Chereads / Cant Get Enough Of You / Chapter 18 - Chapter Seventeen

Chapter 18 - Chapter Seventeen

Reena's POV

Nakasimangot akong pumasok ng kwarto. Kahit kailan talaga, hindi na magbabago ang sira ulo na yun. Binaba ko ang gamit ko saka nagbihis. Naalala ko na need pala nya ang vitals ko. Kumuha ako ng piraso ng papel saka sinulat dun. Bakit pa kasi sya bibili ng damit ko, pwede naman ako? Ngayon kailangan nya pa ang sukat ko.

Matapos kong nagbihis ng plain shorts at blouse. Lumabas na ako para hanapin si Lenard. Narinig ko sya sa kwarto nya na naglalaro.

"Hey!" nagulat ako sa tawag ni Liam sa akin. Kasabay ko syang papasok sa kwarto ng bata. Pero hinarang nya na agad ako.

"Bakit nanaman!" sigaw ko sa kanya.

"Your vitals!" pagpapaalala nya. Kinuha ko sa bulsa ko ang isang pirasong papel saka inabot sa kanya.

"Wow!" tumaas ang isang kilay ko sa narinig.

"You have a perfect body. 36-25-36." he grins while reading it.

"Ewan ko sayo." sabay bukas ng pinto ng kwarto ng bata at iniwan ko na sya. Nakita ko si Lenard sa kwarto at nagbabasa. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang bata. Niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi.

"Mama! Naglaro po kami ni Papa ng games." kwento nya habang nakayakap ako sa kanya.

"That's good." ngumiti ako.

"Mama." tawag muli ng bata sa akin.

"Yes anak?"

"Do you love Papa?" nagulat ako sa tanong nya at sandaling napaisip sa isasagot ko.

"Of course I love your Papa. So much.." bigla nalang akong nalungkot habang sinasabi yun. Bigla ko kasing naalala si Leandro. I missed him so much. Kung sya lang ang narito ngayon. Napakasaya ko. Pero heto umaasa ako sa isang tao na magbibigay ng atensyon sa anak ko.

"Mahal ka din daw ni Papa, Mama." napatingin ako sa bata habang sinasabi yun. Ngumiti ako. At lalong humigpit ang yakap ko sa bata.

"Yes. Alam ko anak."

---

Sa pangatlong gabi sa bahay ko na yun, as usual, magkatabi nanaman kami but nasa kwarto na kami ni Liam. Ayoko kasi mahuli kami ng bata. I know Lenard, once mahuli nya kami, magtatanong at mag iisip na ang bata.

"Dito ako matutulog mamaya." said Liam habang inaayos na ang couch na hihigaan nya. Sumang ayon ako. Pero sa laki ng kama nya, kakainin lang ako nito. Pinagmamasdan ko sya habang nanonood pa sya ng tv.  Wala syang on top clothes at tanging naka boxers lang sya. Its true that he can intimidate any woman by his appearance. At isa na ata ako dun. Pero hindi ako magpapahuli sa kanya. Anna said that Liam just take things for granted lalo sa mga babae.

"I have a question for you." nagulat ako sa bigla nyang pagsasalita. Hindi kasi sya nakalingon sa akin at sa halip nasa pinapanood nya ang atensyon nya.

"What is it?" nacurious kong tanong.

"How did you just fall inloved to a man you just met?" Nagulat ako. I know na tinutukoy nya ang kakambal nya.

"Is this about Leandro?"

"Yeah. I know my twin brother. He never fall inloved because ang tanging nasa isip lang nya is his dream to be a photographer.. " Nagulat ako sa sinabi nya.

Napaisip ako sa isasagot.

"We just felt. Hindi ko maeexplain because bigla ko nalang naramdaman. Saka its all of a sudden and I didn't expect na mahuhulog ako sa kanya because nagpunta ako ng cruise to forget." then nilingon nya ako ng marinig yun.

"What happened?"

"Well. Someone ditched me on the day of our wedding." that time narinig nya yun. Natahimik na sya at hindi na sumagot. But I felt his anger habang tahimik syang nanonood. Hindi ko na din sinundan ang sinabi ko at nagpaalam na akong matutulog. He keeps his silence hanggang sa makatulog ako.

---

Nagising ako sa ingay ng alarm clock. Bumangon ako na medyo inaantok pa. Wala na si Liam sa couch at nakaayos na din ang kumot at unan na ginamit nya. Bumaba ako ng kama para maghanap ng susuutin. Lumabas ako ng kwarto ni Liam at lumipat sa kwarto ko.

"Mam!" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Jio.

"Ginulat mo ako!" sigaw ko sa kanya sabay napakamot sya sa batok nya.

"Sorry po. Hinatid na po ni Sir Liam si Lenard." nagulat ako saka nag isip kung anong oras na ba at maaga pumasok si Lenard.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Its almost 7am na po." napahawak ako sa noo ko.

"Inasikaso ba ni Liam si Lenard?" tumango si Jio. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko pababayaan nya ang anak ko makakatikim talaga sya sa akin.

Nagpaalam na ako kay Jio para maligo at magbihis. Nagpahintay nalang ako sa kanya sa sala.

---

Liam's POV

Matapos ko ihatid ang bata sa school nya, dumiretso agad ako sa Ayala para umattend ng meeting. Isang oras din tumagal ang pakikipagsundo ko sa bagong investor ko na si Mr. Ishida. Isang Japanese Businessman na hawak ang ilan sikat na casino sa bansa. Balak nyang makipag negosasyon sa akin tungkol sa pagpapatayo ng isang casino sa Makati.

"This are the guests sa nalalapit na party this Friday." nilapag ni Anna ang isang folder ng mga dadating na bisita sa The Bachelors Party. Binuksan ko yun at binasa.

"Uh- Anna. You haven't told me about Reena's past.." naisipan kong itanong. Kagabi pa ako nag iisip kung totoo nga ba na iniwan sya ng lalakeng pakakasalan nya. Dahil kung totoo, I will hunt him down.

"Ah yun ba. Yeah. Well, Leandro told me about that. Its true Reena left by his groom on the day of their wedding. Kaya nga sumakay sya ng cruise to forget e, and to also reduce the pain." Nagulat ako sa sinabi ni Anna. I know I'm a hundred percent playboy pero pinipili ko ang babaeng paglalaruan ko, mga babaeng hindi tatagal sa commitment because they just want something from me. Money? Fame? Me? That's all they want. Hindi ko sila nakikitaan ng pagmamahal that's why I choose to take them for granted. Pero ang saktan ang isang babae at iwan sa mismong kasal nila, ibang usapan na yun. Hindi ko pa lubusan kilala si Reena pero sa ilan araw na nakakasalamuha ko sya sa bahay. I think she's a good woman and a mother. Lenard is a smart kid. And humble too. Kaya hindi nya deserve ang ganun pang iiwan sa kanya.

"Nagkita na sila? What I mean her ex?"

"I guess not. Reena told me na never na nagpakita ang lalake matapos syang iwan." nainis ako sa sinabi ni Anna.

"Tell me that jerks name and I'll hunt him down." matigas kong sinabi saka huminga ng malalim. Hindi ko alam na may ganun pinagdaanan si Reena. Siguro nakita yun ni Leandro when they've met. Hindi na nga ako magtataka why he fell inloved to her. Leandro always saw something special sa isang tao na hindi nakikita ng iba. And he knows that, he always knew that I'm something capable with rather than sumunod sa yapak ni Papa. He always give me support na hindi ko man lang binigay sa kanya. What a pathetic brother I am. At hanggang sa namatay sya hindi ko nabigay ang dapat sa kanya.

"Nga pala, give this to Reena. Nakapamili na ako ng isusuot nya." nagulat ako sa binigay na kahon ni Anna.

"Is this her dress?" binalak kong buksan ang kahon pero pinigilan nya ako.

"Why!" angal ko.

"No uh! Uh! Don't open it unless you see her wearing the dress." nagsalubong ang kilay ko.

"Ayoko ng panget na damit ha!" sigaw ko kay Anna.

"Of course. Trust me. She'll be the eye of the ball.." ngumiti ako.

"Very good." sagot ko.

---

Reena's POV

Half day lang ang pasok ko kaya maaga ako nakabalik ng mansyon. Nag iisip na ako kung anong pag aayos ang gagawin ko sa Friday night. Hindi naman kasi ako sanay sa malakihan party. Nasa kamay ko ang isang black invitation. Nakalagay sa harapan "The Bachelor's Party" dito ipapakilala ang ilan sa pinaka nag outstanding na Business Tycoons sa bansa. Isa na dito si Liam at pumapangalawa sya kay Mr. Reynoso. Isang batikan negosyante. Well, amazed na din ako dahil kayang sumabay ni Liam sa mga negosyanteng may matagal ng inambag sa industriya. Yet Liam, on his 30's still napapabilang sa Top 10 Richest Man sa bansa.

Sa bahay na ako kakain ng lunch. Then balak kong sunduin ang bata sa school nya. Habang si Jio dumiretso muna sa Imperial para magreport kay Liam. Pagkatapos ko magbihis, nagpunta agad ako ng kusina para maghanap ng lulutuin.

"May kailangan po kayo?" nagulat ako sa matandang nakatayo sa may harapan ng stove. Isa sya sa mga piling katulong sa bahay nila Liam. Sa edad nya siguro mukhang matagal na syang nagtrabaho dito.

"Kakain po sana ako." paalam ko at ngumiti sya. Nagluto pala ito ng pagkain kaya mukhang di ko na need magluto. Hinainan nya ako ng mga pagkain.

"Ano pong pangalan nyo?" naisip kong itanong habang kumakain.

"Manang Caring nalang." ngumiti ako.

"Matagal na po kayo dito?"

Nag isip ang matanda bago sumagot.

"Pinagbubuntis palang ang kambal, katulong na ako. Ako pa nag alaga kina Sir Lean at Sir Liam." nagulat ako at same time natawa.

"Na iimagine ko na nga po gaanu kakulit alagaan ang kambal."

"Oo nga po. Saka kamukhang kamukha po ni Sir Lean si Lenard." natawa ako.

"Talaga po."

"Nagpapasalamat nga po kami at dumating kayo dito sa bahay. Kayo at ang anak mo. Umuuwi na si Sir Liam dito." nagtaka ako sa sinabi nya. Did she mean na hindi dito talaga umuuwi si Liam?

"Hindi sya umuuwi dito?" Malungkot na umiling ang matanda.

"Matagal na pong iwas sa pamilya si Sir Liam. Sya lang po sa kanilang kambal ang ganun. Magkaiba po kasi sila ni Sir Lean." nagsimula na akong macurious behind the twin's past. Bakit ganyan ang ugali ni Liam? Imposible naman na kinalakihan nya ito.

"Bakit po?" Sunod kong tanong.

"Si Sir Arman po, ang tatay nila. May pinapaboran sa kanilang dalawa. At yun ay si Sir Lean. Kaya parang lumayo ang loob ni Sir Liam sa tatay nya. At masama pa nito, dinala nya na ito hanggang paglaki. Lahat ng atensyon nasa kapatid nya. Habang sya wala. Walang may paborito sa kanya maliban sa akin dahil ako ang madalas nyang kasama." nalungkot ako sa narinig. Liam is alone.. Alone even he had a family.

"Masayahin po yan si Sir Liam. Pilyo, makulit at mapang asar pero mabait po sya. Sana po wag nyo syang pagsawaan intindihin. Lalo na po ngayon na may kasama na sya." hinawakan ng matanda ang mga kamay ko. Mahal nya si Liam na parang anak anakan nya. Nakikita ko sa mga mata ng matanda ang tindi ng lungkot na nararamdaman nya habang nakikita nya ang alaga nyang nasasaktan at mag isa. The same way kung paano ko nakita ang anak ko na umiiyak habang binubullly sya ng ibang bata. Masakit. But Liam just survived on his own. Kaya sya ganito ngayon. He doesn't want responsibilities because he doesn't know what to do. He's scared.

"Opo. We will stay with him." sagot ko. Ngumiti ang matanda. Pinagpatuloy ko na ang pagkain.

---

Sinundo ko ang anak ko sa bago nyang school. He has new friends na nakita kong kasabay nyang lumabas ng classroom. Then nagtatakbo sya ng makita ako sa gate at naghihintay sa kanya.

"Where's Papa?" Agad nyang hinanap si Liam.

"He's still at work, saka uuwi daw sya ng late kaya we need to eat early." tumango ang bata. Kinuja ni Jio ang dala kong bag then he escorted us pasakay sa kotse.

Pagdating sa bahay, nagbihis agad si Lenard ng pambahay bago sya tumakbo papuntang kusina para kumain. At dahil maagang nagpaalam si Liam na malelate sya sa pag uwi. Pinayagan ko na sya. Baka sabihin nya sinasakal ko sya masyado.

"Mama." nagulat ako sa tawag ng anak ko.

"What is it?" then bigla nya akong sinubuan ng cake sa bibig ko. Natawa sya habang pinipilit kong lunukin ang sinubo nya.

"Why you!" nagtatakbo sya ng binalak ko syang habulin. Dala dala nya sa kamay nya ang tinidor na may nakatusok pang cake. I just heard his laughing habang tumatakbo. At di ko maiwasan matawa sa ginagawa namin.

---

"This is the guy's name." said Anna ng makabalik sya sa opisina ni Liam. Katatapos lang ng last meeting ng pinsan nya. At medyo nagpapahinga na ito.

Kinuha ni Liam ang isang document na inaabot ni Anna sa kanya.

"Joseph Tolentino." he whispered sabay gumuhit ang kakaibang galit sa mukha nya.

"Saan ko makikita ang taong to?" he asked.

"Well, balita ko, this guy is one of your guests in the Bachelor's Party." nagulat si Liam.

"What!" Gulat nya.

"Yeah. Asawa sya ng anak ni Cong. Torres." ngumiti si Liam.

"That's a good tyming." nagulat si Anna.

"Anong balak mo?"

"Make that jerk pay for what he done to Reena.. "

"No. Don't make a scene sa party!" paalala ni Anna. Natawa si Liam.

"Hindi ako ang gagawa ng gulo. Just a little."

---

Expect some errors :)

Sorry for late updates .