Chereads / Cant Get Enough Of You / Chapter 13 - Chapter Twelve

Chapter 13 - Chapter Twelve

12

Hapon na ako nakauwi galing sa puntod ni Leandro. Hinatid ako ni Anna pabalik sa bahay.. Nakapagkwentuhan pa kami sandali habang nasa loob kami ng kotse.

"Mama!!" Nagulat ako sa sumalubong sa amin sa gate. Nakauwi na ang anak ko.

"Is that my nephew?" Gulat na sinabi ni Anna. Ngumiti ako at pinayagan ko syang yakapin ang bata. Nagulat si Lenard.

"Mama? Who is she?" tanong ng bata paghagkan sa kanya ng Tita Anna nya.

"That's your Tita Anna.." halatang nagtaka pa ang bata sa sinabi ko.

"She's your father's cousin." nang marinig ni Lenard na tungkol sa ama nya, nagalak sya at muling niyakap si Anna.

"Wow! So pinsan po kayo ni Papa! I'm so happy po! To finally meet you po!" Natatawa si Anna habang nagsasalita ang pamangkin. Hindi ko maiwasan malungkot pag nakikita ko ang anak ko na ganun. Desidido na akong sabihin ang totoo.. Ayoko na syang paasahin pa.

"Anak, kakausapin ka ni Mama." niyaya ko ang anak ko sa sala. Hindi sya bumibitaw sa kamay ko habang hawak ko sya. Naninikip na ang dibdib ko.

"Ano po yun Mama?" naupo ang bata sa tabi namin ni Anna. Hindi ko alam saan magsisimula. Paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi sya nasasaktan..

"Uhh-- Lenard.." Tumugon ang bata nang tawagin ko ang pangalan nya.

"Your father .. You know how much we love your father right?" tumango sya.

"Yes po. Gusto ko na po makita si Papa." nagulat ako sa sinabi nya at sabay nilingon si Anna. Para akong sinampal sa sinabi ng bata.

"Well, the truth about.. is.." naluluha na ako habang unti unti ng sinasabi ang totoo..

"The truth is.." I paused.

"Your father will come home!" Nagulat ako sa sinabi ni Anna. Natigilan ako. Anong pumasok sa isip nya at sinabi nya yun?

"Talaga po! Magkikita na kami!!" naexcite ang bata sa narinig at hindi na ako nakapagsalita.

"Bakit mo sinabi yun?" Bulong ko kay Anna.

"Look at your son.. He's so excited to see his father. Ang hirap kung bibiglain natin ang bata, ni hindi man lang nya nakasama ang tatay nya tapos malalaman nya na patay na?" May punto si Anna pero hindi magandang ideya na paasahin pa lalo ang anak ko.

"Nahihirapan na ako Anna." pakiusap ko.

"Mama! When we will see Dad?" nagtanong na ang bata. Wala ako maisagot.

"Ano kasi.." bigla akong siniko ni Anna. Saka sya ngumiti.

"Soonest my very cute nephew. Wait mo lang okay." Ano bang pinaplano ni Anna? Balak ba nyang paasahin ang anak ko?

Matapos nyang kausapin si Lenard, nagpaalam sandali ang bata para gumawa ng mga assignments nya. Inaya ko naman si Anna sa bakuran namin para doon mag usap.

"Bakit mo yun sinabi sa bata?" natatataranta kong tanong.

"Stay calm Reena!" she said sabay hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

"Paano ako kakalma! Paano natin ihaharap ang anak ko sa tatay nya!" bahagyang natawa si Anna at hindi ko maintidihan kung bakit.

"Liam can." nagulat ako sa sinagot nya.

"Sino?" Ulit ko.

"Liam can be the father of Lenard." sa unang dinig ko palang mali na gawin namin yun. Naglihim na ako sa anak ko tapos ano, lolokohin pa namin sya?

"No. Not a good idea.." pagtanggi ko.

"Reena. Think of it. Iparanas mo naman sa anak mo ang magkaroon ng ama. At para magawa yun, we need Liam.. matatanggap ng bata ang katotohanan ng paunti unti pero kung bibiglain natin sya. Tingin mo ba, maiibsan nun ang nararamdaman ng bata? Hindi. Malalaman lang nya ang totoo pero yun sakit dadalhin nya hanggang pagtanda." nalungkot ako. Naiinis ako dahil kailangan itong pagdaanan ng bata. Sana ako nalang ang sumalo ng lahat. Sana hindi na nadadamay pa ang anak ko.

"Reena, lets make Lenard happy before he knows the truth.Please.. Para sa pamangkin ko." gusto kong tumanggi pero sa isang banda, tama sya. Gusto ko din madanasan ng bata ang pagkakaroon ng ama. Kahit panandalian lang.. Kahit sa katauhan ng ibang tao.

"Kung pumayag ako? Paano mo mapapayag ang Liam na yun?" ngumiti sya. At ayoko ng pag ngiti na yun.

---

Nakaalis na si Anna bago pa ang hapunan. Nagpaalam sya kay Lenard at nangakong babalik. Hindi naman magkanda mayaw ang anak ko dahil makakasama na nya ang kikilalanin nyang ama pansamantala. Kinakabahan tuloy ako dahil hindi ko alam ang ugali ng Liam na yun. Iisa nga ang mukha nila ni Lean pero magkaiba naman sa pananalita at pag uugali. Pakiramdam ko, complete difference ni Liam si Lean.

"Pumayag ka?" Nagulat ako sa tanong ni Mama habang sabay sabay kaming kumakain. Natahimik ako sandali. Natatakot akong magsabi dahil baka mali nanaman ang desisyon ko. Napalingon nalang ako sa anak ko na nasa sala at nanonood ng tv.

"Okay lang ba Ma? Para kay Lenard?" Natatakot kong tanong. The last I had my own decision. Nagalit si Mama. Kaya natatakot na akong umulit.

"Anak, magulang ka ni Lenard. Alam mo na ang dapat gawin para sa kanya. Kung sa tingin mo, makakatulong ang plano na yun para madali nyang tanggapin ang lahat, walang problema sa amin." natigilan ako sa pagkain sa narinig. Hindi nakatingin sa akin si Mama habang sinasabi nya yun. Nakatingin lang sa amin si Papa na pangiti ngiti. Ngayon lang nagsalita si Mama sa akin ng ganun.

"Salamat Ma." hinawakan ko sya sa kaliwang kamay nya at sabay ngumiti sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. Nawala ang ilan bigat ng dibdib ko sa sa sinabi ni Mama.

Para sa anak ko, lahat gagawin ko.

---

"What!" Sigaw ni Liam ng ipaalam ni Anna ang napagkasunduan nila ni Reena.

"Ayoko! Hindi nga ako nag asawa para mag anak! Tapos ipapaako mo sa akin yun bata na yun!!" sigaw nya sabay nagdabog na naupo sa upuan nito.

"My god! Stop acting like a child!" sigaw ni Anna at hindi sya pinakinggan ng pinsan.

"Hindi ko pananagutan ang batang yun!"

"At bakit hindi! He's your nephew! Makinig kana man!" Pilit ni Anna.

"He's not my son!" Nagulat si Anna. Tinalikuran sya ni Liam at mabilis itong pumasok sa kwarto nya.

"Liam.." nalungkot sya, at sa isang banda, naiinis. Hindi na sya magtataka kung ganun ang response ni Liam. Para sa kanya, ang pagkakaroon ng tatay ang pinaka walang kwentang nangyari sa buhay nya. Nagkaroon man sya nito, pero hindi nito pinahalagahan ang presensya nya. Sa halip hindi ito naging patas. Kaya ganun na lamang ang galit mya dito. Hindi nya alam paano magkaroon ng ama, at paano maging ama.

"Liam.." Sambit nya.

---

Reena's POV

Nagising ako sa paghatak ni Lenard ng kumot ko. Its weekend kaya wala syang pasok.

"Lenard.." hinawakan ko ang bata sa braso nya saka niyakap habang nakahiga pa ako.

"Mama naman e!" natatawa ako habang pinanggigilan ko sya at hina halikan sa pisngi.

"Saan mo gusto mamasyal today?" malambing kong tanong sa kanya.

"Dito po Mama!" nagulat ako ng ilabas nya ang isang magazine na kanina pala nya hawak. Mabilis nyang pinakita sa akin ang larawan na nasa pahina. Nakita doon ang gusali na pag aari ng Imperial.

"Dyan? Bakit?"

"Kasi po nandyan si Papa." galak nyang sagot. Hindi na ako nakapagsalita. Ayoko sirain ang kagustuhan nya.

"Okay. Pupunta tayo dyan but promise me you'll behave." mabilis na sumang ayon ang bata at lalo syang naexcite na dadalhin ko sya dun. Kailangan ko ng tawagan si Anna about dito. Mukhang hindi ko mapipigilan ang anak ko na pumunta doon.

Naligo ako at nagbihis. Then nasa baba na si Lenard at hinihintay ako. Mabuti nalang nagreply si Anna na sa lobby nalang nya kami kikitain.

"Nak, lets go! Paalam kana kina Mommy La, at Daddy Lo." sumang ayon ang bata at agad hinanap sina Mama at Papa. Nauna na ako sa  gate para hintayin sya. Sandali akong nagtawag ng taxi na masasakyan namin.

Pagkapaalam nya, sumakay kami ng taxi at nagpahatid sa Imperial. Nagsimula nanaman akong kabahan. Ewan ko ba, ganito ako kabahan kapag malapit ako sa kakambal ni Lean. Para bang hindi gagawa ng matino ang lalakeng yun.

---

Sa lobby palang, nakita ko na agad si Anna na mabilis na sinalubong kaming mag ina. Agad nyang niyakap ang anak ko.

"Hi Lenard!" bati nya dito. Sabay humalik sa pisngi nito ang bata.

"I want to see Papa!" sigaw ng bata. Napangiwi ako sa narinig. Ni wala pa nga kaming binubuong plano para sa pagpapanggap ni Liam.

"Anna, paano natin gagawin to?" bulong ko sa kanya habang paikot ikot ang anak ko sa lobby.

"Well, Liam rejected my proposal--" Nagulat ako sa sinabi nya. Paano na!

"What! How about my son! Paano natin ipapaliwanag sa kanya yan!" Nagsimula nanaman akong magpanic.

"Hey. Relax. I have an idea na for sure hindi na makakatanggi si Liam." nagulat ako. Hinatak nya ako sabay kinuha si Lenard at inaya kaming sumakay ng elevetor. Hindi ko alam ang nasa isip ni Anna pero sa tono nya kanina sigurado syang mapapapayag nya si Liam.

"Ano bang plano mo?" bulong ko sa kanya habang magkatabi kami sa loob ng elevator.

"Liam is having a presscon now." nagtaka ako. Ano naman ang kinalaman nun dun?

"And then what?" Hindi nya na ako sinagot ng magbukas ang elevator. Agad nya akong hinatak at ganundin ang bata. Nagmamadali kaming takbuhin ang hallway para siguro abutan ang presscon na yun.

Sa isang pintuan sa hallway, naririnig ko na ang ingay ng mga reporters na nagsisipag unahan sa pagtatanong. Then narinig ko ang pamilyar na tinig mula kay Liam. Huminto kami. Then sandaling kinausap ni Anna si Lenard habang nakatayo lang at pinagmamasdan si Liam na sinasagot ang mga katanungan ng press.

Muli ko nanaman nakita si Lean sa katauhan ng kakambal nya. Hindi ko sya maiwasan mamiss. Lahat ng meron sa kanya at ngayon nakikita ko ito sa kapatid nya. Para tuloy gusto kong yakapin si Liam at isipin na sya si Lean. Gusto ko sya ulit mayakap.

"Wait us here." said Anna na hindi ko naman agad narinig. Nakatuon na kasi ang atensyon ko kay Liam. Hindi ko namalayan na pumasok sila sa loob ni Lenard.

And out of sudden..

"Papa!!" nagulat lahat ng tao sa paligid at ganundin ako na natulala ng sumigaw ang anak ko sa harapan ng stage kung saan nakaupo si Liam.

Nagsimula ang bulungan sa mga reporter.

"What the! Anna! Why is that kid doing here!" narinig kong sigaw nya sa pinsan na hawak ang anak ko.

"Anak mo ito Liam! Bakit hindi mo panindigan ang bata!" Mas nashock ako sa sinabi ni Anna. Parang gusto ko ng bawiin si Lenard dahil alam ko gulo ang mangyayari.

"I dont have a kid!" pagkakaila ni Liam at nagsimula na syang dumugin ng katanungan.

"Mr. Imperial! Is that true! May anak kayo! At kanino naman?"

"Sir Liam! Bakit hindi nyo kilala ang sarili nyong anak!"

"Mr. Imperial! Sino po ang ina ng bata? Is it one of your rumored girlfriends?" hindi na sya tinigilan ng press. Napilitan ang mga guards na harangin ito. Nilapitan ko si Lenard at si Anna.

"Lets go!" yaya nya sa akin bago pa kami dumugin din ng reporters. Dinala nya kami sa opisina nya para dun magtago. Nakahinga ako ng maluwag.

"Bakit mo ginawa yun!" sigaw ko ng kumalma ako.

"Its the best way para mapapayag natin si Liam!" Katwiran nya.

"Paano ang anak ko! Makikilala sya pag nagkataon! I mean you let my kid shout out during a presscon!" natawa sya at nainis ako.

"Thats good! Malalaman ng karamihan ang identity ni Lenard at malalaman din na tatay nya si Liam. My cousin would never wanted to affect his business life because of this and I'm sure gagawa sya ng paraan para maayos ito. Including the guardianship of his nephew." mas kilala nga naman nya ang lalakeng yun pero hindi pa din ako kumbinsido sa sinabi nya.

"Hey. Trust me with this." she said sabay tinapik ako sa balikat. Napalingon ako sa anak ko na nakatingin sa aquarium sa opisina ni Anna. The way he looked at Liam kanina. Naniniwala sya na tatay nya nga iyun. Pero bakit ganito, natatakot ako. Natatakot ako sa papasukin ko.

Para bang, mahuhulog nanaman ako sa sarili kong bitag..

---

Sorry for late updates :)

Expect some error.