Chereads / My Boyfriend Is The Professor / Chapter 14 - Chapter Fourteen

Chapter 14 - Chapter Fourteen

Matapos namin kumain ng dinner. Nagdecide ng umuwi si Vlad. Hinatid ko sya sa labas.

"Uhh- Salamat ulit dito." sabi ko habang hawak ko pa din ang mga bulaklak na bigay nya.

"I know you like it.

Binuksan nya ang pinto ng driver seat pero bago sya pumasok binalikan nya ako.

"Vlad?

Lumingon sya sa paligid then bumaling ng tingin sa akin. Nagtataka ako. Hinila nya ako palayo sa gate.

"Bakit?

All of a sudden. Nasa labi ko na ang mga labi nya. He's pressing it to mine. Napahawak ako sa sleeves nya.

Ang init ng hininga nya at ang bango bango. Sobra..

Napapapikit ako sa halik na yun.

"Goodbye." he said matapos nyang pakawalan ang halik na yun.

"Ahh-" hindi ako makapagsalita sa shock.

Nakita ko nalang sya sumakay ng kotse nya. Then nagstart na sya magdrive. Hindi ko na ata nasabi pang mag ingat sya dahil natulala na ako.

Pumasok ako ng kwarto ko pagkagaling ko sa baba.

Nilagay ko sa vase ang sunflower na dala nya. Totoo nga na nakakapagpa cheer up ang mga bulaklak na yun. Hindi ko maiwasan mapangiti kapag napapatingin ako dito.

Bukas walang pasok so balak ko pasyalan si Veena. Nakapangako ako sa kapatid nya na papasyalan ko sya kapag wala akong pasok.

RRIIIINNGGGGG!

Nagulat ako ng tumunog ang phone ko. May tumatawag.

Unknown number. Sino kaya ito? Sinagot ko ang tawag.

"Hello?

Aly ikaw ba yan?

Boses ng babae. Pamilyar sa akin.

"Marie?

Yes its me.

"Kamusta kana? Sorry ha. Naging busy sa school eh. Nga pala about sa inyo ni Drake?

Aly. We need to talk. Maybe tomorrow.

Nagulat ako.

"Bukas agad?

Oo. Please. I need you.

Napaisip ako. Sandali lang naman siguro yun.

"Sige. Saan ba tayo magkikita?

Sinabi nya kung saan kami magkikita. Kabilin bilinan nyang wag ko sasabihin kay Drake. Kaya sumunod naman ako.

----

Umaga ang  usapan namin ni Marie. Kaya gumayak ako ng maaga. Nagkita kami sa mall at niyaya nya ako magkape kami.

"Marie?

"Yes.

"Ano ba yun gusto mo pag usapan?" tanong ko pag kaupo namin dalawa.

"Aly. Pasensya kana if hindi ko nasabi sayo ang nangyari sa amin ni Drake.

"Naku. Nanghihinayang nga ako sa inyo eh. Ang tagal tagal nyo na magkarelasyon. Sayo na nga sya tumino diba?

Dahan dahan tumango si Marie. Randam ko pa din ang lungkot nya.

"Mahal ko si Drake pero sya na ang may ayaw.

"Eh bakit naman? Siraulo talaga yun. Baka nabigla lang sya.

"Baka nga. Pero hindi eh.

Nagtaka ako.

"Drake is very honest to me. Kahit nakakasakit yun sinasabi nya totoo pa din sya. Thats why I love him so much. Kaya lang akala ko lahat alam ko about sa kanya.

"What do you mean?" nacucurious na talaga ako.

"He's inlove with someone.

"Anak ng- Umiral nanaman pagkaplayboy nya.

"No-- He's not a playboy anymore. Nagbago na sya Aly.

"Ha! Kasasabi mo lang inlove sya sa iba?

"Yes. Pero hindi ibig sabihin nun playboy na sya.

"Eh ano?

"Naiintindihan ko si Drake why sya naging playboy dati.

"Ha! Ako hindi ko pa din magets hanggang ngayon.

Napatingin ako kay Marie. May gusto syang sabihin pero bakit hindi pa nya gawin..

"Aly .. I want to be honest with you.

"Hah?

"Aly. Drake is..

"GAY!!" sigaw ko.

Napailing si Marie. Hinawakan nya ako sa mga kamay ko.

"Drake is inloved with you.

Namutla ako sa narinig ko. Hindi ako makapagsalita o nakagalaw man lang.

"I know you won't believe. But he already told it to me. Aly.. Your bestfriend is madly inloved with you.

"Marie. Alam ko kakabreak nyo lang pero wag mo naman ako idamay dyan. Si Drake gusto ako? Kalokohan na yan!

"Please calm down.

Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Drake and I were bestfriends. Ayun lang yun. Wag mo naman ako pag isipan ng hindi maganda Marie. Hindi ako tutol sa relasyon nyo noon pa. Suportado ko pa nga kayo.

"Aly. Ask him. Ask Drake.

Nagulat ako.

"Drake was a playboy before dahil gusto nya makaiwas sa feelings nya sayo. At ayaw nya masira ang pagkakaibigan nyo. Akala nya pag naging kami makakalimutan kana nya pero hindi. He still loves you. At nasasaktan ako kapag pinaparamdam nya na mas nag aalala pa sya sayo kaysa sa akin.

Napaupo ako. Hindi ako makapaniwala. Si Drake?

Naalala ko ang mga roses na nakita ko sa locker room ko kahapon. Naalala ko na may duplicate key ako kay Drake na binigay ko dati. Kasi madalas ako makawala ng susi kaya nagpagawa sya ng dalawa at kinuha nya ang isa para if ever na mawala ko may makukuha ako sa kanya.

"Aly..

Bigla nalang ako tumayo sa upuan ko at nagmadaling lumabas ng coffeeshop.

Nalilito ako sa mga nalaman ko pero lahat nabibigyan linaw sa akin. Si Drake. Si Drake ang admirer ko?

Sya din kaya yun dahilan bakit nawawala ng bigla yun mga nanliligaw sa akin dati kaya ba up to now wala akong boyfriend? Bakit nya ginagawa yun! Bakit hindi sya umamin.

Naglalakad ako ng hindi ko alam ang patutunguhan ko. Kung tutuloy pa ba ako kay Veena o hindi na. Medyo nawala ako sa mood sa mga nalaman ko.

Naiinis ako na hindi ko malaman. Wait.. Sasabihin ko ba to kay Vlad? Paano kung manligaw sa akin si Drake! Naku gulo yun! Kilala ko ugali ni Drake. Hindi nagpapatalo yun. Si Sir Vlad naman. Tahimik lang pero nakakatakot. Naiipit ako!

Naupo ako sandali sa nasalubong kong bench. Nahihirapan ako mag isip.

Nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko yun at may nabasang text.

Sms from: Drake

Aly. Dumaan ako sa nyo wala ka daw. Saan ka nagpunta?

Hindi ko alam if rereplyan ko sya. Naiinis ako sa kanya. Ang dami ko ng hindi alam sa kanya then may malalaman akong revelation.

Napahawak ako sa noo ko. Masisiraan ako ng bait nito!

Naalala ko si Vlad. Paano if malaman nya to,titigil na kaya sya sa panliligaw?

Pero eto na oh.. Nahuhulog na ako.

I already fall inloved with him.

----

Keep reading and dont forget to vote 😗