Chereads / My Boyfriend Is The Professor / Chapter 8 - Chapter Eight

Chapter 8 - Chapter Eight

"Maupo ka muna, ate.

Dahan dahan akong humakbang at hinila ang isang upuan saka pinaharap sa kanya. Naupo ako.

"Alam ni Kuya na pumasyal ka?

"Ah-

Hindi ako makasagot. Sa totoo lang sinundan ko lang sya talaga dito.

"Hindi nya alam eh. Pero sasabihin ko nalang.

Pinagmamasdan ko sya. Hawig na hawig sila ni Vlad. Parang girl version nya kaya siguro mahal na mahal nya ito.

"Huh?

Ay takte! Nahuli nya ako nakatingin sa kanya!

"Okay ka lang ba?" tanong nya  sa akin.

"Oo naman. Ay eto nga pala oh! May dala akong cupcakes.

Inabot ko sa kanya ang kahon.

"Naku! Nag abala ka pa ate. "sabi nga habang nakangiti sa akin.

"Wala yun. Ah--

Lumingon ako sa paligid.

"First time na may dumalaw na iba sa akin bukod kay Kuya at kay Ninang.

Bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Talaga?

"Uh uh.. Kaya masaya ako kasi ikaw ang dumalaw sa akin Ate Aly.

Natuwa ako sa narinig ko ng tawagin nya akong ate. Alam ko may kapatid akong lalake pero ang sarap siguro sa pakiramdam na may kapatid ako na babae na mas bata sa akin.

"Okay kana ba? Nabalitaan ko kasi na inatake ka kagabi?

"Ah. Oo. Hindi lang ako nakahinga tsaka medyo naubo ako ng may dugo. Nagpanic si Kuya Vlad agad.

Nagulat ako. Nagpapanic din pala sya?

"Ikaw pala ate? Kamusta kayo?

"Ha- kami?

Tumango si Veena. Interesado sya sa akin?

"Okay naman. Ah- medyo hindi pa kami ganun kaclose.

"Ganun ba. Hirap din kasi kabisaduhin ni Kuya. Kahit ako nahihirapan din.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya.

"Alam mo ba yan si Kuya. Torpe yan eh.

Nagulat ako. Ano daw! Torpe! Gusto ko tumawa pero nakakahiya. Parang kasing hindi ako makapaniwala sa narinig ko. TORPE?!

"Torpe yun si Kuya. Kaya nga no girlfriend yun since birth.

Natawa na talaga ako. Hindi ko na  matiis.

"Sorry ha. Wala kasi sa itsura nya.

Natawa din si Veena.

"Okay lang Ate. Kaya nga ang tagal bago sya nagdecide na ligawan ka.

Nagulat ako. Nabingi ba ako? Ang tagal? Kailan pa?

"Pero tyagain mo nalang si Kuya. Boto ako sayo eh.

Nangiti ako sa narinig ko.

"Talagang hindi na maalis sa attitude ni Kuya yun cold hearted at moody. Ganun na yun simula ng mamatay sina Papa't Mama.

Pumasok sa isip ko ang idea na itanong sa kanya ang nangyari sa magulang nila.

"Ah- Wala pa sya nakukwento about dun.

Napatingin sa akin si Veena.

"Sa kwento ni Kuya. Si Papa namatay dahil nabaril sya.

Nagulat ako. Hindi ako agad makapagsalita.

"Nabaril?" nasabi ko nalang.

"Opo. Napagbintangan kasi si Papa sa sala na hindi naman nya ginawa. Then wala naman sya balak na tumakas pero pina shoot to kill sya.

Napahawak ako sa bibig ko.

"Hindi kami nanalo sa korte nun kasi mas pabor sa kanila yun judge. Kaya ayun namatay si Papa ng hindi man lang namin napatunayan wala syang kasalanan.

Nakita ko ang mga luhang gustong  pumatak sa mga mata ni Veena.

"Sorry..

"Naku wala yun Ate. Bata pa ako nun nangyari yun. Baby pa. Si Mama naman namatay ilan buwan lang sa depression. Nagkasakit sya.

"Hala..

"Kaya nga after mamatay ni Mama. Si Kuya na nakilala kong magulang. Tinulungan lang kami ni Ninang.

"Sandali kaya ba nag abogado si Vlad?

"Opo.

Medyo malinaw na sa akin bakit yun ang propesyon nya.

"Malas nga ni Kuya , kasi ako may sakit pa. Parang pasan na ni Kuya ang mundo eh.

May tama sya dun. Pasan nga nya ang mundo kami naman pasan nanamin ang krus kapag ramdam namin na badmood sya sa klase at anytime ipapako na nya kami sa krus. Juicecolored! Sorry po!

"Kaya nga sabi ko mag asawa na sya at manligaw na." dugtong pa ni Veena at this time nakatitig sya sa akin.

"At ako?" sabay turo sa sarili ko.

Tumango na nakangiti si Veena. Ayos ah!

Naalala ko na may dala akong cupcakes. Kinuha ko yun para baguhin ang topic.

"May dala ako oh. Kainin natin.

Mukhang napalitan ng tuwa ang lungkot sa mukha nya. May nakita akong platito na nakapatong sa ibabaw ng table na malapit sa kama nya. Kinuha ko yun para paglagyan ng cupcakes.

"Huh? Ate?

"Bakit?

"Dala mo ba yun?"tanong nya habang nakaturo sa sunflower na dala ko.

Lumingon ako.

"Oo. Dala ko para sayo.

"Sunflower din?

Nagtaka ako. Bakit?

"Din? Bakit naman?

"Si Kuya kasi mahilig sa sunflower.

Nanlaki mga mata ko sa narinig ko.

"Bakit naman?

Naalala ko sunflower din ang bulaklak na binigay ni Vlad sa akin. Nagtataka nga ako yun ang binigay nya instead na rose o ibang bulaklak.

"Nung bata kasi kami. Si Mama kasi flower enthusiast. Parang may garden nga sa bahay namin. Kapag nalulungkot si Kuya. Pumipitas si Mama ng sunflower at yun ang binibigay kay Kuya. Nachecheer up si Kuya ganun. Kaya simula nun, nahilig na sya sa ganun bulaklak. Parang naeenlighten sya kapag nakakakita nun.

So may sentimental pala sa kanya yun kaya siguro yun ang binigay nya sa akin.

"Mahilig ka din pala dyan?" tanong ulit sa akin ni Veena.

Tinanguan ko sya habang nakangiti.

"Match nga kayo ni Kuya.

Natawa ako.

Buong araw kaming nagkwentuhan dalawa ni Veena. Nakakatuwa din dahil ang hyper nya at parang wala syang sakit. Halos naubos din namin yun box ng cupcakes.

At halos tawa ang ginawa namin sa mga kwento nya tungkol kay Vlad.

Hapon na din ako nagdecide na umuwi.

"Ate. Bumalik ka ha."sabi nya habang inaayos ko na ang gamit ko.

"Oo naman. Kapag wala akong klase pupunta ako dito.

Ngumiti si Veena. Hinawakan nya ako sa braso.

"Thanks Ate ha. Nag enjoy ako.

Natouch ako sa sinabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Pagaling ka ha para kay Kuya mo. Para minsan makalabas tayo makapamasyal tayo.

Tumango ito na nakangiti pa din.

"Nga pala. Hindi alam ni Kuya mo na nagpunta ako dito.

"Ha-

"Sa totoo lang sinundan ko lang sya dito kagabi. May pagkachismosa kasi ako." sabay tawa ko pero ang engot ko talaga.

"Okay lang. At least nagkakilala po tayo.

Niyakap ko sya bago ako umalis. Iniwan ko sya na nakangiti pa din. Masaya ako dahil naka bonding ko sya.

At ang dami ko nalaman tungkol kay Vlad.

May pang black mail na ako (evil laugh)

Ay ang bad ko!

Pag labas ko ng ospital dumiretso na ako pauwi..

----

Keep reading  and dont forget to vote :)

😉