Chereads / Cant Get Enough Of You / Chapter 3 - Chapter Two

Chapter 3 - Chapter Two

Naubos ko ang isang lata ng beer. At hindi ko namalayan ang lumipas na oras dahil sa kwentuhan namin ng estranghero na kasama ko ngayon.

We have the same kind of humor na talagang nakakaaliw.

"By the way, I haven't formally introduce myself.. I'm Leandro Imperial." mabilis kong tinanggap ang kamay nya.

"I'm Reena May Castillejo. Nice to finally meet you." then we laugh together.

"Ang ganda ng name mo. Pang mayaman." biro ko. Then nagbago ang awra ng mukha nya. Napasama ata ang pagkakasabi ko.

"I am from a rich family." napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Goodness. Sino itong kaharap ko? Prinsipe? Heredero? O isang binata na bigla nalang pinamanahan ng milyon milyon pag aari ng isang ama nyang may malubhang sakit?

"Talaga?" gulat ko. Then huminga sya ng malalim na para bang mabigat ang dala nya.

"Yeah. Such a pain being wealthy." nagtaka ako.

"Bakit naman?" Matagal sya bago sumagot, siguro pinag iisipan pa nya kung paano magsasabi.

"Were a family of business tycoons. If you heard the name Imperial Industries. That's ours." Nashock ako sa sinabi nya.. I know that company name. Imperial Industries are developers. Sila yun mga henyo sa likod ng mga bagong sasakyan .. appliances and even gadgets. Kaya masasabi ko na mayaman nga ang lalakeng kaharap ko ngayon.

"Eh bakit parang ayaw mo?"

"May gusto akong linya. And its photography." ngiting sagot nya.

"Kaya pala, lagi mong dala yan camera mo." natawa sya. Napansin nya siguro yun.

"Kaya ako nandito sa cruise na ito. To have freedom. Kahit papano makalaya ako sa expectations ng magulang ko."

"So, rebellious son ka pala?" he chuckled.

"Kung yun ang angkop na dapat itawag sa akin. I guess your right."

Sandali kaming natahimik na dalawa.

"Nga pala, our first stop is in Singapore? Wanna have some company?" nagulat ako sa tinanong nya. Nakatingala sya sa mga bituin na kumikislap sa maitim na ulap. Hindi ko napansin na hindi na nagtatago pa ang buwan.

"Ha?" natawa sya. Para kasi akong nabingi.

"Were both alone on this trip. At malungkot kapag mag isa lang. Let's enjoy this cruise together. Okay lang ba?" may parte ng isipan ko na gustong tumanggi dahil takot akong magpapasok ng panibagong estranghero sa buhay ko, but something inside me na nagtutulak sa akin pumayag sa gusto ng lalakeng to.

"Uhm.."

"Don't worry. No strings attach." nagulat ako sa sinabi nya. Wala na ko nagawa kundi pumayag. Sya naman na ang nagsabi na walang mabubuong ugnayan. Were gonna stay as strangers in and out of the ship.

---

Bumalik ako sa kwarto ko matapos akong abutan ng antok. Hinatid pa ako ni Lean para makasigurado sya na makakabalik ako. Nagkasundo kami na magkikita sa upper deck tomorrow morning bago bumaba ng barko. Tama naman sya na mahirap mag enjoy na wala kang kasama. At nararamdaman ko na magkakasundo kami ni Lean sa paraan alam namin.

Nakatulog ako sa kama na hindi na nakapagpalit. Antok na antok na ako at umeepekto na din ang alak sa katawan ko. I think this is a good night for the both of us..

---

Nagtatakbo ako paakyat ng upper deck kinabukasan. Tinanghali ako ng gising at nakalimutan kong magkikita kami ni Lean. Hindi na nga ata ako nakapamili pa ng susuutin ko. Basta naka jeans lang ako at blouse then jacket na naiwan nya last night. May dala akong sling bag at isang booklet about Singapore. Pinamigay sa amin yun ng mga cabin crew bago kami bumaba ng barko. Then nag orient muna kami para ipaalam sa amin kung anong oras dapat nasa barko na kami then mga places na pupuntahan namin sa Singapore.

"You're late!" nakatawang bati ni Lean sa akin ng makita nya ako. Sumimangot ako.

"Sorry ha. Hindi mo kasi ako ginising!" sagot kong pataray sa kanya.

"Ganun ba? Okay. Next time ako na gigising sayo." ngumiti ako. Napansin ko ang kakaibang atraksyon sa kanya. Sabayan pa ng malakas na hangin na gumugulo sa mala hazelnut na kulay ng buhok nya.

"Ang ganda ng mga mata mo." napalingon sya sa akin. Then nagulat ako sa sarili ko dahil sa sinabi ko.

Am I out my mind? Really?

"Napansin mo pala yun?" nagblushed ako.

"Oo? Hindi ka pure pinoy no?" natawa sya at napakamot sa batok nya.

"Hindi. My father is a British then my mom is a Filipina." tumpak ang suspetsa ko. Kaya iba talaga ang kulay ng mga mata nya. Asul, parang dagat, parang ulap.

"Let's go!" yaya nya sa akin. Sabay kaming bumaba ng barko. Then tinunton namin ang unang lugar na pupuntahan namin. The legendary Merlion na sa pictures ko lang nakikita. Ngayon makakapagpicture na ako.

---

"Smile!" sigaw ni Lean habang nakatayo ako sa tapat ng Merlion. Sya na ang nagprisinta na kumuha ng nga pictures namin tutal may dala syang DSLR. Hindi na ako tumanggi dahil popose nalang ako .

"Ikaw din!" sigaw ko sa kanya pero tumanggi sya.

"Bakit?"

"Ayoko. Wala din naman makakakita e." sumimangot ako. Inilabas ko sa bag ko ang dala kong phone. Sabay hinatak sya sa tapat ng Merlion.

"It doesn't matter kung walang makakita. Lets just take pictures for memories."

"Pero?"

"Wag na tumanggi!" saka ko sya pinilit na ngumiti sa harap ng camera then I press the shutter.

We made our first picture.. as strangers..

Nagyaya sya sa Universal Studios kaya yun ang sunod na pinuntahan namin.

Hatak hatak ko pa din sya habang nagseselpi kami. Kahit na alam kong napipilitan lang sya pero masasanay din sya.

"Ikaw naman!" sigaw nya at nagjumpshot ako. Para kaming mga bata na nagtatalo sa picture.

"Lets go there!" sigaw ko sa kanya. Hindi na sya bumibitaw sa kamay ko. Pakiramdam ko tuloy kinaladkad ko sya sa pamamasyal namin but he still enjoys it. At natutuwa ako kapag nakikita syang ganun. He never enjoyed his previous trips dahil daw mag isa sya. Kaya lang naman sya namamasyal para mag enjoy kaya lang wala naman syang maisama. Napaisip ako kung bakit din wala syang jowa eh sa itsura nya palang, habulin ito ng babae. Bakla? Hindi naman siguro. Sayang e . Habang naglalakad kami, mas hinahabol pa sya ng tingin kaysa sa akin. Nahiya tuloy akong tumabi sa kanya.

"Here. Kain muna tayo." inabot nya ang isang corndog sa akin at malamig na mineral water. Nasa ilalim kami ng isang puno habang nakaupo sa isang bench.

"Ang gaganda ng mga kuha ko." masaya nyang sinabi habang pinagmamasdan ang mga kuha nya sa DSLR.

"Syempre. Maganda ang model mo." natawa sya sa biro ko. Pero hindi biro yun. Maganda naman ako e.

"You know what. Hindi ako nagsisisi na nakita kita sa upper deck. It was like destiny." nagulat ako sa sinabi nya. I never heard that to Joseph. Kahit kailan hindi nya nasabi na para bang destiny ang pagkikita namin but then, sa isang estranghero na ito.. para sa kanya parang itinadhana ang lahat.

Natahimik ako. Naalala ko nanaman sya. The pain, the 8 years relationship na bigla nalang nasayang na matagal kong pinaghirapan. Nauwi sa wala.. sa isang di malaman dahilan.

"Are you okay?" Bumalik ako sa ulirat ko. Nilingon ko sya at dahan dahan umiling.

"Why?" nag aalala nyang tanong.

"Well, I haven't told you the real reason why I'm here." unfair kasi kung di nya alam ang side ko samantalang sya hindi sya nagdalawang isip na mag open up sa akin last night.

"So what is it?"

"Its true na I'm in pain. Pero dahil yun sa biglang pagkawala ng taong dapat pakakasalan ako." he seems confused.

"Wait. Iniwan ka ng fiance mo? He left you? When?" sunod sunod nya ng tanong.

"On the day of our wedding."

"Damn!" nagulat ako sa reaction nya. Siguro nga kahit sinong matinong lalake na makakarinig ng ganun rason mula sa babae, mapapamura. May mga ganun papalang lalake na kayang iwan ang mahal nila sa mismong araw ng kasal na walang rason kung bakit at bigla nalang nawala. Nakakainis. At gago talaga sya.

"Sorry. Hindi ko alam na ganyan kabigat ang dala mo." natawa ako.

"Its fine. I can bear it. Saka alam ko naman na hindi kami para sa isa't isa." he tapped my shoulder.

"I know your brave. You can stand on your own. Saka lalake lang yun." ngumiti ako.

"At ikaw pa may ganang magsalita ng ganun. Lalake lang yan."

"Oo naman. Dahil madami pang lalake dyan na kaya kang mahalin at hindi ka basta basta iiwanan." nagulat ako sa sinabi nya. Sa kanya pa talaga nanggaling yun, at sa tono nya parang naniniwala nga sya na may lalake pa akong matatagpuan na iba kay Joseph.

"By the way, lets go there. Bibili ako ng souvenirs " Yaya nya sa akin at naputol na ang pag uusap namin. Nakita nya kasi ang isang souvenir store.

"Sige sige." tinago ko ang phone sa bag ko at sumunod na sa kanya.

---

Madami pa kaming napuntahan around Singapore. Nakarating kami ng Hawker Centers kung saan madami kaming food hub na napuntahan, at kinainan then namasyal kami sa Singapore Botanical Gardens then bumalik kami ng Merlion Park para manood ng dancing fountains. It was an unforgettable experience.

Lalo dahil may kasama ako. Still a complete stranger.

Bumalik kami ng barko bago mag 9PM.

May iilan kaming nakasabay sa pag akyat. Ramdam ko na din ang pagod sa mga binti ko. Maghapon kaming naglakad. At nakakapagtaka dahil si Lean parang walang pagod sa pamamasyal.

"Our next stop will be in Thailand.." He said excitingly habang naglalakad kami sa hallway ng B-Deck. Ihahatid nya muna ako sa kwarto ko.

"Parang ganado kana." biro ko sa kanya. Last night we met, para syang matamlay at malungkot. Pero ngayon nakapag enjoy sya. Para syang bata na ayaw pa tumigil sa paglalaro.

"Masisisi mo ba ako? Napaka entertaining ng kasama ko?" nagulat ako and blushed. Is he complimenting me sa nakakainis na paraan. Alam ko talagang ako lang maingay sa pag iikot namin. At inaamin ko na clumsy din ako.

"Oo na. Sige na. May magagawa ba ako?" natawa sya. Huminto ako ng makita ko ang pintuan ng kwarto. Binuksan ko yun.

"So this is uhh-- goodnight?" nahihiya nyang sambit bago ko isara ang pintuan.

"Yeah. At salamat. Nag enjoy talaga ako."

Ngumiti sya.

"Well, you deserve to enjoy this one a kind trip. Goodnight Reena. Hopefully mas mag enjoy tayo sa next stop natin." kahit hindi nya sabihin yun, alam ko na magiging masaya ako, not because I have company pero dahil may taong nakikinig sa kin which is kailangan ko talaga ngayon..

Isinarado ko na ang pintuan. Then tahimik akong naupo sa kama. Inilabas ko sa dala kong bag ang mga gamit ko then phone. Pagsilip ko sa photos, napakarami nang selfies namin.

Bago nga ako umakyat sa barko na to. Nagreformat ako ng phone. Tinanggal ko lahat ng pictures, text messages at call or even contacts na magpapaalala sa akin kay Joseph at sa naudlot na kasal. Malinis ang phone ko. Tanging natira lang, numbers ni Mama at Papa then yun bestfriend ko na si Jaica.

Kaya nakakatuwa at may mga laman na ito ngayon. New memories na dadalhin ko hanggang tumanda ako.

"Huh?" nakuha ng isang litrato ang attention ko. Naizoom ko ang picture. Naalala ko when we were in Merlion Park, nakiusap ako sa isang tao na nakasalubong namin na kuhanan ako ng solo sa tapat ng leon. Busy noon si Lean kaya di ko sya inabala.

Pero hindi ko nakita yun picture after ako kuhanan. At ngayon nakita ko.. nagulat ako..

Lean was captured on the picture too. At nakatingin sya sa akin.. kitang kita sa litrato. Is he staring at me? Bigla tuloy akong namula at hindi ko alam ang gagawin.

"Reena! Stop it!" kinurot ko ang sarili ko. Nakatingin lang sya sa akin. Bakit ko ba binibigyan ng malisya? Baka sabihin ni Lean ako ang unang bumigay. Ang panget tignan.

Bumuntong hininga ako sabay tinago ang phone ko. Nagdecide na akong maligo at alisin sa isip ko ang nakita ko. Nakakahiya yun. Para akong timang.

Papasok na ko sa shower room ng bigla akong huminto. Nag isip ako.

Kinikilig ba ako? No bawal! No strings attached nga.

Dahan dahan kong sinampal ang sarili ko. No. Bawal mainlove. Nandito ako sa cruise to forget , not to make same mistake twice. Ano ba?

Tama. Lean is stranger. He is..

I like him..

Ang landi ko.

---

A/N:

Thanks for reading guys.

Expect some errors.

At dont forget to vote.