7
Nagising ako sa ugong ng barko. Dumaong na pala ito sa huling destinasyon at yun ang China. Idinilat ko ang mga mata ko.
"Lean?" tawag ko sa kanya. Pero walang sumasagot. Bumangon ako. Tanging ang suot ko lang ay ang long sleeve na suot pa ni Lean sa event last night. Bumaba ako ng kama.
"Leandro?" tawag kong muli sa kanya. Pero walang sumasagot. Nakita ko pa ang DSLR nya sa ibabaw ng couch pati ang ilan gamit nya. Lumakad pa ako pero walang talagang Leandro. Kinabahan na ako kaya't agad na akong nagbihis. Nagsuot lang ako ng flippers bago tumakbo palabas ng kwarto. Agad kong hinanap ang kwarto nya sa C-Deck.
"Goodmorning Star Cruise! We've finally arrive in the country of China.
Please everyone who will leave the ship please proceed to the upper deck for orientation and tour destinations." narinig ko sa buong hallway. Ang kapitan ang nagsasalita. Hindi ko na masyadong pinakinggan pa ang mga sumunod na sinabi nito. Pagsakay ko ng elevator, huminto ito sa C-Deck saka ako tumakbo sa hallway. Nakita ko ang pintuan ng kwarto nya. Binuksan ko yun.
"Lean!" sigaw ko pero wala akong narinig na tinig. Maayos ang kwarto nya. May iilan pa syang damit sa ibabaw ng kama. Nilapitan ko yun.
"Did he just left?" halos maluha ako. Hindi ko na alam saan ko hahanapin si Lean bukod sa kwarto nya at.
Naisipan kong puntahan ang venue ng last night's event. Maaaring may alam ang mga kasamahan nya. Nagtatakbo ako pababa ng lower deck.
Pagkadating ko doon, nakita ko na inaalis ang ibang mga photographs na nasold out last night.
"Your Lean's friend? Right?" nagulat ako sa lalakeng lumapit sa akin. May dala syang gamit habang bitbit ang isang frame ng picture.
"Yes I am. Bakit?" mabilis kong sagot.
"Were looking for him at hindi namin sya makita. Someone bought his pictures kaya lang wala naman sya." nagulat ako.
"Where are the pictures now?"
"It was sold last night. At dinala na ito ng buyer. Alam mo ba kung nasaan si Leandro?" kahit ako hinahanap ko din sya. At dahil wala din alam ang mga kasamahan nya, wala na ako maisip kung saan sya hahagilapin. Para bang sa isang iglap nagising ako sa isang mahabang panaginip.
Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi nya. Nanghina akong bumalik sa kwarto ko. Nag iisip, natutulala, nag aalala. All of sudden, Leandro disappeared.
Naupo ako sa kama ko. Parang kagabi lang katabi ko pa sya at hindi nya ako binitawan. Gumising ako na wala na sya sa tabi ko. At ngayon para syang hangin biglang naglaho.
"Lean.." naluha ako. Once again, a man I loved just left me at ang masakit pa, naniwala ako. Naniwala ako na may tulad nyang lalake na magmamahal sa akin. Like him..
Nakita ko ang coat nya sa couch. Kinuha ko yun at inamoy. His scent remains on it. Niyakap ko yun.
"Huh!" may nakapa akong lamukot na papel sa loob ng bulsa. Kinuha ko yun. Nakita ko ang handwritings ni Lean.. And it was for me.
Dear Reena,
I left because I need to fix myself to be able to give you the life you want. Gusto ko maging deserving para sayo, at para magawa yun, kailangan kong ayusin ang buhay ko. Babalik ako Reena. Nangako ako. And always remember that your the first and only woman I'll loved for the rest of my life.
Bye for now Reena.. I'll come back for you..
Naluha ako sa nabasa. Lean left me without a word. Hindi ko alam kung ano bang pahiwatig nya sa iniwan sulat. Pero kung ano man yun alam kong babalik sya at maghihintay ako.
---
Parang isang panaginip ang dinanas ko habang nakasakay ako ng cruise ship. Pero nawala man si Lean, buhay pa din ang mga naiwan nyang alaala. Including his things na naiwan, our pictures and those night we've shared together. Lahat yun ay hindi madaling mawala lalo at alam ko sa sarili ko na mahal namin ang isa't isa. At pagsubok lang ito.
Sinubukan ko pa din syang hanapin sa buong barko. Hindi ako tumigil, hindi ako nawalan ng pag asa. Hindi na din ako bumaba pa at namasyal. Nawalan na ako ng gana simula ng mawala sya. Hinintay ko nalang na makabalik kami ng Pinas.
Inayos ko ang mga gamit ko sa maleta. Niligpit ang pasalubong na iuuwi ko. At gamit ni Leandro na naiwan sa akin. Hinawakan ko ang DSLR. Saka binuksan, nandoon pa din ang mga kuha nya. Nalungkot ako. At minsan kapag mag isa ako, naluluha ako. Patong patong ang sama ng loob ko, ang lungkot at madaming katanungan sa isipan ko. At tulad nga ng pag akyat ko ng mag isa sa cruise, bababa din ako ng mag isa. Haharapin ang mga problemang tinakasan ko.
---
"REENA!" bumaba ang tanaw ko ng sumigaw ang kaibigan kong si Jaica. Nasa ibaba sya at ako naman nakapila na sa pagbaba ng barko. Masaya sya sa pagkaway sa akin, pinipilit kong kalimutan ang iniwan ko sa barkong yun.
"I've missed you! Sobra!" salubong na yakap ni Jaica sa akin. Hindi nya ako pinakawalan sa mga bisig nya. Nabitawan ko ang hawak kong maleta, isa sya sa mga bestfriends ko at tanging tinawagan ko para sunduin ako. Agad nyang kinuha ang mga dala ko sa isinakay sa dala nyang kotse.
"You look pale? Kumakain ka ba?" she asked me pagkasakay namin ng sasakyan.
"Oo naman. Bakit?" malungkot kong tugon. Hindi na sya nagsalita at nagmaneho nalang. Kaibigan ko sya and the way she look at me, alam na agad nya that there's something wrong about me. Kaya hindi na sya nagtanong pa, because she's waiting for me to talk about it. Pero sa ngayon, magpapahinga muna ako. Hindi pa ako handang magsalita.
"Kamusta sina Mama at Papa?" naisipan kong itanong.
"As usual, at first they're worried sick pero after I told them that you're in a cruise. Kumalma na sila. They're fine." lumuwag ang dibdib ko sa sinabi nya. Oo wala akong paalam ng umalis ako pero nag aalala din ako sa kanila na baka nag emotional breakdown na si Mama. Lalo pa at isang malaking gulo ang nangyari sa kasal ko, tapos bigla pa akong nawala.
Huminga ako ng malalim at baka sandaling gumaan ang pakiramdam ko pero mabigat pa din.
"Were here." hindi ko namalayan ang paghinto ng kotse. Nasa harap na kami ng gate. Lumabas ako habang si Jaica kinuha na ang mga gamit ko. Parang ang tagal kong nawala at napabayaan na ni Papa ang mga tanim nya sa harapan ng bahay.
Binuksan ko ang gate at bago pa man ako makapasok sa bahay, bumukas na ang pinto at sinalubong ako nina Mama at Papa. Niyakap nila ako. At para bang kay sarap na hagkan ka ng pamilyang iniwan mo.
"Nag alala kami sayo, bata ka!" Bulong ni Papa at natawa ako. Pero tumulo ang luha ko habang yakap sila, hindi dahil malungkot ako pero ang bigat na dala ko sa puso ko ay unti unting gumagaan ng makita sila. Namiss ko sila. At guilty dahil hindi ko nagawang mag open up sa pamilya ko sa tunay na nararamdaman ko pero heto ako matapos magpakalayo layo, bumalik pa din sa kalong ng ama at ina ko. Maswerte ako sa kanila.
---
Nasa sala si Jaica at kausap ni Mama habang ako nasa kwarto at nag aayos ng gamit ko.
"Anak." nagulat ako sa pagpasok ni Papa. Ngumiti ako ng makita sya.
"Nag enjoy ka ba sa cruise?" gusto kong sagutin si Papa na oo sobra pero heto may nag iwan nanaman ng panibagong sama ng loob sa akin.
"Opo Pa. Next time kasama ko na kayo ni Mama." natawa sya. Papa's girl ako sa totoo lang. Kaya mas magaan kung sa kanya ako nagsasabi.
"Anak. Kalimutan mo na yun nangyari tungkol sa kasal mo ha. Hindi para sayo ang sira ulong yun."
"Alam ko yun Papa. Salamat." niyakap ko sya. Then iniwan nya na ako para makapagpahinga ako.
"Bie!" tawag sa akin ni Jaica. Kasunod sya ni Papa ng umakyat. Pumasok sya sa kwarto ko.
"How are you?" She asked ng maupo sa tabi ko. Nagdecide akong ipaalam kay Jaica lahat ng nangyari. At least may isa man lang makaalam ng tunay na pinagdaanan ko sa barko. Nag iisip pa din ako ng solusyon para sa problema ko. At yun ay ang iniwan na kahihiyan ng naudlot kong kasal.
"Babalik kana ba nyan sa Cortez?" Cortez Accounting Firm ang pinagtatrabahuhan ko, napaisip ako kung babalik pa ako. After what happened, saksi lahat ng katrabaho ko and even my boss. Nakakahiya nang bumalik.
"Baka magresign na ako dun." bumuntong hininga ang kaibigan ko.
"Reena. You need to move on. Start a new life." sumang ayon ako sa sinabi nya. Yun na din ang plano ko. Ang iwan lahat sa nakaraan saka magsimula.
"I'm here. Sasamahan kita. Basta sabihin mo lang saan mo gusto mag apply." natawa ako. Matagal ko ng kaibigan si Jaica since elementary at hanggang sa tumanda kami. Magkasing edad lang kami, same 27, pareho ng pangarap at gustong maabot sa buhay. Minalas lang dahil mukhang pareho din kaming sawi. Sawi sa pag ibig.
"O sige ihanap mo ako ng trabaho." biro ko sa kanya. Natawa kaming dalawa sa kalokohan namin.
"Pero totoo? Magaling itong Leandro na nakasama mo sa barko?" pilya nyang tanong.
"Magaling?"
"Magaling sa kama!" nagblushed ako sa sinabi nya. Saka sya kinurot sa tagiliran.
"Bunganga mo!" sigaw ko sa kanya habang pinipilit nyang magpigil ng tawa.
"Paano naman kasi, the way you talked about Leandro makes him a damn hot guy.." hindi naman ako tumatanggi. Every night I shared with Leandro is the best.
"Wag ka maingay!" pigil ko sa kanya. Hindi sya tumitigil sa pagtawa sa pamumula ko.
---
Ilan weeks ang dumaan simula ng makabalik ako sa amin. Bumalik sa normal ang takbo ng buhay ko, maliban lang sa ilan issue na hindi pa din tumitigil, tulad ng naudlot kong kasal. At biglaan pagkawala k0.
Tinulungan naman ako ni Jaica na maghanap ng trabaho after ko magresign sa Cortez. Sinubukan kong mag apply sa Filinvest or Manulife.
"Take this oh." inabot ni Jaica sa akin ang isang malamig na bottled water at biscuit. Naligaw kami sa Pasay para mag apply. Ilan kumpanya na din ang pinuntahan namin. Napakainit ng panahon kaya ramdam ang pagod ng mga katawan namin. Basa na ako ng pawis at tuloy ako sa pagpahid ng panyo sa pisngi ko. Ang hirap umattend ng interview na haggard at iniiwasan ko talaga yun.
"Grabe nu. Ang arte ng ibang kumpanya. Kala mo naman kilala." natawa ako kay Jaica. Kanina pa kasi sya iritable sa mga nag iinarteng kumpanya na ayaw tumanggap ng employees. Di dahil sa full sila eh talagang maarte lang.
"Yaan mo na. Tyaga lang." wika ko habang binubuksan ang bag ko. Kumuha ako ng pulbos at sandaling nagpahid sa mukha ko para mabawasan ang init.
Inabot ko kay Jaica ang pulbos matapos kong magretouch.
"Nga pala, do you have any traces of Leandro?" nagulat ako sa tinanong ni Jaica. Ilan araw na akong nagbabad sa mga social media para lang hanapin kung may account ba si Lean. Wala naman tumugma.
"All I have here is just pictures.. Wala akong address nya or number. Ni kahit isang relatives nya wala akong kilala." malungkot kong sagot.
"I hope makahanap tayo ng kahit isang clue about him." sumang ayon ako. Nagdecide na akong tumayo matapos kong mapahinga ang mga paa ko.
"Huhnn.." nawala ako sa balanse ko dahilan para tumumba ako. Nanlambot ang mga tuhod ko.
"Are you okay?" agad na salo ni Jaica sa akin. Hinawakan nya ako sa magkabilang braso ko.
"Nahihilo ka ba?" she asked at tumango ako. Hindi ko alam pero parang ang hina ng katawan ko nitong mga nakaraan araw.
"Umuwi na kaya tayo?" sumang ayon ako. Iba na talaga ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa pagod. Sinamahan ako ni Jaica pauwi. Minabuti nanamin ipagpabukas ang pag aapply.
Sumakay ako sa kotse ni Jaica. Nahihilo pa din ako at para bang naduduwal din ako.
"Maputla ka." nagulat ako sa sinabi nya.
"Kailan pa?" tanong ko. Hindi ko kasi napapansin dahil siguro wala sa sarili ko ang atensyon ko.
"A week ago. Saka nag iiba ang postura mo.." nagtaka ako sa sinabi ni Jaica. What did she mean na nag iiba ng postura? Hindi na maganda ang kutob ko sa nangyayari sa katawan ko. Ilan linggo na din akong ganito simula ng bumaba ako ng barko. Kung stress at lungkot, maiintindihan ko pa. Pero yun madalas kong pagkahilo at pagkaduwal, iba na ang ibigsabihin.
I need to take a pregnancy test.
---
A/N:
Sorry sa typo errors ha. Salamat sa support and dont forget to vote :)