"Veena!" boses ni Vlad pagkapasok sa kwarto ng kapatid.
"Hello Kuya!" ngiting bati ni Veena sa kapatid.
Huh!
Napansin agad ni Vlad ang bulaklak sa table nito.
"Sino nagbigay nyan?
"Ah yan ba? Si Ate Aly.
Nagulat si Vlad.
"Si Aly?
Tumangong nakangiti ang kapatid.
Napayuko at ngumiti si Vlad.
----
Lunes nanaman.
"Lunes nanaman-"
Napabangon ako sa higaan. 6AM palang. Bumangon agad ako. Maaga ako pumapasok pag monday dahil 8AM ang start ng klase.
Then si Sir Vlad pa ang prof. Though, medyo nagegets ko na kung bakit ang cold nya. Takot pa din ako.
May kasalanan kasi ako sinundan ko sya. Baka sabihin nya nangengealam ako sa personal nyang buhay.
"Ma! Alis na ako!" sigaw ko kay Mama pagbaba ko ng hagdan.
"Ingat anak.
Humalik muna ako kay Mama bago ako lumabas.
Ilan minuto lang nakarating agad ako ng school. Nakita ko agad sina Yanie at Jelly nasa gate.
Kumaway agad ako at nakita nila agad ako.
Tumakbo ako papunta sa kanila at sabay sabay kaming pumasok sa loob.
"Kamusta weekends mo?"tanong sa akin ni Jelly.
"Okay naman. Ikaw Yanie? Malamang kasamay mo boyfie mo.
"As usual.
"Makire talaga yan. Wag mo na tularan Aly.
Biglang hinampas ni Yanie si Jelly. Natawa ako.
"Baliw. May boyfie ako kaya ganyan ka Jel." asar ni Yanie.
"Hmmp. Magkakaroon din ako.
"Tumigil na nga kayo. Papasok na po tayo." sabi ko habang tinatawanan silang dalawa.
"Si Sir oh!
Napalingon ako. Nakita ko si Sir Vlad naglalakad sa corridor. Iba ang itsura nya ngayon. Parang medyo nasa goodmood ata sya.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Ah-
"Goodmorning sir!"bati sa kanya ni Yanie.
Huminto sya sa paglalakad at binati din si Yanie then sabay titig sa akin.
"Goodmorning Aly.." he said na pakalma ang tono.
And he just made a very sweet smile.
Sheeeet. Ang gwapo nya po sobrraaaa! Hindi maalis ang tingin ko sa kanya sa ginawa nya.
"Aly.. Okay kalang?" ask ni Yanie.
"Ah-
"Hoy! Nakaalis na si Sir!"sigaw nya sa tenga ko nagulat ako.
"Aray naman! At sa tenga ko pa talaga!
"Makatitig ka kay Sir eh. Kala mo kakainin mo!
Pinagpawisan ako. Tsss.. Sinisimulan na ba ni Sir Vlad na gayumahin ako? At ako naman sige lang!
"Pumasok na nga lang tayo!
Hinila ko na sina Jelly at Yanie.
Tumakbo na kami papunta sa room. Baka maunahan pa kami ni Sir Vlad masira ko ang pagka goodmood nya.
"Upo na bilis!" sigaw sa amin ni Drake nang makita nya kami sa pinto.
Nagsiupuan na din kami dahil padating na daw si Sir Vlad.
Ako naman si kinakabahan na. Kailan ba mawawala itong takot ko kay Sir Vlad.
"Goodmorning!" pagkasabi nya pagkatayo nya sa harapan namin.
Hindi ako makatingin ng diretso. Magkakasala ako pag tinitigan ko sya tulad kanina. Para akong baklang manyakis. Yikes!!!
Hinawakan ko ang mga braso ko.
"Are you okay?
Huh.
Nakita kong nakatingin sya sa kin. Pinagpapawisan ako. Putcha!
"OPO." matigas kong sagot.
Inalis nya ang tingin sa akin. Natakot ako dun ah. Muntanga ako sa ginagawa ko.
Nagsimula ang klase namin na puro discussion. Tahimik lang walang pamamahiya na ginawa si Sir. Goodmood nga sya. Affirmative!
After 2 hours nagdismissed na sya. Kaya nagmadali ako lumabas ng room baka tawagin nya nanaman ako at hatakin kung saan saan.
"Oy. Si Aly. Nauna na!" sigaw ni Yanie kina Jelly.
Ang bilis ko ba naman lumakad eh. Dire diretso ako sa pagbaba sa ground floor.
----
Sa canteen kami ng school kumain ng lunch.
Magkakasama kami sa lamesa nila Yanie,Jelly at Drake.
"Naiihi ako. Mag ccr lang ako!" sabi ko kina Jelly habang kumakain pa sila.
"O sige . Baka mapuno mo yun bowl." pang aasar ni Drake.
"Sira.
Hinila ko ang bangs nya.
"Aray. Ang daming hihilahin eh. Bangs ko pa.
Natawa ako. Umalis na ako para pumunta ng cr.
Naglalakad ako para hanapin ang cr dahil nagrenovated daw nung summer.
"Hey..
May humawak sa braso ko. Nagulat ako. Lumingon agad ako at.
"SIR!
"Parang nakakita ka ng multo?" tanong nya sa akin habang nagsisimula nanaman ako pagpawisan ng matindi. Para ako lagi nasa tapat ng heater kapag nasa tabi ko sya.
"Ah-
"Hey. I just wanna say thank you..
Nagulat ako.
"Para saan po?
"Making my sister happy.
"Ah- Sir. Kasi..
Walang sabi sabi. Hinawakan nya ang batok ko at dumampi ang mga labi nya sa noo ko.
Mabilis pa sa alas kwatro ang kabog ng puso ko. Pati ang pamumula ng pisnge ko.
Grabbbbbeeee~
"Salamat.." he said ng lumayo sya sa akin ng bahagya.
"Ah- Ano po! Eh-
"Nauutal kana naman.
"Sosorry po.
"Pasyalan mo sya ulit. Sumasaya sya pag nagpupunta ka dun.
"Ah opo.
Hinawakan nya ang kamay ko..
"Sir. Baka may makakita po." kabado ako.
"Don't worry.
May inipit syang papel sa kamay ko. Then umalis na sya.
Nagtataka pa din ako kung ano yun binigay nya. Bago pa yun..
"ALY!
Narinig ko na tinawag ako ni Drake.
"Drake?
"Ang tagal mo ah. Nilamon ka na ata ng bowl.
"Sira! Hindi kasi.
Nakita nyang nakatingin ako kay Sir Vlad.
"Inano kana naman ni Sir Vlad?
"Ha!
"Wala ah. Nakatingin lang ako sa kanya eh. Maka ano ka dyan.
"Hmmm.. Kilala kita no. Pinahiya kana naman ba nya?
"Hindi ah. Halika na nga!
Hinawakan ko sya sa braso. At hinatak na. Sa totoo lang hindi pa ako nakakaihi pero naudlot dahil kay Sir Vlad.
Naitago ko sa bulsa ko ang papel na binigay nya. Mamaya ko na titignan pag uwi ko.
Bantay sarado ako kay Drake.
----
Nakauwi ako sa amin halos 5PM na.
Dumiretso lang ako sa kwarto ko at medyo hagard ako.
Naalala ko yun papel na inabot sa akin ni Sir Vlad kanina kaya kinuha ko sya sa bulsa ko.
Naupo muna ako at saka binuksan ang papel.
Eden Park 9AM tomorrow
Nagulat ako. Medyo napaisip sandali.
HALA! DATE!!!
Napapikit ako. Kinikilig. Kinikilabutan. Naiihi na.
Halos hindi ko malaman ang gawin ko sa nabasa ko.
May date kami bukas? Hala ka!
Binuksan ko kaagad ang closet ko.
"Ano isusuot ko!!
Hinawi ko ang mga nakasampay na damit ko para maghanap ng magandang isusuot bukas.
"Sandali..
Huminto ako sa paghahanap.
"Naeexcited ako..
Namula ang mga pisngi ko.
Excited nga ako..
----
Keep reading and dont forget to vote please :)
Thanks 😗