Chereads / My Boyfriend Is The Professor / Chapter 4 - Chapter Four

Chapter 4 - Chapter Four

9 AM ang klase namin sa kanya kaya 8 AM palang pumasok na kami.

Ayaw namin malate sa kanya at baka mahatulan nanaman kami.

Pero ako ,hindi mawala sa isip ko yun mga nangyari kahapon.

Parang isang iglap nagbago ang lahat.

At ngayon naglilihim pa ako sa mga kaibigan ko.

Anong klase kong kaibigan!

"Best okay ka lang?" tanong sa akin ni Jelly.

Naglalakad kaming dalawa papunta sa room. Kasama namin sina Drake at Yanie.

"Oo naman!" sabi ko na parang wala akong iniisip.

"Pumasok na tayo at baka makita tayo ni Sir dito lagot pa tayo!

Mukhang di na naalala nila Yanie yun nangyari nung lunes. Pinaiwan ako ni Sir Vlad. Hindi na siguro big deal pa yun. Kasi may trauma nga ako sa kanya, alam na nung dalawa na ayaw ko sya pag usapan.

Pumasok kasi sa rm. 316 4th floor nasa building kami ng commerce.

Naalala ko dati nung first year kami sa building ng engineering kami nagroroom. Ang saya saya pa dahil isang beses lang namin syang prof kaya lang 5 hours naman sya nagtuturo.

Sa subject nya na Marketing 1 ako napahiya.

Pagkatapos nun para akong nagkaamnesia at phobia at the same time.

Nakita namin sya bago pa kami makarating ng room. Naka 3/4 sleeve lang sya. May dala syang books.

Nakatingin sya sa akin. Sus!

"Lakad na bilis.." bulong sa akin ni Yanie sabay hatak sa akin papasok ng room.

Iniwasan namin sya at mukhang okay lang sa kanya. Pagkapasok namin. Pumasok na din sya ng room.

Nagstart na kami after nya hintayin ang iba pa dahil maaga pa ng kaunti para magsimula.

Nakaupo ako pangalawa sa harapan.

Hindi ako tumitingin sa kanya pero pakiramdam ko ninanakawan nya ako ng tingin.

"Let's start!

Narinig ko ang boses nya. Nakatingin kasi ako sa bintana. Bumalik ang atensyon ko sa klase.

---

1 hour ang lumipas. Natapos ng matiwasay ang klase. Nakahinga kami pare pareho ng maluwag.

Sa wakas!

Paalis na ako kasama sina Yanie ng..

"Aly!

Narinig ko nanaman ang boses nya. Natigil ako.

"Yes po.

Dahan dahan akong humarap sa kanya.

"Stay.

Ayos ah. Para akong aso.

"Hintayin kana lang namin.." bulong sa akin ni Yanie at lumabas na sila ng room.

Naiwan kaming dalawa nanaman.

"Sir?

"Kumain tayong dalawa.

Nagulat ako. Kinuha nya ang gamit nya at hinatak ako palabas ng room.

"Sir! Baka may makakita." sabi ko habang hatak hatak nya ako at naglalakad kami sa hallway.

Binitawan nya ako. Ang sakit ng pagkakahawak nya sa akin.

"Pahamak to.."bulong ko sa sarili ko.

Sinundan ko sya hanggang makababa kami ng building at hanggang sa parking lot. Nakita ko ang sasakyan nya.

"Saan ako dadalhin nito!

Binuksan nya ang pinto.

"Sakay!

"Ha- Ah oo!!

Sumakay agad ako. Baka kasi may makakita sa amin. Sumakay sya at nagstart magdrive. Wala ako idea saan nya ako dadalhin.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Wala ako masabi naiipit dila ko!

"Ano'ng gusto mo kainin?" he said habang ang tingin nya nasa kalsada.

"Ah- Kahit ano. Hindi naman ako mapili sa pagkain.

"Good.

Ano daw? Good. Napaka unpredictable ng taong to!

Mga ilan minuto lang ang lumipas huminto ang sasakyan nya. Nagpark sya sa harap ng isang japanese restaurant. Medyo nathrilled ako kasi never pa ako kumain sa japanese restaurant.

Pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Dito tayo kakain?" tanong ko sa kanya habang papasok na kami ng restau.

"Oo. Kaya pumili kana ng gusto mo kainin.

Hinatid kami ng isang babae na nakakimono sa isang table. Binigyan nya kaming dalawa ng menu.

Magkatapat kami ng upuan. Tinitignan ko sya kung ano ang oorderin nya.

"May order kana?" biglang tanong nya sa akin.

"Ha! Eh ano ba dapat?

"O sige. Kung ano nalang kakainin ko yun nalang sayo.

Tumango ako.

Bumalik sa table namin yun babae at kinuha ang mga order namin saka kami iniwan.

Tahimik nanaman.

"Ah- Sir.. Eh I mean Vlad.. S-Salamat dito.

"Saan?

"Sa pagkain.

"Ah. Its okay.

Tahimik ulit.. Paano ko ba kakausapin ito!

"I wanna know everything about you.

Nagulat ako sa narinig ko.

"Sa akin?

"Yes. Kaya lang hindi ako magaling sa pagplease ng tao. Nasanay ako makipag usap in a rude way.

Medyo tama sya dun.

"Uh okay lang. Sanay na ako." I said while smiling.

Hindi ko alam kung ano ang nakita ko sa mukha nya pero parang sa pag ngiti ko sa kanya naging bright ang aura nya.

"Thanks.

Maya maya dumating na ang mga pagkain namin. May soup, may sushi may egg rolls may mga rice cake pa. May tempura din at hindi ko alam kung anong tawag dun sa isa.

Inabutan nya ako ng chopstick.

Kinuha ko yun at nagthank you.

Pero may naalala ako.

"Ay!

Nahulog ko ang chopstick.

"Are you okay?"he asked me habang nakatingin sa akin.

"Oo kaya lang nalimutan ko hindi ako marunong gumamit nito.

Hindi ko alam kung ano ang nasabi ko but he chuckled. Heaven! Heaven ang pagngiti at mahinang tawa nya.

Natulala ako.

"Bakit hindi mo agad sinabi.

Kumuha sya ng panibagong chopstick. At pinahawak sa akin.

"I'll teach you.

Hinawakan nya ang kamay ko. Kinabahan agad ako. Pero hindi kaba sa takot. Kaba sa tyan. Ano yun!

Halos magkalapit ang mga mukha namin habang tinuturuan nya ako humawak ng chopstick.

Nararamdaman ko sa mukha ko ang hininga nya at ang bango bango!

"Okay na?" he said at nagising ako sa pagdeday dream ko.

"Ah- Oo! Salamat.

Nagstart na kaming kumain. Tahimik kami sa table na yun pero isa lang nasa isip ko. May ganito pala syang personality?

----

Keep reading and dont forget to vote :)

Thank you.