Chereads / My Boyfriend Is The Professor / Chapter 7 - Chapter Seven

Chapter 7 - Chapter Seven

Nakita ko syang umiiyak..

Anong side ng personality nya ang nakita ko kanina?

Hindi kaya yun ang kapatid nya? May sakit ang kapatid nya at mukhang malala pa?

Hindi kaya yun ang rason bakit ganun ang ugali nya sa school?

At bakit nag iiba ang mood nya kapag nabanggit ang pamilya nya?

Napakadaming tanong sa isipan ko. Sa nakita ko. Yun talaga ang personality nya.

Nag guilty tuloy ako dahil hinuhusgahan namin sya. Ayun pala mas matindi ang pinagdadaanan nya sa inaakala ko.

Ngayon medyo naiintindihan ko na.

Naglakad ako pauwi na tuliro ang isip. Nakita ko ang itsura ng batang babae kanina. Mga nasa age 13-14 lang sya. Mas matanda lang sa kanya si Allen ng 2 years. Naisip ko kung sa akin nangyayari yun.. Makakaya ko pa ba mabuhay? Walang mga magulang. May sakit pa ang kapatid at tingin ko wala naman syang ganun kaibigan. Una dahil sa ugali nya, pangalawa sa mga nakakalaban nya sa korte. Magaling sya sa pagiging abogado pero madami syang nakakaalitan dahil dun. Ano pa bang natitira sa kanya?

Huh!

Hindi ko namalayan tumulo ang luha ko. Pinunasan ko kaagad yun.

"Ano ba yan! Huh?

Nasa tapat na pala ako ng gate ng bahay namin hindi ko napansin.

"Sasabihin ko ba kina Mama?"tanong ko sa sarili ko bago ako pumasok ng gate.

Naisip ko wag muna si Vlad nalang ang kusang magsabi.

Binuksan ko ang gate namin at pumasok na ako.

----

Meanwhile sa ospital..

"Vlad..

Tawag ng isang babae. Nakita nya si Vlad na nakaupo sa gilid ng emergency room. Nakayuko ito at hawak ang towel ng kapatid. Hinawakan nya ito sa balikat.

"Huh?

Inangat ni Vlad bahagya ang ulo nya para makita ang babae.

"Ninang?

"Vlad.. Magpahinga kana. Magdamag kana dito.

Umiling si Vlad.

"Si Veena.. Inatake nanaman.. Hindi ko na alam ang gagawin ko.. Nahihirapan na ako!

Namuo ang luha sa mga mata nya. Hindi maiwasan ng Ninang nya na maluha din. Hinagod nya ang likod ni Vlad habang nakaupo sya sa tabi nito.

"Ako din naman nahihirapan na din. Nakikita ko sya na nagpapakatatag na mabuhay para sayo.

"Bakit kasi sya pa! Pwede naman ako nalang!

"Anak, hindi naman natin maiiwasan ang ganyan problema sa buhay. Hindi ikaw ang binigyan ng karamdaman dahil may iba ka pang misyon.

"Pero si Veena.. Masyado pa syang bata. Madami pa syang pwedeng gawin sa buhay nya. Ako.. Walang may kailangan sa akin. Galit lahat ng tao sa akin.

Nakita ng matanda ang galit at sama ng loob sa mukha ni Vlad. Hindi nya maitatanggi na nahihirapan na ang inaanak nya.

"Hayaan mo. Malalagpasan nyo din tong magkapatid. Wag ka mawalan ng pananalig.

Yumuko ulit si Vlad. Hinawakan nyang mahigpit ang towel ng kapatid.

----

RRRRRRIIIINGGGG!

Tunog ng alarm clock..

"Huh? Anong oras na ba!

Iminulat ko ang mga mata ko para abutin ang alarm clock.

8AM.

"Wala naman akong pasok ngayon ah..

Hinawakan ko ang noo ko. Buong gabi ko syang naiisip.

Wala akong pasok ngayon. Ano ba pwede kong gawin?

Napansin ko ulit yun sunflower na nilagay ko pala sa vase at pinatong sa study table ko malapit sa bintana.

"Hindi pa sya nalalanta?

Tumayo ako para puntahan ang bulaklak at tinitigan..

"Hindi pa nga sya nalalanta? Hmmm..

Bigla akong may naisip. Nagmadali ako kumuha ng twalya at nagtatakbo palabas ng kwarto.

"Ate!

Hindi ko pinansin ang sigaw ng kapatid ko at dire diretso ako sa banyo.

Nagmadali ako maligo at nagbihis.

"Anak! Saan lakad mo?"tanong sa akin ni Mama ng makita ako pababa ng hagdan.

"May bibisitahin po." sagot ko habang nagsusuklay ng buhok.

"Ah sige ingat ka ha.

Pagkatapos ko magsuklay. Hinalikan ko si Mama sa pisngi at umalis na ako.

Nagdecide ako puntahan sa ospital ang kapatid ni Vlad. Pero bago yun dumaan ako sa pinakamalapit na flowershop sa amin.

"Magkano po yan?" tanong ko kay Manong sabay turo sa bouquet ng rose.

"Eto, 500 po.

Kinuha ko ang wallet ko para bayaran na kaya lang nakita ko ang isang paso ng sunflower sa gilid ng estante ng mga bulaklak.

"Binebenta nyo po?" tanong ko kay Manong ng bumaling ang tingin ko sa paso.

"Opo. Pwede nyo po alagaan yan Mam. 150 lang po yan kasama na ang paso.

"Nabubuhay ba yan kahit sa loob ng kwarto?

"Opo. Itapat nyo lang sya sa may araw. Pwede malapit sa bintana basta masisinagan at diligan nyo din po.

Naisip ko kaya pala hindi nalalanta yun nasa bahay kasi naitapat ko sya sa bintana nasisinagan sya ng araw dun.

"Yan nalang po kukunin ko." sabay turo sa paso.

Kinuha ni Manong ang paso at nilagay sa plastic saka inabot sa akin. Inabot ko na pabalik ang bayad saka ako umalis.

Sumakay ako ng bus papuntang ospital. Nakarating ako dun wala pang 15 minutes.

Dumiretso agad ako sa info desk sa ground floor para tanungin kung saan ang kwarto ni Veena.

"Ano pong pangalan ng pasyente? " tanong sa akin ng nurse.

"Ah-- Veena Gonzales.

Tumingin sa akin ang nurse. Bakit kaya?

"Kaibigan po kayo ni Sir Vlad? O

ni Mam Adelle?

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumango nalang ako.

"Sige po Mam. Room 35 po 2nd floor. Kaya lang Mam, wala po si Sir Vlad. Kakauwi lang nya po.

Nagulat ako. Kakauwi lang?

"Ah- Bakit po?

"Magdamag po sya dito eh. Inatake nanaman po si Mam Veena.

Oo nga pala. Nakita ko kahapon.

"Dito po tayo Mam. Ihahatid ko po kayo.

Lumabas ng info desk ang nurse at sinundan ko sya paakyat ng 2nd floor.

Dala dala ko sa kanang kamay ko ang paso ng sunflower at sa kaliwa naman isang kahon ng cupcakes para sa kapatid ni Vlad.

Narating namin ang kwarto ng kapatid nya. Binuksan ng nurse ang pinto.

"Pasok nalang po kayo Mam.

"Ah salamat po.

Matapos ako pagbuksan ng pinto umalis na ang nurse. Sumilip ako sa loob.

Walang tao sa loob malawak ang kwarto. May kama sa bandang left part ng kwarto at..

"Sino yan?

Narinig ko ang tinig ng isang batang babae. Humakbang ako papasok sa loob ng kwarto. Nakita ko ang isang batang babae na nakaupo at nakatanaw sa labas ng bintana.

"Ah- Ano. I-Ikaw ba si Veena? "tanong ko habang kinakabahan.

"Ako nga po. Sino sila?

"Aly. Alicia Yuson.

Biglang gumuhit ang isang ngiti sa mukha nya. Nagtaka ako.

"Ikaw yun!

Lumingon ako sa likod ko at lumingon ako pabalik sa kanya.

"Ako?

Tumango sya.

"Ikaw yun nililigawan ni Kuya!

Napangiwi ako sa narinig ko. Akala ko talaga hindi nya ako kilala. Pero mukhang nakwento ako sa kanya ni Vlad.

----

Keep reading and dont forget to vote :)