Chereads / My Boyfriend Is The Professor / Chapter 12 - Chapter Twelve

Chapter 12 - Chapter Twelve

Wednesday.

As usual pasok ulit sa school.

Maaga ako kasi good mood ako. Good mood ako kasi ang saya na nangyari kahapon.

Plus, may nalaman pa ako. Na talagang hindi ako pinatulog sa kakiligan. Gustong gusto ko na sya makita. Yiee-

8AM nasa school na ako. Syempre! Nagpaganda ako ng kaunti. Eh kasi naman eh.. Maganda daw ako sabi ni Sir Vlad.

Kainis- Mas madalas na akong mukhang timang nito.

Dumaan ako sa locker room. Para kunin ang mga books na kailangan ko.

"Hi be."bati sa akin ni Yanie na kasunod ko pala.

"Aga mo ah?

"Oo eh. Maaga klase natin diba?

Tumango si Yanie. Sabay kami nagbukas ng locker.

"Huh?

"Bakit Aly?

Nakita ko ang mga bulaklak sa locker ko. Nakita rin ni Yanie iyun.

"Hala! Kanino galing yan. ?

Kinuha nya ang mga bulaklak.

"Kanino galing to be? May secret admirer kana?

"Ah- ewan ko?

Isa lang nasa isip ko si Sir Vlad.

Chineck ni Yanie kung may card pero wala naman.

"Ayie. May secret admirer ka pala.. Sino kaya yun?

"Ah- hindi ko alam." pagtanggi ko.

Hinila ako ni Yanie papuntang room. Dala nya ang mga bulaklak.

"Huh?

Pinagmamasdan ko ang mga bulaklak. Wait.. Roses? Roses!

"Oy. Eto na sila." narinig ko ang boses ni Drake.

"Si Aly, may secret admirer na.

"Hindi nga." said Jelly na nilapitan kami agad.

Pinakita ni Yanie ang mga bulaklak sa kanila.

Naupo ako sa upuan ko na napapaisip.

Hindi sunflower. So hindi galing kay Sir Vlad. Kanino?

Lumingon ako sa paligid ko.

"Si Sir andyan na." narinig ko ang isang kaklase ko.

Andyan na sya. Baka magalit sya dahil may ibang nagbigay ng bulaklak sa akin.

Nakita ko syang pumasok ng room.

Naka peach syang long sleeve. Maaliwalas sya at naka glasses sya na mas lalong nagpahot sa kanya. Ano ba yan. Distraction ka Sir Vlad!

Lumingon sya sa akin. Ngumiti sya pero nabura yun ng makita nya ang bulaklak na nasa desk ko. Sabi na nga ba!

Bumaling ang tingin nya sa klase. Medyo nag iba ang mood ko. Paano ako magpapaliwanag sa kanya?

Sino ang nagbigay nito! Epal ka! Sino kang epal ka!!!

----

Natapos ang klase after 1 hour. May vacant kami na 2 hours dahil wala daw si Mam Lyka.

So tambay kami magkakaibigan.

"Hoy bruha. May napipinpoint kana ba kung sino ang nagbigay nito?"tanong sa  akin ni Yanie na dala ang mga bulaklak.

"Hindi ko alam.

"Sa tingin nyo kaklase natin?" tanong naman ni Jelly.

"May nahuhumaling pala sayo Aly?" pang aasar naman ni Drake.

"Sira ka talaga. Hindi ko nga alam kung sino?

"Kaasar naman si Mr. Admirer mo wala man lang iniwan clue kung sino sya.

"Oo nga. Naku best. If ever malaman nating kung sino sya magkakaboyfriend kana.

"Hehe." sarcastic tone ko. Ang gusto ko si Sir Vlad. Sya lang.

Lumabas na kami ng room. Ni hindi ako tinitignan ni Sir Vlad. Bakit..

Malungkot ako lumabas ng room. Gusto ko syang lapitan at sabihin wala akong alam dun.

Kumain kami ng sabay sabay sa canteen. Nasa bag ko na ang mga bulaklak. Medyo napapaisip ako kung sino ba talaga yun nagbigay.

"Malamig na yan." said Drake na nasa harapan ko at kumakain.

"Ay sorry.

"Okay ka lang?" he asked at nakatingin sa akin.

"Hindi eh. Kasi gusto ko malaman kung sino yun nag bigay ng bulaklak.

"Para saan pa?

"Para makilala ko syempre.

Tumango si Drake.

"Magpapakilala din sayo yun baka nahihiya lang.

May punto si Drake. Baka nahihiya nga?

"Hoy Drake! Kailan pa kayo nagbreak ni Marie ha!" sigaw ni Yanie sa kabilang table.

Nagulat ako. Matagal ng girlfriend ni Drake si Marie. Halos 3 years na ata sila.

"Nagbreak kayo?" tanong ko kay Drake.

"Oo eh. Last year pa.

"Ha! Bakit hindi namin alam?" tanong ko na hindi pa din makapaniwala.

"Saka ko na ikukwento. Wag kang atat dyan. Kumain kana.

"Grabe ka. Bestfriend mo ako simula nung natuto ka palang magpapalit palit ng girlfriend mo. Tapos hindi kana nag oopen sa akin"sabi ko na nagpapaawa.

Since kids kasi kababata ko na si Drake. Halos magkaibigan ang pamilya namin. True kasi na papalit palit ng gf si Drake. Malakas kasi appeal. Tsaka gwapo may konting problema lang sa ugali. Medyo playboy. Pero sa mga kaibigan nya hindi sya ganun. Masasabi ko na the best sya sa lahat. Sa kanya lang ako nakakapag open na hindi ako naiilang ayun lang mapang asar talaga.

"Sabihin mo sa akin ha." pangungulit ko.

"Oo. Pupunta nalang ako sa bahay nyo.

"Ayos. Dala kana din ng ice cream.

Sabay kinurot ko sya sa kamay.

"Sira ka talaga kahit kelan.

Tinawanan ko sya.

Matapos namin kumain. Bumalik na kami sa building namin. Nasa 2nd floor kami tumambay.

"Huh?

Nakita ko si Sir Vlad na naglalakad papasok ng faculty room.

Gusto ko sya kausapin. Gustong gusto.

"Ah- Iihi lang ako." sabi ko kina Jelly at umalis na agad.

Dumaan ako ng faculty para silipin sya.

"Huh?

Nakita ko syang may kausap na babaeng prof. Kung makahawak sa braso nya. Grabe kala mo linta. Sunugin ko pa sya eh. Gusto ko isigaw ako ang first kiss nyan. Wag kang ano dyan! Landi mo.!!!

Pero di pwede. Maexpelled ako. Gagraduate na nga lang eh.

"Ms. Yuson!

Nagulat ako sa prof na nasa likod ko. Si Sir Aries. Anak ng- Nakakahiya!

"Sir!

"Anong ginagawa mo dyan?

"Po ah. Si si ano po? Sir Vlad?

"Ah- Si Vlad kailangan mo? Sige.

Pumasok sya sa loob.

"Vladimir. Hinahanap ka ng estudyante mo.

"Huh?

Natigil sila ng pag uusap ng prof na babae. Nilingon nya si Sir Aries.

"Who?

"Si Yuson. BSA 4th year SEC A.

"Ah-

Bigla nyang iniwan ang prof na babae. At lumabas agad.

Nakita nya ako na naghihintay sa pinto.

"Ahm-

"What?" ask nya na kalmado lang.

"Ahm-- ano kasi..

"The flowers?

Nagulat ako. Hinila ko sya palayo ng faculty room.

"Pramis. Hindi ko kilala nagbigay nun.

"Ganun ba?

"Oo. Cross my heart. Hope to die. Mamatay man ang kuko ko sa paa.

Natawa sya at medyo natuwa ako at napangiti ko sya again.

"I believe in you dont worry.

Kinuha nya ang kamay ko.

"Let's go home together. Okay.

Napangiti ako. Ang saya saya ko naman!!

Umalis na sya after nya sabihin sa akin yun.. Kumpleto na ang araw ko.

Thank god!!

----

Meanwhile sa malayo.. Nakatayo si Drake at pinagmamasdan si Aly.

"Si Sir Vlad pala..

----

Keep reading and please vote guys :)

Thanks 😗