Chereads / Trapped In His Arms / Chapter 5 - Chapter Five

Chapter 5 - Chapter Five

Jared's POV

"Welcome HOMMMMEEEEE Kuya!!" nagulat ako sa sigaw ni Jenica. My younger sister. Bigla ba naman tumalon sa couch mabuti nalang nasalo ko sya.

"Your a lot heavier now!!" I said ng maramdaman kong bumigat sya. Nakayakap sya sa leeg ko habang pahalik halik sa pisngi ko. Hindi halata na namiss ako.

"Why your so tagal Kuya!!" She said with a cute tone. She always making cute voices.

"May client ako kanina.. But I bought you some food." sabi ko at ibinaba ko sya sa dining table. Nakatayo lang sya sa may upuan habang hinihintay nya na iprepare ko ang binili kong pagkain.

Jenica is 6 years old girl. My mom died delivering her. Kaya ako nalang ang tumayong nanay at tatay nya. Nabuntis si Mama nung medyo may edad na sya kaya nahirapan sya sa pag anak thats why yun na din ang ikinamatay nya. My dad died because of heart attack. Kaya kami nalang talaga dalawa ni Jenica ang magkasama sa buhay.

Jenica is cheerful and jolly. Namana nya kay Mama. Napaka optimistic din thats why hindi ako nagkakaroon ng problema kahit iwan ko sya mag isa. Kaya nyang tumayo sa sarili nya. Kaya lang minsan strict at makulit. Strikto sya sa mga babaeng dinedate ko at makulit dahil paulit ulit nya akong tinatanong kailan ako mag aasawa eh sya naman itong strikta sa babaeng dinedate ko. She really is like my mom. Natutuwa nalang ako.

"Spaghetti!! Yummy!" she said at naupo saka sinimulan kainin ang spaghetti sa plato nya.

"Tissue.." i said at pinunasan ko ang pisngi nya na napuno na ng sauce ng spaghetti. She just laughed at me.

"Kuya, how is your day!"

I smiled at her.

"Nothing but good.." sagot ko.

"Did you have new clients?" she asked. Tumango ako habang kumakain. Nagsalita lang ako ng nakalunok na ako.

"Yeah. Its a gorgeous lady.. She's uhhh filing an annulment.. With her husband.." I said habang kinukuha ko ang juice.

"Why? Makikipaghiwalay sya? Why?" asked Jenica. Nakatingin lang sa akin ang bata.

"She's uhhh hurt. Her husband hurts her thats why she wants to leave.."

"Poor lady.." said Jenica. At nagpatuloy sa pagkain.

"But she's beautiful." I said at ngumiti.

"Really! You liked her Kuya?" nagulat ako sa tanong ni Jenica. Hindi agad ako makasagot.

"Ahhh-- Yeah.. I liked her." sagot ko sabay napakamot sa ulo ko.

"Yiiiieeeeee!!!" biglang tili ni Jenica.

"Hey.. Its not that serious. I just liked her not loved her.." natawa ako. Excited sya ng malamang nyang may gusto akong babae.

"But Kuya. Court her.." Nagulat ako.

"Jen.. Were just friends. Tsaka she's still moving on with her husband.. You'll understand it sooner you get older.." paliwanag ko sa bata. Medyo nadismaya sya sa narinig ko but I know she'll understand.

"Okay Kuya. If you say so.." ngumiti ako. Tinapos namin ang pagkain after nun tinulungan nya ako maghugas ng pinagkainan namin.

"Ihahatid ba kita bukas?" tanong ko habang inaayos nanamin ang mga hinugasan. Balak ko sya ihatid sa school bukas para makabawi man lang ako.

"No, I'm fine. Sabay nalang tayo umuwi Kuya." she said.

"Okay. Puntahan kita sa school mo."

"No, ako nalang po pupunta. Para di kana hassle Kuya." ngumiti ako. Alam nya kasing gagabihin na ako sa pagsundo sa kanya. Hinawakan ko sya sa ulo.

"Okay. Basta mag iingat ka sa pagtawid at pagsakay. You know where to call me." she nodded and kissed me.

"Yes Kuya..

Pinagmasdan ko lang sya na pumasok ng kwarto nya.

---

Jela's POV

UMAGA na pala!" I said pagkabangon ko. Napagod ako maglipat kagabi. 1 am na ako natapos. Bumalik ako sa apartment ko. Mabuti nalang at pinayagan ako ng may ari na maglipat kahit kalagitnaan na ng gabi. Ito pa yun apartment ko nung nagsisimula palang ako magtrabaho dito sa Manila. Malayo ng konti ito sa work ko at sa bahay namin ni Ralph at hindi nya din alam ang lugar na to. Safe ako dito if ever na sugurin nya ako.

Kalat kalat pa ang mga gamit ko. Naiwan kong bukas ang maleta ko. Yun ibang gamit ko nasa sala pa. Maliit lang ang apartment na to, for two person lang ata.1 bedroom, 1 room for cr and shower, isang malaking room for dining and living room then there's the kitchen sa left side ng room. Hindi naman kalakihan ang bahay. Its a bungalow style. May dirty kitchen sya sa labas at may maliit na espasyo sa may harapan ng apartment where I can hang up my clothes. Hindi naman nagbago ang apartment na ito. Ito pa din yun tinirhan ko noon. Sabi ng may ari hindi naman nya daw ito pinarentahan.

Bumangon ako sa kama. Inayos ko lang kaunti ang buhok ko saka lumabas ng kwarto. Wala akong pasok now kaya naisip kong magpunta ng mall para bumili ng iilan appliances sa bahay. Balak ko bumili ng maliit na tv at refregerator. Then iilan supplies para sa cr at sa kitchen. Buo naman ang ilaw sa lahat ng kwarto kaya wala na dapat palitan then may isang electric fan akong dala.

Medyo malamig naman sa bahay dahil yun likuran nung bahay ay bakanteng lote at yun bubong ng bahay are made up of wood thats why hindi sya kainitan. Old style ang ginawa sa apartment na ito maganda lang dahil hindi ito bahain at mababait ang mga kapitbahay dito.

Nakita ko ang phone ko sa ibabaw ng table. Kinuha ko yun. As I expected madaming missed calls ..

30 missed calls from Ralph

1 text message from Amy

5 missed calls from Jules

Una kong binuksan ang message ni Amy.

"Girl, tumawag sa akin ang asawa mo. Hinahanap ka. Galit na galit. I said I don't know. What happened! And where are you! Call me when you receive this message.

Expected ko na yun.

Nagvibrate ang phone ko. Message from Ralph.

Fuck! Where are you! Anong pumasok sa isip mo at you file an annulment! Are you crazy!! Where are you!! Talk to me!!

Binura ko ang message nya. Napahinga ako ng malalim. Ayoko na magpakaweak pa sa kanya. Sino ba sya para ganunin ako! Karapatan ko lang na lumaya sa kanya!

Nakakainis.

Binitawan ko ang phone ko. At dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng planggana at tubig na may detergent. Nagsimula ako maglinis ng kusina then cr.

Kinuha ko ang brush na binaon ko at nagscrub ako ng lababo, pati tiles sa may cr. Inayos ko din ang stove. Pati ang lagayan ng mga plato at utensils.

"Phew!!" pinunasan ko ang pawis ko. Natapos akong maglinis ng kusina at dining area. Nagdecide ako maligo bago ako pumunta ng mall.

Natigilan ako ng humarap ako sa salamin. I stared at my naked body. Naalala ko ang ginawang pagbaboy sa akin ni Ralph when he forced me to do that thing. Hindi ko akalain itutulad nya ako sa mga naging babae nya.

Binuksan ko ang shower. Ayoko na alalahanin pa yun. I should move on..

----

Nakarating ako sa mall around 3pm. Medyo mainit pa sa daan. Dumaan ako ng supermarket para mamili ng mga gamit. Mabuti nalang at yun binili kong  ref at tv may free delivery so idedeliver nalang nila yun sa address ko. No hassle pa.

"Huh!" nagvibrate ang phone ko. I saw Mr. Dela Vega's number. Binasa ko ang message nya.

"If youre free today, meet me at my office. Your husband just been here a while ago..

Nagulat ako. Si Ralph nagpunta dun? Baka gumawa sya ng gulo. Nagmadali ako bayaran ang mga binili ko. Kailangan malaman ko bakit sya nagpunta dun. Kinuha ko kaagad ang tatlong plastik na puno ng groceries.

Paglabas ko ng supermarket. Sumakay agad ako ng taxi. Nagpahatid ako sa Avila.

---

"Where is he!! tanong ko pagkapasok ko ng office ni Att. Dela Vega.

Nagulat ako dahil nakaupo lang sya at may kausap na bata?

"Ahhhh--" medyo nakakahiya yun ginawa kong pagpasok. May dala pa akong mga plastic ng groceries.

"Who is she?" tanong ng bata kay Att. Dela Vega, habang nakatingin sa akin.

"Its my client.. She's Angela. You can call her Ate Jela.." bumaba ang bata sa upuan saka ako nilapitan. Nakangiti sya sa akin.

"Such a nice girl." I said at hinawakan ko sya sa buhok. Binaba ko ang dala kong groceries.

"Galing dito si Ralph?" tanong ko kaagad.

"Yeah, he's been here earlier. He just barged in. Wala man lang paalam." he said habang inaayos ang mga documents sa ibabaw ng table nya. Seryoso ang tono nya.

"Pasensya kana sa inasal nya."

"Its okay. Nagsisigaw sya kanina. He's asking who the hell helped her wife to file an annulment."

"Sinabi mong ikaw?" tanong ko. Nag alala ako bigla.

"Of course." napahawak ako sa noo ko. Nakakahiya.

"Its okay Angela. Natural lang naman yun. Sanay na ako sa ganun." umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ng table nya.

"Sorry talaga.. Pati ikaw nadadamay pa.."

"Wag mo na isipin yun. I think he wants to talk to you. I'll arrange a meeting between his lawyer para maayos na natin ito at madala na agad natin sa korte." tumango ako. Gusto ko na talaga matapos ito. Ayoko na mas madaming tao pa ang madamay.

"Kuya!! Is she the lady you're talking about!!" biglang tanong ng bata na nakaupo na sa isang sofa sa may likuran. Hawak hawak nya ang isang lollipop.

"Ha?" tanong ko nagtataka.

"Kuya? Is she the one you said you like?" nagulat ako sa sinabi ng bata. Napatingin ako kay Att. Dela Vega na hindi makatingin ng diretso sa akin. He's blushing!!

"A- its nothing Angela. My sister just talks silly sometimes. Jenica.. Stop it okay."

The girl starts giggling and laughing. Mas lalo akong natawa. Hindi na kasi mapakali si Att. Dela Vega.

"I' guess I'll leave now. Pasensya na sa gulo dinala ni Ralph." I apologize again pagkatayo ko.

"No its okay. You dont have to." he smiled.

Kinuha ko ang mga groceries ko. Bago pa man ako makalabas ng office nya.

"Where are you living by now?" natigilan ako.

"Medyo malayo sa bahay namin ni Ralph.." sagot ko.

"Can I have your address?" nagulat ako.

"Sige, I'll text it to you.." hindi man ako lumingon pero I think he smiled which is so attractive.

Nagpaalam ako pagkalabas ko ng office at dumiretso na ako pauwi.

---

iamnyldechan ❤️