NAGLALAKAD patungo sa kanyang silid si Lovely nang napansin niyang maraming bituin ng gabing iyon. Nagpasiya siyang maupo muna sa beach chair sa may dalampasigan upang doon na magpaantok. Agad niyang hinubad ang suot niyang flat shoes at napasandal. Inunat niya ang mga hita at saka itinaas ang dalawang paa. Nakaramdam siya ng ginhawa ng mga sandaling iyon. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago ipikit ang kanyang mga mata. Damang-dama niya ang lamig ng simoy ng hangin mula sa dagat. Nanatili siya sa ganoong ayos ng ilang minuto. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay napatitig siya sa mga bituin sa langit.
"I miss you mama ko. Siguro isa ka sa mga stars na nakikita ko." Sa isip niya habang nakakaramdam ng kaunting kurot sa kanyang puso. Ilang saglit pa ay nakaramdam na ginaw ang dalaga dahil sa lumalakas na hangin. Agad umupo ito upang isuot ang kanyang sapatos. Nang akmang tatayo na ito ay may napansin siya sa dalampasigan. Naningkit ang kanyang mga mata upang makita itong mabuti. Sa tindig pa lamang ay mukhang lalaki ito. Naglalakad lamang ito malapit sa dagat. Hindi niya ito masyadong pinansin at tumayo na siya. Then she felt something odd. Ibinaling niyang muli ang tingin sa lalaki. She was shocked ng makita itong naglalakad lamang papunta sa malalim na parte ng dagat. Tanaw mula sa kintatayuan niya na may paparating na sunod-sunod na alon at tiyak na malulunod ang lalaki. Hindi na siya nagdalawang isip pa agad at agad tumakbo para sagipin ito. Sumisid siya at kahit nahihirapan ay pilit niyang inaaninag ang paligid. Tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag ng sandaling iyon. Makailang beses siyang sumisid at umahon ngunit bigo siyang makita ang lalaki. Nagsimula ng makaramdam ng matinding takot si Lovely. Naisip niyang baka may nangyari ng masama sa lalaking iyon. Naisip niya ng humingi na ng tulong sa mga empleyado niya. Sa muling pagsisid niya patungo na sana sa pampang ay saka naman siya inabot ng kamalasan at pinulikat siya. Pilit niyang pinipiglas ang kanyang paa ngunit hinahatak siya ng alon palayo. Pasinghap-singhap siya ng hangin sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon umibabaw sa tubig. Kinakapos na siya ng hininga. Marami na siyang nainom na tubig alat at hindi na niya kaya pang lumangoy. Palubog na siya ng palubog. Hindi na niya alam ang gagawin kaya ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Tila ba tinanggap na niya sa sarili na iyon na huling araw ng buhay niya.
"Ma, makakasama na kita." Sa isip niya
Nang biglang may malakas na bisig na kumabig sa kanya. Ramdam niya ang braso nito ng masagi ang dibdib niya. Natauhan siya, idinilat niya ang kanyang mga mata. Naaninag niyang lalaki ang sumasagip sa kanya. Dala ng panghihina ay nawalan na siya ng malay.
Nang makarating sa pampang ay inilapag siya sa buhangin. Nang akma siyang ima-mouth to mouth ng lalaki ay biglang dumilat ang mga mata nito, nanlaki ang mga mata niya ng mapansing kaunting espasyo na lamang ay magdidikit na ang kanilang mga labi. Dala ng pagkabigla ay malakas niyang naitulak ang lalaki. Napaupo ito sa buhangin at sabay tanong sa kanya ng..
"Hey, Miss are you okay?!" naghahabol pa ng hiningang tanong nito.
Kumunot ang noo ni Lovely. Pinagmasdang mabuti ang lalaki. Malakas ang pakiramdam niyang iyon ang lalaking dapat sana'y sasagipin niya.
"NO!" sigaw nito
"What's wrong with you?" inosenteng tanong nito
Pinakiramdaman ni Lovely ang sarili at maayos na ang kanyang paa. Tumayo agad ito mula sa pagkakahiga at nagmamadaling naglakad palayo sa lalaki.
"Hey!" pagtawag ng binata habang sinusundan ang dalaga
"Wag mo nga akong kausapin!" bulyaw nito sa binata
"Wala man lang thank you?"
"At bakit ako magte-thank you sa'yo?!"
"huh? Sinagip kita doon remember?" habang tinuturo ang dagat
"Eh kaya nga ako muntik mamatay doon ay dahil sa'yo!"
"What?"
"Maang-maangan ka pa diyan! Ikaw yung lalaking magpapakamatay kanina doon kaya lumangoy ako para sagipin ka!"
"That's sweet!" he smirked
"Sweet ka diyan! Bwisit!" sabay mabilis na naglakad patungong kwarto
PUMASOK si Lovely sa kwarto niya ng basang basa. Itinuloy na niya ito sa paliligo. Hindi maalis sa isip niya ang inakto ng binatang iyon. Nang matapos maligo ay isinuot na niya ang white robe at naupo sa kama. Habang pinupunasan ng twalya ang mahaba niyang buhok ay may kumatok sa kwarto niya. Tumayo siya upang pagbuksan ito. Nanlaki ang mata niya ng makita ang binatang walang pang-itaas at tila binabati siya ng maganda nitong katawan. Nang iangat niya ang tingin ay nakaramdam na naman siya ng pagkainis.
"You left these." Ika nito habang iniangat ang hawak nitong pares ng sapatos.
"Akin na nga yan!" sabay agaw sa binata ng sapatos niya
"Oh! Nakaligo ka na mainit pa rin ang ulo mo? Wala na namang thank you?" pang-aasar nito
"Okay! Thank you!" sarkastikong tugon nito habang isinasara ang pinto.
"Wait!" sabay harang ng kamay sa pintuan. Mabuti na lamang ay hindi naipit ito.
"What?! Nagthank you na ako di ba? Ano pang kailangan mo?"
"You still owe me" He smirked as he lean against the wall
"Owe you?"
"Tomorrow ha! Maaga tayo aalis" sabay kumpas nito ng paalam sa dalaga.
"Hey!"
Habang nakatalikod ay itinaas ni Adam ang kanang kamay na tila nang-aasar na hindi siya pumapayag. Sa gigil ni Lovely ay isinara niya ng malakas ang pintuan.
KINABUKASAN, paglapit ni Lovely sa front desk ay binati siya agad ng empleyada at pasimpleng tumingin sa orasan sa dingding.
"I know I'm late, Iza" nakasimangot na sabi nito sa empleyada at saka umupo
"First time po kasi ma'am, nakakapanibago." Puna nito
"Nabwisit kasi ako kagabi eh! Di tuloy ako agad nakatulog." Kwento nito habang may tinitignan sa computer
"Hi! Miss beautiful!" pagbati ng binata sa empleyada
"Ah Sir! Andito na po siā" tugon nito at saka ngumuso para ituro si Lovely na abalang may ginagawa sa computer
"HI! Good morning! Malakas na pagbati nito para makuha ang atensyon ng dalaga
Pagtingala ni Lovely ay bumungad sa kanya ang mukha ng binatang kinaiinisan niya.
"Well, hindi good ang morning ko dahil sa'yo."
"Urgh! Nakalimutan ko nga pala, I'm Adam. And you are?" pakilala nito sabay abot ng kanang kamay
Lovely just gave him a disgusted look.
"Lovely po Sir!" tugon ni Iza habang nakangiti
"Ahh.. Lovely.." pag-ulit nito
Pinandilatan ni Lovely ang empleyada para tumigil na sa pakikipagusap sa binata.
"Remember last night, Love?"
"Don't call me that!" Singhal nito
"Okay! Okay! Don't be mad." Awat nito sa biglang nagalit na dalaga
"Sir, wag na wag niyo ho siyang tatawagin sa pangalang yon" pailing-iling na sabat ni Iza
"Miss Love-ly" paputol na wika nito na tila nang-aasar
Matagumpay namang nakuha ang atensyon ng dalaga ng sabihin niya iyon at pinanlakihan siya nito ng mata.
"You still owe me" nakangisi nitong paalala
"What do you want ba? Para tumigil ka na sa pangungulit!"
Napipikon ng tanong nito
"Isang araw lang, after this day, I promise, hinding hindi na kita kukulitin. Cross my heart." Seryosong pahayag nito habang inaakto ang panunumpa
"Mamatay?" paninigurado ng dalaga
"Yes, till death do us part. Este kahit mamatay pa ko" makulit na pangangako nito
"Fine! Ano bang gagawin natin sa buong araw na ito?"
"Ikaw ang bahala, ide-date mo ako" nakangising wika nito at pakindat kindat pa
Napalakas pa ang tawa ni Iza sa narinig at napatingin si Lovely sa kanya kaya napayuko ito. Binalikan ng tingin ni Lovely ang binata at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Okay na yang suot mo, kumuha ka na lang ng pamalit na damit at twalya, yung ibang kakailanganin ipapautos ko na lang na ilagay sa bangka. Hintayin mo ako rito at magpapalit lang ako."
"Yes boss!" alistong tugon nito sa dalaga
"Go, get your things na! baka mauna pa ako sayo rito!" Maawtoridad na utos nito
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay bumalik ang dalaga sa front desk kung saan naghihintay ang binata. Halos umabot hanggang panga ang ngiti niya ng makitang papalapit na ang dalaga sa kanya. Sa paningin niya ay parang nagslow motion si Lovely sa paglalakad. Nakaputing maluwang na v neck shirt ito kaya aninag ang itim na swimsuit na pangloob na tinernonahan niya ng black tight shorts. Hinahangin ang mahabang light brown nitong buhok. Nang makalapit sa kanya ay agad siyang nagprisintang bitbitin ang tote bag na dala nito. Pagka-abot sa kanya ng bag ay agad iniangat ni Lovely ang kamay at bara-barang itinali ng mataas ang kanyang buhok.
"Ikaw ng bahala rito Iza, if there's any problem, call me okay?"
"Have fun ate!" pamamaalam nito na parang mas excited pa sa amo.
Naunang maglakad si Lovely at nakasunod na parang bata si Adam sa kanya. Nang matanaw silang papalapit ay kumaway ang lalaki na nakatayo sa bangka.
Nang makalapit sila ay bumati agad ng "Good morning" ang dalawang lalaki sa bangka. Maginoong inalalayan ni Adam si Lovely na umakyat ng bangka.
"Kaibigan niyo ma'am?" tanong ni Mang Teban
"Ah hindi ho, guest po sa resort, nagpapapasyal ho."
"Aba Sir! Malakas ka kay ma'am ha!"
"Hindi naman ho, nakulitan lang sakin yan." Magalang na tugon nito
"Mabuti at nakasama ka Alvin"
"Oo nga po, mamayang hapon pa daw po kasi gagawin yung isang bangka."
"Okay yung kasama ka, para may tutulong sakin incase malun-" she said teasingly
"Malunod? Ako? Uh-uh" pailing-iling na sabat nito kay Lovely
Nagtawanan ang dalawang bangkero sa pasimpleng pang-aasar ni Lovely sa binata
Habang nasa bangka ay hindi maalis ni Adam ang tingin sa tanawin. Ineenjoy niya ang mga sandaling natitigan niya ito dahil pag nagbalik na ulit siya sa Maynila ay puro sasakyan at matataas na gusali na naman ang makikita niya. Huminga siya ng malalim at nilalasap ang maalat-alat na simoy ng dagat. Habang tulala si Adam ay siya naman titig sa kanya ng tatlong kasama niya. Napansin agad ni Lovely ang kakaibang lungkot sa mata ni Adam habang nakatulala ito.
"Magulo siguro ang buhay nito sa siyudad at maraming pinoproblema." Sa isip ng dalaga
Pagkadaong nila ay nagpaunang bumaba si Alvin upang ayusin ang bababaan ni Lovely at Adam. Umakto si Adam na mauna dahil gusto niyang alalayan ang dalaga sa pagbaba. Pagbaba ni Adam ay agad niyang iniangat ang isang kamay upang maalalayan si Lovely ngunit iba ang nangyari. Nang nasa kalagitnaan na ito ay biglang dumulas ang isang paa nito at nawalan ng balanse. Buti na lamang ay agad nasapo ni Adam ang dalaga. Naunang bumagsak si Adam sa buhangin at napatong naman sa dibdib niya ang dalaga. Napangiti ang dalawang bangkero sa nasaksihan. Sa hiya ay agad tumayo si Lovely at agad nagpagpag ng damit.
"halika na nga!" aya nito na tila naiinis sabay senyas nito sa mga bangkero at saka tumalikod.
Habang naglalakad papasok sa maliit na gubat ay hinahawi-hawi nito ang ilang matataas na damo sa daraanan. Maninipis ngunit matataas ang puno roon. Mayabong sa tuktok na nagbibigay lilim sa isla. Habang naglalakad ay may kung anong dumapo sa leeg ng binata kaya napasigaw ito na parang babae habang pinapagpag ang katawan nito. Lumapit sa kanya ang dalaga
"My God! Gagamba lang yan!"she chuckled
"Mayroon pa ba?" Bakas ang takot sa tinig nito
"Wala na!"
Ilang minuto ng naglalakad ang dalawa ng magtanong ang binata.
"Saan ba tayo pupunta? Malayo pa ba?"
"Alam mo, yung lugar na pinaghirapan mong puntahan ang pinakamasarap sa pakiramdam kapag narating mo, mas maappreciate mo." Seryosong wika nito habang naglalakad
"Konti pa, we're almost there."dugtong nito
Ilang saglit pa ay bumungad sa kanila ang napakalinaw at kumikislap na tubig. Ang mga nagtataasang puno sa paligid ang nagsisilbing bubong nito. May mga sinag ng araw na nakalulusot sa mga pagitan nito na tumatama sa tubig. Napaliligiran ito ng ilang malalaking bato at mga namumulalaklak na halaman na siyang lalong nagpapabango sa simoy ng hangin.
Adam was in awe when he saw this paradise. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid at saka tumingala, huminga ng malalim at napapikit. Pagmulat ng kanyang mata ay dumukwang ito upang hawakan ang napakalinaw na tubig.
"Ang lamig!" bulalas nito
Paglingon niya sa kanyang tabi ay wala roon ang dalaga. Umikot siya. Hinahanap ang dalaga.
"Adam! Looking for me?!" sigaw ni Lovely mula sa kabilang dako ng tubigan at ineenjoy ang malamig na tubig na hanggang kanyang dibdib lamang.
Napangiti si Adam at dali-daling naghubad ng kanyang pantaas at sinugod ang malamig na tubig papunta kay Lovely. Sinalubong naman siya nito ng matamis na ngiti.