"Wow! Ang daming pagkain ha."sabi ko pagkababa ko.
Nakahanda na lahat sa mesa. Nakaupo na din si Papa at si Allen. Nasa kabila naman si Vlad. May isang bakanteng upuan sa tabi nya at mukhang doon ako mauupo.
"Kain na!" yaya ni Mama sa akin ng makita ako sa hagdanan.
Naupo ako sa tabi ni Vlad at naupo na din si Mama.
Nagstart kami kumain. Hinainan ako ni Mama habang inalok ko naman si Vlad ng ulam na specialty ni Mama.
Tahimik kaming kumakain, hindi naman mawala ang kaba ko habang katabi sya.
"Nga pala,Vlad. Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ni Papa.
Huminto sa pagkain si Vlad. Napatingin ako sa kanya at hinihintay ko sya sumagot.
"Matagal na po silang patay.
Nagulat si Papa. Nagkatinginan sila ni Mama at lumingon sa akin. Sumenyas ako na wala akong alam.
"Pasensya kana iho."sabi ni Mama
"Okay lang po. Matagal naman po silang patay.
"Mag isa kana lang pala?"tanong ulit ni Papa.
"Hindi naman po. May kapatid pa po ako.
Nagulat ako. Kapatid?
"Kapatid? Ayos naman pala. Minsan isama mo sya dito.
Biglang nabura ang ngiti ni Vlad. Nagtaka ako. Bakit?
"Susubukan ko po.
Yun nalang ang isinagot nya. Nag iba na ang aura nya after nun. Parang sya na ulit yun terror na prof ko sa school.
Hanggang sa matapos kaming kumain naging matipid na sya sa pagsasalita. Hindi ko pa din alam kung bakit.
"Uuwi na po ako." he said pagkadampot nya ng susi.
"O sige pala. Ingat nalang Vlad."sabi ni Papa pagkatapik sa balikat nya.
Inutusan ako ni Mama na samahan sya sa labas.
Hindi na sya nagsalita pagkasakay nya ng kotse nya. Ni babye wala o thank you. Pinagmasdan ko nalang sya habang papaalis na ang kotse nya .
Pumasok na ako sa loob after nun. Sa totoo lang bigla ako nalungkot pagkakita ko sa mukha nya kanina. All of a sudden nagbago ang mood nya. Hindi kaya yun ang reason bakit sya laging terror sa school?
Pagkapasok ko ng kwarto ko, nakita ko ang long stem sunflower na binigay nya. Nakakatanggap ako ng bulaklak pero first time na may nagbigay ng sunflower instead na rose.
Naupo ako sa kama at kinuha ko ang bulaklak. Naisip ko sya. Ano kaya nangyari sa kanya? At kapatid?
----
Maaga ang klase ko kinabukasan. Maaga din ako pumasok. Ang sipag ko! Takot ako ipahiya ni Sir Vlad.
Nakita ko sina Drake nakaupo na pagkapasok ko ng room.
"Ang aga nyo!" I said habang papalapit sa kanila.
"Ikaw lang ang late." said Drake na nangaasar.
Naupo ako.
"Wala pa sina Jelly?" ask ko kay Drake.
"Hindi daw papasok. nagtext sa akin kanina.
"Ay ganun. Okay?
Maya maya may pumasok mukhang ibang prof.
"Kayo ba ang klase ni Sir Vlad ngayon?"tanong nya sa amin.
May sumagot na kaklase ko.
"Opo Sir! Bakit po?
"Hindi makaka attend si Sir Vlad kaya dismiss na kayo. Pinapasabi nya.
Nagulat ako.
"Yes! Wala si Sir! Uwian na!" sigaw ni Drake.
"Uwi na tayo Aly!
"Wait lang.. Bakit daw absent si Sir?
"Malay ko. Baka may hearing sya ngayon?
"Hearing?
Parang wala naman sya nabanggit kahapon. Ni hindi nga nya ako kinausap.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng room. Nagsilabasan na din ang mga kaklase ko.
Nagdecide na ako umuwi tutal wala naman ako gagawin sa school. Absent naman si Jelly then si Yanie may lakad kasama ang boyfie.
Si Drake naman? Ewan ko sa baliw na yun.
Naglakad nalang ako pauwi para at least makapasyal ako.
Narinig ko may bagong shop malapit sa school kaya binalak ko na puntahan.
Huh!
Napalingon ako sa kotseng nakahinto sa gitna ng kalsada.
"Vlad?
Namukaan ko ang kotse ni Vlad na nakahinto.
"Saan sya pupunta?
Isa ang nasa isip ko ang sundan sya. Nagturn green ang traffic light kaya nagsimula ng magsigalawan ang mga sasakyan.
Tumakbo ako para habulin ang kotse nya pero napagod agad ako.
Hinihingal na ako at natanaw ko nalang ang kotse nya pero bigla itong lumiko.
Tumingkayad ako para tanawin saan sya lumiko.
"Ospital?
Bakit sa ospital?
----
Hindi ko talaga ugaling mangchismis pero nahihiwagaan ako bakit sya umabsent at yun mood nya kahapon?
Naglakad ako papuntang ospital kung saan ko sya nakitang lumiko.
"Nakakapagod.
Napahawak ako sa mga tuhod ko. Pinagpapawisan na ako kakatakbo sa initan.
Pumasok ako sa loob.
"Naku po.. Saan ko sya hahanapin dito?
Lumingon ako sa magkabilang direksyon, halos mga pasyente, nurse, doctor at mga bisita ang nakikita ko. Wala sya.
"Ano pong hinahanap nyo Mam?" biglang tanong sa akin ng nurse na lumapit sa akin.
"Ah. May hinahanap po ako.
"Pasyente po? Pangalan po?
"Ha- Eh. Vlad- Eh hindi. Vladimir.
Nagulat ang babae.
"Si Sir Vlad.?
Nagulat ako. Kilala nya?
"Kilala mo?
"Opo! Nasa 2nd floor sya. Kararating lang nya po.
Nagtaka ako. Kilala sya dito sa ospital? Paano nangyari yun?
"Nasa 2nd floor sya?"ulit ko.
"Opo. Dun nyo nalang po sya puntahan Mam.
Tumalikod ako at naglakad papuntang hagdan patungo ng 2nd floor. Nagtataka ako. Kilala sya?
May sakit sya?
Kung kilala sya dito it means palagi sya dito? May sakit kaya sya?
Nakarating ako ng 2nd floor. Hingal na hingal na ako.
"Nasan kaya sya?
EXCUSE ME PO!!!
Nagulat ako sa sumigaw. Gumilid ako at nakita ko ang grupo ng mga nurse na tulak tulak ang isang stretcher. Dumaan sila sa harapan ko at nakita ko ang isang batang babae, nakahiga sya sa stretcher at ang daming nakasaksak na dextrose sa kanya. Feeling ko nahihirapan syang huminga.
Mabilis syang dinala sa emergency room.
"Kawawa naman."nasabi ko pagkita ko sa kanya.
Pagikot ko. Nakita ko si..
"Vlad?
Nakita ko sya sa harapan ko nakatayo. Hindi sya sa akin nakatingin kundi sa emergency room.
Hindi ko madescribe ang mukha nya.
Huh?
Nakita ko ang towel na hawak nya. May dugo.. Dyos ko po!
"Veena..
Narinig kong binanggit nya.
Veena?
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Biglang nangatog ang mga tuhod ko.
Mas nagulat ako ng muli kong ibalik sa kanya ang mga mata ko.
Nakita ko syang umiiyak..
----
Keep reading and please vote :)