi nya magawa.

Ayaw nyang makita sya nito sa ganitong kalagayan.

Ayaw nyang ipakita kay Miguel na mahina pa rin sya.

'Kaya tama na Issay! Please! Tahan na! Hindi mo na sya kailangan!'

Pero deep inside alam nyang namimiss nya ito.

*******

Makalipas ang kalahating oras, huminahon din si Issay sa pagiyak.

Sinigurado nyang walang tao sa CR bago sya lumabas ng cubicle.

Tiningnan ni Issay ang sarili sa salamin at tumambad sa kanya ang kaawa awang nyang itsura.

Maga ang mga mata, at namumula pa!

Maga din ang ilong at barado ito.

"Ayan ang tigas kasi ng ulo mo! kanina pa kita pinatatahan ayaw mong tumahan dyan!"

Ngongong sabi nito.

"Ang pangit mo tuloy!"

Mukha kang nakagat ng bubuyog sa itsura mo! Hahaha!"

Natatawa nitong pinagagalitan ang sarili.

Hindi nya alam kung paano sya lalabas na ganito ang itsura. Batid nyang marami ang nakarinig sa kanyang pagiyak.

"Marahil ay nagaalala na si Vanessa!"

Naisipan nyang tawagan ito ngunit naiwan pala nya ang cellphone sa mesa kanina sa pagmamadali nya.

"Tyak hinahanap na ako nun!"

Napakagat sa labi si Issay.

"Kailangan ko ng makalabas dito!"

Lumabas sya ng cubicle at saka inayos nya ang sarili. 

Himinga ng malalim at kumalma.

Nag hilamos ng naghilamos ng mukha upang humupa ang pamamaga kahit kaunti.

Nilagyan din nya ng petroleum jelly ang namamaga nyang ilong at palibot ng mata baka sakaling mabawasan ang pamamaga.

Nang makaramdaman ng kaginhawaan inayos naman ang suot na damit.

Hupa na ang pamamaga ng mukha nya pati ilong nyang maliit pero matangos naman. Ngunit mahahalata pa rin na galing sa pagiyak ang mga mata nito.

Kaya kinuha ni Issay ang sun glasses nya saka isinuot at tiningnan ulit ang sarili sa salamin.

'Ayos! Pwede na!'

At buong sigla at may ngiti na lumabas ng CR. Parang hindi nanggaling sa pagiyak.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang sya ng matanaw ang isang lalaking parating.

Nakasuot ito ng unipormeng pang piloto at nakatingin ito sa kanya.

Napatigil si Issay sa paglakad.

Natulala.

Tinitigan mabuti ang padating.

"I..s..s..a..y?!..... Ikaw ba yan?!"

sambit ng lalaki.