"ANNA! ANNA! Where are you!!" Nagulat kaming mag ina sa pagpasok ni Liam sa opisina ni Anna. Sandali nya kaming iniwan para dalhan kami ng makakain. Natulala ako ng pumasok sya. Galit na galit sya.
"Papa!" tumayo ang anak ko saka sinalubong si Liam at niyakap ito.
"Lenard!" tawag ko sa anak ko para pigilan pero naiinis ako dahil nakikita ko syang masaya sa pagdating ni Liam.
"Stop it! You're not my son!" sigaw nya saka pilit hinatak ang anak ko palayo sa kanya. Halos magsalubong ang kilay ko sa nakita. He just grabbed my son. Bahagyang nasaktan ang bata sa paghila at paghawak nya dito.
"Wala kang karapatan saktan ang anak ko!" sigaw ko sabay hawak sa kamay nya.
"You again! How dare you to touch me!!" hinatak nya ang kamay nya dahilan para mawala ako sa balanse at mapaupo. Sa laki nyang tao, madali lang para sa kanya ang hatakin at pabagsakin ako.
"Wala kang modong lalake ka!!" sigaw ko at tumayo ulit saka sya inabot para hatakin. Hindi ako magpapatalo sa kanya dahil lang sa matangkad sya.
"Hindi ko anak ang batang yan!!" sigaw nya at nagulat ako. Sabay lumingon sa bata na pinanonood kami. Naluha sya at para akong nanlambot habang nakikita yun.
"Mama.. Mama.. Hindi ko sya Papa." Wika nya habang nagpipigil ng luha. Namuo na ang galit ko kay Liam.
"Your nothing compared to Lean!!" sigaw ko kay Liam at..
SLAP!
Isang sampal ang pinakawalan ko sa kanang pisngi nya. Hindi sya nakapagsalita. Pinuntahan ko ang anak ko at niyakap ito. Pinatatahan ko sya sa pag iyak.
"Dont cry, Lenard. I'm sorry." naluha na din ako. Nahihirapan ako whenever I see my kid crying dahil lang sa wala syang ama. And then I just remember ang hirap na dinanas ng anak ko sa mga taong patuloy syang kinukutsa dahil sa hindi pagkakaroon ng kumpletong pamilya. At yun sakit na marinig nya sa iba na isa akong disgrasyadang babae. Lahat yun inaabsorb nya sa ganun edad nya. At hanggang ngayon hindi ko maibigay ang kaisa isang hiling ng anak ko. Ang makasama ang ama nya at sa halip binigyan ko sya ng huwad na pag asa. Naiinis ako sa sarili ko. I told to Lean na poprotektahan ko ang anak ko pero heto mahina ako. At ngayon, tuluyan ng malalaman ni Lenard na nagsinungaling ako sa kanya.
"Lets go!" binuhat ko ang bata saka mabilis na lumabas ng kwarto. Ni hindi ko tinignan si Liam o nagsalita bago kami makaalis. Wala syang awa sa anak ko. Wala syang modo. Wala syang pakealam sa pamangkin nya. Anong klase syang tao!
Nagmadali akong lisanin ang gusali na yun. Hindi na ako nagpaalam pa kay Anna. Agad kong isinakay ang anak ko na hindi pa din tumitigil sa pag iyak.
Mabilis kaming umalis.
---
"Sir Liam! May naghahanap po sa inyo?" Nagulat ang binata sa pagpasok ng private investigator. Dala nito ang isang folder saka nilapag sa table ni Liam.
"This are the results." wika ng lalake at naupo sya saka naghintay na buksan ni Liam ang laman.
"God." nasambit nalang nya ng mabasa ang laman ng resulta ng DNA. 99.9% positive na magkadugo sila ni Lenard. At anak nya ng kakambal nya ito.
"This is bullshit!!" sigaw nya saka tinapon ang folder. Nagulat ang lalakeng kaharap nya.
"Sir?"
"Call my lawyer now!" sunod nyang sigaw na agad sinunod ng lalake. Nagtatakbo ito palabas ng opisina nya. Naiwan si Liam na wala pa din reaction sa nalaman.
"Ano bang gulo ito!" he said saka hinawakan ang noo nya. Huminga sya ng malalim.
---
Reena's POV
Tumigil na sa pag iyak ang anak ko ng makauwi kami. Hindi ko alam paano ko sasabihin na, hindi nya tatay yun. At isang malaking kalokohan lang ang lahat. Pero kung sasabihin ko ngayon, dadagdagan ko lang ang sama ng loob nya.
Pumasok ako ng kwarto ko, habang si Lenard nasa ibaba at kasama ang Lolo nya. Binagsak ko ang katawan ko sa higaan at tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Bumuhos nanaman ang luha ko. Sumikip ang dibdib ko habang naaalala ko ang pag iyak ng anak ko. Ayoko na maulit yun.
Pero hanggang kailan?
Hanggan kailan kami ganito.
---
Lunes.
Maaga pumasok si Lenard. Habang ako, inalis ko na sa isipan ko ang nangyari last weekend. Pero akala ko ganun yun kadali.
Bumaba ako ng kwarto ng mag alarm ang phone ko. Its just 7AM in the morning. At kaaalis lang ni Lenard kasama ng Lolo nya. Naupo muna ako sa sala saka naisipan kong magkape. Nasa palengke si Mama kaya ako lang ang naiwan.
Matapos ko magtimpla ng kape, binuksan ko ang tv para manood ng morning news which is actually daily ko na ginagawa.
Back to Umagang kay Saya!
This is Rosanna reporting about Imperial's last presscon which has been revealed biggest news out of public.
Here in the video taken by one of our press, shows a little boy rumored to be Mr. Liam Imperial's son! No one knows what could be the truth behind the revelation.
Nagulat ako sa nakita sa tv. Kitang kita ang anak ko sa video na nakuhanan. Hindi magandang pangitain yun, pag nagkataon. Sasabit ang anak ko. Pati ang nananahimik namin buhay.
Nalate ako sa trabaho dahil sa balitang yun. Hanggang sa pagbyahe ko, nasa balita na yun ang atensyon ko. At natatakot ako sa pwedeng mangyari sa anak ko lalo ngayon na nakita sya on public.
"Reena?" Nagulat ako sa pagsalubong ni Chris. Nasa elevator na ako at naghihintay nalang ng pagbukas nito. Hindi ko namalayan nakabukas na at walang sumasakay.
"Sorry. Ikaw pala yan." matamlay kong tono. Para talaga akong magkakasakit sa stress.
"You look pale. May sakit ka ba?" hinipo nya ang pisngi ko at noo. Umiling ako.
"Okay lang ako Chris." sagot ko at sabay kaming sumakay ng elevator.
Sinubukan kong itext si Papa at ako na magsusundo kay Lenard sa school. Para nanaman akong di mapakali kaya ako nalang magsusundo. Bahala na, mag uundertime nalang ako.
---
"Nakita nyo ba yun balita where my student came at sinabi nya na tatay nya yun may ari ng Imperial?" Bulong ng isang teacher sa kasamahan nya.
"True. I saw it. At hindi man lang yun pinigilan ng Mama nya. Are they trying to make a scene!" Sagot pa ng isa. Naging bulung bulongan na sa mga guro ang napanood na balita tungkol sa nangyaring gulo sa presscon ng Imperial. Pati na din ang paglabas ni Lenard naging chismis na din.
"Yun nanay nya, ang kapal ng mukha nu. Dun pa talaga sa mayaman, kumapit. I mean, gusto nyang sirain yun reputation ni Mr. Liam." sunod pa ng isang guro.
"Really. How sad. Mabait na bata pa naman si Lenard." hindi alam ng mga guro na naririnig ng bata ang usapan nila.
"Mama.." nasambit nya at lumabas ng kwarto.
---
Nakatayo lang si Liam sa harapan ng eskwelahan ng bata. Naghihintay sya na maglabasan ang mga bata para makita nya si Lenard. May kasama syang isang bodyguard at isang driver. He wore his everyday business suit. After nyang makita si Lenard babalik sya sa opisina para umattend ng meeting. He just want to say sorry to Lenard at isettle down ang lahat sa nanay nito.
"Leave here okay." utos nya sa kasama nya at pumasok sya sa loob. Pinagtitinginan sya ng lahat di dahil sa kasuotan nya kundi alam nila kung sino sya. Sa laki ng impluwensya at koneksyon ng Imperial mula sa industriyang kinabibilangan nito, gayundin sa politika at ibang bagay. Malabong hindi sya makilala. He's all over the news everyday. Laman sya ng dyaryo at magazines. Isa sya sa pinakamayaman tao sa bansa.
"HOY!" Nagulat si Lenard sa batang humatak ng dala nyang bag. Halos mapaupo sya.
"Diba ikaw yun bata sa tv? Kawawa kana man, hindi ka kilala ng tatay mo!" pang aasar ng batang mas malaki sa kanya. Umeedad sya ng syam hanggang sampung taon. At sa pagkilos nya isa sya sa mga batang mahilig mambully.
"Akin na yan!" Agaw ni Lenard sa bag nya na may laman baon nya. Hindi binigay ng bata ang bag nya sa halip muli syang tinulak nito at napaupo sya.
"Walang tatay! Kawawa!" pagsigaw ng bata ganundin ang ilan nyang kasamahan na sige ang pagkantyaw kay Lenard. Naluluha na ang bata pero nagpipigil sya.
"May tatay ako!!" sigaw ni Lenard saka sinubukan itulak ang batang malaki pa sa kanya. Pilit nyang kinukuha ang bag pero hindi nya ito maabot at halos sakyan na nya ang batang nanbubully sa kanya.
"Ano ba!!" sigaw ng bata saka malakas na tinulak si Lenard dahilan para magkaroon sya ng gas gas sa siko nya. Naluha na ang bata dahil sa natamo nyang sugat. Hindi pa din sya tinigilan sa pang aasar at hinagis sa kanya ang bag nya matapos kamkamin ng mga bata ang laman baon nya.
"Kawawang bata! Walang baon! Huhuhu!" sunod pang asar ng isang bata na ayaw talaga syang tigilan.
"Oo nga! Wala naman tatay! Kawawa! Walang tatay!" sunod pa ng isa.
"Sino ang walang tatay? At walang baon?" natigilan ang mga bata ng marinig ang isang malamig at malalim na tinig mula sa isang lalake. Biglang sumambulat sa kanila si Liam na nakatayo sa likuran ni Lenard. Naka itim syang suit at ganundin ang sunglasses nya. Idagdag pa ang nakakalula nyang tangkad at lalim ng tinig nya.
"Who are you morons to say na walang tatay ang batang ito. He has a father and its me!" sigaw nya sabay nanginig sa takot ang mga bata.
"Go back to where you came from and the next time you bully my son! I'll send where you should be.. In the hell!!" nagsitakbuhan ang mga bata nang marinig ang pinagsasabi nya. Natawa sya habang pinapanood ang mga bully na yun na halos magkadapa dapa sa pagtakbo makalayo lang sa kanya.
"You okay?" he asked Lenard matapos nyang pagpagpagim ang uniform nito at nakita ang gas gas sa siko.
"Let's treat those okay." he said at hindi pa din sumasagot ang bata. Nakatingin lang sya sa mukha ni Liam at sa suot nitong sunglasses na itim.
"Forgot to remove this." he said saka tinanggal ang tumatakip sa mga mata nya. At nang makita ang bata ang mga mata nya agad sya nitong niyakap. Nagulat si Liam.
"Are you okay?" Binuhat nya ang bata habang hindi ito bumibitaw sa leeg nya. Kinuha nya ang dala nitong bag na wala ng laman.
"Lets get you buy some food." wika nya saka dinala ang bata sa canteen para kumain.
Pagpasok nila ng canteen. Pinagtitinginan sila ng tao. Walang gustong magsalita, walang lumalapit. Lumapit si Liam sa isang tindahan para bumili ng pagkain.
"What do you want?" tanong nya kay Lenard na nakayakap lang sa kanya.
"Biscuit." sagot ng bata saka kinuha ng canteener ang isang biscuit at isang juice pack. Naglabas ng wallet si Liam.
"How much?" Tanong nya sa canteener na naistarstruck na sa kanya.
"20 lang po." sagot ng babae na tulala sa kanya. Binuksan ni Liam ang wallet nya.
"Bummer." he whispered ng makitang wala syang 2o pesos sa wallet nya. Tanging laman nun ay credit cards, at 10 pieces na 1000 bill.
"I hope this would do?" naglabas sya ng malutong lutong na isang libo. At kinuha yun ng babae kahit na wala syang panukli. Kinuha ni Liam ang pagkain saka sila naghanap ng mauupuan.
"You should eat. May klase ka pa." binaba nya ang bata sa kandungan nya at binuksan ang biscuit.
"I dont want to go back there." nagulat sya sa sinagot ng bata.
"If you dont get back to study. How can you learn? I heard you're pretty smart.." nahinto sa pagkain ang bata at tumingin kay Liam.
"I'll just go back to study if you stay." hindi makapagsalita si Liam sa narinig. May meetings sya this afternoon. At sa tono ng bata gagawin nya kung ano ang sinabi nya. More like him..
Bahagya syang ngumiti habang iniisip yun. May pinagmanahan ang bata sa pag uugali nya.
"Okay. If you say so." nilabas nya ang phone nya saka nagdial. Maya maya may sumagot na tunog sekretarya nya.
"Cancel all my meetings today. No more explanations. Just cancel it okay. Resched it tomorrow or Wednesday." agad na nagrespond ang babaeng kausap nya. Nakatingin pa din ang bata habang may kausap sya.
"I'll stay for the rest of the school hours." malambing nyang sinabi at nagalak ang bata sa narinig. Muli sya nitong niyakap at hindi na kumawala pa sa kanya.
"You're heavy." biro nya habang buhat ang bata.
---
Expect some errors :)
And dont forget to vote.