KRRRRRIIIIIINNNNGGGG!
Ang ingay ng alarm clock ko. Naalimpungatan ako at pilit ko inabot ang alarm clock para patayin.
"Anong oras na ba?
Tumingin ako at.
"HALA!8AM NA!!
Bigla akong bangon sa higaan ko. Dyos me! 9AM aalis ako. Anong oras na po!
Nagmadali ako kumuha ng twalya at nagtatakbo nanaman sa banyo. Nakita ako ni Allen.
"Mama! Si Ate akala mo nasa karera nanaman! Inunahan ako sa banyo!!"sigaw at sumbong nya kay Mama.
"Naku may lakad ang ate mo. Hayaan mo na.." narinig kong sagot sa kanya ni Mama.
"ALLEN! Next time bilisan mo kasi ng hindi kita nauunahan!"pang aasar ko habang nasa loob na ako ng banyo.
Matapos ko maligo na nagbihis agad ako. Malapit na mag 9:00 at malelate ako. Naku! Baka naghihintay na sya dun.
Nagmamadali ako maka alis ng bahay, hindi na ako nakahalik kay Mama.
Less than 20 minutes ang byahe ko papunta sa Eden Park. Kaya for sure late na late na ako. Nakakahiya. Ni hindi na ako nakapag ayos.
Nasa gate palang ako ng park ng makita ko ang kotse nya na nakaparada sa parking area.
"Grabe. Late na nga.
Inayos ko ang buhok ko habang naglalakad at hinahanap sya.
"Aly..
Nakita ko sya nakaupo sa isang bench. Mukhang kanina pa sya dun. Lumapit ako sa kanya.
"Sorry po sir. Nalate ako. Tinanghali ako ng gising.
"Okay lang. At don't call me Sir. Wala tayo sa school.
"Ah opo!
Inilapag nga ang kamay nya sa bench na nagsesenyas na maupo ako.
"Ah-
Naupo ako medyo nakadistansya sa kanya.
"Kumain kana?"tanong nya sa akin habang nakatingin sya sa malayo.
"Ah- hindi pa eh." mabagal kong sagot. Pinag iisipan ko talaga yun bibitawan kong salita.
"Kumain tayo.
Tumayo sya sa kinauupuan nya at kinuha ang kamay ko. Ang bilis ko kabahan. Ayan nanaman!
"Okay ka lang?" tanong nya at mukhang nahalata nyang kinakabahan ako.
"Eh- Opo!
Tinitigan nya ako. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Kumain muna tayo.
Hinatak nya ako. As usual kinakaladkad nya na ako.
Naglakad kami papunta sa isang restau..
Ngayon lang ako nakarating dun.
"Maupo ka muna, oorder lang ako." sabi nya pagpasok sa loob.
Nasa labas kami.. May mga lamesa kasi sa labas at mukhang gusto nya sa labas kami kumain.
Maya maya nakita ko syang lumabas ulit. May dala na syang kape.
Naupo sya sa tabi ko. As in sa tabi ko as in malapit sa akin as in wala na akong kawala!!
"Kape." alok nya sa akin.
Inilapag nya ang dalawang tasa. Mainit init pa yun kape.
"Umorder na ako ng makakain natin. " he said habang nakatingin sya sa wrist watch nya.
"Baka may lakad ka?" tanong ko pambasag ng katahimikan.
"I cleared all my meetings and appointments sa mga clients ko para dito .
Nagulat ako. Ganun ba ako ka special?. Hindi ko mapigilan mapangiti kasi naman eh.. Bakit ba sya ganyan!!
Kinuha ko ang tasa ng kape na inalok nya.
"Mainit pa yan. Dahan dahan lang." paalala nya sa akin with matching titig pa.
"Ah salamat.
Tahimik kong hinigop ang kape. Mainit nga. Hindi ko na maiwasan mapatingin sa kanya. Oo 28 na sya pero shemay ang bata bata nya tignan. Mukha pa ako mas matanda sa kanya kung di lang sya mas matangkad sa akin. Ang pula pula ng mga labi nya. May nahalikan na kaya sya?
Ang mata nya.. Parang led light. Nagliliwanag! Ang pisngi nya grabe.. At ang pinaka gusto ko yun ngiti nya. Then pwede na ako mamatay.
Wait..
Bigla akong naubo. Nasobrahan ata ako sa paghigop.
"Okay ka lang? Sabi ko mainit.
Kumuha sya ng tissue. Kinuha din nya ang tasa na hawak ko. Saka ako pinunasan sa pisnge. Hinahagod nya ang likod ng dahan dahan.
"O-okay lang ako." I said na nauubo pa.
"Mag ingat kana man.
"Okay lang ako.
Ngumiti ako sa kanya. Naramdaman ko ang mga kamay nya sa pisnge ko. Nanginginig ako..
"Good." he said at bumalik na ulit ang atensyon nya sa kape nya.
Maya maya dumating na ang pagkain namin. Nagstart na kami kumain.
----
Tanghali ng magstart kami maglibot sa park. Nakakapagtaka dahil sa park nya ako dinala at hindi sa mall.
"Uhh.."
Narinig ko sya nagsalita pero mukhang nahihirapan sya magsalita.
"Vlad?
Lumingon sya sa akin.
"Pasensya kana. Unang beses ko to.
Nagtaka ako.
"Ha?
Niyaya nya ako umupo sa nadaanan namin bench.
"Unang beses na nakipag date ako.
Nanlaki mata ko sa narinig ko.
"Hindi nga?" tanong ko ulit.
Mahinhin nya akong tinanguan.
"Ah--
"Kaya eto lang naisip ko na pwede pagdalhan sayo dahil hindi ko alam kung dapat ba sa mall kita dalhin. Nahihirapan akong makisalamuha sa madaming tao.
"Ah- Okay lang. Okay naman dito sa park. Fresh.
Lumingon sya sa akin.
"Mabuti naman.
Ngumiti sya. Ayan na!! Grabe ang cute cute nya~
Nakakita ako ng mga bikes na pwede rentahan.
"Sakay tayo dun!
Bigla ko syang hinawakan sa kamay at hinila papunta sa nagpaparenta ng bikes.
"Gusto mong sumakay tayo dito?"
tanong nya sa akin.
"Oo. Dali! Magrenta tayo.
Hindi ko napansin ngumiti ulit sya. Sya na ang nagrenta ng dalawang bikes para sa amin. Nirentahan namin sya sa loob ng 2 hours para makalibot kami sa park.
Hinawakan nya ako sa kamay at inalalayan.
Nagstart kami magbike na dalawa.
----
Hapon ng matapos kami. Medyo masakit ang mga paa ko dahil sa kakapedal. Nag enjoy naman ako at si Vlad sa ginawa namin. Halos pagod din sya. Ang yummy lang nya kapag napapatingin ako sa katawan nya. Pinagpapawisan sya kaya humahapit sa katawan nya ang shirt na suot nya. Nagkakasala na talaga ako 100%.
Naupo kaming dalawa matapos namin ibalik ang mga bike. Uminom naman ako ng baon namin tubig. Halos hingal na hingal ako. Sya naman ganun din.
"Napagod ako dun. Sa tagal kong hindi nakapagbike ng ganun katagal.
"Hehe. Ako din eh.
Hinawakan nyang bigla ang kamay ko. Piniga nya yun habang nakatingin sya sa malayo.
Parang kabayo sa karera ang bilis ng kabog ng puso ko. Hindi na ako tinitigilan ng ganitong kaba.
Medyo hapon na din at kaunti nalang ang tao sa park.
"Have you experience to fall inlove?"tanong nya habang hawak ang kamay ko.
"Ah. May mga nanligaw sa akin pero hindi ko naman nasagot. Siguro hindi pa?
"Me too. Until one day.
Nagulat ako.
-----
Keep reading and dont forget to vote 😗