Nagsasalita ang host para sa next part ng event. The dance.. At dahil inuna muna ang pagseserve ng pagkain, nagsimula na din akong kumain.
Nakita ko si Liam na nakatayo at kausap ang ilan kilalang tao mula sa kabilang table habang ako naiwan lang para kumain at makinig sa kanila. Ano nga naman ang alam ko sa mga pinag uusapan nila? Its just all about business. Huminga ako ng malalim.
Nakaserve sa table namin ang ilan pagkain. Naalala ko tuloy nung pagsakay ko sa cruise, mga domestic food ang kinakain ko. Kinuha ko ang fork and bread knife para gamitin. Nag isip pa ako paano ko sisimulan kainin ang nasa plato ko. Nilingon ko ang mga katabi ko at sinubukan kong gayahin ang ginagawa nila.
"Hello." nagulat ako sa lumapit sa akin, katabi ko sya from my left side. Sa pagkakatanda ko sya si Andro Recto. From Senator Ralph Recto relatives.
"Umm.. Hi." I smiled. Nahihiya akong tumingin sa kanila, pakiramdam ko hindi ako babagay sa lugar na yun.
"The food is great right?" he asked at sumang ayon ako. Masarap naman talaga.. Nahihirapan lang akong kumain dahil hindi ko alam kung papaano ako kikilos.
"We heard that your Liam's wife?" nagulat ako sa isang babae na nag approach sa akin. She's Jillian Montellano.
"Ah oo." sagot ko.
"You look very nice. No wonder kaya nahulog sayo si Liam." nakangiting wika ni Jillian.
"Salamat."
"Basta wag ka magpapatalo sa mga girls na nakapaligid kay Liam." nagulat ako sa sinabi nya.
"Ako?" tumango si Jillian.
"We all know that Liam is a heartbreaker. Madami na syang pinaiyak na babae. Madami na din naghabol dyan kaya were so happy that he's totally disciplined by you. Mukhang nagbabago na sya, right Andro?" natawa ang katabi kong binata.
Madami silang kinwento about Liam habang sabay sabay kaming kumakain. Schoolmate pala ni Andro si Liam nung nag aaral sila ng Public Administration sa UST then sabay din kumuha ng Major of Entre. Habang si Jillian at Liam magkasosyo sa isang real estate business.
Wala ako ibang narinig about sa kanya kundi ang pagiging womanizer nya. Pero he doesn't want to be committed kaya nagulat sila ng biglang nag asawa sya at may anak na. Malayong malayo sa pagkakakilala nila dito.
Matapos namin magkwentuhan. Namahinga ako sandali para sana kumuha ng maiinom sa wine bar nila. Nakakita kasi ako ng bartender na nag eexhibition habang naghahalo halo sya ng mga inumin. Gusto ko manood sana bago pa ako hatakin ni Liam para ipakilala sa mga kasamahan nya. At alam ko mauubos na ang oras ko pag nagkataon.
"I'll be right back." paalam ko sa mga kasamahan ko sa table. Lumakad ako across the tables bago marating ang wine bar. Then..
Ah!
Nagulat ako sa bumangga sa akin. Mabuti nalang hindi ako natumba at nakabalik sa postura ko.
"Sorry!" mabilis kong sinabi then nilingon ko ang nakabangga sa akin.
"What the.." hindi ako makapagsalita. I saw Joseph.. And suddenly biglang pumasok sa isipan ko lahat ng sakit at kataksilan dinulot nya sa akin. From knowing he had another girl and leaving me on the day of our wedding. And left without any reason. Lahat bumalik..
"Reena?" he whispered. Napansin kong natakot sya ng makita ako. He grabbed me on my wrist.
"Don't touch me!" galit kong sinabi sabay agaw ng braso ko.
"Why are you here! At paano ka nakapasok dito!" nainis ako sa mga tanong nya. After what happened, sya pa talaga may gana magtanong. Hindi nya man lang ioopen up yun ginawa nyang pag iwan sa akin 6 years ago.
"How dare you to ask! Ikaw itong nawala sa mismong araw ng kasal natin.." nanggigil ako sa galit. Gusto ko syang suntukin.
"Reena. Kung pumunta ka dito para guluhin kami. Don't you dare .. Dahil iiutos kong palabasin ka dito." at may gana pa syang magbanta!
"Wala akong dahilan para guluhin ka. I just want your explanation of leaving me!." pilit ko sa kanya but he refuse fo answer.
"Lets get you out of here.." he whispered saka mahigpit akong hinawakan sa braso ko.
"Let me go!" halos kaladkarin nya na ako palabas ng event hall.
"Stop it.." bulong ko but he never stopped on dragging me.
"Hindi ka nababagay dito Reena." nagulat ako sa sinabi nya. What does he mean by that? Wala akong karapatan tumayo sa ganitong lugar.
Naluluha na ako at gusto kong magtatakbo. Matapos nya akong iwan, saktan, may gana pa syang insultuhin ako..
HEY!
Nagulat si Joseph sa narinig. Hindi na ako makapagsalita. Natahimik na ako ng marinig sa kanya yun.
"Reena!" then nagising ako bigla when I heard Liam's voice. Nabitawan ako ni Joseph then saka ako sinalo ni Liam on his arms. I felt relief ng magdampi ang mga balat namin.
"Who are you?" asked Liam to him.
"Paano mo nakilala si Reena?" nagtatakang tanong ni Joseph.
Liam grins and give him a glare.
"Reena is my wife." matigas nyang sagot sa kaharap. Gumuhit ang pagtataka at pagkalito sa mukha ni Joseph.
"And of course, malabo naman hindi mo ako kilala.." said Liam.
"I know you. Your Liam Imperial.. The CEO and founder of Imperial Industries." ngumiti sya ng marinig yun.
"Kilala mo pala ako.." then he start to observe Joseph's expressions. Sa tono ni Liam, may mga laman ang bawat salitang binibitawan nya. Makes him nervous and unable to comprehend.
"How did you? I mean naging asawa mo si Liam Imperial?" nalilitong tanong ni Joseph.
"What a simple question.. Of course, no man can easily avoid her charm.. She's a total package. At magsisisi ako kung pakakawalan ko pa ang babaeng ito. She just made me madly inloved with her." Nagblushed ako sa sinabi nya.
"So why are you holding my wife as if parang nilalayo mo sya sa lugar na to. Are you hiding something?" he begin to harrass Joseph with his questions.
"I'm just uhh--" Hindi na sya makasagot plus Liam is intimidating him. Lalong nagpapaconfused sa kanya para sumagot.
"Wala kang karapatan hawakan ang asawa ko na parang naging kayo noon." nagulat ako sa sinabi ni Liam. I tried to stop him pero he just smiled at me.
"Reena is.." Joseph paused.
"Is what?" tanong ni Liam. "This lady here is all mine. And I don't want to see anyone hold her nor touch her. Especially you." he just emphasize the word "you".
"And for all I know.. Hindi nya din gugustuhin hawakan sya ng isang tulad mo. Be disgusted on yourself Mr. Tolentino.. You have a wife.. Bakit hindi yun ang pagtuunan mo ng pansin? Not mine." Halatang napahiya si Joseph. Dahil hindi na sya makakatwiran pa.
"Or gusto mo pang sabihin ko sa asawa mo na, you have your own agenda to take care of with." Ngumiti si Liam.
"Liam.." pigil ko sa kanya.
"I know Babe. Let's go. Masisira lang ang gabi mo sa lalakeng ito." he said at hinawakan ako sa bewang ko. Tinalikuran namin si Joseph and left him. Nakahinga ako ng malalim when we reach the wine bar. Naupo ako.
"Bakit mo hinayaan na sabihan ka nya ng ganun?" galit na tono ni Liam.
"Hindi ko alam." sagot ko.
"Reena. Wala kang ginawang masama sa kanya so why don't you defend yourself?" Yumuko ako.
"I'm sorry. Akala ko handa na akong harapin sya." naluluha na ako. Then hinawakan ako ni Liam sa magkabilang balikat ko then slowly he touch my lower chin and lift it up on the same level of his face.
"Reena.. Kaya ako nandito. So if you can't do things alone.. I'm here to help." ngumiti sya at biglang nabura ang confusions at takot ko sa sarili ko.
"Makinig ka. Wala syang karapatan lapitan o hawakan ka. Sinayang nya ang pagkakataon, na makasama ka. At ngayon, nakuha ko ang swerte na pinakawalan nya."
"What do you mean?"
"Letting you go was his biggest mistake.." nagblushed ako. Then my hearts beats fast na parang bang tumatakbo ako sa isang sprint race.
"And having you now is one of the best things that happens to me.. So treasure it.. And start to erase those memories na iniwan sayo ni Joseph. He doesn't deserve you.. And you don't deserve that jerk." ngumiti sya at sandaling pinahid ang luha sa mga mata ko.
"Lets enjoy the party okay." sumang ayon ako then nagsimula na syang umorder ng maiinom namin sa nagsasayaw na bartender. Namutla ako at para bang tumigil ang oras ng marinig ko sa kanya ang mga salitang yun. After he gave this amazing dress and giving the opportunity na mapabilang sa isang malaking event na gaya nito, now.. He just make me feel so special.. Like a diamond.. Rare to be seen.. Rare to be found.. A precious thing..
---
Nagsimula ang second part ng event and that is the dance. Pinaunlakan ng mga bisita na simulan ni Mr. Henry Sy ang sayaw by choosing his partner on the crowd.. Luckily, napili nya si Ms. Joanne Hermosa one of successful business woman in current industry. After that, nagsimula na din mamili ang mga kalalakihan ng maisasayaw nila. Nanatili ako sa kinauupuan ko. Pinanonood ko sila habang nagkakasiyahan.. Hinawakan ko ang kanang paa ko na may namuo ng paltos sa bukong bukong nito. Hirap kasi akong magsuot ng matataas na heels at dahil wala naman akong choice. Pinilit ko nalang..
Hindi ko makita si Liam pero mukhang okay na din na sandali syang mawala. Up to now, hindi pa din kumakalma ang dibdib ko. I don't know why pero.. natatakot na akong nasa paligid ko sya.. Hindi ko alam kung acting ba talaga yun? The way he looked at me, parang totoo lahat at ayoko umasa. After all, this is just an agreement, para sa iniingatan nyang pangalan. Bakit ko ba binibigyan ng ibig sabihin ang mga nangyayari?
Huh!
Nagulat ako ng makita si Joseph na kasayaw ang asawa nya. Nalungkot ako. I wish Leandro is here.. pumikit ako at inalala sa diwa ko si Lean..
Then..
Napadilat ako.
"No.." I was trying to remember Lean's face and Liam just appeared. Mabilis kong kinuha ang isang goblet na may laman tubig at ininom ko yun.
"Mali ito." Tumayo ako sa kinauupuan ko. Then naghanap ng lalabasan para makahinga ako ng maayos. Sinalubong ko ang iba't ibang tao na patungo sa dance hall. I need air..
Hi!
Nagulat ako when someone grabbed my arm.
"Ah? Who are you?" isang lalake ang naka royal blue tuxedo ang umagaw ng atensyon ko. Mahigpit nya akong hinawakan sa braso ko.
"I'm one of the guests.. you just caught my eyes you, gorgeous.." Kinabahan ako. He's just raping me the way he looked at me from bottom to down.
"I have a partner." Pinilit kong makawala sa kanya.
"No. No. You can't just ignore me." sa tono ng lalakeng ito. Lasing sya. Taken too many whiskeys.. nakakasulasok na ang amoy nyang alak at ganundin ang hininga nya.
"Tigilan mo ako." Pagpipigil ko pero hinatak nya ako palabas ng pintuan. Kinabahan na ako. Walang makapansin ng ginagawa nya dahil lahat ng tao nasa dancehall ang atensyon.
"Let's have a night together." nagulat ako.
"Bastos!" sinampal ko sya pero hindi sya natinag at lalo syang naghadali na hatakin ako palabas.
Wala na kong maisip.. Kailangan ko si Liam or else baka mapunta pa sa iba ang balak gawin sa akin ng lalakeng to.
"Your so damn sexy. Can't resist your seducing body.." He whispered as he caress my left cheek. Napalunok ako. I need help..
LIAM!!
Sigaw ko then..
BLAG!!!
Nagulat ako ng bumagsak ang lalakeng nanghaharass sa akin, nabitawan nya ako. Namuo ang isang sugat dahil sa malakas na suntok na lumapag sa kabilang pisngi nya.
"Good thing you called my name.." Nagulat ako sa sinabi ni Liam. Mahigpit nya akong hinawakan sa bewang ko at halos mapayakap ako sa kanya.
Nagsilapitan sa amin ang ilan guards ni Liam.
"Send this guy to prison.. He's harrasing my wife." utos nya at agad nilang kinuha ang lalakeng nahilo na sa malakas na suntok ni Liam. Sandaling nagulantang ang mga tao pero agad din bumalik sa momentum ang party ng ilabas na ang lalakeng nanggulo.
"I told you to just stay by my side." mahigpit na bilin ni Liam. Hinawakan nya ang kamay ko. Hinatak nya ako pabalik sa upuan namin.
"Aray.." Mahina kong usal ng makaupo kami.
"Did he hurt you?" umiling ako. Then tinaas ko ang paa ko.
"Oh. May paltos kana." tumango ako. Kinuha nya ang paa ko then he massage the part na may sugat na. Tinanggal nya ang heels ko.
"Bakit mo tinanggal?"
"I told you to wear not to force yourself to.. ayoko ng hindi ka komportable kaya mabuti pang tanggalin mo nalang.."
"Paano ako makakalakad?" hinatak nya ang isang paper bag mula sa ilalim ng table namin. Then nagulat ako sa flat shoes na nasa loob nun. Kinuha nya iyun at isinuot sa paa ko.
"I bought a pair of it in case you need one." then he smiled at inayos ang laylayan ng dress ko bago sya tumayo. I never thought he's like this gentleman.. akala ko pilosopo at pilyo lang sya.
"Wanna dance?" Bigla nyang tanong then I got speechless.
"Ah . I can't dance.." Sagot ko. Pero kinuha pa din nya ang kamay ko.
"Same as me. Then let's try out new things,together .. including dancing." natawa ako. At pumayag na ako sa gusto nya.
Tama sya. Bakit nga ba hindi ko subukan?
---
Expect some errors :)
Dont forget to vote.